FOUR

2567 Words
Chapter 4 THEODORE HINDI NIYA malaman kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinapit niyang kapalaran. Gusto lang naman niyang magpapansin kay Tin-tin. Malay ba naman niyang hindi marunong gumamit ng preno ang babaeng iyon. Bali tuloy ang kanang binti niya at hindi siya makalakad. "Malas," mahinang bulong niya. Hindi siya makakilos kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya magawa ang mga plano na dapat nagagawa na niya ngayon. Nang dahil sa pesteng aksidente na sinadya naman niya talaga. Nade-delay ang pagyaman niya. Bakit naman kasi iyon pa ang naisipan niyang gawin. Plano lang naman niyang magpahagit sana, pero hindi niya nakalkula nang maigi ang lahat. Kaysa mahagip lang ng sasakyan, nabangga talaga siya as in sapol na sapol. Kung minalas-malas pa siya baka tigok na siya ngayon. Nasirang Theodore Montefalco na sana siya ngayon. But on the other hand baka nga mas maganda pang iyon ang nangyari. Solve na lahat ng mga problema niya. Wala na siyang utang na babayaran, wala na siyang mga pinagkakautangan na tatakbuhan. "Ah, Teo—" narinig niyang tatlong beses na tumikhim ang babae na kapapasok Lang sa kuwarto niya. "Theodore, maayos ka ba ang pakiramdam mo? Sorry talaga," hindi maituloy ni... Ano na nga ang pangalan niya? Kanina Lang alam pa niya ang pangalan ng babaeng nakasagasa sa kanya. Pero ngayon na kaharap na niya ito wala na siyang maalala. Pinilit niyang ngumiti pero alam niyang tmumabingi lang ang mukha niya. Masakit pa rin kasi ang buo niyang katawan. Hindi biro ang lakas ng impact nang tumama katawan niya sa bumper ng sasakyan at ang impact ng pagbagsak niya sa lupa. "Hindi naman na maibabalik ng sorry mo ang nabali kong binti. Hindi rin makakaalis ng sakit ng buong katawan ko ang sorry mo. Pero hayaan mo na, may kasalanan din naman ako hindi ako tumingin sa dinaraanan ko." Nakita niya kung paanong sumimangot ang babaeng nasa harapan niya. Maging ang pag-ayos niya ng tayo. Ngayon lang niya natitigan na maigi ang dalaga. Simple lang ang get-up, wala man lang kahit na anong kolorete sa mukha. Nakalugay Lang din ang mahaba at unat na unat niyang buhok. She's wearing a thick eyeglasses, and a very formal dress na nakikita niya noon na suot ng nanay niya. A corporate dress. "I know, kaya nga pinapagamot kita. I will pay all the expenses here in the hospital. I will give you a compensation too, kahit Pa sinabi mong kasalanan mo rin at hindi ka kasi tumingin sa dinaraanan mo. Uli-uli mahalin mo ang buhay mo para hindi ka hahantong sa ganitong sitwasyon. Buti hindi ka namatay, konsensiya ko pa sana ang lahat." Napataas ang kilay niya nang magtaray na ang babae. Ibang-iba sa mukhang maamong tupa, o kaya sa isang binibining pilipina na hindi makabag pinggan. "Okay," nagkibit balikat na lang siya. Nahiga na siyang ulit at nagtalukbong ng kumot. Naiinis siya sa tinatakbo ng lahat. Nawala na ang mga plinano niyang gawin. Sh*t naman kasi, mukhang palaban pala ang babae. Isa Pa ito na ang nag-offer na bibigyan siya ng pera, danyos perwisyo sa nangyari. Sa mga naging experience niya kapag ganito wala siyang laban kung hindi tanggapin ang iaalok nitong halaga. Pupusta siyang may abogado ang dalaga at sigurado na siyang nakausap na nito ang abogado nito at nabigyan na ito ng payo. Malamang nakapagpa-compute na ang dalaga sa tamang halaga na puwede niyang ibigay. *Malas talaga* Nang marinig niya na bumukas at sumara ang pintuan napabangon siyang muli para mahiga ulit dala ng pagkabigla ng katawan niya. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil nasa loob pa rin siya ng ospital. Wala na ba siyang imamalas pa sa buhay, lahat na lang puro kamalasan ang inaabot niya. .............................. TIN-TIN *ANG ANTIPATIKO NG LALAKING IYON, siya na nga ang inaalala at kinukumusta siya pa ang masungit*. Nagngingit-ngit siya habang papalabas ng hospital. Binisita niya lang naman ang lalaking aksidente niyang nabangga kahapon. Sobrang nag-aalala lang naman siya sa nangyari, at the same she's guilty about what happened. Kasalanan niya kasi siya ang nakahawak sa manibela, siya ang driver, siya ang nakabangga. Pero hindi lang naman dahil sa feling guilty siya kaya siya bumalik ng ospital. Puwede niyang iutos na lang sa secretary niya o 'di kaya naman sa attorney niya ang lahat. Kahit hindi na siya magpakita pa sa ospital okay lang sana. Pero may iba kasing nagtutulak sa kanya na bumalik. Iyon ay ang mukha ng lalaking iyon. Kamukhang-kamukha lang naman kasi ni Theodore ang asawa niyang si Teofelo. As in super magkamukha ang dalawa na walang kahit na anong ipinagkaiba. Ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya umaasa na si Teofelo at si Theodore at iisa. Umaasa na siya simula pa noong unang nakita niya ito sa gitna nang kalye. Pero ngayon alam niyang hindi sila iisa, nang dahil sa inaasal ng lalaki. Hindi magagawa ni Teofelo na angasan siya ng ganoon kahit pa sabihin nating hindi siya kilala ng lalaki. Ano ba naman, ang lakas naman kasi ng pananalig niya sa mga posibilidad nang puwedeng mangyari. Hindi malayong umasa na naman siyang may himala, o kababalaghan na namang mangyayari sa buhay niya. Hindi malayong mangyari, dala na rin nang mga nangyaring kababalaghan sa buhay niya noong mga panahon na kasama pa niya si Teofelo. "Ang init ng ulo ha! Baka puwede na akong magpakulo ng tubig sa sobrang init ng ulo mo." Mas napasimangot si Tin-tin sa naging puna sa kanya ng pinsan na si Dominic. Siya ang sumundo at maghahatid sa kanya ngayon sa opisina niya. Nagka-phobia yata kasi siyang humawak ng manebela dala nang nangyaring aksidente. "Napakaantipatiko ng lalaking iyon, Kuya!" Reklamo ni Tin-tin sa pinsan. Natawa naman si Dominic habang nakikinig sa reklamo ng pinsan. "Intindihin mo, hindi naman madaling maka-recover ang isang nasagasaan. Na may baling binti at bugbog ang buong katawan. Believe me kahit sino magiging masungit kapag may nararamdaman sa katawan." Naiinis na napasandal na lang siya habang nakahalukipkip at nakatitig sa daan. Hindi na siya nagsalita kahit pa nang mapansin niyang iba na ang dinadaanan ng pinsan niya. Alam naman niya ang daan na tinatahak nila ngayon. Daan papunta sa bahay ng girlfriend nitong si Devine ang pupuntahan nila. Susunduin lang din ng pinsan ang nobya at ihahatid sa trabaho nito. Automatic na bumaba na si Tin-tin nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Devine. "Good morning Tin, hindi ko alam na kasama ka ni Dominic? May problema ba?" Salubong ni Devine kay Tin-tin. They become closed friend, iyon nga siguro talaga ang tadhana nilang dalawa. After the cursed was lifted, ang mga pagbabago na nangyari ay naging kababata na niya si Devine and that they are best of friends since she doesn't remember. Basta namulat na lang siyang bestfriend na niya si Devine at boyfriend nito ang pinsan niyang Dominic. Kung paano nangyari, wala siyang ideya pero hindi na lang niya pinapahalata ang lahat. "Nakabangga ako, and now I don't want to drive anymore." Nanlaki ang mata ni Devine, alam kong mangungulit siya pero hindi na ako nagsalita kahit na ano pa ang sabihin niya o tanungin niya. "Let Tin-tin baby, maybe na-trauma siya. It is her first accident since she learned how to drive. And there is someone who got hurt, kaya siya nagkakaganyan." Narinig kong paliawanag ng pinsan niya. Malalim na bumuntong hininga na lang siya at tumanaw na lang sa labas ng bintana at tinanaw ang mga naglalakihan na building. ............................................... "I already talk to Mr. Montefalco regarding to the incident. He'll not file a case against you, because he accepted the fact that this all happened because it was an accident and admitted that he had a fault too." Napapagod siyang napasandal sa swivel chair niya habang nakikinig sa sinasabi ng attorney niya. Gusto sana niyang siya ang makipag-usap sa binata, ang kaso lang hindi na niya naharap sa sobrang dami ng mga inaasikaso niya sa mga negosyo niya. "Thank you attorney," iyon na lang ang nasagot niya. Sobrang pagod na pagod na siya, pero hindi siya puwedeng basta na lang sumuko o bumitaw sa mga trabaho na nakaatang sa balikat niya. Ibinigay sa kanya ni Teofelo ang lahat ng ito dahil alam ni Teofelo na hindi niya pababayaan ang mga tauhan nila. Na buo ang tiwala sa kanya ng asawa na magagampanan niya ang lahat ng trabaho na ibinigay nito sa kanya. "Tired?" Masuyong tanong sa kanya ni Gregory. Isa sa mga nakilala niyang stock holder ng company nila Teofelo at naging malapit na kaibigan na rin niya. Binabae ang lalaki, pero walang nakakaalam kung hindi siya lang. Ang alam ng marami straight ito, pero ang totoo n'yan mas malambot pa yata sa kanya kung kumilos. May kinakasama pa ang loko, na ang pakilala sa lahat ay personal assistant lang nito. "Bruha, puwede kayang itinda ko na lang lahat ng ito at ipamigay ko ang pagbebentahan. Pagod na pagod na ako, pero kita mo naman tambak pa rin ang mga papel sa lamesa ko." Reklamo naman niya. Mabilis na nakalapit sa kanya si Gregory at hinila ang ilang hibla ng buhok niya. "Gaga ka talaga, mamaya niyan may makarinig sa 'yong tinawag mo akong bruha." Bulong ng binata. Hindi siya siya pinansan at inirapan ko na lang. Tumayo na ako at nagligpit ng mga personal na gamit niya bago umalis. Gabi na rin naman kasi kaya kailangan na niyang umuwi, lalo pa at wala naman siyang sasakyan. Wala rin siyang driver ngayon, at umuwi yata ng San Andres ang pinsan niya. O baka may date o ano, basta nag-text sa kanya ang kuya Dominic niyang hindi siya masusundo nito. "Wala kang sasakyan? Wala ka ring sundo? Ineng rush hour ngayon pero nagpagabi ka Pa sa opisina," ani Gregory. Nakasunod na ito sa kanya palabas ng opisina niya. Wala na ang secretary niya nang lumabas siya ng opisina niya. Kanina Pa ito nagpaalam na maagang uuwi dahil may sakit yata ang anak isa sa mga anak nito. "I'll take a cab," walang gana na sagot niya sa kaibigan. "Goodluck na Lang sa 'yo. Hindi kita maaayang ihatid kasi alam mo na, nag-aya ng night out si Ernie." Ang landi ng hitad, kanina Lang may pasabu-sabunot pang nalalaman ang bakla na kesyo baka may makarinig sa kanya na tawagin niya itong bruha tapos ngayon kulang na Lang maglaladlad na ang walang-hiya. Inirapan ko nga, at hindi na ako sumagot Pa. Wala na talaga ako sa mood ngayon, hanggang sa magkanya-kanya na kaming dalawa. Si Gregory na sumakay na sa sarili nitong sasakyan at ako naman naghihintay na nang taxi. Friday ngayon kaya pahirapan ang makasakay ng taxi. Nag-offer ang guard kanina sa kanya na hahanapan siya ng taxi kaso late na rin. Iyong guard Pa kasi na pauwi ang nagmagandang loob. Iyong naka-duty naman hindi niya mahagilap baka naman kasi nagra-rounds na sa itaas. Kaya no choice siya kung hindi ang lumabas na nang compound nila para maghanap ng taxi. Nasa gilid na siya nang kalsa, marami na ang naglalakad, marami ring naghihintay ng masasakyan kaya hindi siya natatakot na magpagabi o maghintay doon. And besides sanay naman siya sa ganitong buhay. Bago naman niya makilala si Teofelo at napamanahan siya ng kayamanan ng mga De Asis simpleng babae Lang naman siya. Hindi mahirap pero hindi rin mayaman, naranasan naman niyang mag-commute lang noon. Antok na antok na siya, ramdam na niya ang pagod at gusto na niyang mahiga na Lang sa kama. Nang biglang may lalaking mabilis na humablot ng bag niya at walang pakundangan na tumakbo palayo sa kaniya. Sa pagod hindi agad ng loading ang utak niya. Natulala Pa siya ng isang segundo bago siya nakapag-react sa nangyari. "Magnanakaw! Tulong 'young bag ko!" Sigaw na Lang niya. Nagtatatalon siya, habang turo ang lalaking papalayo na sa kanya. Hindi naman masyadong importante ang laman ng bag niya. She's not into bringing valuable things in her bag. Oo may pera, Atm at mga ID sa bag niya pero hindi naman niya iyon pinanghihinayangan. She can replace her ID's and Cards anytimr shr want. Sa pera naman hindi naman malaking halaga ang nasa wallet niya. Nasa bulsa naman niya ang cell phone niya. Kaya Lang naman siya nag-react nandoon ang wallet niya kung saan nandoon ang litrato ni Teofelo. Iyong ang pinaka-importante sa lahat nang laman ng bag niya. May mga nagtangka na pigilan ang lalaki pero walang nagawa ang mga ito. Laglag ang balikat na nakatanaw na Lang siya sa malayo sa kung saan dumaan ang lalaking nag-snatch ng bag niya. Nawalan na siya ng pag-asa na mababalik Pa ang bag niya. Iyong mga tao sa paligid niya kanina na nakigulo sa pagpipigil sa lalaki, back to normal na, na para bang walang nangyari. "Iyong picture ng asawa ko," nanghihinang napaupo na Lang siya sa isang tabi. Nagsimula na rin siyang maiyak sa sinapit ng bag niya. Pero gano'n na Lang ang gulat niya nang may pares ng sapatos ang huminto sa mismong harapan niya. Pagtingala niya nakita niya ang mukha ng pinakamamahal niyang si Teofelo. Hinihingal at pawis na pawis, tapos ang isa pang nakaagaw ng atensyon niya Ay ang hawak nitong bag. Ang bag na na-snatch Lang sa kanya kanina at iniiyakan niya ngayon. "Uli-uli, huwag ka Lang tatalon at ituturo ang nag-snatch ng bag mo. At sa susunod hawakan mong maigi ang bag mo o ang cell phone mo. Wala ka sa buwan para umaktong walang tao sa paligid mo. Naiintindihan mo ba," pagtataray ni Theodore sa kanya. Wala siyang maintindihan sa mga sinabi ng binata. Basta tumango na Lang siya at inabot ang bag na iniaabot nito sa kanya. "Pasalamat ka nagawi ako sa lugar na ito," ang sabi ni Theodore na siyang naintindihan na niya. Dali-dali siyang napatingin sa para nitong nakasemento sa pagkakaaalam niya. Pero wala nang semento, sa bagay halos tatlong linggo naman na ang nakakaraan mula ng aksidente. "Magaling na ang paa mo," aniya habang nakatitig at iniinspiksyon ang paa ng binata. "Tsk! Makakatakbo ba ako kung hindi Pa." Sa naging sagot nito napatayo siya ng wala sa oras at sinamaan ito ng tingin. "Napaka-antipatiko mo talaga!" Pero wala Lang sa binata ang naging sigaw niya. Namulsa ito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa bago ito nagsimula nang maglakad. Nakasunod Lang siya nang tanaw sa binata kaya nakita niya itong huminto sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Ano tutunganga ka na Lang ba d'yan? Ano Pa ba ang hinihintay mo, pasko. Halika na at ihahatid na kita," ani Theodore na ikinagulat niya ng sobra. Hindi siya nakagalaw, sobrang gulat na gulat talaga siya. Napaiktad na Lang siya sa gulat na naman ng may kung anong kuryente ang dumaloy sa braso niya. Pagtingin niya nasa harapan na niya si Theodore at hawak-hawak na siya sa braso at ngayon nga'y hila na siya sa kung saan. "Hindi na ako nagtataka kung bakit ang lakad ng pagkakabangga mo sa 'kin. Wala ka pala sa sarili mo kapag nasa labas ka ng bahay mo," alam niyang bulong Lang iyon ng binata pero rinig na rinig naman niya. But nonetheless she's not paying any attention on what he just said. What makes her wonder was the sensation she's feeling right now that Theodore is holding her hand. .....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD