Chapter 4

1310 Words
Tumalikod kaagad ako nang maalala ko ang lalaking 'yon. Alam kong siya 'yon, hindi ako puweding magkamali. That hair and his fierce face. Bakit siya nandito? "Hey! Are you alright? Namumutla ka." "Ahh, ehh.. aalis na ako. May kailangan pa akong gawin sa room. Mauna na ako sayo ah?" Tinali ko muna ang buhok ko bago naglakad patungong backstage, alam kong may shortcut doon kaso sa paghakbang ko may biglang humila sa kanang kamay ko. Shit! Ang puso ko, lumabas. Damn! Hindi sana siya 'to. Napapikit ako ng mariin at nilingon kung sino man 'yong humila sa kamay ko. "Samahan na kita, mukhang nagkakagulo na sila dahil sa Cullens. Ayos lang ba? Tapos na rin naman ang performance." "S-sure. I-ikaw ang bahala. Sa backstage tayo dumaan, may shortcut doon." Tumango naman siya. Nakahinga ako ng maluwag. That was close. Akala ko talaga siya na 'yon. Si Evo lang pala pero bakit ang lamig ng kamay niya? "Why are you stuttering? Nakakita ka ba ng multo? Or takot ka sa akin?" Hinila ko siya palabas nang mahagip ng mata ko ang matalim na tingin sa amin nung V? Vryx ba 'yon? Nakilala kaya niya ako? O alam talaga niyang nandito ako sa school na 'to. Sinundan ba niya ako dito? Aish! Ang assumera 'ko. Paano 'yon magkaka-interes sa akin? Eh, isa lamang akong hamak na tao. Pero siya nga ba talaga 'yong V sa panaginip ko? O namamalikmata lang ako? "You're spacing out. Kanina pa kita napapansin, may problema ba? Problema sa mga Cullens? Natatakot ka ba?" "H-hindi. I just feeling–" Naputol ang sasabihin ko nang manghina ang tuhod ko, mabuti na lang at naalalayan ako ni Evo. s**t! Nakakahiya 'to. "Gumagawa ng eksena si girl oh. Pero in fairness, bagay sila." "Yeah! Bagay nga sila. Bagay din ang boses nilang dalawa." "I agree. Pero ang kyut talaga nung guy. Evo ba ang pangalan niya?" "Yes! Bagay sa kanya ang pangalan niya." Napatingin ako kay Evo na ngayon ay nakatingin sa akin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko nang maalala ko na naman si V. Ano bang nangyayari sa akin? "Stop flirting, human." Someone whispered. Nanindig ang balahibo ko sa tono ng boses na 'yon. Si V ba 'yon? Pero bakit? Damn! "Are you okay? Pinagpapawisan ka." "Huh? Lalagnatin lang siguro ako. Salamat." Pinilit ko ang sarili kong tumayo saka siya nginitian. "Ayos ka lang ba talaga?" "Oo, ayos lang talaga ako. Pagod lang siguro 'to." Nagsimula na akong maglakad, habang siya ay nasa likuran ko, nakasunod. "No, nasa rooftop ka lang kanina tapos pagod? You're lying." Natigilan ako sa paglalakad. Bakit niya alam na nasa rooftop ako kanina? Nandoon din kaya siya? "Huh? Paano mo nalaman? Saka napagod ako kanina sa naging performance natin." Idadag mo pa 'yong halik scene ko sa sahig. Jusq! Ayoko ng maalala 'yon, nakahiya. Inunahan niya akong maglakad at hinarap. Nakakagulat naman 'tong si Evo. "I was there pero hindi kita ginising. Umalis din kaagad ako para hanapin ang room ko." "Oh, hindi mo man lang ako ginising noong umalis ka?" "I tried. Tulog mantika ka eh. So umalis na lang ako, babalikan sana kita after nitong try out kaso nakita kita." "Kanina? Oh, I see," mahina akong napatawa. "I admit, tulog mantika talaga ako." Napangiti siya pero nawala rin agad. Huh? Bipolar lang? Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang magsilabasan ang mga estudyante sa kabilang door kasunod ang mga teacher tapos ang mga Cullen. Tumigil sila sa tapat ng pintuan at tumingin sa kinaroroonan namin. Damn! That deadly stare. "Siya 'yong babaing napadpad sa EDA, diba?" Tanong nung nag-iisang babae sa kanila. "Yeah, that cute." Sabat nung seryoso yet playful look. "Shut up, Bryce!" "Chill, nagsasabi lang ng totoo." V tsked. Ang dilim ng awra niya. Damn! Nakakatakot siya. Hindi na talaga 'to panaginip. Totoo na 'to. Sila nga! Sila 'yong nasa panaginip ko. Haharap na sana sakanila si Evo nang pigilan ko siya. Umiling ako. "Stop flirting, stupid." V whispered. Nag-eecho pa rin ang sinabi niya sa pandinig ko. "Hey! Sino ba 'yang tinitingnan mo?" "Huh? Ano? Ahh, wala." He was holding my hands pero ngayon ko lang nalaman nang mapatingin ako doon. "Really? Then, let's go." "Saan?" "Sa room. Akala ko ba ay may gagawin ka." "Sa rooftop." I mouthed saka ko hinila ang kamay niya at tumakbo patungong rooftop. — Tahimik lang kami habang nilalanghap ang simoy ng hangin. "Emi?" Nilingon ko siya. "Hmm?" "Hindi ka ba matatakot kung sakaling malaman mong may isa kang kaibigan na bampira?" Bakit kaya niya natanong? Naniniwala rin kaya siya sa mga bampira? Vampire do exist, 'til now? "Depende sa sitwasyon saka hindi naman ata nag-eexist ang mga 'yan." "Paano kung may nag-eexist pa sa kanila?" Nababaliw na rin ata 'tong si Evo. Naniniwala siya sa existence ng mga bampira? "Katibayan ang makakapag-paniwala sa akin." "Then meet me at your dream. I'll wait for you," was he said at iniwan akong clueless. Dream? Panaginip na naman? Hindi naman nagkakatotoo ang panaginip ah. Pero si V? Ugh! Ang gulo! "Woi. Tulala ka diyan? Hindi ka ba kakain? Lunch na. Nga pala, walang pasok mamayang hapon pero sa gabi malalaman ang result nung performance try out. Baka mapili kayo ni Evo doon sa call back at makapasok sa EDA." "Hindi naman compulsory, diba? Kung sakali man na mapili ako, hindi ako papasok. Dito lang ako sa school na 'to." "Boba! Opportunity 'yon. Every weekend naman ay puwede kayong lumabas, ganun daw sa EDA. Pero mag-iingat ka. Mapanganib doon." "See? Mapanganib nga, kaya nga ayaw ko." "Assumera! As if naman na mapipipili ka. Pero if ever na mapili ka, wala kang choice. Your family will face worst punishment. Ikaw din! Pag-isapan mong mabuti." Hays! Wala pa namang resulta kaya wag na munang alalahanin. "Gutom na ako, tatayo ka na lang ba diyan?" "Hindi. Gutom na rin ako." "Tara na!" Hinila na niya ako pababa sa hagdan, 'di na rin ako nagprotesta pa. Gutom na rin kasi ako kaso inaantok na naman ako. Nang nasa canteen na kami, nahiga ako sa mesa at naghikab. Nakakaantok, walang katao-tao sa dito, puro couples. Aish! Landi pa more. "Sleeping beauty, anong kakainin niyo? Ako na ang mag-oorder." "Burger steak, beef tapa. Sundae, rocky road na frappe. Hmm, spaghetti at pababa. Hihi, just kidding!" Napapeace ako nang amba niya ako ng hampas. "Hmm, kahit ano na lang." "Pakyou– oppa V. Tsk! Sige! Diyan ka lang, wag na wag kang matutulog kung ayaw mong mabatukan." "Opo!" Meanwhile, dumating na siya dala ang order namin kaya agad kong nilantakan. "Chill, para kang hindi nakakain ng isang daang taon eh." "Shut up! Gutom ako." "Nga pala, anong ginagawa niyong dalawa ni Evo sa rooftop kanina?" "Nag-make out," sambit ko at nagpatuloy sa paglantak. Napatingin ako sa kanya nang tumulo ang tubig na iniimon niya mula sa kanyang bibig. "Hahahaha! Walang-hiya ka! Naniwala ka naman?" "Punyemas ka, Emi!" Pinunas kaagad niya ang tubig sa damit niya ganun din sa bibig niya at tinapon sa mukha ko ang tissue. No manners! "Pfft! Hahaha! Damn!" "Makaalis na nga," tumayo na siya at nagmadaling umalis. "See you when I see you. Hahahaha!" "Pakyou ka, Emi!" "Ilabyoutoo!" "Aish!" Pagkatapos kong kumain ay umuwi na rin agad ako tapos nagsurf sa tabing dagat. "Emi! Gabi na! Tama na ang pagsusurf, pupunta ka pa sa school." Napatingin ako sa alon kasabay ng pagring ng phone watch ko kaya napatingin ako doon. "Call back, Evo and Emily. Welcome to EDA. Be responsible for–" Humampas sa mukha ko ang pagkalakas-lakas na alon kaya nakainom ako ng tubig, pati na rin ang ilong ko ay uminom. "Help!" Nanghina ang boung katawan ko na tila ba'y wala ng lakas para umahon. Nalulunod na ako, wala na rin akong sapat na lakas para lumangoy pa. Masydo ng malayo ang dalampasigan. "Stupid!" was all I heard before I passed out. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD