Chapter 3

1238 Words
Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong wala ako sa room. Nasa rooftop ba ako? Napapikit ako nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Ang sakit sa mata! Naupo ako at nagsuklay ng buhok gamit ang mga daliri ko. "Pati ba naman sa rooftop, Emi? Naku! Mabuti na lang at nahanap kita. Ikaw na ang susunod, jusmey! Baka nakakalimutan mong may performance ka? Tsk! Saka masarap bang matulog sa sahig at diyan ka natulog? Nakikita mo naman siguro ang couch na 'yon, diba?" Sabay turo ni Trex sa couch na di kalayuan sa kinaroroonan namin. Ngayon ko lang naalala na may event palang mangyayari sa school. "Nasaan si V?" Tanong ko bigla. Bakit ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko ay may kausap ako sa hallway at si Lj ang kasama ko. "V? Sinong V? Hindi ko kilala. Nananaginip ka na naman ba? Bigla ka na lang daw nawala sabi ni Lj. Hindi ba't pupuntahan niyo ang hinapuyak kong ex-boyfriend sa clinic?" "Hindi ko na matandaan ang nangyari kanina. So wala kang kilalang V?" "Wala nga eh. Paulit-ulit? Wala akong kilalang V. Okay? Naiintindihan mo bruha ka?" "Ang test natin?" "Extended lahat, bruha ka!" Amazona na talaga. Kung maka-bruha eh, siya 'tong bruha sa aming dalawa. Tumayo ako habang nakahawak sa noo ko. Hahakbang na sana ako nang may maalala ako. "Marry me," bulong ko sa sarili ko. Sino ba ang nagsabi noon? "Yah! Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Malilate na tayo! Ikaw pa naman ang visual representative namin." "Ang sakit ng ulo ko, baka hindi ko kayanin." "Kayanin mo alang-alang sa seksyon natin." Sambit niya at hinila ako pababa sa 5th floor. "Saka pa-impress ka, baka pumunta ang mga Cullen." "Edward Cullen? Wow! May ganun dito sa school? Bumabampira lang?" "Boba! Cullen family, basta makikita mo din sila kapag nagtagal ka dito." Baguhan lang kasi ako dito sa school nila kaya wala talaga akong kaalam-alam, pupunta na lang siguro ako mamaya sa library pagkatapos ng performance ko. Gusto kong malaman ang history ng school na 'to. "Emi, may first kiss ka na ba?" What the fudge! Anong klasing tanong 'yon? "Eh? Bakit bigla mong natanong? Oi. Tigilan mo ako, wala pa akong first kiss." "Weee? Sabi kasi ni Lj may first kiss ka na raw saka halata naman eh. Based on your reaction." Nakangisi niyang sabi habang nakatuon ang tingin sa hagdan. "Utot niyo! Wala pa akong first kiss nuh! Gumagawa lang ng kuwento si Lj. Patay sa akin ang babaing 'yon, kung ano-ano ang sinasabi sayo, wala namang katotohanan." "Ayiiiiee~ defensive much, dapat sinabi muna sa akin noon. Tayo kaya ang mag-close friend dito tapos malalaman ko lang sa kaklase natin which is Lj. Naku! Lumalanadi ka na talaga." "Oi! Hindi ako lumalandi nuh! Wala talaga akong first kiss! Trex naman eh!" Natigilan ako nang mapatingin sa akin ang ilan sa mga estudyante at nagbulungan tapos 'yong iba nagtawanan. Ah! Nakakahiya! Napahagikhik ng tawa si Trex kaya sinapok ko. Pinapahiya talaga ako ng babaing 'to eh. "Aray naman! Biro lang naman kasi eh. Sus! Ang defensive mo eh. Baka nga talagang may first kiss ka. Ikaw ah!" Mapang-asar niyang sabi at sinundot-sundot pa ako sa tagiliran. "I hate you!" Inunahan ko siyang bumaba sa hagdan at kamalas-kamalasan nga naman eh, nahulog pa ako. "Hahahaha! May first ka na nga! Ang sahig!" Tawa niya. Imbes na tulungan niya ako, pinagtawanan pa kasama ang ibang estudyante. Aish! Nakakahiya. Inirapan ko siya at tumayo. Pinagpag ko ang uniform ko at padabog na naglakad papuntang music room. Music room? Social hall na sobrang lawak at punong-puno ng estudyante. Iyan ang ineekspekt ko. Pagkapasok ko sa loob, natahimik silang lahat at napatingin sa deriksyon ko. Pagkaraan ng ilang minuto, nag-hiyawan silang lahat. Wow! Mukhang walang natutulog sa kanila ah. "Nandito na ang representative ng section woods. Emily Sandoval, visual vocalist. Anong ikakanta mo hija?" "Puweding mag-rap na lang?" Natahimik silang lahat tapos biglang tumawa. Baliw lang? "Ma'am, puwede ko ba siyang makaduet? I've heard baguhan lang din siya. Hindi naman siguro masama kung makipag-duet ako sa kanya, diba?" Napatingin kaming lahat doon sa lalaking nakataas ang kamay habang nakayuko? Nakayuko talaga siya. Ayaw niya sigurong ipakita ang mukha niya. "Oh, ayos lang naman hijo. Ikaw ba si Evo Luxuriance?" "Opo. So puwede ba? Emily Sandoval?" Napamaang ang bibig naming lahat ng tumayo siya. Shems! Ang cute niya. "Gwapo naman ni kuya, sayang hindi natin siya ka-section." "Fafa number 100. Parang pang number two ang mukha niya, I mean pumapangalawang pinaka-gwapo sa school natin." "I never seen this face in my whole entire world. Only the Cullen first son, siya na ang second prince ko!" Tili nung babae na nakapag-patawa sa ibang estudyante. Wow! May sariling mundo siya? Teka, naguguluhan ako, bakit naisipan niyang makipag-duet sa akin? Dahil baguhan din siya? Saka ako ang representative ng section namin, hindi siya. Puwede kaya 'yong dalawa? "Quite students. Since kompleto na, I mean by pair na ang rep. Let's begin, sila lang ang hinihintay natin para matapos na 'to. Ipopost ko kung sino ang makakasali sa upcoming battle." "Okay po." "So Mr. Luxuriance and Sandoval, let's begin? Anong ikakanta niyong dalawa?" "Oh! I never heard her voice ganun din kay Evo. Maganda kaya ang boses ni girl?" "Tingnan na lang natin. Baka kasi masira lang niya ang boses ni Evo." "Shut up! Manoud na nga lang kayo! Wag kayong judge ng judge diyan!" Boses ni Trex at Lj. Wow! Pinagtatanggol ako? "Bago ko makalimutan, may bisita tayo galing sa Elite Dangerous Academy. Apat lang silang nagpunta dito para panuorin 'tong praktis. Kukuha sila ng sampong estudyante galing sa school natin." "Whoa!" Manghang tugon ng mga estudyante tapos napapalingon at napapalinga na ang iba. Importante ba 'yon? "Nandito sila? Kyaaaa! Makikita natin siya." "Oo nga! Si V! Makikita natin ulit siya after so many years. I can't wait." Tilian nila at nagsimulang magkagulo. Natigilan lang sila nang bumukas ang kabilang pintuan ng music room. Nagsi-upuan silang lahat at hinintay ang kung sino mang papasok. Nagulat ako nang may ibulong sa akin si Evo. Nanindig ang balahibo ko at the same time kumabog ang dibdib ko. Damn! Ano 'yon? "I bet, kasama ka sa mga mapipili nilang estudyante." "Paano mo nasabi?" Dumistansya ako sa kanya ng ilang pulgada at pinagtaasan siya ng kilay. "Trust me. Mapipili ka," ngising sambit niya. Shems! Ang ganda ng ngisi niya. Nakaka-inlove na ewan. Parang nang-iinis lang 'to eh. "Ewan ko sayo!" "Simulan niyo na." Ma'am Espanto mouthed to us kaya sinimulan na namin. [You and I Secondhand Serenade ft. Cady Groves.] Habang kumakanta ako hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya tapos nahuhuli pa niya akong nakatingin sa kanya. Damn! Ang cute kasi niyang tingnan lalo na kapag nakangiti siya, idagdag mo pa 'yong dimple niya. "Quit staring, focus." He mouthed kaya nataranta ako. "I know, I'm not alone, I'm not the only one who is broken, and I know, I never let you go." Dugtong niya habang nakatingin sa akin. Patuloy pa rin kami sa pagkanta hanggang sa matapos namin. Napangiti na lang ako nang ngintian niya ako. "Salamat," sambit ko. Mabuti na lang at naaganapan niya ang na mess kong line. "Stop staring at him! Stupid!" Someone whispered kaya napalinga-linga ako. Sino 'yon? Napalingon kaming lahat doon sa lalaking pumasok mula sa main door ng music room. Kulay abo ang buhok niya na may halong highlight at nakasout ng puting coat. That hair. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD