Seven

2107 Words
Chapter 7 "NAIHATID MO ba ng maayos?" Salubong sa kanya ni Nelson pagkabalik na pagkabalik niya ng ospital. Pinilit talaga siya nitong ihatid ang amo ng kinakasama nito. Kahit napipilitan inihatid niya rin naman. Kaso nainis na naman siya sa babae. Bakit ba palagi na lang itong nasasangkot sa gulo? Muntik muntikanan na naman itong maaksidente kanina. Sa tuwing magkikita na Lang sila ng dalaga palagi na Lang may hindi magandang nangyayari. "Sa susubod hindi ko na talaga tatanggapin ang pakiusap mo kapag ang babaeng iyon ang ipapakiusap mo. May kakambal yatang malas iyong babae na iyon, may saltik Pa." Reklamo niya. Napatingin sa kanya na parang nagtataka ang kaibigan. "Bakit? Ano ba ang nangyari? Akala ko bibiktimahin mo si Ma'am Tin-tin pero buti na Lang din talaga at hindi mo Pa nagawa. Nakakahiya kung nagkataon, ang laki Pa naman ng tulong niya sa amin ngayon." Naiinis siyang naupo sa tabi nito. Ito ang bantay sa anak nitong tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. "Anong mabibiktima ko doon sa babae na iyon. Sabi mo mayaman, pero ang bahay akala mo naman isang langaw na Lang ang pipirma magigiba na." Hindi niya naman ugali na mag-open sa mga ganitong bahay kay Nelson. Sa mga biktima nila lalo na kapag solo ang lakad wala silang pakialamanan na dalawa. Pero ewan bakit siya parang bata na nagsusumbong sa nakakatandang kapatid. Naiinis na siya pero mas naiinis siya ngayon nang tumawa ba naman ng malakas si Nelson. Parang nang-iinis talaga ng sadya sa lakas ng tawa nito. "Baka malula ka sa kung gaano kalaki ang kayaman ng boss ng asawa ko. Pero mainam na ring hindi mo na siya biktimahin. Sa naitulong niya sa amin hindi ko maaatim na mabiktima mo Lang siya." Napailing na lang siya, ano naman kasi ang ikalulula niya sa nakitang estado ng pamumuhay ng dalaga. Oo nga at may abogadong kumausap sa kanya, pero company lawyer. Sigurado rin naman siyang ang sasakyan na nakabangga sa kanya ay company issue lang din sa babae. Siguro nga amo ni Helga ang babaeng iyon. Pero malamang na tauhan lang din ng kumpaya ang babae na iyon at may mataas lang posisyon. "Oh nandito ka pa pala Theodore, akala ko umuwi ka na." Kadarating lang ni Helga, may mga dala itong mga gamit siguro para sa anak nito. "Umuwi ka na rin Pa, walang bantay ang mga bata. Pinasuyo ko lang sa kapitbahay," baling ni Helga kay Nelson. Agad na tumayo naman si Nelson at tinapik siya sa balikat. "Tara na bro," aya nito sa kanya. Magkasabay lang silang lumabas ng hospital room ng bata. Hanggang sa parking, nagpasya na rin siyang isabay at ihatid ang kaibigan sa bahay nito. Gabi na rin kasi tiyak na mahihirapan na itong makasakay pauwi. "Honestly, malaki talaga ang naitutulong ni Ma'am Tin-tin sa mga mahihirap. Para siyang Santo na nagpapakahirap na magtrabaho para may maitulong sa iba." Malalim Lang na napabuntong hininga Lang siya. Kanina Pa kasi bukambibig ng kaibigan ang babaeng iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang taas ng tingin ng kaibigan niya sa babaeng iyon. He saw it with his own two eyes, hindi talaga mayaman ang babaeng iyon. Kung mayaman nga ito, edi sana may bago itong sasakyan. Hindi iyong nagpapakahirap na mag-commute makarating Lang sa pupuntahan. "Very down to earth no'n, kahit mayaman siya ang nagmamaneho para sa sarili niya. Hindi rin siya bumibili ng mamahaling mga gamit. Puro pamigay Lang ang ginagawa niya. Every month may gift giving at medical mission ang company nila," patuloy sa pagbibida ng kaibigan niya. "Yeah, yeah! Kunwari naniniwala na Lang ako," walang gana naman niyang sagot. "Ulol nito, sige okay iyan. Kasi kung sakaling bumalik ang interest mong biktimahin si Ma'am Tin ako na ang makakalaban mo," ani Nelson. "Iyang tinatawag mo na ma'am Tin-tin, gusto akong gawing driver. Asaan ang sinasabi mong down to earth doon. Mukha na ba akong pang-driver lang, sa porma kong ito mukha ba akong dukha?" Malakas na naman na tumawa si Nelson, kaya naiinis na naman siya dahil alam na alam niyang inaasar lang siya ng kaibigan. Kung hindi nga lang malaki rin ang utang na loob niya sa kaibigan niyang ito baka sinipa na niya ito palabas ng sasakyan niya. "Natawa ako doon sa mukhang dukha, bro parehas lang tayo mga dukha. Kaya nga tayo nanggagantso ng mga tao para may makain. Patusin mo na ang pagiging driver ni Ma'am Tin-tin, ayaw mo ba noon may monthly income ka na. I-side line mo na lang ang pagiging con artist mo sa iba. Magseryoso ka na sa buhay, tumatanda ka na hindi ka bumabata. Tigilan mo na rin iyang kaka-casino mo, wala ka namang napapala doon kung hindi utang." Hindi na lang siya nagsalita sa sinabi ng kaibigan niya, hanggang sa maibaba na niya ito sa bahay nito mismo hindi na siya nagsalita pa. "Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko bro, payong kapatid lang naman iyon. Ikaw pa rin naman ang masusunod sa kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. Nag-aalala lang ako sa 'yo, kasi parang wala akong naitulong sa 'yo. Parang naging masamang impluwensya lang ako sa 'yo." Sinabi iyon ni Nelson sa kanya ng makababa ito ng sasakyan, nakapasok na sa loob ang kaibigan niya pero hanggang ngayon hindi niya magawang umalis sa harapan ng bahay nito. Iniisip niya ang bawat salitang sinabi ng kaibigan niya. At iniisip niya rin ang offer sa kanya ni Tin-tin, na kaya siya nitong pasuwelduhin ng singkwenta mil kada buwan. Siguro nga malaki talaga ang respeto niya kay Nelson, kaya napapaisip siya na baka tanggapin nga niya angino-offer sa kanya ng dalaga. "Bahala na nga," ginulo pa niya ang sariling buhok bago paandarin ang sasakyan. ........................................ "AYOKO NA! Sawa na akong intindihin ka! Palagi na lang ganito ang gagawin mo! Pagod na pagod na ako Theodore! Kailan ka ba magtatanda?" Para naman siyang walang naririnig habang panay ang sigaw ni Weng sa kanya. Hindi siya nagsasalita o sumasagot kahit na kanina pa siya umaani ng mura sa kinakasama niya. Paano naman kasi guilty siya sa pagmamarakulyo ng babae. Kinuha lang naman niya ang pera iniipon nito para sa pambayad sa Panot na iyon. At ngayon nga'y wala na ang pera, naitalo niya sa sabong. Iniisip lang naman niya na baka manalo siya at kahit papano dumoble ang pera na iniipon ni Weng. Hindi naman niya inasahan na maging sa sabong pala wala siyang swerte. First time lang naman niyang magsabo, na-engganyo lang siya sa mga naririnig niyang panalo-panalo mula sa mga kabitbahay nila. Kaya sinubukan lang niya, pero iyon na nga malas lang talaga wala siyang naiuwi kahit singkong duling. "Bahala ka na sa buhay mo! Kung gusto mo na talagang mapatay ni Gonzalo sumige ka na. Wala na akong pakialam sa 'yong hayop ka!" Sigaw na naman sa kanya ni Weng. Tinitigan lang niya itong umalis ng bahay niya dala ang mga gamit nito. Hindi na bago, hindi na siya natatakot na umalis na ito sa bahay niya. Siguro nga mas makakabuti pa iyon, ang layasan na siya ng tuluyan ni Weng. Mas makakabuti iyon para sa dalaga, hindi naman na maayos ang pagsasama nila simula pa lang. Mas maganda siya na lang ang humarap sa lahat ng mga problema niya kaysa madamay pa si Weng. Kahit naman hindi niya talaga mahal ang dalaga, importante pa rin naman sa kanya ito. Ilang taon din naman silang nagsama sa iisang bubong bilang common-law couple o mas alam na tawag ay live-in partners. Walang gana na nagtungo na lang siya sa kuwarto niya para gumayak. Ngayon ang araw na gagawin na niya ang plano sa Misis Wong na sinasabi ni Nelson. Matapos gumayak agad na nagpunta na sa lugar kung saan niya makikita ang matandang hukluban. Okada Manila. Bilib din siya sa matandang iyon alam kung saan maganda pumunta para makabingwit ng mga guwapo. Sigurado naman siyang hindi ang mamahaling lugar o ang casino ang ipupunta ng matandang iyon sa Okada. Maraming mga gwapong nagta-trabaho sa lugar na iyon, at iyon ang hinahanap ng matandang iyon. Papasok siya doon bilang isang anak ng milyonaryo na naghahanap ng libangan. Kung paano nagawa ni Nelson ang makuhanan siya ng pass na may ganoong identity hindi niya alam. Kaya nga kung totoohanin man ni Nelson ang pag-alis nito sa trabahong mayron sila malaki ang mawawala sa kanya. Napakalaki ng tulong sa kanya ng Nelson, madami na kasi itong mga koneksyon na talaga naman gamit na gamit nilang dalawa. "Good afternoon sir," bati sa kanya ng receptionist o kung ano man ang tawag sa babaeng ito wala siyang pakialam. Hindi siya ngumiti at dumeretso na Lang sa loob matapos niyang ipakita ang pass niya. Wala siyang kasama si Nelson kasi ang nagbabantay sa mga anak nito dahil kailangan nang pumasok ni Helga sa trabaho. Agad niyang inilibot ang mga Mata niya sa paligid, hindi Lang ang matandang hukluban na si Misis Wong ang pakay niya dito. Kung may makikilala rin siyang isa o dalawa o mas maraming matabang isda mas maganda. Nagpa-plano na siyang sundan ang yapak ni Nelson, baka ito na ang huling beses na gagawin niya ito. Pero hindi siya titigil na hindi malaki ang perang makukuha niya sa lakad na ito. Hindi nagtagal nakita na niya ang hinahanap niya, napataas ang kilay niya na parang ang layo naman yata ng itsura ng matandang hinahanap niya sa matandang nasa hindi kalayuan sa kanya. Wala na ang makapal na make-up nito, at naaayon na sa edad nito ang ayos at pananamit. "Himala," natatawang bulong niya sa sarili. Lalapit na sana siya sa matanda ng makita kung sino ang kasama ng matandang babae. Si Tin-tin na ang ganda ng pagkakaayos, simple Lang pero elegante. Malayo sa nakikita niyang ayos ng dalaga sa ilang beses na nagkita sila nito. Umiwas siya ng kaunti para hindi siya makita ng dalaga, kilala na siya nito. Iniisip na niyang alam ng dalaga na hindi siya anak mayaman kaya mukhang palpak ang lakad niyang ito ngayon. Napansin niya na napakaraming tao, lahat mga mayayaman na nag-aaksaya Lang ng pera. "Anong meron?" Tanong niya sa isang bar tender nang lumapit siya sa bar counter para kumuha ng maiinom. "May auction pong ngayon," sagot naman sa kanya ng bar tender na kinausap. Pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid, lahat sila tutok sa kung ano ang mangyayari sa stage. "Ladies and gentlemen, I'm please to announce that our auction for tonight was held by our very own Miss Mirasol Villanueva CEO of Everlasting Group of Companies. In help for the out reach program all over the country. I know everyone is excited to know which or what items are here to be auction, there are all rare things that was gather all over the world by Miss Villanueva's teams. But before that may we call on Miss Villanueva on Stage to give us an opening remarks before we proceeds in bidding." Masigabong palakpakan ang sunod na narinig niya matapos magsalita ang sa stage. Napaunat siya sa pagkakatayo nang makitang tumayo ang tinatawag na Ma'am Tin-tin nila Helga at Nelson at nagsimula na itong maglakad papunta ng stage. Hindi na nawala ang tingin niya sa dalaga hanggang sa makaakyat na ito sa stage at ngayon nga ay katabi ng emcee at inaabot na ang mic sa dalaga. Marami itong sinabi, mga tungkol sa mga item na isusubasta ng gabing iyon. Pero wala siyang pakialam sa mga sinabi nito. Basta nakatitig Lang siya sa dalaga habang nagsasalita ito hanggang sa bumaba ito sa stage. Unti-unting napapangiti siya na nauwi sa pangngisi nang magsimula na ang bidding. Hindi mawala sa mukha niya ang tuwa habang napapakinggan ang presyo ng mga item na isinusubasta. Hindi bababa ng isang milyon ang isa, at isa lang ang ibig sabihin ng mga ito. Totoong mayaman nga ang Tin-tin na ito. "It really looks can deceive people," kaniya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa dalaga. Habang tinititigan niya ito may nabubuo na siyang Plano sa isipan niya kung ano ang gagawin niya para mahulog ito sa kanya. Hindi na niya kailangan pang magtiyaga sa isang matandang hukluban, kung may isang maganda at batang-bata naman siyang puwedeng gatasan at mukhang hindi Lang matabang isda ang isang ito kung hindi isang malaking isda na maihahalintulad niya sa isang balyena. "Totoong malulula ako sa kayaman mo, dapat talaga naniniwala ako sa kaibigan ko." Hindi na niya tinapos ang event ng gabing iyon, umuwi man siyang walang pera. Mayroon namin siyang isang planong magbibigay sa kanya ng limpak-limpak na salapi. ..............................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD