CHAPTER 5
TIN-TIN...
NAKATITIG Lang siya sa binata na tutok na tutok naman ang mga Mata sa daan. Kanina Lang hila-hila Lang siya ng binata papunta sa sasakyan nito. Ngayon nakasakay na siya at nag- volunteer na ihahatid siya nito pauwi.
"Baka naman malusaw ako sa kakatingin mo," nagsalita si Theodore kahit na hindi siya nito nililingon.
Nahihiya naman siyang ibinaling sa iba ang tingin. Pakiramdam niya lahat na yata ng dugo niya ay napunta na sa mukha niya. Sobrang init kasi ng mukha niya, sigurado na siyang pulang-pula na rin ang mga pisngi niya.
"Saan ba ang bahay mo? Hindi naman kasi ako manghuhula para magdrive na Lang basta at dalin ka kung saan ka nakatira," ani Theodore.
Mas lalo siyang nahiya sa sinabing iyon ng binata. Kahit na hiyang-hiya, sinabi na rin niya ang address niya dito.
Pinagpapasalamat na Lang niyang nanahimik na rin ang lalaki. Hanggang sa makarating sila sa apartment na inuukupa niya.
"Dito ka talaga nakatira?" Tanong ni Theodore.
Kakaparada Pa Lang nito sa tapat ng bahay niya. At sa paglingon niya dito kita niya ang pagtataka sa pagmumukha ng binata.
Ano naman ang makakapagtaka sa bahay niya? Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa bahay niya bukod sa madilim Pa kasi wala pang nagbubukas ng ilaw dahil kauuwi Pa Lang naman niya.
Unless may nakikitang kakaiba ang binata.
Napalingon siya sa lalako at nakita niyang titig na titig ito sa bahay niya. Sinundan Pa nga niya ng tingin ang direksyon kung saan nakatitig ang lalaki.
"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Tanong niya dito na natatakot.
Wala siyang nakuhang sagot sa binata, basta nakakunot na ang noo nito at seryosong-seryoso nakatitig sa bahay niya.
"Baba," ani Theodore.
Makailang ulit siyang napakurap-kurap na nakatanga sa binata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya o ang sasabihin niya. Bakit biglang nagbago ang mood ng lalaki pagkakita Lang sa bahay niya?
May iba ba talaga kayang nakikita ito?
"Baba sabi eh!" Sigaw ng lalaki.
Sa gulat napaigtad siya, at dali-daling bumaba ng sasakyan ng lalaki. Naguguluhan na napatulala siya habang nakatanaw sa papalayo ng sasakyan nito.
Dahan-dahan siyang napalingon sa bahay niya. Baka kasi may makita rin siyang kakaiba.
Pero hanggang sa mangalay na siya sa kakalingon wala naman siyang nakikita. Wala naman din siyang magagawa kung Hindi ang pumasok na sa loob ng bahay niya.
Gabi na rin gusto na niyang magpahinga.
....................
THEODORE...
Nakapapahampas na Lang siya sa manebela habang nagmamaneho siya papalayo sa lugar na iyon. Naiinis siyang isipin na mukhang naloko siya ng kaibigan niyang si Nelson.
Ang sabi nito mayaman ang amo ng kinakasama nito. Pero kung mayaman ang babaeng iyon bakit siya nakatira sa isang apartment na mas di hamak na mas maganda Pa ang bahay niya.
Tapos ngayon nasa kalye Lang ang babae nag-aabang ng jeep pauwi.
"T*ng-inang buhay ito," reklamo niya.
Dumeretso na Lang siya sa isang bar hindi kalayuan sa bahay niya. Kailangan niyang maglabas ng sama ng loob. But at the same time kailangan niyang humanap ng raket ngayon araw.
"Oh Theodore, ngayon ka Lang naligaw ah! Saan ka ba nagsuot ng ilang linggo?" Sita sa kanya ng isang bar tender na kilala na siya.
Hanggang ngayon naiinis Pa rin niyang isipin ang kapalpakan na nangyari sa buhay niya.
Minsan na nga Lang siyang makakabingwit ng matabang isda mukhang palpak Pa.
"Naospital ako, nasagasaan ako. Peste nga eh, hindi ako nakadelehensya." Pagkukwento niya dito.
Nagkibit balikat naman ang lalaking kausap niya. Wala na ang atensyon nito sa kanya dala na rin ng maraming parokyano ang bar na ito.
Habang nag-iinom nag-iisip na siya ng iba pang gagawin. Hindi na siya puwedeng mag-aksaya nang oras. Baka kapag hindi Pa rin niya mabayaran ang panot na iyon baka bukas lalangawin na ang katawan niya sa bangketa.
Kung bakit ba naman kasi ang bilis niyang naniwala sa Nelson na iyon. Pero sabagay malaki na rin naman ang nakuha niyang danyos sa pagkakabangga sa kaniya.
One hundred fifty thousand pesos.
Kung sa isang ordinaryong tao Lang siguro malaki na at marami nang pagdadalhan sa pera na iyon. Pero para sa kanua kulang iyon at halos pang-isang araw Lang niyang gastusin iyon.
Oo maluho na siya sa katawan, ano bang magagawa nila sa kailangan niyang alagaan ang image niya. Kailangan palagi siyang mukhang presintable sa lahat ng oras. Hindi mo alam kung kailan kakatok ang oportunidad sa isang tao.
Lalo na sa kaniya na maraming pangarap sa buhay, pero walang asenso sa buhay.
"Nandito ka na naman! Kailan ka ba titigil sa lahat ng bisyo mo!" Boses iyon ng kinakasama niya?
Iilang baso Pa Lang naman ang naiinom niya pero bakit lasing na yata ang utak niya? Naririnig na niya si Weng samantalang alam naman niyang nasa ibang club ang babae.
Pero napangisi na Lang siya ng makita si Weng sa likuran niya. Nakapameywang Pa ito, iyan tuloy kita na ang kalahati ng pinagmamalaki niyang malaking papaya.
"Oh nandito ka pala baby!" Pang-aasar niya dito.
Ang huling pagkikita nila ay iyong araw na sinampal siya ng dalaga sa mukha. Mula noon hindi pa siya umuuwi sa sarili niyang bahay.
"Umuwi na tayo," yagak sa kanya nito.
Hawak na nga siya nito braso at nagpahila na Lang siya ng tuluyan. He feel lighted, parang nakalutang sa alapaap. Kaya gustong-gusto niyang nag-iinom kasi alam niyang kahit papaano gagaan ang pakiramdam niya.
Mawawala ang lahat ng alalahanin niya sa buhay, mga intindihin na mga problema.
"Oh! Baby, bilisan mo pa!"
Hingal kabayo na silang pareho ni Weng. His just keep on thrusting, until his done. Makailang ulit Pa silang nagtalik ni Weng hanggang sa mapagod na siya at tuluyan nang nakatulog.
Pagmulat ng mga Mata niya maaga na, mataas na ang sikat ng araw at pawis na pawis na siya sa sobrang init.
"Weng, bakit mo pinatay ang electric fan!" Sigaw niya, at hindi pa rin bumabangon.
Ang sakit ng ulo niya ng dahil sa kalasingan kagabi. Kaya wala Pa talaga siyang balak na tumayo man Lang para magbanyo o kung ano Pa man. Gusto Lang niyang matulog Pa hanggang sa humupa ang hang-over niya.
Pero papaanong huhupa ang hang-over niya kung sinasabayan ng sobrang init na panahon ang sakit ng ulo niya. Na kahit man Lang Sana hangin mula sa electric fan ay malasap niya.
"T*ng ina naman Weng nakikinig ka ba!" sigaw niya muli. Napabangon pa siya ng wala sa oras ng walang sumagot sa kaniya.
Siya na rin ang mismong nagsindi ng electric fan 'sana' pero hindi naman sumindi. Tinignan Pa niya kung nakasaksak ang cord sa outlet. Mukhang walang kuryente.
Nagdadabog na kinuha niya ang boxer shorts niya na nasa sahig. Nakahubad Pa pala siya nang lagay na iyon hindi man Lang niya naramdaman. Nagdadabog na lumabas siyang kuwarto, wala siyang nabungaran na Weng sa buong bahay.
Sumilip siya sa labas ng bahay niya, kita niyang nakabukas ang pintuan ng katapat na bahay nila. Nakasindi ang TV ng kapatid bahay nila. Isa Lang ang ibig sabihin kung bakit wala silang kuryente.
Naalala niya due date nga pala ng babayarin nila noong isang linggo Pa yata.
"Bwisit namang buhay ito," bulong niya.
Naputulan sila ng kuryente.
Wala na ba siyang imamalas pa sa buhay. Nang magsabog yata ng kamalasan sa buong mundo nasapo niya lahat.
"Gising ka na pala, kain na tayo."
Dumating din si Weng makalipas ang ilang minuto nang magising siya.
Nakatingin siya sa dalang pagkain ni Weng na mukhang binili nito sa karinderya 'di kalayuan sa bahay nila. Wala siyang imik na dumulog sa hapag kainan at hinintay na matapos maghanda si Weng.
"Pasensiya ka na kuryente, hindi ko nabayaran noong isang linggo. Nagdedelehensya pa kasi ako ng pangbayad mo kay Gonzalo." Ang tinutukoy niya ay si Panot. "Konti na lang makakaipon na ako ng pangbayad natin sa utang natin sa kanya. Siguro mga isa o dalawang buwan pa bayad na tayo sa kanya."
Hindi siya sumagot na para bang wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito. Nagsimula na lang siyang kumain ng hindi hinintay na kumain na rin si Weng.
"Kausapin mo naman ako Theo."
Nang tignan niya ito, umiiyak na ito na parang nagmamakaawa na sa kanya.
No she's not like begging, she really is begging. Kulang na Lang lumuhod na siya sa harapan ko para magmakaawa na kausapin ko siya.
Pero matigas yata talaga ang puso niya. He just continue eating and when his done he just got up go to his room and sleep again.
Mamaya na Lang siya iisip ng raket niya para ngayon araw. Matutulog na muna siya, kahit Pa ilang linggo rin siya nagtututulog Lang sa hospital.
.....................
"BAKIT BIGLAAN yata ang paghinto mo? Malaki na ba ang ipon mo?" takang tanong niya.
Nagkita sila ni Nelson sa palagi nilang tagpuan sa tuwing magpa-plano sila ng mga gagawin nilang pangbibiktima. Isang abandunadong building sa gitna ng metro Manila. Maraming squatter ang naninirahan dito, sa umaga parang walang tao dito bakante Lang talaga. Pero sa gabi madaming namumugad dito na iba't ibang klase ng tao dito mo makikita.
"Nananawa na ako, ang tagal na nating ginagawa ito. Isa Pa lumalaki na anh mga anak ko. Ganito pala kapag tatay ka na, nahihiya akong makita ng mga anak ko ang trabaho ko. Kung si Hilda Lang okay Lang sa 'Kin kahit na anong sermon niya sa Akin. Pero nang tanungin ako ng panganay ko kung ano ang trabaho ko nahiya akong sumagot bro."
Napailing na Lang siya habang pinapakinggan ang kaibigan. "Kaya ayokong mag-asawa o mag-anak man Lang. Masakit na sa ulo, masakit Pa sa bulsa. Sarili ko nga hindi ko nga hindi ko mabuhay ng maayos iyon Pa kayang magkapamilya ako."
Panay ang hit-hit buga niya nang sigarilyong hawak niya. Masama itong pangitain sa negosyo niya, kapag tuluyan na siyang iiwanan ni Nelson mahihirapan na siyang lalo na makadelihensya.
"Bro, mas masarap na may pamilya kang uuwian. Iyong may misis kang mag-aasikaso sa 'yo at may mga anak kang maghihilot ng balikat mo at magtatanggal ng pagod mo sa maghapon mong pagbabanat ng buto. Bakit hindi niyo simulan ni Weng na bumuo na nang pamilya. Ang tagal niyo na ring dalawa, ayaw ba ni Weng na mag-anak na?"
It is not Weng who doesn't want a child, he do. Madaming beses nang nagtalo sila Weng nang tungkol sa anak-anak na iyan. Unang taon pa lang yata nila ni Weng gusto na nito ng anak, pero siya ang may ayaw.
"Saka na kapag mayaman na ako, sa ngayon kailangan ko ng malaking raket. Kailangan kong mabayaran si Panot, baka bigla na naman siyang magpakita sa akin."
Panay ang iling ni Nelson sa kanya, pero may inilabas itong litrato. Isang matandang babae na sa tingin niya papasa nang lola niya pero mukhang nagmumurang kamyas. Ang puti ng mukha, ang kapal ng make-up at higit sa lahat pang-bagets ang suot na damit.
"Iyan si Misis Wong, biyuda at pinamanahan ng milyones ng namayapang asawa. Para siyang nagmumurang kamyas ngayon, na naghahanap ng batang magiging jowa. Maganda sa kaniya inaalagaan niya ang image niya dahil na rin sa mga anak niya. Palihim lang siya kung maghanap ng magiging partner. Magandang victim iyan kasi--"
"I'll get this one, siguro okay naman na ang dalawang milyon sa matandang ito. Ayosin na natin, tig-isang milyon tayo nang may baon ka sa paghinto mo." Pigil niya sa iba pang sasabihin ni Nelson sa kanya.
Nag-iisip na siya ng puwede niyang gawin sa matandang ito. Malaki masyado ang dalawang milyon, alam naman niyang hindi basta magbibitaw ng ganoon kalaki ang matanda sa hilatsa pa lang ng pagmumukha nito pero susubukan pa rin niya.
"Hindi gano'n kadali ang dalawang milyon. Kailangan ng malaking issue para magatasan natin siya ng dalawang milyon. Balita ko nga, may isang minor na nabingwit iyan, nang magreklamo ang mga magulang ng bata nag-abot ng one hundred thousand lang."
Mas lalo tuloy siyang napapaisip ng bagay na kailangan niyang gawin para kumagat sa gusti niyang mangyari ang matanda.
"Anong issue sa bata? s*x scandal?" Tanong niya sa kaibigan.
Natawa naman ng malakas si Nelson sa tanong niya. "Bro, the kid is only a thirteen years old boy. Ano sa tingin mo gagawin ng isang matrona sa halos hindi Pa sumisibol na saba?"
Maging siya natawa na rin sa pinagsasabi ng kaibigan niya. Natigil Lang sila sa pagtawa ng makatanggap ng tawag si Nelson.
"Bakit napatawag ka?" sagot ni Nelson sa tumawag dito.
Nagpaka-busy na Lang siya sa paninigarilyo. Maging ang pagsipat sa litratong ibinigay sa kanya ng kaibigan. Iniisip na niya kung ano ang magandang gawin para sa matanda.
Sa palagay naman niya kaunting him as at karinyo Lang sa matanda bibigay na ito. Kailangan Lang niyang mag-isip ng bagay o Plano para mahulog ito sa gagawin niyang patibong. At kapag nangyari iyon, 'hello, Theodore the millionaire' na siya.
"Anak ng pusa, bakit mo naman kasi pinabayaan iyong bata!" Narinig niyang sigaw ni Nelson.
Galit itong tumayo at tinapos ang tawag.
"Saan ka pupunta?" Habol niya sa kaibigan nang basta na Lang itong nagsimulang maglakad.
"Iyong bunso ko isinugod sa hospital. Naatrasan daw ng sasakyan, nyemas Theodore kapag may nangyaring masama sa anak ko magkakamatayan kami ng talipandas na nakaatras sa kanya," galit na galit si Nelson nang magsalita siya.
Kahit hindi siya sinabihan na sumama dito, sumama Pa rin siya. Isa Pa sa kanilang dalawa siya ang may sasakyan. Mas mabilis sila makakarating sa pupuntahan nila kung may sariling sasakyan.
Pagdating nila sa hospital agad na nakita ni Nelson ang mag-ina nito. Iyak ng iyak si Hilda habang hawak ang kamay ng walang Malay na anak nito. Puno ng dugo ang damit ng bata, maging ang unan.
Sa unang tingin Pa Lang niya alam na niyang head injury ang tinamo ng bata at hindi maganda ang lagay nito.
"T*ng-ina naman Hilda bakit hindi mo Pa ipinasok sa operating room si Bonbon. Hihintayin mo Pa bang mamatay ang anak natin!"sigaw ni Nelson pagkakitang pagkakita nito sa kalagayan ng anak.
Ramdam niya na nagpapanic na ang mag-asawa. Lalo Pa at walang umaasikasong doctor sa mga ito. Pagak siyang natawa habang inililibot ang tingin sa ospital. Private, malamang humihingi ng down p*****t ang hospital at walang pera si Hilda. Kaya walang nag-aasikaso sa mga ito.
Maglalabas na sana siya ng check book ng may humahangos na dumating. Napasunod ako ng tingin sa babaeng kararating Lang.
"Hilda, I'm sorry ngayon Lang ako. Doctor!" Sigaw ng bagong dating.
"Ma'am Tin-tin," umiiyak na tawag ni Hilda sa bagong dating.
"Don't worry okay, magiging okay si Bonbon." Umalis ang babaeng tinawag ni Hilda ng Tin-tin.
Pagbalik nito may kasama na itong mga doctor at nurse, nagkagulo ang lahat agad na naisalang sa operating room ang bata. Pansin niya na parang natakot ang mga staff ng hospital. Pero hinayaan ko na Lang at wala naman akong pakialam sa mga ito, ang mahalaga inasikaso na ng mga ito ang bata.
..................................