Chapter 2

1174 Words
Nagmadali akong lumabas ng bahay at agad na sumampa sa besiklita ko. Mali-late ako nito eh, kung bakit ba kasi nasira ang alarm clock ko. "Trex, mauna na ako sayo. Mali-late na kasi ako sa first subject ko!" Sigaw ko at nagsimulang pumidal. May besiklita naman siya kaya sigurado akong makakahabol 'yon. Pagkarating ko sa labas ng school, tinabi ko kaagad ang besiklita at kinandado. "Panira talaga ang alarm clock na 'yon!" Padabog akong humakbang patungong gate. Huminga muna ako ng malalim bago tumakbo papuntang hallway. 1st floor to 5th floor, hindi sana ako malagutan ng hininga nito. "Damn it! Late na ako," bulong ko sa sarili ko. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa hawakan ng hagdan habang kinakapos ng hininga. Nasa 3rd floor palang ako tapos ito hinihingal, para akong inaatake ng asthma. "Hey! Are you okay?" "Tingin mo? Tsk! Malamang hindi. Common sense, nakikita muna ngang hinihingal 'yong tao eh," mataray kong sabi at nagsimulang tumakbo ulit. Bakit may mga taong nagtatanong pa ng ganun? Alam na ngang hindi okay tapos tinatanong pa. Ugh! I hate that guy! Pero may kahawig siya. Hindi ko lang maalala kung sino. "Hoy! Tulaley ka diyan, jusmey! Mas nauna pa ako sayo oh, naku!" "Huh? Bakit ang bilis mong naka-akyat dito sa 5th floor?" It's Trex, bruhelda kong close friend. Not bestfriend. Magkaiba 'yon. "Tsk! Malamang, nag-elevator. Two weeks ng may elevator tapos hindi mo alam?" Sabi niya tapos iniwan akong nakatanga. Aba! Malay ko bang may elevator na pala. Dalawang linggo na kayang walang pasok kasi bakasyon. Pagkatapos nung collapsed scene ko sa school, inanunsyo rin nilang may bakasyon ng dalawang linggo kaya hindi na rin ako pumasok. "Do you feel the winter day? Ang ginaw na. Wetwew! Malapit na ang pagbabalik nila." Dakdak nung babaing kasama ni Amber bakla. Sa harapan ko pa talaga sila dumaan eh. Tsk! Kay lawak-lawak ng hallway dito sa 5th floor. Teka, sino ba ang tinutukoy nilang pagbabalik? Sino ang babalik? "Don't you know the history of this academy? Kung gusto mong malaman, magbasa ka sa library. Restricted area ng library, maraming nakatagong sekrito doon." Mysterious girl passin' by. Sinundan ko siya ng tingin kaso may biglang tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako doon. Si Trex lang pala, akala ko naman kung sino na. "Tutunganga ka na lang ba diyan? Kilala mo ba 'yong babaing 'yon?" Sabay turo niya sa babaing mysteryoso ang dating. Umiling ako at nilagpasan siya. Pagka-pasok ko sa room ay agad akong naupo sa assign sit ko which is sa pinakadulo na may katabing bintana. Uminom muna ako ng tubig bago sinubsob ang mukha ko sa armchair. "Hoy! Matutulog ka na naman ba? Uso mag-aral, may test tayo mamaya. Hindi daw makakapasok si sir Jin, may lagnat." Punyemas! Hindi naman pala papasok, kung alam ko lang hindi ko sana tinakbo mula 1st floor to 5th floor. Aish! Nagulo ko tuloy ang bangs ko Hinalungat ko na lang ang bag ko at hinanap ang dapat hanapin, oh! I hate test! Nakakastress. "Anong subject ba ang susunod?" "History," ngising sambit niya. "Skip na naman ba? Alam nating pareho na boring ang History pero kailangan pa rin nating mag-sakripisyo or else you'll get 5 grade in final grade." Dagdag niya. Nginisian ko rin siya. Akala niya hindi ako nag-aral? Puwes nagkakamali siya. "Ako lang ba? FYI, nag-aral ako ng History kagabi, luckily napag-aralan ko talaga kaya sigurado akong makakasagot ako. How about you?" "Tsk! Eh di ikaw na," naupo siya sa tabi ko at inagaw ang notebook na hawak ko tapos sinimulan na niyang pag-aralan. Sus! Mangongopya lang di naman 'yan sa akin. "Stop staring, wicked witch. Mag-solve ka na lang doon sa Accounting 1, may test din tayo doon." Sambit niya habang nakatutok sa notebook. "Kk. Nga pala, nasaan si Kris? Hindi mo ata siya kasama ngayon? Break na naman ba kayo?" "Yes. Officially, sawang-sawa na akong intindihin siya tapos makikita ko lang na may kasamang babae, tingin mo makikipag-balikan ulit ako? Playboy nga naman." Chill na chill niyang sabi pero nakangisi, sigurado akong may ginawa siyang kalokohan after ng break up nila. Tsk! Tsk! Mga lalaki nga naman talaga, hindi makuntento sa isa. Hindi ko nilalahat pero ‘yong iba lang sa kanila. "May ginawa ka nuh?" "Tingin mo mapapalagpas ko ang panloloko niya sa akin? Nature na ata sa akin na manakit kapag alam kong pinaglalaruan lang ako, serves him right." "That's good." "Oh my gosh! Si Kris sinugod daw sa clinic," sigaw ni Lj mula sa labas ng bintana. Every classroom may bintana, inside na katabi ng hallway at outside na nasa labas talaga. "Whoa! Talaga? Trex, tingnan natin?" "Tigilan mo ako Emi, wala ako sa mood. Tinatamad akong tumayo, mag-aaral pa ako." "Kk. Tara Lj? Tingnan natin." "Sige. Sige." Tumakbo kaagad ako sa labas ng room at hinila si Lj papuntang clinic. Oh! Can't wait, gustong-gusto ko talagang makakita ng dugo. "Yah! Ang sakit na ng kamay ko, kalma lang kasi Emi!" "Malapit na tayo," nilingon ko siya kaso may nakabangga ako. Aray naman! Ang sakit tuloy ng ilong ko. "Emi!" Sigaw ni Lj pero hindi ko siya pinansin. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko, whoa! Ang cool ng buhok niya tapos ang puti ng balat. "Sorry, h-hindi ko sinasadya." Napaatras ako bahagya nang i angat niya ang tingin niya. s**t! Anghel ba 'tong nasa harapan ko? Bakit ang gwapo at cute niya? "Whoa!" Namangha ako sa sobrang gwapo niya pero natigilan ako nang makilala ko kung sino siya. "I-ikaw?" "Long time no see." "Vryx? I-ikaw ba 'yan?" Nilingon ko si Lj na ngayon ay nakatanga sa amin or let us na sa lalaking kaharap ko. Napaatras na lang ako nang maramdaman ko ang tingin ni Vryx mula sa likuran ko na animo'y parang binubutas. Wtf! Anong ginagawa niya dito? Hindi ba't panaginip lang ang lahat ng 'yon? "Dream becomes reality, human. Hindi ba't sinabi kong babalikan kita?" Nagulat ako nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya wearing his so deadly scary cold stare. "What for? To drink my blood?" Umiling siya. Eh, ano? Ano bang kailangan niya sa akin? "Hindi lang dugo ang kailangan ko sayo kundi ikaw. The whole you, your soul, your body, your love and your blood." "Stupid! Nababaliw ka na!" Tatakbo na sana ako nang maramdaman kong tumigil lahat, even the air pati na rin si Lj na tatakbo sana pabalik sa room. "Kailangan mo 'kong pakasalan kundi ay malalagay sa kapahamakan ang buhay mo." "Ayoko!" Hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko. What the fudge! "I choose you to be my bride and that mark serve as the sign." His eyes, I can still remember how sharp it is noong unang pagkikita namin. Tapos ngayon, sobrang mapupungay na. "Sign ng ano?" Napahawak ako sa leeg ko at holy cow! May dalawang maliliit na butas. "Marry me." Tumayo siya at walang sabing inangkin ang labi ko. He's a vampire, paano ko siya mamahalin kung tao ako? We're different. "Marry me," pag-eecho ng boses niya sa isipan ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD