Chapter 5

1507 Words
Kaka-discharge ko lang ngayon sa hospital dahil sa nangyari kahapon. Nalunod lang naman ako sa dagat dahil sa call back na 'yon. "Hindi mo talaga maalala kung sino 'yong nagligtas sayo?" Tanong ni Trex at nakisabay sa akin maglakad palabas ng hospital. "Hindi eh. Wala na akong malay nun. Saka gabi na kaya sa oras na 'yon." "Paano kong nirape ka niya?" "Boba! Niligtas na nga niya ako tapos i-re-rape pa? Ayos rin 'yang takbo ng utak mo eh. Puro ka kamanyakan!" Singhal ko sa kanya. Tsk! Minsan talaga ay tinotopak 'tong si Trex. Kung ano ano ang pumapasok sa isip. "Just kidding! Nga pala, ngayon 'yong last call back. Pupunta ba kayo ni– oh! Hi, Evo? Nandito ka na pala." "Ahh, ano kasi–" napakamot siya ng buhok. "Oo nga pala! Tinext pala kita! Hahaha! Ang ulyanin ko talaga! Susunduin mo pala si Emi!" Tarantang sambit ni Trex at napapasulyap sa akin. Sinabi niya kay Evo ang nangyari sa akin? Anak ng tufo naman oh! Pinandilatan ko siya kaya agad siyang nagtago sa likod ni Evo. Hindi man lang niya sinabi sa akin na darating si Evo, hindi tuloy nakapag-bihis ng maayos. "Ngayon ba 'yong call back? I mean ngayon na talaga tayo pupunta sa school na 'yon? Puwede bang umayaw?" "Gaga! Gusto mo bang mapasabak sa gyera? Naku! Evo, pilitin mo 'yang si Emi," pagmamaktol ni Trex. Bakit ba gustong-gusto ng babae na 'to na mapunta ako sa EDA? "Ayaw mo ba akong makasama doon?" Nagpapacute ba 'tong si Evo? Kasi kung oo, baka 'di ko mapigilan ang sarili kong hindi pisilin ang pisngi niya. "Hindi! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Ano kasi– ayoko lang, may ano kasi doon– ah! Parang hindi safe. Saka nakakatakot." "Naku, Emi! Wag mong ihalintulad ang DA sa EDA! Don't judge the book by it's cover! Opportunity 'to, gaga! Ikaw rin, baka pagsisihan mo. Hays! Think about your family." "Tama si Trex. Pamilya mo rin ang nakasasalay dito." Sabat ni Evo. "Pamilya ko? Wala namang kinalaman dito ang pamilya ko." "Meron. Sino bang lumuwal at nag-alaga sayo? Tsk! Common sense naman, Emi! Kapag hindi ka pumayag, pamilya mo ang mapapahamak. EDA is not just a school. Special school 'yon!" Kung maka-sigaw naman 'tong si Trex eh. Hiyang-hiya na tuloy ako kay Evo. Ikaw ba naman ang pagalitan sa harap niya. Ngayon ko lang nakita si Trex na ganito kaseryoso. Parang sinapian ng mabuting espiritu. Paalbularyo ko na kaya? "Papayag na ako, bahala na." "Good! Mag-iingat ka doon." Para sa pamilya ko 'to! Ayokong magulo ang tahimik na buhay nila. "Mag-iimpake lang ako." Pupunta ako doon na walang dalang gamit? No way! "No need. Sila na ang bahala sa lahat, saka wala na tayong oras para doon." "Pero paano ka Trex?" Bigla kong tanong. "Okay lang ako. Go! Uuwi na rin ako," tumalikod na siya at may kung anong pinunas sa mukha niya. "Sandali lang!" Humarap siya sa akin kaya sinalubong ko siya ng yakap at pinunas ang luhang namumuo sa mata niya. "Sumunod ka ah?" "Susunod talaga ako! Mag-iingat ka doon ah? Sige na! Wala na kayong oras." "Pinagtatabuyan ako? Bruha ka talaga. Aalis na ako. Promise bibisitahin kita kapag walang pasok." "Aasahan ko 'yan. Waa! Babye na!" Mangingiyak niyang taboy sa akin. "Bye na!" Tumalikod na ako at dali-daling pumasok sa loob ng kotse ni Evo. "You can cry. Wag mong pigilan." Nagsimula na akong humikbi at humalukipkip hanggang sa makatulog ako. — Minulat ko ang aking mata nang maramdaman kong wala na kami sa siyudad. Puro bundok at mga naglakihang bahay lang ang nakakita ko ngayon. "Bus?" "Oo, 'yan ang sasakyan natin papuntang EDA." Ang laki naman ata ng bus na 'to para sa amin. Kami lang ba ang sasakay? Pero 10 pair students ang napili sa amin. So it means, 20 kaming lahat. "Nasaan ang iba?" "Nasa loob na. Sampo lang tayong napili sa DA." DA? EDA? Ano ba ang pinagkaiba niyan sa school namin? Ilan ba ang DA? Ngayon ko lang narealize na wala pa pala akong kaalam-alam sa school history na pinapasukan ko. Dapat pala ay nagpunta na ako noon pa sa library like what the mysterious girl said. "Hindi 20? Hindi ba by pair?" "Hindi lang sa performance nagbase ang mga taga EDA kundi pati sa academics. Pasok na tayo sa loob?" "Ahh, sige." Papasok na sana kami sa loob nang maunahan kami ng babae. Superb gulo ng buhok niya tapos sira-sira ang salamin, 'yon nga lang ang mabango niya. Opposite lang? "Paumanhin. Mauna na ako sa loob." Oh! Si mysterious girl? Napili