One

1431 Words
BAKIT KUNG kailan naman pauwi ako ng probinsiya saka naman ako tinamaan ng kamalasan? Kanina lang paglabas na paglabas ko palang ng bahay, ilang beses akong nagpabalik-balik dahil ang dami kong nakalimutan. Nang nakalabas na ako ng Manila at nasa NLEX na ako maaalala ko na kailangan ko nga palang dumaan sa opisina. Kabilin-bilinan pa naman ng secretary ko na dumaan ako dahil kailangan Kong pirmahan ang payroll ng mga tauhan namin. Kaya napabalik na naman ako, tapos nawalan ako ng gasulina ng nasa NLEX na naman ako. Ang tagal pa bago ako nakahingi ng tulong. Ngayon naman nabutasan pa yata ako ng gulong. Bigla kasing pakiramdam ko bumigat ang takbo. Kahit apakan ko ang accelerator ng sasakyan ang bagal pa din ng takbo ko. Feeling ko pa nga nakasakay ako ng kabayo. "Ikaw na naman ang may gawa nito, Teofelo." Kausap ko sa litrato niya. Malalim akong napabuntong ng maigilid ko ang sasakyan at nakipagtitigan sa litrato ni Teofelo. Parang kailan lang magkasama pa kami. Nagkukulitan, nagtatalo, nagmamahalan. Pero ngayon wala na siya, bigla na lang siyang nawala na parang bula. Although inaasahan naman naming mangyayari iyon dahil na din sa mga kapatid, at magulang niya na naglaho din na parang bula. I look at his photo and the ring at my ring finger. I marry him five years ago. We marry each other and vowed to love each other till eternally. But at the same day he left me, not because he chooses to left me hanging. But he doesn't have a choice but to leave me alone. Masakit, sobrang sakit. Ilang araw, linggo, buwan na umabot pa ng taon bago ko tuluyan na natanggap na wala na siya. Na hindi na siya babalik pa sakin, na hindi ko na siya makikita pa. “Miss na miss na kita, asawa ko!” Hindi ko maalis ang pagkakatitig sa litrato niya. Ang kaisa-isang litrato na naiwanan niya sakin. Actually hindi pa nga litrato ito talaga, portrait ni Teofelo ito na galing sa unang museleo niya. Painting lang. Lahat kasi ng litrato na meron kami nawala kasama niya. Naglaho lahat na nagpapatunay na may Teofelo na dumaan sa buhay ko. Ang nakakalungkot pa, ako lang ang nakakaalala sa kaniya. Kasama ng lahat ng litrato at alaala ni Teofelo na naglaho na lang bigla. Pinalipas ko pa ang ilang minuto bago ako bumaba at tignan ang gulong ng sasakyan ko. Flat nga, as in wala ng hangin at ito na lang rim ng gulo ang dahilan ng pag-ikot ng sasakyan ko. "Alam ko na, nakalimot na naman ako. Ikaw talaga, ang lakas mong magmulto." Kausap ko na naman sa litrato niya ng pumasok ako sa loob ng sasakyan. Naalala ko naman kasi ang nangyari noong time nag-aaral kaming pareho ng pagmamaneho. Parang ganito din ang nangyari noon, nawalan kami ng gas, naplatan kami, naligaw kami at ang Malala nakalimutan namin ang wallet namin. Buti na lang at dala namin ang mga cellphone namin, nakatawag kami ng tulong. I missed being crazy with him. Ako baliw na ako matagal na bago ko pa man siya makilala. Siya naging baliw lang yata ng dahil sakin. But I love how we gone crazy together. I love the crazy things we did together. And I miss all of it, I miss the man I love the most. I miss my husband so much. “Ang daya mo,”aniko. “Nang-iwan ka na lang basta. Hindi mo man lang ako binigyan ng baby, para naman may inaalagaan ako ngayon.” Siraulo na yata ako. Kausapin ko ba naman ang litrato ni Teofelo. At sabihin ko pa na dapat nag-iwan ng souvenir na anak. Malapit na lang naman ang bahay ng mga magulang ko kung saan ako nakahinto. Kaya tinawagan ko si Daddy para sunduin ako. Kasama na namin ngayon ang daddy ko, hindi ko na siya pinasampa ng barko after kong makagraduate ng college. Dapat nga after ng nangyaring pang-iiwan sakin ni Teofelo hindi ko na papasampahin pa ng barko si Daddy. Malaki ang naiwanan na pera ni Teofelo para sakin. Actually iniwanan niya sakin ang buo nilang kayamanan. Na hindi ko kailanman pinangarap noon na maging sakin. Aanhin ko ang pera kung wala naman sa tabi ko ang pinakamamahal Kong si Teofelo. Pero pinaghandaan ni Teofelo ang lahat. Inunti-unti niyang inilipat sa pangalan ko lahat ng ari-atian nilang mag-anak. Hindi ko gusto pero wala akong mapagpipilian kung hindi ang tanggapin ang kayamanan na ito. Daang taon na pinaghirapan ng pamilya ni Teofelo ang pera na ito. Isa pa ginagamit naman nila ito sa mabuti, tulad na lang ng sa San Andres. Sila ang nagbabayad ng buwis ng buong San Andres. Para wala ng iisipin pa ang mga mamamayan ng San Andres. Kahit naman kasi daang taon na ang lumipas tinuturing pa din ng mga De Asis na kapamilya ang buong San Andres. “Bakit naman kasi hindi ka na lang nagpasundo? O kaya naman kumuha ka na ng driver mo. Hindi naman kabawasan ng pera mo ang driver anak. Makakatulong ka pa sa makukuha mong driver, makakabawas ka pa ng unemployed sa Pilipinas.” Sermon ni Daddy habang nasa biyahe kami pauwi sa bahay namin. “Daddy, hindi sa ayokong bawasan ang pera ko. Hindi lang ako komportable na may ibang lalaki akong kasama sa sasakyan.” Sanay akong si Teofelo lang ang lagi kong kasama sa sasakyan. Siya lang ang nagmamaneho para sakin. At isa pa kahit naman boyfriend ko siya noon wala siyang ginawang kalokohan sakin. More on ako pa nga ang nag-corrupt ng utak niya. Teofelo is hundred percent gentleman, hinding-hindi siya nagtake advantage sakin. Kahit pa ako na ang maghubad sa harapan niya hinding-hindi siya gagawa ng bagay na walang basbas ng simbahan as he always say it. “Ipipilit mo na naman bang magagalit ang Teofelo na iyon, kaya ayaw mong kumuha ng driver.” Nakakunot ang noo ni daddy habang nagsasalita. Malalim na napabuntong hininga naman ako bilang sagot sa daddy ko. Nasabi ko na, ako lang ang nakakaalala kay Teofelo. Maging si Devine at Kuya Dominic hindi nila kilala si Teofelo na para bang hindi sila ang naging daan kung bakit ko nakilala si Teofelo. Naiinis ako na nagagalit bakit walang makaalala na may isang Teofelo De Asis ang nakilala naming lahat at nakasama namin. Pero wala akong magagawa dahil alam ko namang kasama iyon sa misteryo ng buhay ni Teofelo. Pinagpapasalamat ko na lang na naaalala ko siya. Naaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin at naaalala ko kung paano kami nagmahalan na dalawa. Kahit pa minsan tingin sakin ng mga taong nakapaligid sakin baliw ako. Bacuse I'm claiming that I was married to a certain Teofelo De Asis which is do not exist. Na ako lang ang nakakakilala, na ako lang ang nakakaalala. Because as I was saying everything that related to Teofelo vanish in thin air as he vanish in front of me. Everything including the memory of all the people that surrounds us before. “Hindi po daddy, basta natatakot lang ako na baka may gawin sakin di maganda ang makukuha ko na driver.” Palusot ko na lang. "E'di babae ang kunin mong driver ng di ka matakot. O mas maganda kayang ako na lang ang driver mo anak. Wala naman akong ginagawa na ngayon." Tinaas-taasan pa ako ng kilay ng tatay ko habang nakangisi siya. Ako naman tinawanan lang siya, para-paraan din ang tatay ko. “Sawa ka na po bang palaging natatalakan ni mommy? Susumbong kita kay—” “Walang galang na anak, sige isumbong mo ako sa nanay mo. Nang sa ganoon wala ka ng love life habang nabubuhay ako.” Panakot naman ng daddy ko na tinawanan ko lang. Madami pa kaming napagkuwentuhan na mag-ama hanggang sa makarating kami ng payapa sa bahay namin. Pero hindi pa man nag-iinit ang puwetan ko sa bahay namin agad akong lumabas. Dali-dali akong nagtungo sa lugar na dahilan ng pag-uwi ko ng probinsya namin. “Hi! Asawa ko. Happy fifth wedding anniversary. Sorry ginabi ako, masyado mo kasing pinaramdam sakin ang araw na ito. Grabe ka talagang magmulto.” Kausap ko sa puntod ni Teofelo. Nang makabawi ako sa lahat ng heartaches ko noon. Nagpagawa ako ng museleo ng mga De Asis. Nandito ang buong pamilya De Asis, kahit pa mga wala namang laman na nitso ang nasa loob nito. At least I have place where I can go and mourn my lost. I have a place to go when I misses him so much even though I know his body is not inside of this tomb. “Miss na kita Asawa ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD