chapter 13 TIN-TIN... PAGMULAT ng mga mata niya nasa ospital siya. Ramdam niya ang kumikirot kamay niya dahil sa dextrose na nakakabit. Ang pamimigat ng ulo niya at ang amoy ng pinaghalong mga gamot at disinfectant. Malalim siyang napahugot ng hininga. Buhay pa siya, at nasa reality na naman siya. "Good that you're awake now," ani nang tinig sa tabi niya. Walang gana na lumingon siya sa kaliwa niya parag tignan kung sino ang nagsalita. Bumilis na naman ang pintig ng puso niya, nang mapagsino ang nagsalita. It's Theodore, whose looking at her like she died and just came back to life. But honestly, that what she felt when she opened her eyes. "What happened?" Medyo paos pa siya nang magsalita. "You just passed out, ang sabi ng mga doktor over fatigue and stressed ka. Kaya n