rin pala siya. Teka, kay Evo ba siya nakatingin o sa akin? "Ah, sige." Nakangiti kong tugon. Ano ba naman 'tong si Evo, hindi man lang sinulyapan si girl? Sinilip ko siya habang mabilis na naglalakad. Parang hindi mapakali? Ewan lang ah, pero may iniiwasan ba siya tapos nakalukmos pa ang mga kamay niya. Nang makahanap na siya ng mauupuan ay doon niya inayos ang magulo niya buhok at tinapon ang salamin kung saan. Whoa! Ang ganda naman pala niya. "Papasok ka ba o hindi?" "Ahh, eh. Papasok. Nang-stalk lang. I mean, naghanap ng mauupuan." "Talaga? O na-love at first ka sa nerd na 'yon?" "Hindi nuh! Baka ikaw nga 'tong na-love at first sight sa kanya. Ang ganda kaya niya." "Alam kong maganda siya." "Ayiee! Kras mo nuh? Umamin ka na eh." "Pumasok na tayo, okay?" "Yieee~ okay. Pero kras mo siya?" Sinundot-sundot ko siya sa balikat. Patuloy pa rin ako sa pangungulit sa kanya habang naghahanap ng mauupuan. "Ang kulit. Maganda lang siya, okay?" "Ay! Grabe siya. Paasa ka rin eh," nakanguso kong sambit. "Huh? Paasa na agad?" "Oo, kras mo kasi siya, diba? Sinabi mong maganda eh." "Oo na lang," bored niyang sabi. Nakaisip ako ng paraan. Pagtatabihin ko silang dalawa. "Hey!" Tawag ko kay mysterious girl pero tiningnan lang niya ako. Sad life! "Makiki-upo lang ah?" Tumango naman siya at umisod. Papagitnaan sana namin siya kaso naupo na si Evo sa gilid. Hinila niya ang kamay ko kaya naupo ako sa tabi niya. Ay! Epic fail ang plano ko. "Wag munang tangkaing magtatabi kami. Sayo ako tatabi, gets mo?" "Gets po. Malinaw sa mata at panindig ko. Pfft~ may tanong nga pala ako." "Ano na naman?" Naiirita na ba 'to? Sa madaldal ako eh, kaya mas gusto kong kasama si Trex eh. Hays! Nahawaan na talaga ako ng babaing 'yon. "Tungkol doon sa napag-usapan natin noong nasa rooftop tayo–" Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko habang naka-cross arms. Naman! Tinulugan ako! Binaling ko na lang ang tingin ko sa cellphone ko at naglaro ng piano tiles. "Mag-iingat ka, anak." Text ni mama. "Ingat, Emi. Mamimiss kita. Gosh! Kailangan ko na ata ng bagong kaibigan, mababaliw ako dito." Text ni Trex. Magrereply na sana ako kaso walang signal. Nak ng tokwa naman oh! "Walang signal sa lugar na 'to. Nasa bundok tayo," sambit ni mysterious girl. "Titania nga pala. Tia na lang," pagpapakilala niya. "Emily. Emi for short. Ikaw 'yong babaing nagsabi sa akin na pumunta sa restricted area ng library, diba?" "Sshh, saka na muna natin 'yan pag-usapan. Pagdating natin sa EDA dorm." "Sorry, bawal palang usisain." "Yes, bawal talaga." Ngumiti siya na ikina-nganga ko. "Whoa! Ang ganda mo," sambit ko bigla. "Hindi naman. Mas maganda ka kaya." "Bolera hahaha. 'Di kaya!" Nagkuwentuhan at nagtawanan hanggang sa makatulog na kami. Mahabang-mahabang biyahe 'to ah. — "Emi! Nandito na tayo, gising!" "Gising!" Nagpop-out bigla sa isip ko ang mukha ni Trex kaya napatayo ako bigla. "Ayos ka lang?" Tanong ni Evo. Naguguluhan namang nakatingin sa akin si Tia. "Ayos lang ako hihi. Nasa EDA na ba tayo?" "EDA dorm pero sa EDA cafeteria ang deritso natin." Sambit ni Evo. "Kakain ba? Aww!" Kumulo tuloy ang sikmura ko. "Gutom na ba? May alam akong spot dito. Wag na lang tayong pumunta sa cafeteria. Walang matinong pagkain doon." "Ipapakita na rin namin sayo ang EDA campus," dugtong ni Tia. Teka, may alam ba sila sa EDA? "Err? May alam kayong dalawa?" "Uh, estudyante ako noon dito." Sabay sabi ni Tia at Evo. "Ang totoo niyan ay magkaklase kaming dalawa ni Evo dito, hanggang ngayon." "Eh? Wait, medyo naguguluhan ako. Eh, anong ginagawa niyo sa school na 'yon?" "Temporary student lang kami doon," untag ni Evo. "Ah, anong purpose niyo doon?" "Mag manman sa mga estudyante." Malamig na sabi ni Evo. "Naiintindihan ko na. No need to explain, magiging komplikado lang kung aalamin ko pa ang boung kuwento." Lumabas na kami ng bus at nagtungo sa lugar kung saan maliwanag. Ito na siguro amg sinasabi nilang spot. Puro bulaklak pero may mga upuan at mesa. "Yan ang EDA!" Turo ni Tia. Napatingin ako doon sa tinuro niyang campus. Whoa! Ang laki! "Ito ang spot na sinasabi ni Evo kung saan makikita ang kabuuan ng EDA. Ang laki, diba?" "Superb laki. Nakakamangha! Whoa! University 'to!" Nakanganga kong sabi. "Si V!" Tili bigla ni Tia. "Sinong V?" Nilingon ko kung saan nakatingin si Tia. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD