Kabanata IV
ANGENIKA
HIYANG-HIYA na ako sa ginagawa ng kaibigan ko.
Pakiramdam ko binubugaw na niya ako ng tuluyan kay Asyong samantalang hindi pa naman kami lubos na magkakilala nung tao.
Makukurot ko talaga sa singit ang babaeng ito.
"Nalpas ka nanganen? (Tapos ka nang kumain?)" Tanong sa akin ni Asyong.
"Ah oo. Sige lang. Kumain lang kayo," sagot ko.
"Hmm. Mabain kan sa lang met kinyana. Mangan ka latta. (Hmm. Nahihiya ka lng yata sa kanya. Kumain ka lang.)" Singit ng kaibigan ko habang puno pa ng pagkain ang kanyang bibig.
"Nagadu la ketdi nga ammu mun Margaret. Tilmunem man pa lang dayta adda dita ngiwat mu. (Ang dami mong alam Margaret. Lunukin mo nga muna iyang nasa bibig mo.)" Talak ko.
Napalingon naman ako kay Asyong at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"La-lalabhan ko na lang muna itong panyo mo. Ibabalik ko na lang sa susunod nating pagkikita," wika ko saka ako nagkunwaring iinom ng juice dahil nahihiya ako sa kanya.
Pahamak kasi talaga kahit kailan si Margaret.
"Ayieh! Umaasa kang magkikita pa kayo ano? Day-off naman ulit natin sa Linggo. Tiyak na magkikita kayong muli. Hindi ba Asyong?" Ani Margaret saka pa ito humagikgik.
"Oo naman. Magkikita pa tayo Angen at sana makita naman kitang tumawa sa susunod," sagot naman ni Asyong.
Napangiti na lamang ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang aking isasagot.
Nakakahiya na kasi talaga. Kung hindi lang ako nabasa ay hindi ko naman kukunin ang knayang panyo. Ayan tuloy, obligasyon ko pang ibalik sa kanya.
"Uuwi na ba kayo pagkatapos nito?" Tanong ni Asyong.
"O-oo. Uuwi na kami. Naghihintay kasi yung apo ng amo namin. Uuwi pa iyon," sagot ko nang hindi tumitingin kay Asyong.
"Anong uuwi? Walang uuwi. Mamaya na lang tayo umuwi. Hindi pa naman siguro naiinip si Rakim ano. Sulit-sulitin n natin ngayon dahil bukas ay magtatrabaho na naman tayo," wika ni Margaret kung kaya pasimple ko siyang kinurot sa kanyang hita at nagpakawala siya ng impit na sakit.
"Bakit Margaret?" Tarantang tanong naman ng isa.
Tiningnan ko ang kaibigan ko saka ko pinanlakihan ng mata.
"Ah Asyong, uuwi na pala kami. Maggagabi na rin kasi. Kita kits na lang tayo sa susunod na day off," nakangiting ani Margaret.
Mabuti naman at nakuha na niya kaagad ang gustong sabihin ng aking mga mata dahil kung hindi ay iiwan ko siya rito.
"Sasabay na ako sa inyo papunta sa sakayan. Uuwi na rin naman ako. Wala naman na akong gagawin dito dahil wala naman na akong kakwentuhan. Agawid tay latta ngaruden ah. (Uuwi na lang din tayo.)" Sambit ni Asyong.
Hindi na rin kami makahindi kahit ayaw ko na siyang kasabay pero hindi naman ako yung may-ari ng istasyon para ayaw ko siyang umuwi.
"Ay bet ko iyan. Sige na. Tara na para naman maituloy natin itong kwentuhan. Parang bitin kasi eh," natatawang wika ni Margaret.
Naku talaga itong babaeng ito. Next time nga hindi na ako sasabay sa kanya na mag-day off. Pahamak siya.
"Diba Angen okay lang naman?" Dugtong niya.
Bassit latta talagan, mapungut ko daytuy gayyem kun. (Konti na lang talaga masasabunutan ko na itong kaibigan.)
"Sige lang. Ana ngarud pay ti maaramidak. Kasla maenenjoy mu metten ti agngawngaw.) Sige lang. Ano pa nga bang magagawa ko. Mukhang nag-eenjoy ka namang dumaldal.)" Sarcastic na sabi ko.
"Yieh! Kunwari ka pa sis. Gustong-gusto mo namang kasama itong si Asyong. Sigurado akong madami kang ikukwento sa akin mamaya," kinikilig pang sagot niya.
Napailing na lang ako at nauna nang naglakad.
"Hoy sis! Grabe ka naman. Bakit ka naman nang-iiwan!" Sigaw ng kaibigan kong pahamak.
"Bahala ka na diyan. Umuwi kang mag-isa!" Sigaw ko pabalik habang diretso lang ang lakad ko.
"Ang daldal ng kaibigan mo," biglang rinig kong sabi ni Asyong.
Bakit ang bilis naman yata niynag maglakad?
Lumingon ako sa likod ko at nakangiti na ang kaibigan ko.
"Agtalyaw kayu met nga duwa ah ta picture'rak sikayu ket ni bagay kayu nga talaga. (Tumingin naman kayong dalawa dito at kukuhanan ko kayo ng picture dahil bagay na bagay talaga kayo.)" Sigaw muli ng kaibigan ko habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone.
"Talnaan nak dita ta baka mapungut ka nga talaga. Makaawid ta lang kunak gamin! (Tigilan mo nga ako baka masabunutan kita diyan. Makikita mo talaga pag-uwi natin.)"
Pagkasambit ko ng iyon ay nagulat ako sa ginawa ni Asyong at nagbigay iyon ng kaba sa aking dibdib.
"Ala bay-am dayta gayyem mun. Umay ka ketdin. (Hayaan mo na iyang kaibigan mo. Halika na.)" Litanya niya habang hawak-hawak niya ang aking kamay.
Sa sobrang gulat ko ay hindi ko kaagad nabawi ang aking kamay. Pakiramdam ko nagustuhan niya iyon.
"Ang gandaaaaaaaa!" Biglang tili ni Margaret na ikinagulat ko kaya naman kinuha ko kaagad ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak.
"Sorry Angen," paghingi ni Asyong ng paumanhin.
Ngumiti lang ako dahil mukhang nalunok ko ang aking dila.
"Margaret bilisan mo. Mukhang tumatawag na sa akin si Rakim," talak ko pero ang totoo wala naman talagang tumatawag.
"Talaga ba? Naku! Baka sungitan tayo mamaya," nag-aalalang sagot ng kaibigan ko.
"E di mayat ta sika ti ipulung ku. Susurwan nak ngmain nga umampang ket madik met kayat. (E di maganda at ikaw ang isusumbong ko. Tinuturuan mo kasi akong lumandi eh ayaw ko naman.)" Wika ko saka ako nag-roll eyes.
Bigla ko namang narinig ang pagtawa ni Asyong sa tabi ko.
Isa din ito eh. Game na game naman.
"Ana ti katkatawaam met dita? (Ano namang tinatawa-tawa mo diyan?)" Pagsusungit ko dahil naiirita na talaga ako.
Hindi na ako natutuwa. Promise.
"Awan. Makaay-ayat nak lang kinyayu nga aggayem. Nagragsak kayu nga kitaen. Imbag man ta haan kayu agap-apa nu sursurunen ti maysa? (Wala. Ang saya ko lang sa inyong magkaibigan. Ang saya niyo kasing tingnan. Mabuti hindi kayo nag-aaway kapag nang-aasar yung isa?)" Litanya ni Asyong habang sumasabay sa aking paglalakad.
"Hoy sis. Huwag mo naman na akong isumbong. Dapat nga magthank you ka sa akin dahil hinahanapan kita ng jowa. Atan ni, ni Asyong. Mabalin mo jowaen isunan ta single muht. Single ka muhtlang. (Ayan na oh, si Asyong. Pwede mo na siyang jowain dahil single naman siya at single ka rin.)" Kinikilig na hirit ng kaibigan ko.
Huminga na lang ako ng malalin saka umiling-iling. Itong si Margaret talaga. Wala naman akong balak eh. Madami pa akong obligasyon sa pamilya ko.
Pero syempre kung ibibigay ng Diyos iyon, eh di mabuti.
Charot! Joke lang naman.
"Umuwi na nga tayo. Pagod na rin akong naglakad-lakad," tanging sagot ko.
"Sige na. Baka pagalitan kayo ng amo niyo. Agkikita tayun tu manin intun umay nga Duminggu. Agannad kayu. (Magkikita-kita na lang tayo ulit sa darating na linggo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi.)" Paalam sa amin ni Asyong.
Hindi ko alam kung saan siya sasakay.
"Akala ko ba sasabay ka sa amin?" Biglang tanong ko kung kaya napalingon sa akin ang kaibigan ko saka pa ito ngumiti ng nakakaloko.
"May bibilhin lang ako sandali. Nakalimutan ko kasi," sagot naman ni Asyong sa aking tanong.
"Good bye Asyong pogi. Ingat ka rin sa pag-uwi," pagpapacute ng kaibigan ko.
"Salamat. Ingat kayo. Angen, sa linggo ha, pakibalik yung panyo ko," aniya saka pa ngumisi.
"Si-sige. Ingat ka rin," tugon ko.
"GOOD EVENING sir. Sorry if we came home late. How is Yusuf?" Tanong ko pagkauwi namin.
Mabuti na lang at marunong magsalita ng English itong apo ni Yusuf.
"He is fine and it is fine if you went home late. I don't have anything to do at home so I prefer to stay with him. Go to your room and take your rest for a while and then you cook food later," ani Rakim.
"Yes sir. Noted," sagot naman ni Margaret.
Nagtungo nga kami sa kwarto namin ni Margaret at kaagad akong humiga sa aking kama dahil parang ngalay na ngalay ang aking mga paa.
"Sis, sabi ko sa 'yo diba? Hindi naman magagalit si Rakim. Dapat sinulit-sulit na natin yung day-off. Sayang naman. E di sana mas matagl kayong nag-usap ni Asyong," talak ng kaibigan ko habang nagpupunas siya ng kanyang mukha gamit ang wet tissue.
Bumangon ako saka ko siya binato ng unan ngunit tumawa lang siya.
"Ammum sika nga babae, mangibabain ka nga talaga. Haan ta pay amammu unay ni Asyong ngum nakadaldaldal kan. Ibabain nak launayen. (Alam mo ikaw na babae, pahiya ka talaga kahit kailan. Hindi pa natin siya lubos na kilala pero ang daldal mo na. Pinapahiya mo na talaga ako.)"
"Nakaararte ka ngamin. Haan ka agsasao itay. Jay langa ti ideal guy mo ket adda kinyanan amin. (Ang arte-arte mo kasi. Hindi ka nagsasalita kanina. Yung histura nga ng ideal guy mo ay nasa kanya na lahat.) Ano pa bang gusto mo? Ginagawan na nga kita ng paraan para magkajowa ka naman na," talak niya pabalik saka pa ito tumawa kung kaya binato ko ulit siya ng unan.
"Kinikilig ka kanina no? Aminin mo. Namumula iyang mga pisngi mo kanina. Ay teka, ang ganda ng picture niyo," sambit niya sabay bukas ng kanyang phone at tumabi sa akin sa kama.
"Huwag na huwag mong ipapakita sa akin iyan. Burahin mo na. Ayaw kong makita."
"Ano ka ba! Napaka-OA mo na ha. Ano bang problema mo? Parehas naman kayong single. Hoy Angenika! Hihintayin mo pa bang lumagpas sa kalendaryo iyang edad mo? Aba! Galaw-galaw rin. Sige ka. Habang buhay na magiging malansa iyang dalagang bukid mo," sabi niya saka humagalpak ng tawa.
Palibhasa kasi ay may pamilya na siya kaya ganito ang kanyang sinasabi.
May point din siya. Pero ano kasiiiiiii! Basta.
"Gwapo si Asyong diba? Ang lakas ng charm niya."
"Hindi ko alam. Hindi ko naman siya tinititigan," tugon ko saka ako tumayo at kumuha ng wet tissue.
"Ah talaga ba? Eh ano itong tingin na 'to?" Aniya saka niya ipinakita sa akin ang litrato sa kanyang cellphone.
Laking gulat ko nang makita ko ang picture kong nakatingin kay Asyong.
"Bakit may ganyan akong picture? Hindi ko namn ginawa iyan." Sabay agaw sa kanyang phone ngunit inilayo lamang niya iyon.
"Gaga! Alangan namang iedit ko iyan? Nakatitig ka kaya kaninang kumakain siya. Ngayon, sabihin mo sa akin na hindi ka nahuhumaling sa taglay niyang kagwapuhan," pang-aasar niya sa akin.
"Hindi nga talaga. Anu ka ba! Napakakulit mo. I-delete mo na iyan."
"Bakit ko idedelete? Ayaw ko nga. Memories ito no. Baka balang araw ay magkatuluyan kayo, atleast saksi ako."
"Hoy! Tumigil ka na nga. Malay mo may babaero iyon. Alam mo namang gwapo siya diba? Ayaw kong masaktan balang araw."
"Eh di inamin mo rin. Kunwari ka pa," aniya saka pa tumawa.
"Hah? Anong inamin ko? Alin?"
"Kunwari ka pa. Nagagwapuhan ka rin pala sa kanya."
"May sinabi ba ako?"
"Hoy meron. Alam mo tama nga yung kasabihan n nahuhuli ang isda sa sarili nitong bibig. Eh kung iyang isda mo rin kaya sa baba ang ipahuli mo."
Natawa ako sa kanyang sinabi kaya naman hinampas ko siya.
Alam kong langoy na langoy na itong dalagang bukid ko pero huwag muna ngayon.
Pero sinabi ko ba talagang gwapo siya? May sinabi ba ako?
"Magluto ka na nga lang. Nagugutom na yung mga amo natin. Baka mamaya niyan palayasin tayo," litanya ko saka ako lumabas ng kwarto para puntahan si Yusuf.
Nakakapagod man ang araw na ito dahil sa paggagala namin pero kailangan pa rin naming magtrabaho.
Linggo lang ang pahinga namin ngunit pagkauwi ay kailangan pa rin naming gawin ang trabaho namin bilang mga OFW.
Mahirap malayo sa pamilya ngunit kailangan dahil mas malaki ang sahod dito sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas lalo na ata hindi ako nakapagtapos ng aking pag-aaral.
Gayunpaman, kailangang magtiis para sa pangangailangan ng aking pamilya.
Hay! Nagdadrama na naman si Inday.
ALA-UNA na ng umaga nang pumasok ako sa aking silid upang magpahinga.
Nagpasya naman si Rakim na huwag na lang daw muna siyang umuwi kaya siya ngayon ang kasama ni Yusuf.
Katatapos ko lang nagshower at naglalagay na ako ng skin care ko.
Si Margaret, ayun masarap na ang tulog ng gaga. Napagod siguro sa kadadaldal.
Pagkatapos kong mag-ayos ay nagfacebook muna ako. Ito rin ang isa sa libangan naming mga kasambahay.
Kasalukuyan akong nag-i-scroll sa aking f*******: nang biglang may magtext.
Unknown number iyon kung kaya kaagad kong binuksan dahil baka mensahe iyon galing sa bahay.
From: Unknown Number
Hi. Gising ka pa ba?
Sino naman kaya ito?
Wala akong panahong makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala kaya naman auto ignore ang inday.
Nanonood na ako ng videos nang biglang may magtext ulit.
Same number.
From: Unknown Number
Si Asyong ito.
Ito ang laman ng pangalawang text na ikinagulat ko.
Hindi na ako magtataka kung kanino niya kinuha ang number ko kaya naman tumayo ako upang gisingin ang nagtutulog-tulogang kaibigan ko.
"Hoy Margaret! Anong ibig sabihin nito? Bakit mo ibinigay ang yung number ko?" sabay yugyog sa kanya.
"Ano ba sis. Inaantok na ako," reklamo niya ngunit hindi ko siy tinigilan.
"Nagtutulug-tulogan ka lang naman eh. Gumising ka diyan at mag-uusap tayo," sabay hila sa kanyang kamay.
Tama nga ako. Kunwari ay natutulog na ang gaga. Tumatawa na siya ngayon dahil sa kalokohang ginawa niya.
"Sabi ko na nga ba eh. Ano bang nakain mo at ibinigay mo ang number ko?"
"Sorry na sis. Gustong-gusto ko na talagang magkaroon ka na ng jowa. Parang isda ko kasi yung natutuyuan kapag hindi ka pa nagkajowa ngayon."
Siraulo talaga ang babaeng ito.
"Alam ko namang pati ikaw ay natutuyuan na rin. Huwag mo na akong idamay diyan."
"Hoy! Oo kulang sa dilig ito pero hindi ko namn hinahayaang tuluyan na matuyo ano. Syempre anong silbi nang binili kong toys kung hindi ko gagamitin."
Naku talaga.
"Sige na. I-entertain mo na si Asyong. Malay mo ngayong gabi ay magkaroon ka na ng jowa. Happy ako kapag ganun sis."
"Ewan ko sa 'yo. Ano namang sasbihin ko sa kanya? Pahamak ka talaga kahit kailan. Imbes na matutulog na ako, bibigyan mo pa ako ng iisipin," talak ko saka ako humiga sa kama ko.
"Ayieh! Iniisip na niya si Asyong. Sige sis. Push mo lang iyan. Good night na. Hemwa."
"Hindi ka sana makatulog."
"Lab you."
"Eww!"
"Maka-eww ka ha."
"Sige na. Ang daldal mo. Matulog ka na."
Pinatay ko na rin ang ilaw ng phone ko saka ako nagdasal.
Eksaktong pagmulat ko ng aking mata ay muling tumunog ang aking cellphone.
Isa na namang text message iyon.
From: Unknown Number
Magreply ka naman oh kung gising ka pa.
Ano ngang irereply ko?
From: Unknown Number
Bakit ang tahimik mo kanina? Nahihiya ka ba?
Muling mensahe niya.
Naaamoy ko. Nangungulit na siya. Kaya para matigil na ay napagpasyahan kong replyan siya.
To: Unknown Number
Hello. Magpapahinga na kasi ako. Katatapos lang ng trabaho ko. Pasensiya ka na.
Sent.
Teka nga. Bakit ako humihingi ng pasensiya?
From: Unknown Number
Ay kasjay kadi aya. Kayat ka kuma pa lang nga katext nu okay lang kanyam. (Ay ganun ba? Gusto ko pa sanang katext ka kung ayos lang.)
Alam ko na ang susunod dito.
Tsk!
To: Unknown Number
Mabalin met latta ngem aginana nak gaminen ta nabannug nak. (Pwede naman kaso magpapahinga na ako. Napagod kasi kanina.)
Sent.
From: Unknown Number
Eh di siyak latta mangrelax kanyamun. Haha. (Eh di ako na lang ang magrerelax sa 'yo. Haha.)
Ano? Napakapilyo niya ha.
Bigla akong kinabahan sa text niyang ito.
Anong ibig niyang sabihin? Anong relax?
From: Unknown Number
Uy joke lang 'yon. Ikaw naman. Hindi ka na nagreply. Binibiro lang kita. Parang napakaseryoso mo kasi. Ang ganda mo pa naman.
Okay. Yung mga words niya. Galawan ng mga babaero.
To: Unknown Number
Kung ano man yung sinabi ng kaibigan ko kanina, huwag mong intindihin iyon. Ganun talaga siya. Ipapadala ko na lang sa kanga yung panyo mo sa susunod na linggo. Baka kasi hindi ako magday-off.
Sent.
Wala pang isang minuto ay nagreply na siya kaagad.
From: Unknown Number
Hindi pwede. Nakapagpromise ka na sa akin. Hindi pwedeng hindi ka pumunta dahil. . . .
Bakit bitin yung text niya?
Magrereply na sana ako nang magtext siya ulit.
From: Unknown Number
Ngayon pa lang namimis na kita.
Ha?
Pagtatapos ng Kabanata IV