Eight

2207 Words
Chapter 8 TIN-TIN... SOBRANG puyat na puyat siya sa nagdaang event kagabi. Hindi siya puwedeng basta na lang na umalis sa Okada. Kailangan niyang tapusin ang event kahit na anong mangyari. Siya kasi ang event organizer, at kailangan niyang ma-secure ang mga importanteng mga detalye. Tulad na lang ng pagbibigay ng mga nasubastang item at kung magkano ang lahat nang napagbilhan. Ang mga nalikom na pera ay mahahati sa mga foundation na itinayo niya para sa nga mahihirap. May balak din siyang medical mission na sasamahan na niya nang libre opera. And operation means she needs a lot of tools to make it happened. May pera siya pero kailangan niya nang tulong sa iba para magawa ito. Kasi kung iaasa niyang lahat sa kinikita ng kumpanya mauubos ang lahat ng pondo niya. Hindi niya puwedeng pabayaan ang mga tauhan niya. Isa sila sa mga taong tinutulungan ng mga De Asis kaya nga iniwanan sa pangangala niya ang lahat ng kamayaman ng mga ito. Makailang biling sa kama ang ginawa niya. Antok na antok pa kasi talaga siya. Anong oras na rin kasing natapos, halos alas tres na ng madaling araw. Nakauwi siya halos sisikat na ang araw. Wala naman sana siyang reklamo dahil hindi naman siya papasok sa opisina. Ang reklamo niya lang ay bakit may kumakatok sa may pintuan niya. Halos kakatulog pa lang niya, kakapikit pa lang ng mga mata niya. "Ugh! I want to sleep!" reklamo niya ng bumangon na siya. Inis na inis dahil walang tigil sa kakakatok ang taong nasa labas ng bahay niya. "Ano ba!..." naiwan sa ere ang pagtataray niya ng mapagsino ang taong nasa labas ng bahay niya. "Good afternoon Ma'am Tin-tin, Theodore Montefalco at your service." Iyong ngiti ng lalaking ito makalaglag panty sa sobrang ganda. Napakurap-kurap siya habang nakatitig sa nakangiti nitong pagmumukha. Hindi nakapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Pero may na-realize siyang ikinalaki ng mata niya. Agad siyang napatingin sa sarili niyang katawan, tapos mukha na naman ng lalaki. "Ah!" sigaw niya nang malakas. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Kung tatakpan ba ang katawan, o mukha muna o isasarado ang pintuan. Sa huli mas naisip niyang isara na ang pintuan at dali-daling umakyat papunta sa kuwarto niya. "Nakakahiya," pagalit niya sa sarili. Naka-night gown lang naman siya na see through at wala siyang suot na bra. Nakakahiya sobra, pero anong magagawa niya nagkagulatan na kasi. Bakit naman kasi bigla-biglang nagpapakita ang lalaki na iyon. Ayan tuloy nasilayan ang pakatago-tago niyang alindog. Kung alindog nga bang matatawag ang meron siya. Para naman kasing nakakita ng aparisyon si Theodore nang makita siya nito sa gano'ng itsura. Naiinis siyang isipin na may ibang nakakita na nang katawan niya bukod sa sarili niya. Kung si Teofelo nga hindi man lang inisip na silayan ang katawan niya noong magkasama pa sila. .......................... "ANONG SABI MO?" Kulang na lang lumuwa na ang mga mata niya habang nakatitig kay Theodore. Nasa loob na ito ng bahay niya. Mabilis siyang nagpalit ng damit at totoong nagmamadali siya dahil baka umalis na ang lalaki. Baka mainip or something, tapos aalis na ng hindi man lang sinasabi ang dahilan ng pagpunta nito. Kaya laking gulat niya na makitang naghihintay pa rin ito sa labas ng bahay niya. Nakasandal sa sasakyan nito habang nakatanaw sa bahay niya. Ang gwapo niyang tignan habang nakasandal sa sasakyan nito. Parang heartthrob sa campus, bad-boy image na kinababaliwanan ng mga college students noong nag-aaral pa siya. At ngayon nga ay nasa loob na sila ng bahay niya. Pinapasok na niya, kasi agaw atensyon ang damulag. Panay ang linhon at tanaw ng mga dilag sa gigilid. "I said I'll accept your offer as your driver." Kampante itong nakaupo sa mumurahing sofa niya. Parang hindi bagay ang sofa niya sa lalaking ito. Parang nagmukhang basahan ang mga gamit niya samantalang halos bago pa naman ang mga gamit niya dito sa bahay. Masyadong gwapo ang damulag, na sa tingin niya mas nagiging gwapo habang tumatagal na tinititigan. "And why you change you're mind?" Naguguluhan na tanong niya dito. Malinaw pa kasi sa isip niya kung paano siya nito tanggihan noong nakakaraang linggo. Tapos ngayon gusto na nitong maging driver niya. "I need a job, nawalan ako ng trabaho. When you offer me to become your driver I still have a job. Eh natanggal ako, madami akong utang na kailangang bayaran kaya..." nagkibit balikat ito na hindi na itinuloy ang iba pang sasabihin. Napabuntong hininga at napasandal siya sa kinauupuan. Nang mag-cross arm siya napansin niyang napatingin sa may gawing dibdib niya ang binata. Na sinundan naman niya ng tingin. Naalala na naman niya ang nangyari kanina lang. Kaya umayos siya ng upo at inayos din ang suot na damit. Nakasuot na nga lang siya ng maluwang na tshirt at jogging pants feeling niya nakasuot pa rin siya ng see through na damit. "Okay, I'll pay your depths. Kailan ka magsisimula?" This time si Theodore naman ang napaayos nang upo. Mula sa prenteng nakaupo na nakadekwatro ay tumuwid ito ng ito. Mukhang nagulat sa sinabi niya, pero alin doon ang nakakagulat. "Babayaran mo ang utang ko?" Tanong nito. Alanganin siyang napangiti, bago niya abutin ang bag niya na nasa center table lang palagi. Inilabas niya roon ang cheque book niya, pinirmahan lang niya iyon at pumunit na ng isa at iniabot sa binata. "Just put the exact amount you needed, ikaw na ang bahala. Can you start tomorrow? Hindi kasi ako papasok ngayon sa opisina, I'm a bit tired from the event last night. Balik ka na lang bukas ng umaga around seven, iyong sasakyan mo na muna ang gamitin natin. I haven't pick up my car from the auto repair since the incident." Minadali niya talaga ang pagsasalita, nagsisimula na kasi siyang makaramdam ng awkwardness habang titig na titig ito sa kanya. Makikita na gulat at mangha ang lalako habang nakatingin sa kanya. Alam niya kung bakit, maraming nagsasabi na masyado siyang mabait pagdating sa mga taong tinutulungan niya. Ang sa kanya lang naman, kaya siya nasa posisyon na ito ngayon ay dahil kailangan niyang ituloy ang nasimulan ng mga de Asis. Iyon ang tumulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan. Sabi pa sa kanya, marami nang nananamantala sa kabaitan niya. Alam niya rin naman iyon, alam niya kung kailan siya dapat huminto sa pagtulong sa isang tao. Kung sinasamantala siya ng mga taong tinutulungan niya wala soyang pakialam. As long as nakikita naman niyang umaangat ang mga taong tinutulungan niya. At kapag nakita na niyang kaya na nito ang buhay-buhay doon siya bibitaw sa mga ito. "Your too good to be true," sabi ni Theodore. Pinilit niyang mangiti, pero mukhang ngiwi ang nagawa niya kaysa sa ngiti. Tumayo na lang siya, "indeed, I'll see tomorrow Mister Montefalco." Deretso na siya sa hagdan, pero bago siya umakyat nilingon Pa niya ito na hanggang ngayon nakaupo Pa rin ang lalaki sa sofa niya at nakatalikod sa kanya. His not moving like his freeze while sitting in her couch. "You know your way out right? Pakisarado na lang ang pintuan kapag umalis ka na." Mabilis siyang umakyat sa kuwarto niya at nagsarado ng pintuan. Ang bilis ng t***k ng puso niya, para siyang nakipagkarera sa sobrang bilis. "Oh! asawa ko, hindi ako nagtataksil sa 'yo ah! Sadyang kinakabahan lang ako sa kamukha mo. Kung nandito ka lang nakikita mo naman kung ano ang lamang niya sa 'yo 'di ba? At makikita mo rin kung pa'no niya ako tignan." Para siyang nasisiraan ng bait na kinakausap ang litrato ni Teofelo sa gilid ng kama niya. Nang muntikan siyang manakawan ng bag nagpagawa na siya ng maraming kopya ng litrato ng yumaong asawa. Para kung mawala man ang isa may kopya pa siya bukod iyong nasa museleo ng mga de Asis. ............................ THEODORE... NAKATITIG siya na natutulala sa hawak niyang blank cheque na ibinigay ni Tin-tin sa kanya kanina. Nakauwi na siya't lahat-lahat pero hanggang ngayon hindi Pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kanina sa bahay ng dalaga. Hanggang ngayon nakatatak Pa rin sa isip niya ang tanawin na Hindi niya sinasadyang makita. He just saw Tin-tin wearing only a nighties, a see through one and nothing under neath with it and just her panty. Kita niya ang mayayaman nitong dibdib na parang nang-eengganyo sa kanyang hawakan niya ang mga ito. Ang tagal niya ring natulala sa harapan ng nakasaradong pintuan ng bahay nito. Nang makabawi na sa pagkabigla bumalik na siya sa sasakyan para sana umalis. In his mind state malamang baka kung anong gawin niya mabulilyaso Pa ang ang lahat. But he can't go home with empty handed, kahit makuha Lang niya ang first base niya which is makuha ang trabaho na inaalok nito. Kapag nakapasok na siya sa buhay nito saka na siya kikilos para sa iba Pa niyang Plano para dito. Iyong naiisip na uuwi na Lang Sana ay nauwi sa paghihintay sa paglabas ng dalaga. Hindi naman siya naghintay ng matagal, agad din na bumukas ang pintuan at lumabas doon si Tin-tin. Maayos na ang suot nito kahit mukhang nagmadaling magpalit ng damit. Napangiti siya sa naisip na malakas ang atraksyon na namumuo para sa dalaga. Kita niya kung paano siya nito tignan nang may paghanga. Ang ikinagulat niya sa lahat ay ang pinagkatiwalaan na siya nito agad. And the proof is the blank cheque his holding with a clear as in crystal clear signature from Tin-tin. Nagsisimula na siyang maniwala sa kaibigan na talagang malulula siya sa laki ng halagang mayro'n ang Tin-tin na iyon. Naaakit siyang lagyan ng lagpas Pa sa kailangan na halaga para maibayad sa utang niya. Pero hindi niya ginawa, kailangan niyang makuha muna ang buong tiwala ng Tin-tin na iyon. Hindi niya alam baka naman sinusubukan Lang siya ng babaeng iyon. Mas maganda nang maging maingat kaysa mauwi na naman siya sa bokya. Kumuha siya ng ballpen at isinulat ang pangalan niya ro'n at ang halaga na isang daang libong piso. Kulang iyon sa kailangan niyang ibayad, halos isang milyon ang utang niya kay Panot Pa Lang iyon. Wala Pa iyong mga small time na nauutangan niya na sinisingil na rin siya. "Kailangan ko ng investment, magtitiis na muna ako sa mga habol nang habol sa 'Kin na mga maniningil kaysa naman mauwi na naman ako sa wala." Kausap niya sa cheque na hawak niya. Nang araw na rin na iyon hinanap niya si Panot para ibayad ang pera na na-encash niya. "Saan ka naman nakakuha ng ganitong halaga? Hindi mo Pa sinulit maano ba namang kinuha mo na lahat nang utang mo sa Akin nang bayad ka na," sabi Pa ni Gonzalo nang iabot na niya ang pera. Naiinis siya pero hindi niya ipinahalata, "nagde-delehensya Pa ako bossing. Bigyan mo Pa ako ng kaunting palugit, mababayaran ko rin lahat ng mga utang ko sa inyo." Kailangan niyang maging mabait sa harapan ng lalaki kahit Pa gusto na niya itong bigwasan sana. "Bibigyan Lang kita ng isang linggo para mabayaran na lahat ng utang mo sa Akin. Kapag lumabis ka roon, pasensiyahan na Lang tayo bata." Isang linggo, hindi niya kakayanin ang binibigay nitong palugit. Hindi naman ganoon kadaling makuha ang tiwala ng babae na iyon. Gaya ng sabi niya baka sinusubok Lang siya ng dalaga sa pagbibigay sa kanya ng blankong tseke. "Boss, hindi ko kaya ng isang linggo. Bigyan ninyo ako kahit dalawang buwan Pa, magbibigay na rin ako ng interest at bonus basta makuha ko Lang itong inaawitan ko ngayon. Sure akong makakabayad na ako sa 'yo, dalawang buwan Lang boss." Panay ang tanggi ng Panot, "kung makakapagbigay ka ng kalahati ng utang mo hanggang bukas baka isipin ko Pa ang sinasabi mo." Basta na Lang siyang iniwanan ng kausap, nang hindi na niya ito matanaw saka siya nanggigigil na nagpapadyak sa inis. Nagsisisi na siyang hindi niya isinulat ang talagang halaga na kailangan niya, na sana inilagay na Lang niya sa tseke ay dalawang milyon edi sana solve na siya. Takasan na na Lang niya ang Tin-tin na iyon at magtago. "Malas!" Sa inis niya nagpunta siya sa isang Bar hindi kalayuan sa kung nasaan siya para magpakalango sa alak, at syempre sa babae. Dala niya ang inis niya hanggang sa kinabukas, tanghali na siyang nagising. Wala siyang gana na magkikilos, pero bigla niyang naalala ang usapan nila ni Tin-tin. Panay ang mura niya habang nasa biyahe siya papunta sa apartment ni Tin-tin. Alas diyes na ng umaga, late na late na siya baka nga wala na roon ang babae kapag dating niya. Tama nga siya, wala na roon ang dalaga ano ba naman ang aasahan niya. May trabaho ang si Tin-tin malamang hindi na siya hihintayin nito. Ang tanga Lang niya hindi man Lang niya nakuha ang number nito para sana tawagan niya ito kung saan niya ito pupuntahan. "Tama, sa Everlasting group of companies." Napapitik Pa siya nang maalala kung saan nagta-trabaho ang dalaga. Naalala niya rin habang nasa biyahe siya noong araw na pinuntahan niya ang dalaga sa kumpanya nito. Wala naman ibang pupuntahan iyon kung hindi doon, kaya malamang na doon niya Lang ito makikita ngayon. ...........................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD