Chapter 3

2146 Words
Amanda NAPAINGOS ako at pinanood ang pag-alis niya. Tumawag ako ng waiter, bigla akong nagutom. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapalapit sa kanya. Sa ngayon itong credit card lang ang rason ko para sumulpot bigla sa harapan niya, kapag naisauli ko na ito tapos na. At hindi iyon maaari. Kailangan kong umisip ng paraan para araw araw ko siyang makasama at mabantayan. Nakakapagod sumunod sa kanya araw araw. Kapag naubusan ako ng rason mahahalata niya ako. Nagmasid ako sa paligid, nagbabakasakaling may makuha akong idea. Napakagwapo niya naman kong palagi akong mag-eeffort na itrack kung nasaan siya. I'm too gorgeous to follow him around, and he don't deserve my attention. Pero ngayon wala akong choice. Sinisira niya ang nananahimik kong buhay. Pagkatapos kumain lumabas agad ako. Wala akong ibang dala kundi credit card niya. Patawid na ako ng kalsada nang may lalaking patawid din. May babaeng nakabuntot sa kanya. "Kahit hindi mo ako pansinin basta hayaan mo lang akong makita ka," maiyak iyak na sabi n'ong babae. Napataas ang kilay ko. Aba, napakabata pa pero gan'on na kung umasta. Di manlag nahiya na public place ito. "Leave me alone, I don't need you," asik n'ong lalaki. Halata ang iritasyon sa mukha niya. Somehow, I understand him. Nakakairita nga naman ang gan'on. Babae siya, hindi ko man nilalahat pero ang babae dapat ang hinahabol at hindi naghahabol. We, girls are priceless, our worth is more than diamonds. It incomparable. Pero kung hahayaan na'tin ang sarili na'tin na ibaba ang worth na meron tayo it means hahayaan din na'ting mababa ang pagtingin sa'tin ng mga lalaki. It's a big no for me. We should respect ourselves, so, men will respect us. Nakatanaw lang ako sa kanila hanggang sa makalayo sila. Parang glue na nakadikit si girl kay boy. Mas lalong nilakihan ng lalaki ang mga hakbang niya. Napangisi ako. Alam ko na kung anong gagawin ko para mapalapit kay Tarinio. Hinding hindi siya makakawala sa paningin ko na hindi ako nahahalatang may ibang pakay. Umuwi ako. Nagbihis at lumabas ulit. Tinawagan ko si Saferino upang alamin ang location ni Tarinio. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito na walang magandang balita. NAKARATING AKO sa condo niya. Napakataas ng building at halatang mga mayayaman lang ang nandito. Binati agad ako ng guard. "How may I help you, Ma'am?" salubong sa'kin ng receptionist. Parang hotel sa garbo ang lugar. Gold interior design. "Pwede ko bang makita si Tarinio Castillion?" "Is he expecting you today, Ma'am?" Tumango ako. Sinungaling. "Yes, girlfriend niya ako." Ito naman ang tumango. "Please hold a seconds, Ma'am." Nagdial ito at halatang si Tarinio ang tinawagan. Nang maibaba ay bumaling ulit siya sa'kin. "Pababa na ho." Napangisi ako. Napakadali naman palang kausap ng lalaking 'yon. Naghintay ako sa lounge ng ilang minuto hanggang sa lumabas siya sa elevator. Suot ang brown plain shirt, khako short at tsinelas. Halatang bagong ligo. Napakaaliwalas niyang tignan, and the visible mustache in his jawline na halatang katutubo lang mas lalong nagdepina ng tangos ng kanyang ilong at pula ng mga labi. Napakurap ako nang maramdaman ko ang daliri niya niya gilid ng labi ko. "Naglalaway ka, sabing 'wag ipapahalata e." Tumawa siya. Umismid ako at pasimpleng kinapa ang labi ko. Wala naman. Pinunas niya na ba? "Ito na ang credit card mo, di ko na kailangan." Kinuha niya naman iyon. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" "Sa dami ng raket ko nagawi na rin ako dito at nakita kita noon pa." Tinitigan niya ako na parang tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo. Sinalubong ko ang tingin niya, mula pagkabata master ko na ang art of lying. Kahit sino walang makakabasa sa inisip ko. "Okay, as you say so." "May iba pa akong pakay." Kumunot ang noo siya. Pareho lang kaming nakatayo sa gitna ng lounge. "Say it, medyo busy ako." Gusto ko siyang irapan at taasan ng kilay pero pinigil ko ang sarili ko. "Gusto kita, ligawan mo ako," taas noong sabi ko. Sandali siyang natahimik bago malakas na tumawa. "What did you say?" "Gusto ko, ligawan mo ako," pag-uulit ko. "Pagkatapos ng kiss na ibinigay mo hindi ka na nawala sa isip ko." Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao. Ang baritono at buo niyang pagtawa ang nakahatak sa atensyon ng mga taong dumadaan. Naglakad siya papalapit sa'kin. Inilapit ang mukha sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang mabango niyang hininga natumatama sa taas ng ilong ko. "Yan ang gusto ko sa'yo, napakaprangka mo." "Wala namang dahilan para magpaligoy ligoy, hindi ako sanay na magsayang ng oras." sagot ko. Malapit nang maglapat ang mga labi namin pero hindi ako umatras. Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago dahan dahang bumalik sa mga mata ko. "Sanay ako sa mga ganitong confession. But being my girlfriend is not simple as dates and night outs." Napaawang ang bibig ko nang hapitin niya ang bewang ko. Idiniin niya ang sarili sa puson ko, ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay sa likod ng khaki short na suot niya. Napalunok ako. Ang kaninang lamig ng aircon parang nahaluan ng nakakadarang na init. Dahan dahan niyang inilipat ang labi sa leeg ko pataas sa tungki ng tenga. "I'm not gentle in bed, Amanda. I love making p*****s bleed," bulong niya. "Kaya ko 'yon, pero ligawan mo muna ako." Napaigik ako nang kagatin niya ang leeg ko bago sipsipin. Nagtagis ang bagang ko sa inis. Napakalibog niya talaga. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko ginawa, masisira ang plano ko. Nakahinga ako ng maluwag nang humiwalay siya sa'kin. Hindi ko namalayang pati paghinga ko ay pinigil ko. Nagkibit balikat siya. Itinuro ang namumula kong leeg. "Minarkahan na kita. Don't let other men touch you, even the tip of your hair." Hinalikan niya ako sa noo bago nakapamulsang bumalik sa elevator. Nanghihina akong napaupo sa couch. Ilang ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kinapa ko ang leeg ko. Paano ko tatakpan ang pamumula nito? Tarinio INABOT ko kay Anaxy ang wine at naupo sa couch. Nakatingin ako sa labas. Malalim na ang gabi pero maliwanang pa rin ang mga ilaw ng nagtataasang building. Huminga ako ng malalim. "Problema ba sa kaso?" pagbasag niya sa katahimikan. Sa lahat ng mga pinsan ko si Anax ang pinakaclose ko dahil sa pagiging magaling niyang tagapakinig at tagapayo. Ang iba kong mga pinsan madalas kalokohan ang alam. "Medyo, medyo mahirap ang kasong ito dahil malaking tao ang involve. But I can handle this." Sumandal siya sa couch. "Ayos naman pala pero bakit ang lalim ng hugot ng hininga mo?" Uminom ako bago sumagot. "Hindi na ako pabata, wala na ako sa stage na may maikama lang kontento na. Nitong nakaraan palagi kong naiisip kung paano magkapamilya, ano ang pakiramdam ng may anak. I even dream about it last night." "I understand, lahat tayo papunta d'on. I thought plano mong magbakasyon next year." "Yes, that's my plan. Pero parang hindi ko na mahihintay 'yon. Para akong binabangungot. I don't know why." Tumayo ako. Naglakad papalapit sa floor to ceiling glass wall at humarap sa malawak na syudad. "Madaling humanap ng babaeng aanakan, pero mahirap humanap ng matino at puro ang intensyon. Kung basta basta ka pipili ng babae kawawa ang mga magiging anak mo. Marry someone because of love not because of your own convenience," payo niya na sinang-ayunan ko. Bigla kong naisip si Amanda. Napailing ako. Kahit gusto kong magkapamilya hindi siya ang babaeng gusto kong idamay sa 'convenience' na sinasabi ni Anax. Looking at her fierce yet charming face, she don't deserve to be played. I know her, mabuti siyang anak at kawawa si Manang Ister kung paiiyakin ko ang anak niya. "Kung hindi ako magpapakasal for convenience walang magtatagal sa'kin. Alam mo ang klase ng trabaho ko. Wala akong masyadong oras para sa iba." Nagsalin ulit siya ng wine, itinaas upang makipagcheers kahit na hindi kami magkatabi. "Wag kang magmadali. Ang babaeng magtatagal sa'yo ay ang babaeng mamahalin ka sa kabila ng kawalan mo ng oras sa ibang bagay. Someone is created by God to accompany you in your life until you get older." Napahinga ulit ako ng malalim. Alam ko ang punto niya pero sa klase ng trabaho ko hindi uso ang gan'ong pantasya ng pag-ibig. "That Amanda girl." Napatingin ako sa kanya. "Mukha siyang matapang at hindi ka umuobra. Bakit hindi mo siya subukan?" Naalala ko ang nangyari kanina sa lounge. Napangisi ako. Alam kong prangka siya pero hindi ko inaasahan na gan'on siya katapang para humarap sa'kin. Habulin ako ng babae pero wala pa ni isa ang naglakas ng loob na utusan akong ligawan dahil gusto ako. She's really something. T inignan ko ang oras sa wrist watch ko. It's one in the morning. Inilapag ko ang goblet sa center table at kinuha ang coat ko at ang bag na ihinanda ko kanina. "I have an appointment, just lock the door when you leave." "Ako na bahala dito." Gamit ang motor ko nagmaneho ako patungo sa likod ng village ng mga Trei. May nakita akong daan dito kanina nang libutin ko ito. Ipinarada ko ang motor di kalayuan. Nilakad ko ang mapunong lugar. Isinuot ang bonet at tinakpan ang mukha ko. Dinukot ko rin ang dalawang stiletto, isang uri ng dagger knife na mas madali itong makasugat at malalim ang baon. Nang marating ko ang napakataas na pader nagmasid ako sa paligid. Walang bantay, pero maaaring nala likod ng pader na ito. Kinuha ko ang anchor rope na may locking carabiners. Ihinagis ko iyon papunta sa likod nang pader. Nang masigurong walang ingay na kasunod sinubukan kung akyatin. Naging madali iyon dahin sa tulong ng medyo may kalapitang puno. Nasa mula sa tuktok tumalon ako. Napansin kong walang bantay dito. Ibinalik ko sa bag ang lubid bago dahan dahang naglakad. Siniguro kung walang tunog ang bawat hakbang ko. Napatingala ako sa kabilang dulo nang makitang may tila spotlight na lumilibot sa bawat corner ng pader. Agad akong dumapa sa likod ng halaman nang makita papunta sa direksyon ko ang ilang. Nang dumaan ito at lumipat sa ibang parte syaka lamang ako gumalaw. Kailangan kong hanapin kung saan namamalagi si Armando Trei. Nakipagpatentero ako sa spotlight, siguradong may nakaabang na baril ang taong makikita ng liwanag nito. Tumakbo ako sa unang bahay na nadoon. Nakita ko ang mga ibang tauhan nila. Pare-pareho ang mga suot. Nilagpasan ko sila. Kung gan'on ang mga bahay sa buong village maliban sa mga Trei ay para sa mga tauhan nila. Nagpatuloy ako sa tahimik na paghahanap pero hindi ko nakita ang lalaking umiihi sa pader. Nabangga ko ito. Nanlaki ang mga mata niya pero bago pa siya makapagsalita, hinablot ko ang leeg niya at isinaksak sa lalamunan niya ang stiletto na nasa kanang kamay ko. "Rest in peace, motherfucker," bulong ko. Muli akong naglakad. Natigilan ako nang makarinig ng mga ugong ng sasakyan. Agad kong sinilip, mga magagarang sasakyan na patungo sa iisang deriksyon. Napatingin ako sa kabilang kanto at napangisi nang makita ang tila mansion na buhay na buhay ang mga ilaw sa ganitong oras. "Kapag sinuswerte ka nga naman, halatang may paparty pa ang Senior," bulong ko. Tumakbo ako patungo sa likod na parte nito. Ang mga bantay ay abala sa pag-escort ng mga bisita at ang ilan naman ay naglilibot. Ihinagis ko ang bag ko sa likod ng mga paso sa aisle patungo sa tila kusina. Hinintay ko ang maswerteng tao na lalabas. Hindi nagtagal lumabas ang isang lalaking nakabowtie at may dalang tray. Waiter. Sumitsit ako upang mapatingin siya sa'kin. Napangisi ako. Hinabot ko ang tray na dala niya, kunuha ang isang wineglass na nandoon bago ko malakas na ihinampas sa kanyang mukha. Mabilis kong ininom ko ang wine. Bago pa siya bumagsak agad ko siyang hinila sa liblib na parte. Hinubaran ko siya, ginamit ko ang damit niya para makapasok. Isinuksok ko ang stiletto sa bulsa. Nakayuko akong pumasok sa kusina dala ang tray. "Bakit ang tagal mo? Marami ang bisita at hindi pwede ang hihinay hinay dito." Salubong sa'kin ng matandag babae. Siguro ay mayordoma. Nilagyan niya ang tray ko nga sampong bote ng wine. "Ubos na ang unang dinala doon, ilagay mo ito sa mga mesa doon. Madali." Tumango lang ako. Naglakad ako palabas kahit hindi ko alam kung saan nagtungo ang mga bisita. Narating ako sa front door. Nakita ko si Armando Trei na nakatayo malapit sa pinto at may kausapn na mga bisita. Nagtatawanan. Akmang hahakbang na ako papunta sa kanila nang may kasunod na waiter na tumawag sa'kin. "Hoy, hindi diyan ang daan." Nilingon ko siya. "Doon." Itinuro niya ang aisle papunta sa kabilang parte. "Magagalit siya senior kapag pumasok ka sa bahay niya." "Akala ko tinawag nila ako," sagot ko. "May kasamabahay na nakatuka diyan. " Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Kikilalanin ko ang mga malalaking taong nandito dahil alam kong konektado 'yon sa illegal business nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD