Kabanata III

1611 Words
Kabanata III Paunawa: Ang mga pangalan ng mga tauhan at mga eksena sa kwentong ito ay kathang isip lamang. Ano mang pagkakatulad nito sa mga pangalan at mga tagpo sa buhay ng partikular na OFW sa ibang bansa ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. MARGARET “BABY you’re my destiny, You and I were meant to be, With all my heart and soul, I give my love to… Hay, naku! Ba’t mo tinakpan ng panyo ung bibig ko sis e kumakanta lang naman ako!” naiinis kong sumbat kay Angen. Pinipilit kong hindi tumawa habang sinasambit ang mga katagang iyon sa aking kaibigan. Bakas sa kanyang makinis na mukha ang pamumula at pagkabalisa. Samantala, nagpatuloy pa rin ako sa pang-aasar habang hinihintay naming maihain sa aming lamesa ang mga pagkain. “Asyong, pagpasensiyahan mo na tong kasama ko, sa una lang to nahihiya pero ang totoo niyan wala talagang hiya itong si Angen,” pabiro kong sambit habang tinatapik ang balikat ng aking kaibigan.” Abot langit ang ngiti ni Asyong at panay ang titig nito kay Angen. Nababasa ko sa kanilang mga mata na sila’y nagkakahiyaan pa kung kaya’t panay ang pagdadaldal ko. “At alam mo ba Asyong noong palabas na kami mula sa grocery store nabanggit na naman niya na type ka niya!” Sabi pa nga ni Angen na ikaw na yata iyong lalaki na ipinagdarasal niya gabi-gabi.” Bigla namang sumagot si Angen na tila kanina pa ito nag-aalburoto sa inis dahil sa pang-aasar ko. “Susmaryosep, Asyong huwag kang magpaniwala sa taong iyan.” Iniba nito ang usapan. “Nabagayag pay ngata dejay makan? Tattay ak pay nga nabisen. Haan makatalna dagitoy ar-yek dituy uneg ti tiyan kon!” ani Angen. (Matagal pa kaya iyong pagkain? Kanina pa ako nagugutom. Hindi na mapakali ang mga bulate sa loob ng tiyan ko!) Halatang-halata sa ikinikilos ni Angen ang pagkabalisa. Gustong-gusto na nitong lumisan sa aming kinaroroonan. “Sis, huwag kang OA! Tsek mo ung relo mo limang minuto pa lamang ang nakalilipas diba’t sabi ng waitress fifteen minutes?” Sus, manahimik kana lamang diyan. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Asyong. “Ehem ehem.. Asyong sa gwapo mong yan, nakarami kana siguro ng chicks dito sa Kuwait ano? “Ah wa-wala pa. Wala ngang nagkakagusto saakin dito e,” Iba ang tipo ng mga kababaihan dito,” aniya. “Ang boboba naman nila. E kung wala pa akong asawa’t mga anak, malamang nagging jowa na siguro kita,” natatawang sabad ko kay Asyong. Ngumiti lamang ito bilang tugon habang nakatitig sa mapupungay na mata ni Anjen. “Oy binibiro lang kita ha baka seryosohin mo.” Hindi naman napigilan ni Asyong ang tumawa. “Bakit hindi Margaret kung wala ka sanang asawa’t mga anak. Hindi naman ako namimili ng babae basta’t mamahalin ako ng tunay at buong-buo- walang labis, walang kulang,” ani Asyong. Napasigaw ako sa kilig. Nagtinginan ang ilan sa mga taong nakapalibot sa aming kinaroroonan. “Talaga ba Asyong? Isa na siguro ako sa mga masweswerteng babae kapag nangyari iyon. Sayang mga gwapot’ magaganda siguro ang mga anak ko kung ikaw ang nakatuluyan ko, natatawang tugon ko sa pahayag ni Asyong. Akmang magsasalita si Asyong nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan kung sino ang numerong tumatawag sakanya. Medyo tumagal ng pitong segundo bago niya inangat ang tawag. Boses ng babae ang aming narinig. Maya-maya’y humingi siya ng kaunting oras para makausap ang taong iyon. Pagkaalis ni Asyong sa kanyang kinauupan, humarap ako kay Angen. “Uy sis, ano pasado na ba siya sa standards mo?” “Agad-agad sis? Ano ka ba kakakilala mo lang sa taong yun, ganyan na itatanong mo saakin? Hay naku Margaret umiral na naman yang pagkahumaling mo sa mga gwapo!” ani Angen. “Sis kahit kailan talaga pakipot ka ano! Mukha namang walang jowa iyong tao e. At alam mo ba panay ang titig niya sayo habang nakikipag-usap ako sakanya.” “Margaret, pumunta ako dito sa Kuwait upang maghanap-buhay hindi upang maghanap ng jowa!” Tsaka, wala pa sa bokabularyo ko ang magkaroon ng nobyo. Tulungan ko muna ang inay at itay nang sa gayon hindi na sila magbibilad sa sikat ng araw upang makag-ipon ng sapat na pera na pambayad sa tuition ng mga kapatid ko.” “Yan ka na naman Angen. Wala ka nang ibang bukambibig kundi pamilya mo. Ghorl, tatanda kang dalaga kapag ganyan lagi ang mindset mo. Huwag mong pagdamutan yang sarili mo sis, lalo na yang lovelife mo naku ang boring wala man lang kabuhay-buhay!,” nakakunot-noong sabad ko kay Angen. “Ang pag-ibig hindi yan minamadali. Kusang dumarating yan sa buhay ng isang tao,” saad niya. “Mamati ka met aya dita? Awan mangyari dita biag mu Angen nu kasta laeng ti prinsipyom iti ayat. (Naniniwala ka naman dyan? Walang mangyayari sa buhay mo Angen kapag ganyan palagi ang prinsipyo mo pagdating sa pag-big.) “Ayna! Margaret uray aguban nak tun basta adda la kedti mayat kanyak (Hay! Margaret kahit na pumuti ang mga buhok ko basta may magkagusto saakin), nakangising tugon niya. Napasarap ang kwentuhan namin ni Angen nang matanaw ko ang papalapit na si Asyong. Mukhang napahaba ang makikipag-usap nito sa babaeng tumawag sakanya. “Uy, sino pala yung tumawag sayo? Girlfriend mo?” tanong ko kay Asyong. “Ah-e wala yun. Hindi. Kaibigan ko iyong tumawag,” sagot niya. “Hahaha. Oo nga pala no single ka pala,” sambit ko. Ngumiti si Asyong ng bahagya at napakamot sa kanyang ulo. Inilapit ni Angen ang kanyang upuan sa aking pwesto at may ibinulong. “Sis, kung ano-ano ang tinatanong mo sa taong iyan. Nakahihiya.” Narinig ito ni Asyong. “Ahm, Angen ayos lang. Hindi naman iyon nakababawas sa aking kagwapuhan,” ani Asyong sabay kindat. Yumuko si Angen at tila may binibigkas ito na tanging siya lamang ang nakakarinig. “Hay, akala ko pa naman mahiyain itong lalaking ito may pagkafeelingero pala,” mahinang sambit niya. “Ano yun sis? May sinasabi ka ba?” pang-aasar ko. “Wa-wala sis,” tugon niya. “Talaga ba? Parang sinabi mo ata na “Shet gwapo ka nga talaga Asyong!”Tama ba ang pagkakarining ko sis? “Sira ulo ka talaga Margaret! Wala akong sinabing ganyan,” sabad ni Angen na akmang sasabunot na sa buhok ko. “Opsss. Teka lang sis, ang pikon mo masyado binibiro lang naman kita. Relax ka lang, tumatawang tugon ko sakanya. Sa kabilang banda, aliw na aliw naman si Asyong habang pinapanood kami. Pagkalipas ng labin-limang minuto, dumating na ang waitress. “Sa wakas makakain na tayo, kanina pa ako nagugutom,” reklamo ni Angen. “Patay gutom ka talaga sis, sambit ko sabay akbay sa balikat niya. "Teka, magdasal muna tayo," paalala ni Asyong. "Ah oo nga pala," tugon ko. Sumambit ng maikling panalangin si Asyong at pagkatapos nagsimula na kaming kumain. "Masarap pala ang pansit nila rito. Namimiss ko tuloy ang Inang Bayan," ani Asyong. "Mas masarap ka siguro Asyong, seryosong tugon ko. "Ha?" "Hahaha. Uy, binibiro lang kita. Oo masarap talaga ang mga sineserve nilang pagkain dito. Tuwing namimiss namin ni Angen ang kumain ng pansit batil patong pumupunta kami rito." "Hayaan niyo sa susunod na day off ko pupunta tayo ulit dito. Sagot ko kayong dalawa," sambit ni Asyong na panay ang tingin nito kay Angen. "Naku, maraming salamat ha. Pogi ka na nga mabait ka pa. Total package!" "Wala iyon. Okay lang ba sayo Angen na yayain ko kayo ni Margaret na kumain ulit dito sa susunod na off ko?" tanong ni Asyong. Matagal bago sumagot si Angen. Tila nakapokus ito sa kanyang kinakain. "Huy, Angen! Tinatanong ka ni Asyong?" sabad ko. "Pa-pasensiya na gutom na gutom kasi ako kaya di ko masyadong pinagtuunan ng pansin iyang mga sinasabi niyo. Hmmm. Si-sige Asyong, titingnan namin ni Margaret kung makakasama kami sayo sa susunod na day off mo," ani Angen. Bigla namang inilabas ni Asyong ang kanyang cellphone at itinype nito ang kanyang numero. "Oh heto ang cellphone number ko, itext niyo lang ako kung available kayo sa susunod na Linggo," aniya. Agad ko namang kinuha ang kanyang cellphone at isinave sa aking cellphone ang kanyang numero. Nang iabot ko na kay Asyong ang kanyang cellphone biglang tumunog ang ringtone nito. Nakita ko tuloy nasa wallpaper ng cp niya. "Asyong, ang ganda naman ng nasa wallpaper mo," nakangiting sambit ko. Agad agad niya namang kinuha ang kanyang cellphone at ibinulsa ito. "Kaka-kapatid ko iyong nasa wallpaper ko," nauutal niyang tugon. "Ganun ba? Kaya pala may hawig kayo! Lahi niyo pala ang magaganda at pogi," sambit ko. Ngumiti lamang ito at ipinagpatuloy ang pagkain ng pansit. Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagmemeryenda nang halos mabitawan ni Angen ang isang baso ng juice na iniinom niya. Buti nalang at nasalo niya ito kundi tuluyang nabasag ang baso . Natapunan nga lang ng juice ang kanyang blouse. "Ano bang nangyayari sayo sis? Hindi ka nag-iingat yan tuloy muntik kanang makabasag," nagaalalang sambit ko. "Ayos ka lang ba Angen? Heto kunin mo na itong panyo ko," ani Asyong. "Naku, huwag na Asyong. Okay lang ako, " sagot ni Angen. "Alam mo sis, ang arte mo! Kunin mo na yang panyo kesa uuwi kang basa. Ano na lamang ang sasabihin ng mga taong makakasalubong natin," naaasar na sabad ko. Nilapitan ni Asyong si Angen at ibinigay ang kanyang panyo. Nagtama ang kanilang paningin at tila may anong kuryenteng dumaloy sa palad ni Angen kung kaya't hindi ito nag-atubiling tanggapin ang panyong ibinigay ni Asyong. Pagtatapos ng Ikatlong Kabanata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD