Chapter 4

2010 Words
Tarinio Castillion NAGPATULOY AKO sa pagse-serve sa mga bisita. Ngunit alerto ang buo kong pagkatao sa bawat galaw ng mga ito. Hindi ko inaalis ang tingin kay Senior Armando. Ilang minuto na akong pabalik balik sa pagse-serve ngunit wala akong nakikitang babaeng pwedeng maging anak niya na lumapit sa kanya. "Waiter," tawag sa'kin ng isang matandang babae. Binigyan ko ito ng red wine lalo at malapit lamang ito sa kinatatayuan ni Senior Armando at ang mga businessmen na kausap nito. Pasimple akong tumayo doon kahit na naibigay ko na ang wine ng matandang babae. "Kailan mo balak ipakilala sa'min ang nag-iisa mong tagapagmana? Kailangan na namin siyang kaibiganin ngayon palang bago ka magretero," pabirong sabi ni Governor Elmano, I know him dahil isa rin siya sa mga tiwalang gobernador na maganda ang imahe sa publiko. "I don't want to take the risk. Magulo ang mundo na'tin kaya gusto kong mamuhay siya sa ibang bansa na tahimik," sagot ng Senior. Kumunot ang noo ko. Wala dito sa Pilipinas ang anak niya? Tila pati mga business partners niya walang alam kung sino ang anak niya. Masyado nitong pinoprotektahan ang imahe ng anak upang maging malaya sa paggalaw sa mga illegal businesses nila. Mautak. "Waiter," may tumawag sa'kin sa kabilang mesa kaya naagaw ang atensyon ni Senior Armando, hindi ko inaasahan na magkakasalubong ang tingin namin. Nawala ang ngiti niya at basi sa reaksyon niya, kilala niya ako. Pasimple akong yumuko bago nagpatuloy sa ginagawa. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. "I know you," mahina ngunit may diing sabi niya. Alam kong hindi siya gagawa ng gulo dahil makikita ng mga bisita nila ang tunay niyang kulay. Ngumiti ako. Inabutan siya ng wine, huling goblet na naiwan sa tray na hawak ko. "Nice to meet you, Senior." Sinalubong ang mga tingin niya. Bumalik na ang ngiti niya ngunit hindi ako malilinlang, alam kong gusto na niya akong patayin sa kaloob looban niya. "Tarinio Castillion." Pinagmasdan niya ang suot ko. "It's my pleasure to be served by you." "Maliit na bagay, Senior. Napakabait niyo pala, halatang ayaw pahalatang tiwali sa lipunan.l" Tumawa ako. Halata sa ekspresyon niya ang galit sa'kin. "Maiwan ko na kayo, kukuha lang ako ng panibagong wine." Nakita ko ang senyales niya sa mga tauhang nakatayo sa sulok ng venue. Malalaki ang hakbang na naglakad ako palabas ng garden, sa gilid ng mga mata ko nakita kong pasimpleng nagtatakbuhan ang mga tauhan niya. Nang makalabas ako sa harden itinapon ko sa kung saan ang hawak na tray at tumakbo patungo sa pinagtaguan ng bag ko kung nasaan ang mga gamit ko. Dinig ko na ang takbuhan nila, malaya silang makakagalaw dito sa labas dahil walang mga bisitang makakakita. "Halughugin niyo ang buong village," boses iyon ng nakaengkwentro ko iskinita. Kahit sumigaw ito ay mas malakas pa rin ang tugtog na nagmumula sa parte. Tumakbo ako patungo sa pader na inakyatan ko ngunit hindi ko pa man tuluyang nahahagis ang lubid patungo sa likod ng pader ay nakita na nila ako. Tumakbo ako sa kabilang banda. Napamura ako nang mapansing nakasunod sa'kin ang spotlight na nasa itaas ng kampo nila dahilan para mabilis nila akong masundan. Mas binilisan ko ang takbo dahil sa nagliliparang mga dagger at patalim patungo sa'kin. "Tamang takbo lang, Tari," yamot kong sabi sa sarili ko. Inilabas ko ang dagger na dala ko upang maging handa sa paglapit nila. Tinahak ko ang daan pabalik sa harden. Ayokong madamay ang mga tao dito pero wala akong ligtas kung hindi ako magiging mautak, kung magkakagulo sila madali akong makakahanap ng butas na makatakas. "Wag niyong hahayaang makapasok sa party." Gumante ako ng pagpakawala ng dagger at napangisi nang tumama iyon sa tauhan nilang malapit na sa'kin. Natigilan ako nang maramdaman ang paghapdi ng tagiliran ko. Iba't ibang mura ang lumabas sa bibig ko nang mapansing may nakabaong patalim doon. Sa bilis ng takbo ko kanina hindi ko namalayang may tumama sa'kin. Nakapasok ako sa harden bago pa sila makalapit sa'kin. Agad akong napansin ng mga bisita lalo't balot na ng dugo ang tagiliran ko na mas lalong nalantad sa puting long sleeves polo na suot ko. "Magsialisan na kayo," sigaw ko. Agad na nakagulo ang lahat. Nagkasalubong ang tingin namin ni Senior Armando, nakangisi akong itinaas ang middle finger ko. Nagtulakan ang lahat dahil sa sobrang pagpa-panic. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang humalo sa kanila. Yumuko ako at siniguradong hindi nila mapapansin ang presensya ko. Sa parking lot ang pagtakbo ng lahat, sumabay ako sa kanila. Gumapang ako sa ilalim ng kotseng pinakamalapit sa tinakbuhan ko. Mas diniinan ko ang sugat ko upang pakalmahin ang pagdudugo. Kahit na hindi komportable at mainit ang ilalim ng kotse, humanap ako ng kakapitan nang magsimula itong umandar at sumabay sa paggalaw nito. Tiniis ko ang likabok at pagtama ng katawan ko sa kongkretong kalsada patungo sa labas ng village ng mga Trei. Amanda Colen TINANGGAL KO ang facial mask sa mukha ko nang lumipas ang twenty minutes. Kanina pa ako inaantok kaso hinihintay ko ito. "Magkakapimples ka na naman sa kakapuyat mo," sabi ko sa sarili ko. Inayos ko ang maliit kong kamang kutso. "Hay, sa wakas makakahiga na." Napahikab ako. Nakakapagod ang araw na 'to. Lahat naman ng araw sa buhay ko nakakapagod. Pinatay ko na ang ilaw, humiga na at handa nang matulog ngunit napairap ako nang magsimulang mag-ingay ang aso ni Nanay Ister. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga upang pilitin ang sariling matulog ngunit palakas ng palakas ang pagtahol niya at hindi paawat. "Greeny, magpatulog ka," sigaw ko. Umalulong lamang ito at nagtatahol na naman. Inis akong bumangon at binuksan ulit ang ilaw. "Kung hindi ka lang alaga ni Nanay, matagal na kitang pinaampon." Padabog kong binuksan ang pinto at handa nang sigawan si Greeny pero napatili ako nang biglang may natumbang katawan sa'kin. "f**k," hindi ko napigilang mura. Dahil sa reflexes na rin, nasalo ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino iyon. Tarinio. Hindi ko alam pero binundol ako ng kaba dahil sa hitsura niya. Namumutla at nakapikit ang mga mata. Dumako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa tagiliran. Napamura ulit ako dahil puno iyon ng dugo. Kahit na nabibigatan sinikap kong dalhin siya sa loob. "Anong nangyari sa'yo?" Wala akong natanggap na sagot. Ibinagsak ko siya sa higaan ko. Maduming madumi ang suot niya at puno ng alikabok. Hindi magkandauga ugang hinagilap ko ang first aid kit. Narinig ko ang ungol at daing niya. Kumalat na ang dugo sa buo niyang damit. "Tanga, bakit nanginginig ka," asik ko sa sarili ko. Linapitan ko ulit siya at binuksan ang mga butones ng long sleeve polo niya na naging kulay pula na. Inilabas ko ang betadine at bulak. Tuluyan kong hinubad ang pang-itaas niya upang hindi ma-infection ang sugat niya sa dumi nito. Maraming tanong sa isip ko ngayon pero nangingibabaw pa rin ang hindi ko maipaliwanag na pag-aalala. Wala siyang malay at tila mauubusan na ng dugo sa pamumutla. Natigilan ako nang matutukan ang malalim niyang sugat. Hindi iyon tama ng baril kundi ng patalim. Saan siya nagpunta at nagkaganito siya? Napabuntong hininga ako, wala siyang ibang hawak na kaso ngayon. Malaki ang posibilidad na nagkaroon na naman sila ng engkwentro nila Saferino. Napailing ako. Ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat niya. Panay ang daing niya sa tuwing dumadampi ang gamot sa sugat niya ngunit hindi ko 'yong pinansin. Nang matapos kong linisin iyon, kumuha ako ng maligamgan na tubig sa planggana at face towel. Dahan dahan kong pinunasan ang maalikabok at madumi niyang katawan. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya. Kahit anong tanggi, gwapo talaga siya. Ang mukha niya ay hindi 'yong basta basta mo lang makakasalubong araw araw. Siya 'yong tipong titilian ng mga kababaihan, nasa lahi na rin nila 'yon dahil kilala talaga ng pamilya nila hindi lang sa pagiging mayaman kundi pagkakaroon ng magandang lahi. Napakurap kurap ako nang mapagtantong nakatitig na ako ng matagal sa kanya. Itinuon ko ulit ang atensyon sa paglilinis sa kanya. Tapos ko na ring lagyan ng benda ang sugat niya, mabuti nalang may alam ako sa bagay na 'to dahil parte ito ng buhay ko. Madalas ako ang naglilinis ng sarili kong sugat sa tuwing may engkwentro at nasusugatan ako. Nang masigurong malinis na ang itaas na parte ng kanyang katawan ay sunod kong hinubad ang slacks na suot niya. Medyo nahirapan ako sa pag-angat dahil sumasabit iton sa umbok ng kanyang p*********i. Maryosep, napakalaking tunay. Natulala ako sa laki ng umbok niya, parang tutuyuan ako ng lalamunan. Napatikhim ako. Sanay akong makakita ng umbok ng hinaharap dahil karamihan sa mga tauhan namin ay mga lalaki ngunit ngayon lang ako tila na-magnet sa ganito. Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanyang nang matapos akong linisan siya. Mabilis kong tinakpan ng kumot ang ibabang parte, laking pasalamat ko dahil may boxer siyang suot. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko at sandaling lumabas. Tinawagan ko ang number ni Saferino, agad naman itong sumagot. "Ama, nagkaroon ng engkwentro dito kanina. Naglakas loob na pumasok si Agent Tarinio sa village," humihingal na bungad nito. Naririnig ko pa ang ingay at galit na boses ni daddy. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko kung nasaan si Tarinio. Napailing ako. "Napakalakas ng loob niya para isangkalan ang sarili sa kasong 'to." "Kaya mas lalo dapat tayong mag-ingat, lalo ka na." Nakagat ko ang labi ko dahil naisatinig ko pala ang dapat ay bulong lang. "Oo, mag-iingat ako. Kumusta si Daddy?" "Nagkausap sila ni Agent Tarinio kanina, hindi siya umalma dahil marami ang mga bisita pero si Agent Tarinio ginulo ang party upang makatakas," sagot niya. Napabuntong hininga ako. "Mas higpitan niyo ang pagbabantay sa buong village para hindi na maulit ang mangyari." "Copy, Ama. Mabuti at hindi pa nakakarating si Señorita Amari nang mangyari ang gulo dito." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. May kirot na namuo sa dibdib ko. Ngayon na pala ang pagbabalik niya. Tumikhim ako. Ayokong pag-usapan pero wala rin akong magagawa dahil parte siya ng buhay ko. "Babalik na pala siya. Matagal ba siya dito sa Pinas?" "Ang sabi ni Senior Armando ay nabobored na daw si Señorita Amari sa Israel kaya medyo magtatagal siya rito." Ibinalik ko ang tingin sa madilim na kalangitan, maraming mga bituin at maliwanag ang buwan. Sumandal ako sa concrete wall sa aisle ng apartment. Malalim na ang gabi at ingay ng mga kulisap na lamang ang naririnig. Mabuti at tumahimik na si Greeny at hindi nagising si Nanay Ister. "Wag mong sasabihin sa kanya kung nasaan ako. Ayokong magkasalubong ang landas namin." "Copy, Ama. Babalitaan kita kapag nakarating na siya. Sinusundo siya ngayon ni Benj sa airport." Ibinaba ko na ang tawag. Ngayon ang pagdating niya upang walang ibang makaalam sa pag-apak niya dito sa bansa. Ilang sandali pa ang iginugol ko sa labas upang magpahangin bago bumalik sa loob. "Mom." Lumapit ako kay Tarinio nang mapansing bumubulong siya at tila kinukombulusyon. "Mom," he whispered. Niyugyog ko siya para gumising pero hindi siya natinag. Inayos ko ang pagkakakumot sa kanya nang mapansing giniginaw siya. Nararamdaman na niya ang epekto ng sugat niya, mabuti na lamang at naagapan dahil kung hindi agad siya nakarating dito ay maaari niyang ikamatay. Sa malakas na agos ng kanyang dugo kanina halatang malalim ang pagbaon ng patalim sa tagiliran niya. "Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo at sumugod ka sa teritoryo ng kalaban. Masyado kang mayabang e," litanya ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Paulit ulit niyang tinatawag ang kanyang ina. Napakalaking bulas tapos Mama's boy. Umakyat ako sa higaan at tumabi ng higa sa kanya. "I'm here. I'm here," sagot ko. Niyakap ko siya upang ibsan ang panginginig niya. Natahimik lamang akong pinapakalma ang ginaw niya. Hind ko mapigilang matawa sa sarili ko. We're enemies but I'm taking care of him right now. Masama akong tao pero hindi ko kayang pumatay ng taong walang kalaban laban. Kung malalaman ni daddy ang ginawa ko ngayon ay siguradong tuluyan na niya akong itatakwil. You are stupid, Amanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD