Chapter 12 ANG TAHIMIK Niya na nakakabingi na sa sobrang katahimikan. Naaalala na na man niya noong mga panahon na nakakulong siya sa loob ng itim na libro. Gantong-ganto ang pakiramdam niya noon. Katahimikan na nakakabingi, nakakabaliw, pero wala siyang pagpipilian noon kung Hindi ang manahimik dahil iyon ang mas makakabuti para sa kanya. Hindi ganitong nananahimik siya dahil sa Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. "Ang tahimik naman yata ng anak ko?" napuna na ng Daddy niya ang katahimikan niya. Kilala pa naman siyang madaldal kaya maninibago ang mga tao sa paligid niya kapag nanahimik siya. Sa opisina naman hindi talaga siya masyadong nagsasalita dahil napaka-unprofessional kung ang boss nila madaldal. "Tinatamad ako Daddy," halos bulong ang sinagot niya sa ama. Hindi siya