three

1257 Words
GIVING is not new to me, halos lahat ng staff ko naaambunan ng konting biyaya na nakukuha ko sa negosyo na iniwanan sakin ni Teofelo. Anyway I learned it from the De Asis, that giving is caring as I always hear from them. “Ma'am Tin-tin, nag-abala pa po kayo.” Nahihiyang inabot ni Hilda ang dala kong basket. Hilda is my personal assistant s***h secretary, I like giving her anything that can help her life lighter. Hindi ako naaawa lang sa kaniya. I don't like the idea na kinakaawaan siya. Because I know how she's giving her all best to earned a decent money for her family. May tatlo na siyang anak samantalang mas bata pa siya sakin ng dalawang taon. “Sus, wala iyan. Kinuha ko lang iyan sa bukid namin. Alam mo na madaming puno ng prutas sa probinsya namin. At sa tuwing uuwi ako doon palaging nagpapadala si Daddy ng mga prutas. Exaggerated kung magpadala si daddy, parang isang daan ang anak niya samantalang ako lang naman sa bahay. Binigay ko na sayo kaysa masira lang sa bahay.” Hindi naman ako nagtagal sa pakikipagkuwentuhan kay Hilda. Magkikita naman kami sa opisina sa lunes kaya doon ko na lang siya chichikahin. After sa bahay nila Hilda dumaan muna ako sa supermarket para mamili ng stock sa apartment ko. Pang isang buwan na ang kinuha Kong stock para naman di ako pabalik-balik sa pamimili. I'm always busy at work, hindi na nga ako nakapagturo dahil sa dami ng trabaho na nakaatang sa balikat ko. Ang dami naman kasing negosyo ng mga De Asis. May mga hotels, restaurant, mall, clothing line, pati shipping meron sila. Pero ang pinaka-main business ng mga De Asis ay real estate. Ang laki ng lupain ng mga De Asis na na develop over the years, kaya may mga subdivision na negosyo ang mga De Asis. Na ngayon nga'y ako na ang namamahala. Teofelo leave me with a huge fortune na kahit nga hindi ako magtrabaho mabubuhay hanggang sa apo ko sa talampakan. But I never wanted that way, kaya nagtatrabaho ako para magtuloy ang nasimulan ng mga De Asis. As a return, nagbibigay ako sa mga charity. And I even continue what the De Asis had started, mga foundation na sila ang founder mostly mga less fortunate at mga batang lansangan ang natutulungan. Tinuloy ko din ang pangangalaga sa buong San Andres, ako ang nagbabayad ng buwis ng mga tao doon para sa mga lupain nila. Hindi mauubos ang pera na naiwanan sakin ni Teofelo ng basta-basta. He just leaves me billions of pesos, at mas lumalago pa ito habang tumatagal. At aanhin ko ba naman ang ganitong karaming pera. Wala naman akong anak o asawa na kasamang maglulustay ng pera ko. I was too occupied with my thought until I came out from the supermarket. I even didn't notice I was already driving home until I accidentally bump with someone. “Oh my God! What I have done!” Takot na takot ako sa nangyari. Nakabangga ako ng isang tao, sa tanang buhay ko mula ng matuto akong magdrive ngayon lang ako nakaaksidente. Ang malala pa talaga nabangga ko ay tao hindi lang basta motorista. Nanginginig ang buo Kong katawan, what will I do now. Should I call a police? An ambulance? Napatulala pa ako ng ilang minuto bago ko naisipan na bumaba para makita ang kalagayan ng nabangga ko. Naiyak na lang ako ng makita ang taong nakahandusay sa lupa na wala na yatang buhay. “Oh my God!” Napalingon-lingon ako sa paligid. Why I end up in this street, that no one could see us. Agad ko siyang nilapitan para tignan kung patay na nga ba talaga siya. Hindi kasi siya gumagalaw, nakadapa lang siya. “Sobrang bilis ba nagpapatakbo ko? Oh my God talaga!” Iyak ako ng iyak habang papalapit sa lalaking nabangga ko. “Bakit naman kasi ang absent minded mo ngayon Mirasol!” sermon ko sa sarili ko ng makalapit na ako sa lalaki. Dahan dahan ko siyang hinawakan, sa takot ko na baka mas Malala pa ang mangyari kapag nagkamali ako ng hawak sa kaniya. Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang mukha ng lalaking nabangga ko. Napaupo pa nga ako sa gulat habang nakatitig ako sa mukha niya. Nakapikit siya, walang Malay pero humihinga. Para akong naparalisa sa kinauupuan ko habang hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nananaginip ba ako? O baka naman nagha-hallucinate lang ako. Masyado kasing ukupado ni Teofelo ang utak ko nitong mga nakaraang araw. “Ugh!” Nataranta na ako ng dumaing siya sa sakit. Mukhang nagkakamalay na siya, hanggang sa idilat nga niya ang mga mata niya. Ilang segundo o minuto yata ko siyang tinitigan. “Teofelo!” sigaw ko ng isara niya ulit ang mga mata niya. Nagpapanic na ako na dinaluhan siya. Kailangan ko siyang madala sa hospital sa lalong madaling panahon. HINDI AKO mapalagay habang nakatitig ako sa mukha niya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ulit, hindi lang sa litrato niya kundi sa personal. “Nurse, nakikita mo siya hindi ba?” awat ko sa nurse na magbibigay sana ng gamut kay Teofelo. Para namang nawirduhan sakin ang nurse, ngumiti siya pero halatang pilit lang. “Yes ma’am,” anito. Hindi na ako nangunit pa baka talaga isipin nalang niya na nababaliw ako. Tanungin ko daw ban a nakikita nito si Teofelo eh ito na nga buhay siya at sinasaksakan ng gamut. Wala nga lang malay si Teofelo dahil sa pagkakabangga ko sa kanya. Nang makaalis na ang nurse, balik na naman ako sa pagtitig k okay Teofelo. Hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya. miss na miss ko na ang asawa ko, kaya hindi ako magsasawa na titigan lang siya talaga. Napatayo ako ng magmulat ng mata si Teofelo at basta na lang bumangon para lang mahiga ulit at panay ang mura niya. Ang lutong ng pagkakamura niya ha, as in magugulat ka talaga kapag narinig mo ang mura niya. “T-teofelo, wag kang gumalaw. Kailangan mong magpahinga, nabugbug ang buo mong kat—” Napahinto ako sa pagsasalita ng sinamaan niya ako ng tingin, nakakatakot ang pagtingin niya sakin. Pero agad naman iyon na nagbago ng makita niya siguro na ako ito. “Ikaw ba ang nakabangga sakin?” tanong niya. Mahinahon na siya ngayon, umayos na din ito ng pagkakahiga habang hindi inaalis ang pagkakatitig sakin. Naiilang ako pero hindi ko naman magawang iaalis ang pagkakatitig ko din sa kanya. Hindi ko kayang magsalita, baka mautal ako kaya tumango nalang ako bilang sagot sa kaniya. “Ang malas ko talaga!” bulalas na lang niya tapos tumawa naman ng malakas. “Hindi ka naman malas Teofelo, aksidente lang ang nangyari. Kahit pa—” “Anong itinawag mo sakin? Theodore ang pangalan ko, hindi Teofelo.” Anito na ikina gulat ko. Ano na namang laro ng tadhana ang meron ako ngayon? Bakit ibang pangalan ang sinasabi ni Teofelo sakin? O baka talagang hindi siya si Teofelo, at nahihibang na naman ako. Ilang beses kong kinusot ang mata ko, para luminaw ang paningin. Baka naduduling ako o kaya naman nanlalabo ang mata ko. Kaya mali na ang tingin ko mukha ng lalaking ito. Pero kahit ano yatang kusot ko sa mata ko si Teofelo pa din talaga ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. “Anong pangalan mo miss?” Kailangan ko na talagang magising sa katotohanan, bakit ang sakit sa dibdib ko na tanungin niya ang pangalan ko. Ako na lang ba talaga ang nakakaalala sa lahat ng nangyari limang taon na ang nakakaraan? O baka baliw na talaga ako at kung ano-ano na lang ang naiisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD