chapter 6
TIN-TIN...
KAHIT NA anong busy niya at taranta niya habang inaasikaso ang anak ng kanyang secretary, hindi niya naiwasan na hindi mapasulyap sa kasamang binata ng kinakasama ni Helga.
Si Theodore ang nakikita niya ngayon.
Hindi siya sigurado kung kasama nga ba talaga ni Nelson ang binata. Pero kasi ano naman ang ginagawa ng lalaking ito sa hospital. Unless naaksidente na naman ito at kailangan na gamutin.
Muli niya itong nilingon at sinipat ang buong katawan nito. Busy itong nakikipag-usap kay Nelson, ngayon sigurado na siyang si Nelson nga ang dahilan kung bakit nandito si Theodore.
Balik tayo sa katawan ni Theodore, mula ulo hanggang paa ang ginawa niyang pagsipat sa binata. Wala talagang ipinagkaiba sa pinakamamahal niyang si Teofelo si Theodore. Kahit sa tindig na Lang parehas na parehas sila, sa buhok Lang yata nagkaiba. Kasi itong si Theodore medyo may pagka-bad boy ang image kaya ang gupit messy o baka hindi Pa Lang nagpapagupit ang binata kaya messy ang buhok. Samantalang si Teofelo naman palaging neat ang buhok, palaging nakaayos at palaging maikli Lang.
Sa pananamit naman, magkaiba rin pala. Nasabi na niyang may pagka-bad boy ang image ni Theodore. Naka rubber shoe Lang ito na na mukhang kupas na, ripped jeans tapos V-neck na kulay asul na shirt ang suot niya. Kulang na Lang tattoo sa katawan at butas sa tenga.
Wait meron ding butas ang tenga ni Theodore, may suot Pa nga itong hikas ngayon isa nga Lang.
Nang lumingon ito at nagtama ang kanilang mga paningin agad siyang nag-iwas at nagkunwaring hindi niya ito tinititigan.
"Alam mo ba na staring is rude," bulong sa kanya na ikinagulat niya.
"Ay! sus OMG ka!" Sigaw niya naman ng dahil sa pagkagulat.
Sa gulat niya rin agad siyang napatayo, dahilan para tumama siya sa baba ng binata.
"P*tang ina!" Malutong na mura nito.
Samantalang siya naman ay nahilo at agad na napaupo. Malakas ang pagkakatama ng bunbunan niya sa baba nito, at hindi rin biro ang inabot ng binata sa kanya.
Sapo na ni Theodore ang baba nito at tinititigan na siya nito ng masama. "May balak ka bang basagin naman ang panga ko? kailan Lang binangga mo ako ng sasakyan mo ngayon naman babasagin mo naman ang panga ko."
May kalakasan ang boses ni Theodore, hindi Pa man siya lumingon sa paligid nila alam na niyang na pinagtitinginan na sila ng mga tao. Nasa hospital Pa rin naman kasi sila at naghihintay kung ano na ang nangyari sa bata. Nasa labas Pa sila ng emergency room kaya daanan ng mga maraming tao ang lugar kung nasaan sila ngayon.
"Sorry! ikaw naman kasi bakit ka kasi nanggugulat!" Balik niyang sigaw sa lalaki.
Bahala na ang mga taong nasa paligid nila na pagtinginan sila ni Theodore. Nakakainis ang lalaking ito, kung makapagmura akala mo naman wala nang bukas. Ang lutong-luto, tapos ngayon inaakusahan na naman siya nito ng kung ano-ano.
"Ewan ko sa 'yo!" Ani Theodore bago ito tumalikod at iniwanan siya.
Gusto niya itong habulin at kausapin. Pero pinigilan niya ang sarili, baka kasi kung ano ang isipin ng binata sa kaniya. Na naghahabol siya sa binata samantalang wala naman dapat na ikahol dito.
Bahala nga ang lalaking iyon sa buhay niya.
.....................
"Ma'am Tin-tin, salamat po sa tulong ninyo. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ang nangyari sa anak ko.
Ligtas na sa peligro ang bata, nailabas na rin sa operating room at ngayon nga ay nasa recovery room na. Kapag nagising na ang bata saka Pa Lang ito dadalin sa kuwarto para magpagaling.
"Alam mo naman Helga na tumutulong tayo sa ibang tao. Sa 'yo Pa kaya na halos para na kitang kapatid. Ako na rin ang bahala sa nakabangga sa anak mo, ipapahanap ko siya. Hindi niya puwedeng takasan ang kasalanan na nagawa niya. Huwag ka na rin mag-alala sa gastos dito, ako na ang bahala sa lahat. Intindihin mo na Lang ang anak mo," aniya.
Nagtagal Pa siya ng ilang minuto sa hospital bago siya nagpaalam sa secretary niya na uuwi na muna. Bukas na Lang siya siguro babalik sa opisina para asikasuhin naman ang mga natambak na trabaho roon.
"Uuwi ka na ba ma'am Tin-tin?" Salubong sa kaniya ni Nelson.
May dala na itong mga gamit para sa anak nito, nasa likuran na naman nito si Theodore na hindi siya tinitignan.
"Oo Nelson, babalik na Lang ako siguro bukas o sa makalawa. Aasikasuhin ko muna ang paghahanap sa naka-hit and run sa anak ninyo."
"Naku Ma'am Tin-tin maraming salamat po. Hayaan niyo na po ang t*rantadong gumawa nito sa anak ko. Naniniwal po ako sa karma at sa bahala na ang Diyos sa taong iyon. Ang mahalaga ligtas na ang anak ko," sagot naman ni Nelson sa kanya.
"Kahit na dapat managot Pa rin ang dapat managot," aniya, at nagpaalam na sa kausap.
"Ma'am Tin-tin, balita ko wala po kayong sasakyan ngayon. Wala rin po kasi akong sasakyan para sana maihatid man Lang Sana kayo. Pero itong kaibigan ko may sasakyan, pwede niya po kayong ihatid kung saan man po kayo pupunta."
Nakita niya ang violent reaction sa mukha ni Theodore sa sinabi ng kaibigan nito. Pinanlalakihan Pa nga ng mata ni Theodore si Nelson na patay malisya Lang naman.
"Huwag na Nelson, marami na ang taxi d'yan."
Nilagpasan na niya ang dalawa, para kasing naasar siya sa ipinakita ng Theodore na iyon. Hindi na pala 'parang' naaasar na talaga siya sa lalaking iyon na kung umasta akala mo palagi siyang may gagawing masama sa lalaking iyon.
"Napakaantipatiko talaga," naiinis niyang sabi habang naglalakad palayo.
"Sinong antipatiko? Ako ba?"
Nagulat na naman siya, buti na Lang at hindi na siya napasigaw o di kaya naman ay napatalong. Sinamaan na Lang niya ng tingin si Theodore na nakasabay na niyang naglalakad palabas ng hospital.
"Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita," sabi ng lalaki nang nasa labas na sila ng hospital.
Napataas ang isang kilay niya at tinignan ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Thanks but no thanks, I can manage."
Nilagpasan niya ito pero ganoon na Lang ang gulat niya ng isang humahagibis na motorsiklo ang muntikan na siyang mahagip. Buti na Lang may nakahila sa kanya pabalik kung hindi talagang nasalpok siya ng motor iyon.
"Hoy! Sa g*go, tumingin ka sa dinaraanan mong animal ka!" Narinig niyang sigaw ni Theodore.
Natulala na Lang siya, pinanood na nakikipagtalo ang binata sa driver ng motor na muntik ng makabangga sa kaniya.
"Ikaw naman, titingin ka rin sa daan bago ka tumawid. Puro ka na Lang aksidente, paano na Lang kung wala ako e 'di nasagasaan ka na rin tulad ng anak ni Nelson."
Palagi na Lang din ba siyang matutulala sa lalaking ito sa tuwing ililigtas siya nito. Basta namalayan na Lang niyang hila na naman siya nito papunta sa sasakyan nito. After that nasa kalsada na silang dalawa, nagsasalita ito pero alam naman niyang hindi siya ang kinakausap nito.
Basta siya nakatulala siya habang nakatitig na rin sa lalaki at the same time. Hindi maalis ang mga Mata niya sa lalaki na ilang beses na siyang iniligtas.
*Teofelo konti na Lang maniniwala na akong ikaw iyan. Pwede naman akong umasa na na -reincarnate ka hindi ba, wala naman impossible sa mundo lalo Pa at mulat ako sa kababalaghan mong taglay*
Hanggang sa huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang mukha ni Theodore.
Masama na kung masama, pero ang tingin talaga niya sa lalaki ay ang pinakamamahal niyang si Teofelo. Kahit Pa may ugaling ewan ang lalaki, alam niya na ito si Teofelo wala nang iba. Baka wala Lang itong maalala na kahit na ano tulad ng mga tao sa paligid nila noon na wala nang maalala nang tungkol sa mahal niyang si Teofelo.
"May trabaho ka ba? gusto mo bang maging driver ko?" Lakas loob na niyang tanong sa lalaki.
Napapantastikuhan naman siyang nitong tinignan bago ito tumawa nang malakas. Pero agad ding naging seryoso at ngayon nga'y sinamaan na siya nito ng tingin.
"Baba, hindi ako nag-a-apply na driver. Baba!"
Hindi siya maaaring sumuko na Lang, "I can pay you double! magkano ba ang monthly rate ng isang driver ngayon eight thousand? ten thousand? I can give you fifty thousand pesos as monthly salary kung gusto mo?"
I might sound desperate but i'll try my luck. But I guess my luck isn't enough, napababa ako ng sasakyan na hindi man Lang nakabuwelo para mag-offer Pa ng malaking sahod sa lalaki.
..........................