Tarinio
DINUMPOT ko ang blue folder na inilagay ng head agent ko sa harap ko. Nasa opisina ako ngayon para sa panibagong kasong hahawakan ko. Binuklat ko iyon at binasa lahat ng impormasyon. Isang litrato ng matanda ang nakalagay doon at ang mga businesses nito.
"Kung makikita ko puro legal na business niya ang nakarehistro, of course. Sa second page ang mga illegal deals and transactions nila."
"Armado Trei. Multi billionaire, hindi basta basta ang taong 'to," sagot ko.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Kaya sa'yo ko ito ibibigay, lahat ng intel na'tin sa iba't ibang bansa hindi umobra. Hindi sila makakuha ng kongretong ebidensya. Lahat ng kasong hinawakan mo lahat successful at I will consider this case done."
"Sisimulan ko agad ito."
"Isa pa, 'wag kang magfocus sa kanya dahil front page lang siya ng kanilang business, ang totoong humahawak sa lahat ng illegal business nila ay ang anak nitong babae."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit walang picture dito? How do I know her daughter?"
"Walang nakakakilala sa anak niya, kahit isang larawan walang nakuha ang mga former intel ng kasong ito."
"That's impossible. Kung walang kahit anong picture may tendency na wala silang connection dahil hindi manlang nakitang kasama ito ni Armando Trei?"
"Iyon ang dapat mong alamin, medyo mahirap ang kasong 'to dahil hindi na'tin alam kung sino ang totoong kalaban. But, I trust you." Inayos niya ang salamin na suot. "I won't wish you good luck because I know you are always lucky and odds always in your favor. After this case, as promise I will give you a year break."
"Copy, Sir." Nang matapos ang usapan umalis agad ako. Kinabisa ko ang address ng bahay ni Armando Trei. Susubukan kong bisitahin kung gaano kahigpit ang security sa teritoryo nito.
"Hindi talaga ako pwedeng makapasok?" Nasa harap ako ng guard house ng village. Ang buong village ay pag-aari ng mga Trei. Kahit makapasok ako hindi ko basta basta mahahanap kung saan ito namamalagi.
"Hindi ho talaga, Sir. Kahit ano hong gawin niyo bawal po talaga kung walang permiso ni Senior Armando."
Pasimple kong ihinulog ang makapal kong walang, napatingin iton doon. Napangisi ako nang magningning ang mga mata niya nang makita ang credit cards at cash na nandoon. "Pwede din na'ting pag-usapan."
"Hindi--"
Hindi ko na napakinggan ang sagot niya, natuon ang atensyon ko sa itim na Bugatti Bvlgari na papalapit. Inayos ko ang ball cap na suot at tinalikuran ang guard. Kung ang buong village pagmamay-ari ng mga Trei ito lang ang mayroong gan'on kagarang sasakyan. Maaaring anak ito ni Armando dahil sa tanda nito hindi na ito ang tipong gagamit ng ganitong sasakyan.
Bumalik ako sa kotse ko. Binuksan ng guard ang gate at ilang sandali lang lumabas ang humaharurot na sasakyan. Agad kong binuhay ang makina at sinundan ito. Dahil sa bilis mas binilisan ko rin at sinigurong hindi ako mahahalata. Paliko na sana ako iskinitang nilikuan nito nang may motor na humarang sa'kin.
Napilitan akong ihinto ang sasakyan. Lihim akong napamura sa inis. Pinagmasdan ko ang papalayong Bugatti. Bumaba ako upang kausapin ang taong may-ari ng motor.
"What's up?" bungad ko.
Natigilan ako sa paglapit nang biglang may dagger na lumipad papalapit sa'kin. Tumingala ako. Nakita ko doon ang apat na lalaking nakabonet. Sa gilid nang mata ko ang nakita kong humakbang palapit sa'kin ang driver ng motor kanina. Nasa sasakyan ang baril ko at kung kukunin ko pa 'yon hindi na ako mabubuhay.
Napangisi ako. "Alam na alam agad ng amo niyo na may nakasunod sa kanya. Galing," sabi. Sinusubukan silang libangin.
"Anong pakay mo sa pagsunod sa kanya?" Inilabas nito ang dalang samurai.
Nagkibit balikat ako. "Nagandahan lang ako sa sasakyan." Isang dagger na naman ang lumipad. Umilag ako at kinuha ang pagkakataong 'yon para mabutin ang drum ng basura sa gilid. Ihinagis ko 'yon sa kaharap ko. Sa talim nh samurai niya nahati 'yon.
Tumalon pa baba ang apat, ang isa hindi pa man nakakaapak sa semento agad kong hinila at siniko ang leeg. Dinig na dinig ko ang pagkabali ng buto nito sa lalamunan. Ginawa ko itong shield habang kinakapa ang mga dagger na dala nito.
"Sa tingin mo ba makakaalis ka pa ng buhay dito?"
Natawa ako. "Nakakahiya naman kung mamamatay ako na hindi pa nasisimulan ang kaso."
Bago pa ito sumagot ihinagis ko sa dalawa ang dagger na nakapa ko. Ang isa ay mabilis na nakailag samantalang ang isa ay binaunan ng dagger sa noo.
"Nakakahiya sa lahi namin. Baka pagtawanan ako ng mga pinsan ko dahil walang Castillion na duwag." Hinintay ko ang sabay sabay nilang pag-atake. Nang mapansing isa isa silang lumalapit sa'kin napangisi ako. Halatang wala silang balak na patayin ako, dahil kung meron kanina pa sana sila sabay sabay na lumapit. Kung nagkataon sugatan na sana ako ngayon.
"Kung ako sa'yo bitawan mo na ang kaso bago ka pa mapatay," payo ng isa.
"Salamat sa friendly advice pero di ko kailangan." Dahil ayaw nilang umatake ako ang sumunod. Masugatan man ako alam kong di nila ako basta basta patayin.
Mabilis ang naging galaw ko kaya agad kong nahila ang kwelyo nito. Ibinalibag ko siya sa pader, napaigik ito. Bali ang likod. "Patayin niyo kasi ako, nakakainip kayong kalaban." Nang bumagsak sa semento sinipa ko ang ulo niya kaya nawala ng malay.
Namewang ako nang humarap sa dalawang natira. Inayos ko ang damit ko. Naglakad ako palapit sa kanila at natawa nang bigla silang tumakbo. Mga duwag. Nakakahiya sa imahi ni Armando Trei ang duwag niyang mga alalay.
"I think that's all for today. Hindi manlang ako pinagpawisan." Bumalik ako sa sasakyan at nagmaneho pauwi. Mukhang mahihirapan ako sa kasong 'to. Napakagaling makiramdam.
Amanda
MALAKAS NA sampal ang narinig ko nang pumasok ako sa bahay. Nakaluhod si Saferino at ang isa pa nitong kasama sa harap ni daddy sa sala.
"Mga stupido! Bakit hindi niyo tinuluyan? May pagkakataon na kaya pinakawalan niyo pa," sigaw niya. Nakayuko lamang ang dalawa.
Naglakad ako palapit. "Ako ang nag-utos na hindi patayin si Tarinio," sabat ko.
Nabaling sa'kin ang nanlilisik niyang mga mata. "Ano? Nakialam ka na naman sa desisyon ko?"
Sinalubong ko ang tingin niya. Ayaw niyang hindi nakatingin sa kanya kapag kinakausap niya. "Para din iyon sa ikabubuti na'tin, hindi basta bastang tao si Tarinio. Maliban sa isa ito sa pinakamagaling na agent mula America ay mas makapangyarihan sa'tin ang angkan nito. Magkakaroon ng gyera sa business industry kapag naging padalos dalos tayo at ginalit na'tin ang pamilya nila."
Pinakingga niya lamang ang mga sinabi ko. "Mas lalong lalaki ang tyansang mabunyag ang mga illegal transactions na'tin kung makikialam ang pamilya nito."
"You have a point, so what's your plan to get rid of him without offending his family?" Inilagay niya ang malaking tabacco sa kanyang bibig, lumapit ang isang tauhan upang sindihan iyon.
"Tulad ng napag-usapan na'tin gagawin ko ang lahat para maging malapit sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi siya uusad sa kasong 'to. Sabi mo nga kung kailangang pati katawan ko gamitin ko gagawin ko." Tumango tango siya, halatang satisfied sa sagot ko. Hinayaan niyang tumayo sila Saferino at idismiss.
Nagsisimula na si Tarinio sa kaso. Sinubukan niya akong sundan kanina pero mas mabilis ang mata ko kaysa sa kanya.
Tumawag ako ng dalawang maid at pinasunod ko sa kwarto ko. "Iimpake niyo lahat ng damit kong walang brand name logo sa print," utos ko. Balak kong bumalik sa apartment ni Manang Ister, ang dati naming landlady na matagal nang nagretiro. Doon ako tumira noon n'ong parusahan ako ni daddy dahil sa isang transaction na nabulilyaso. Doon ko rin nakilala si Tarinio at alam kong magaling siyang agent. Delikado kung dito ako lalabas at uuwi dahil anumang oras baka nakasunod siya.
Alam kong hindi siya titigil hanggat di nalulutas ang kaso.
"Faster," sambit ko. Kaya kong bumili ng mga damit na walang brand para bumagay sa lugar kung saan ako mamamalagi pansamanta pero lahat ng damit ko dito ay paborito ko at ngangati ako sa cheap at hindi luxury brand.
Nakarinig ako ng katok. Nilingon ko ang pinto at nakita doon si Saferino. Saferino Rio Bermantez, maliban kay Benj isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko sa iba't ibang transaction lalo na sa foriegn clients. Matalik na kaibigan na rin kong ituring ko siya.
"May kailangan ka?" tanong ko.
Umiling siya. Ngumiti. "Wala, gusto ko lang magpasalamat sa pagtataggol mo sa'min kay Senior Armando."
"It's my job. Isa pa, ako ang nag-utos kaya kargo ko kayo."
Nakasuot sita ng white fitted sando at black jeans na pinaresan ng black leather boots. Bagay na bagay ang army cut buhok. Nakasuksok ang baril sa holster na nasa bewang. Pasok sa pagiging model sa Men's magazine ang mukha at tindig niya. Para siyang sundalo kung tumindig.
"Kahit na, mabuti at hindi ka sinaktan ngayon ni Senior."
Natawa ako. "Sanay na ako sa sakit, manhid na ako sa ganyan kaya ayos lang."
"Ako na ang maghahatid sa'yo," offer niya.
Umiling ako. "Don't mind me, kaya kong umalis mag-isa. Siguradong nakilala ka ni Tarinio kaya delikado kung makikita niyang kasama kita."
Ilang segundo siyang tumitig sa'kin bago tumango. "Sige, kung gan'on lagi kang mag-iingat. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka."
Tarinio
"BAKIT TULALA ka? Nakahanap ka na ba ng babaeng poproblemahin?" Nakangising asong tanong ni Cerio. Nandito kami ngayon sa gym malapit sa condo ko.
"Tigilan mo 'ko."
"Problemang libog ba 'yan? Sa'kin ka lumapit expert ako diyan," pangungulit niya pa.
"f**k you." Ihinagis niya sa'kin ang towel niyang basa ng pawis.
"Hindi tayo talo." At tumawa siya ng malakas. "By the way, kilala mo ba 'yong babaeng dinala mo sa kwarto ni Anax? Kumusta kayo? Mukhang trip na trip mo e."
"Isang tanong pa ihahampas ko sayo ang barbel na 'to. Nagsisisi akong ikaw ang isinama ko dito." Sa lahat ng mga pinsan ko siya lang palagi ang marami ang oras kaya wala akong ibang pagpipilian kundi pakisamahan siya kahit ayaw ko.
Iniisip ko kung paano ko makikilala ang anak ni Armando Trei. Hindi ako uusad sa kasong 'to kung hindi ko siya kilala. Siguradong mas doble ang ingat nilang magtago ng impormasyon dahil alam nilang binuksan na ulit ang imbestigasyon tungkol sa mga business nila.
"Gusto mo bang sumama sa'kin mamaya sa bar? Chill tayo." Imbes na sagutin siya umalis ako, kinuha ang mga gamit ko. Nagpalit ako ng damit. Siniguro kong hindi ako mapapansin ni Cerio sa paglabas ko.
Ang Suzuki Carbon Fiber Hayabusa big motor bike ang gamit ko kaya mabilis akong nakalayo sa lugar. Humanap ako ng restaurant para kumain. Habang abala sa pagkain may naglapag ng credit card sa mesa. Hindi ako nag-abalang tignan siya dahil sa amoy palang ng pabango niya kilala ko na.
"Ito na ang card mo, one hundred thousand ang ibinawas ko."
"Okay," sagot ko.
Umupo siya sa kaharap kong upuan. "May alam ko bang naghahanap ng trabahador? Mga kakilala mo? Mga pinsan mo?"
Akala ko makakatakas na ako sa pangungulit ni Cerio. Mas malala pa pala ang panibago. "Hindi ako recruiting agency."
"Nagtatanong lang e. Ikaw di mo kailangan?"
Tumingin ako sa kanya bago umiling. "Hindi."
Napanguso siya. Hindi ko napigilang mapatingin sa labi niyang namumula. Bigla kong naalala 'yong paghalik ko sa kanya n'ong unang araw. Malambot. Masarap. Nakakaadik. "Pero serbisyo sa kama kailangan ko."
Sumama ang tingin niya sa'kin. Bumalik ako sa pagkain. Hindi siya umimik. Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin habang kumakain. "Alam kong kahit sa pagkain ay nakakatulala ako, nasa lahi 'yan. 'Wag masyadong pahalata."
"Napakayabang mo," asik niya.
"Why? I'm not handsome?" Nagkasalubong ang tingin namin. Hindi siya umiwas, nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko at gan'on rin ako. Hindi ako kumurap. Masasabi kong kakaiba ang ganda niya. Hindi nakakasawang pagmasdan. Napakabait tignan kapag hindi nagsasalita.
"O-Oo." Napangisi ako nang mautal siya.
"Alam ko na ang sagot." Susubo na sana ako pero narinig ko ang pagkalam ng sikmura. Tinignan ko siya. Napasimangot siya. Halatang nahihiya. "Do you want to eat?"
"Wala akong pambayad."
Inusog ko papalapit sa kanya ang credit card ko. "Here, you can use this. Ibalik mo nalang kapag di mo na kailangan."
Bago pa siya sumagot ay tumayo na ako at umalis.