two

1493 Words
MALAS MALAS MALAS. Bakit lahat na lang ng kamalasan sa mundo nasalo ko na yata. “Bata, ano na ang balita sa pagbabayad mo. Mukhang kailangan mo na yatang magbanat ng buto.” Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng matandang panot na ito. Paano kasi may nakasalpak na tobacco sa bibig niya habang nagsasalita. “Boss, konting palugit pa po. Nagdedelehensiya pa ako ng pambayad. Kita niyo naman boss hindi naman ako tumatakas sa inyo. Dito pa din ako--” Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin ng basta na lang akong sikmuraan ng isang tauhan ni Panot. “Konti na lang din mapapatid na ang pisi ko sa kakahintay sa pagbabayad mo, Montefalco.” Galit na ang panot. Kahit anong hugot ko ng hininga ko masakit pa din ang suntok sakin. Siguro kasi wala pa din akong kain mula pa kahapon, panay tubig lang at yosi. “Boss, konting panahon pa. Promise maibibigay ko din ng buo ang utang ko. Kailangan ko lang ng malaking kliyente.” Sagot ko sa nahihirapan kong boses. Doon naman dumating si Weng, ang kinakasama ko. “Boss Handsome! Kayo pala.” Bati ni Weng kay Panot. “Handsome daw, handsama ng mukha ah kamo,” bulong ko. Pinanlakihan lang ako ng mata ni Weng, bago niya inakbayan ang matandang panot na ito. Naiinis na napaingos ako ng akayin ni Weng papasok sa kuwarto namin ang panot na iyon. Alam ko na ang gagawin ni Weng. “Pasalamat ka may Weng na palaging sumasalo sa mga kagaguhan mo.” Sabad ng isang pangit sa tabi ko. Hindi ako sumagot basta na lang akong lumabas ng bahay ko. Deretso sa maliit na tindahan sa tabi oara bumili ng sigarilyo. Halos kalahating oras din bago lumabas ng bahay ko si Panot at ang mga alipores niya. Ako naman kalahating kaha ng sigarilyo ang naubos ko kakahintay na umalis ang panot na iyon. "Theo!" Tawag sakin ni Weng. Ang sama ng tingin niya sakin habang papalapit ako sa kaniya. Panay pa ang irap niya ng makalapit na ako sa kaniya “Maligo ka na nga, kumapit na sayo ang amoy ng panot na iyon.” Sita ko sa kaniya. Nanggigigil na tumili si Weng, nolapitan niya ako at pinaghahampas sa balikat ko. “Buwisit ka talaga, Theo! Nagagawa mo pa akong laitin ng ganito. T*ng i*a ka! Kailan ka ba magtitinong hayop ka!” Panay pa din ang hampas sakin ni Weng. Hindi naman ako nasasaktan, parang wala namang puwersa ang panghahampas niya sakin. O siguro sanay na ako, madalas namang ganito kaming dalawa. Madalas kaming mag-away, walang araw na hindi niya ako aawayin. Noong una pinapatulan ko siya, pero nitong mga nakaraang buwan napapagod na akong makipagbangayan sa kaniya. “Hanggang kailan ka magbubulagbulagan na wala na tayong pera? Na kailangan mo ng maghanap ng maayos na trabaho, Theo pudpud na ang p********e ko kakapagamit sa kung kani-kanino may makain lang tayo!” napaluhod na lang si Weng ng matapos na siyang magwala. Manhid siguro akong matatawag, kung ganitong umiiyak ang babaeng alam mong mahalaga sayo dapat makonsensiya ka na. Pero bakit ako hindi ko man lang maramdaman iyon, o ni ang awa na lang para sa kaniya. “Weng, walang namilit sayong nagpakap*kp*k ka. Hindi ko din hiniling na pakainin mo ako--” Isang malakas na sampal ang inabot ko kay Weng ng sabihin ko iyon. Dapat magalit ako pero wala, wala akong maramdaman bukod sa mainit at nangangapal ang pisnge Kong sinampal niya. “Theo,” ani Weng. Siguro nahimasmasan siya, mukha na kasi siyang natatakot na para na ding nag-aalala. Huminga lang ako ng malalim bago ko siya talikuran. Ayoko ng makipagtalo. Pagod na pagod na akong makipagtalo sa kaniya. Paglabas ko agad kong pinuntahan ang segundamanong sasakyan ko. Wala naman akong balak na puntahan, basta makaalis lang ako sa p*steng bahay na ito. “Theo,saan ka pupunta? Theo!” habol sakin ni Weng. Hindi ako nakinig sa kaniya o ayokong marinig ang boses niya. Kaya nagderetso ako ng sakay sa sasakyan ko. Naabutan ako ni Weng pero hindi niya ako napigilan. Nakikita Kong nagmamakaawa siyang bumaba ako ng sasakyan but I didn't care, and I don't care at all. Bakit ba humantong sa ganito ang buhay ko? Maayos naman akong pinalaki ng mga magulang ko. Tanda ko pa kung gaano nila ako ingatan at mahalin. May kaya ang mga magulang ko, parehas na business minded at may kani-kaniyang negosyong pinapalago. Lahat ng luho ko nakukuha ko, lahat binibigay nila sakin. Pero nagbago ang lahat ng walang babalang iwanan kami ng tatay ko at sumama sa ibang babae. Nagpakamatay ang nanay ko sa mismong harapan ko sa sobrang lungkot at galit niya sa tatay ko. At ang gago Kong tatay, nang malaman na namatay na ang nanay ko kinuha ang lahat ng meron kami at walang iniwanan para sakin. Sa murang edad, natuto akong kumayod para sa sarili ko lang. Mapakain, madamitan, at may matirahan lang ako. At my young age I learned the hardest way to live. I learned how to act nice I front of everybody then be an evil if they're not looking at me. I become a con artist, I took money to some people by tricking them to invest in my imaginary business. Or help me in a certain project, or I'll ask help because I needed medication, anything that I will gain something from them. Nababaon lang ako sa utang dahil na din sa kagagawan ko. Isinusugal ko ang mga pera na nakukuha ko. Iniisip Kong dodoble ang pera na meron ako kapag naisugal ko. Pero palagi lang akong talo, hanggang sa nalulong na ako sa sugal. I even buy luxurious things to make myself presentable and look rich. Kailangan ko iyon sa trabaho na meron ako. Kailangan Kong maging mukhang mayaman para paniwalaan ako ng mga tao at mag invest sila sakin. And I need a lot of connection with people who can I used to this kind of job I have. “TUMAWAG sakin si Weng, hinahanap ka niya sakin.” Bungan ni Nelson. Kaibigan ko si Nelson simula pa noong namatay ang nanay ko. Siya ang nagturo sakin kung ano ako ngayon. “Anong sinabi mo?” Nakibit balikat siya bago naupo sa tabi ko at inabutan ako ng bote ng beer. “As usual, wala akong alam kung nasaan ka.” Sagot niya ng buksan ang alak na nasa kamay niya,”nag-away na naman ba kayong dalawa?” Inisang tungga ko lang ang laman ng bote ng beer na hawak ko. “May bago pa ba? Palagi naman siyang galit sakin.” Sagot ko naman. “Alam mo, suwerte ka na diyan kay Weng. Kahit papaano madiskarte siya sa buhay, hindi kailangan na maghintay lang ng pera na iaabot mo. Pero bro hindi ka ba nagseselos at pinapayagan mo si Weng na”¦ Alam mo, magbenta ng sarili niya.” Nag-alangan pa si Nelson sa huli niyang sinabi. Open kami sa isa't isa, alam namin ang baho ng bawat isa samin. Kaya alam ni Nelson ang trabaho ni Weng. “Alam mo naman bro, hindi ko pinilit na makisama sakin si Weng. Hindi ko siya pinilit na tumira sa bahay ko, lalo ang buhayin ako.” Alam ko malayo ang sagot ko sa tanong niya. Kasi maging ako hindi ko din alam ang sagot ko doon. Hindi ko alam kung bakit wala lang sakin kahit na kung sino-sinong lalaki ang nakakasama ni Weng. Naagaw lang ang atensiyon ko ng bigla na lang tumatakbo pababa si Hilda. Kinakasama din ni Nelson, kaibahan namin ni Nelson seryoso ang kung anong meron sila ni Hilda. May mga anak na nga ang dalawa, nag-iipon lang ang mga ito para daw makasal na sila. “Hilda, magdahan-dahan ka nga mamaya madulas ka diyan kakatakbo mo nasa hagdan ka pa naman.” Sita ni Nelson sa asawa nito. "Sorry pa, si Ma'am Tin kasi tumawag nasa labas daw siya may iaabot lang daw." Hindi na hinintay pa ni Hilda na sumagot si Nelson at deretso na itong lumabas ng bahay. Ako naman curious pero hindi halatang tsismoso sinilip ko kung sino ang sinasabi ni Hilda na Ma'am Tin nito. “Sino iyon, bro?” tanong ko kay Nelson. Nakita ko siyang nakisilip na din sa bintana. “Boss ni komander, mabait iyan. Malaki na ang utang na loob namin sa amo ni Hilda na iyan. Naku kung 'di lang magagalit si Hilda nagantso ko na iyan matagal na. Sobrang bait hindi niya iniisip na sinasamantala na siya ng mga tao sa paligid niya. Pero sabagay mayaman kaya wala lang sa kaniya ang pera. Iisipin pa noon na tulong na daw niya sa tao ung nawala sa kaniya.” Wala akong inintindi sa lahat ng sinabi niya maliban sa mayaman ang amo ni Hilda. Napapangisi ako habang nakatitig ako sa mukha ng babaeng mukhang susunod kong biktima. “Bro, alam ko ang ngisi mo na iyan. Binabalaan kita wag si Ma'am Tin at madami kaming utang na loob d'yan.” Babala sakin ni Nelson. Nginisihan ko siya. “Ako wala akong utang na loob sa kaniya Nelson. Kaya wala akong pakialam doon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD