Kabanata V

2306 Words
Kabanata V IGNACIO HINDI KO alam kung bakit kay Angen ako natutuwa lalo na kung inaasar siya ng kanyang kaibigan. Maganda na siya kahit napakaseryoso niya. Ano pa kaya kapag ngumiti na siya hindi ba? Naku! Delikado ka manin Asyong. (Naku! Delikado ka na naman Asyong.) Sa buong biyahe ko pauwi ay nakangiti lamang ako. Nagagandahan kasi ako kay Angen. Pakiramdam ko ay may iba sa kanya. Kung kaya habang nakasakay ako sa bus ay nagmessage ako kay Margaret upang kunin ang number ni Angen. Gusto ko pa siyang makilala. PAGDATING ko sa hospital na pinagtatrabahuan ko ay dumiretso na muna ako sa ward upang ibaba ang aking mga gamit at nang makapagpahinga na muna. Kapag day off ko ay may nurse na nagbabantay sa pasyente ko. Bukas pa naman ang out niya kaya may oras pa ako para magpahinga. Diretso na rin akong naligo dahil galing ako sa labas. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay inaliw ko muna ang aking sarili sa panonood ng mga videos sa f*******:. Nang bigla kong maalala si Angen ay tiningnan ko kung may reply si Margaret at hindi nga ako nagkamali dahil binigay na niya sa akin ang numero ng kanyang kaibigan. To: Margaret Salamat. Anong pangalan niya sa f*******:? Sent. Gusto ko kasing malaman dahil baka hindi niya ako replyan sa text. Ilang segundo lang ay nakatanggap akong muli ng text galing kay Margaret. From: Margaret Tanungin mo na lang sa kanya. Para naman may rason kang kausapin siya. Haha Ito ang naging reply ni Margaret. Sabagay tama siya. To: Margaret Ganun ba iyon? Sige. Agyamanak ta inted mu iti number na. Agkikita tayu manin intun sumarunu nga duminggu. (Thank you at ibinigay mo ang kanyang number. Magkikita-kita na lang ulit tayo sa susunod na linggo.) Sent. From: Margaret Sure. Sinisiguro kong hindi na siya mahihiya sa susunod na pagkikita niyo. Yieh! I am so excited dahil mukhang makakahanap na nga ng lovelife ng kaibigan ko. Sige na at kailangan na naming magtrabaho. Bye. Mukhang matagal na ngang hindi nagkakaroon ng nobyo itong si Angen. Ako rin ay kailangan ko ng taong magpapainit minsan sa akin. Hindi, biro lang iyon. Kaya pinipilit kong pigilan ang sarili ko dahil nga may taong naghihintay sa akin sa Pilipinas. Hangga't maaari ay ayaw kong magtaksil sa kanya. Lagot na Asyong. Wala namang malisya kung magiging magkaibigan kami ni Angen. Masaya silang kasama ni Margaret bukod sa parehas pa kaming mga Ilokano. Ala una na nang mapagpasyahan kong magpadala ng mensahe kay Angen. Base kay Margaret ay kababalik niya lamang daw sa kanilang silid. Napakaseryoso niya rin kahit sa text. Mukhang mahirap kunin ang kanyang loob kung kaya binanatan ko na ng mga linyang hindi naman nararapat. To: Angen Ngayon pa lang namimis na kita. Naks! Yung mga tiradang iyan Asyong. Tigil-tigilan mo. Makalipas ang dalawang minuto ay wala pa akong natanggap na reply niya kung kaya sinubukan ko siyang tawagan ngunit nagriring lamang ang kanyang numero. Hindi niya sinasagot. To: Angen Oy. Biro lang iyon. Napakaseryoso mo kasi kahit sa text. Sent. Pilyo ka talaga Asyong. Paano kung hindi na nga siya magreply? Limang minuto na ang nakalilipas ay hindi na nga siya nagtext kaya pinatay ko na ang ilaw at nagpasya nang matulog. Nakaguran sa met isunan. (Nainis na yata siya.) Pagkapikit ko ay biglang tumunog ang aking cellphone na nasa tabi ng aking unan. Kaagad ko iyong tiningnan at nakita ko ang pangalan ni Angen. Naku po! Hindi siya makatiis. Nakangiti kong binuksan ang mensaheng nanggaling sa kanya. From: Angen Agad-agad? Hindi pa nga tayo lubos na magkakilala, miss mo na ako kaagad? Ikaw ha. Baka mamaya niyan tuluyan ka nang mahulog sa akin. Hindi pa ako ready kung sakali. Hihi Ito ang laman ng kanyang text na nakapagpangiti sa akin kaya naman sandali akong napangiti at nag-isip ng irereply sa kanya. To: Angen E di kilalanin muna natin ang isa't-isa. Parang ang sarap mo kasing kasama. Sa una ka lang siguro tahimik pero kapag napapalagay na ang loob mo ay ayos na. Malay mo ako na yung hinahanap mo. Sent. Lintik! Ang corny mong gag* ka. From: Angen Sus. Galawan mo. Sige na. Magpapahinga na ako. Magpahinga ka na rin. Good night. Ang sweet naman niya. Naggogood night na rin siya. To: Angen Sige. Magpahinga ka ng mabuti. Agkita ta intun Sunday ah? Kayat ka ulit makita ken maamammu. (Magkita ulit tayo sa Sunday ha? Gusto ulit kitang makita at makilala.) Good night gwapa. (Good night beautiful.) Sleep well. Sent. Tang-*na! Para na akong teen ager sa pinaggagagawa ko. Ayos lang ba ako? Bago ako magpasyang matulog ay tinawagan ko muna si Jemalyn. Umaga na sa Pilipinas kaya alam kong gising na siya. Nakatatlong ring ang kanyang messenger bago niya iyon sinagot. "O mahal, nakariing ka pay met. Haan ka nabannug nga nagday off? (O mahal, gising ka pa pala. Hindi ka ba napagod sa day off mo?)" Tanong niya habang siya ay nagpupusod ng kanyang mahabang buhok. "Amman mahal ngem madama nak aginanan. Maturugak met madamdaman nu malpas ta agtungtung. Adda sirrek mu ita? (Napagod mahal pero kasalukuyan na akong nagpapahinga. Matutulog na rin ako mayamaya pagkatapos nating mag-usap. May pasok ka ngayon?)" "Adda. Madama nak lang agkape tapos agdigusak madamdaman. Iturug mu ngaruden ta agduty ka man intun madamdaman. (Meron. Magkakape lang ako tapos maliligo na mamaya. Matulog ka na at may duty ka pa mamaya.)" Sagot niya saka humigop ng kape mula sa baso. "Sige mahal. Agannad ka ngarud. Maturugakun. ( Mag-iingat ka. Matutulog na ako.) I love you." "I love you too mahal. Uray sika, agannad ka kanayun dita wen? Ururayen ka. (Pati ikaw. Lagi kang mag-iingat ha? Hinihintay kita." "Opo. Muah. Bye. Patayin mo na," utos ko saka naman niya hinalikan ang screen ng kanyang cellphone pagkatapos ay namatay na ang tawag. Nilapag ko na rin sa katabing mesa ang aking telepono saka ako humiga at hinanap ang aking tulog. Paikot-ikot na ako sa kama ko ngunit hindi ko pa rin makuha ang antok ko. Pagod naman ako sa pagkakaalam ko ngunit mulat na mulat pa rin ang aking mga mata. Sabi nila kung hindi ka raw makatulog ay may taong nag-iisip sa iyo. Naaalala siguro nila ako sa bahay kaya hindi ako makatulog ngayon. Kinuha kong muli ang aking telepono saka ko binuksan ang f*******: application. Makapagscroll na nga muna. Habang nag-iscroll ako ay naisipan kong hanapin ang f*******: account ni Angen. Pero paano iyon? Angen lang ang alam ko. "Angen ngata ti agpaysu nga nagan na? Baka met haan. (Angen kaya ang totoong pangalan niya? Baka naman hindi?)" Tanong ko sa sarili ko. Sinubukan kong i-search ang Angen ngunit ang daming lumabas. Dahan-dahan kong tiningnan ang mga iyon ngunit hindi ko nakita ang mukha ni Angen. "Aguray man. Angenika sa iti agpaysu nga nagan na. Baka isu ti gamit na ti f*******:. (Teka nga. Angenika yata ang totoong pangalan niya. Baka iyon ang ginagamit niya sa facebook.)" Sinubukan ko ulit hanapin at kagaya nga nang ginawa ko kanina, marami rin ang lumabas na Angenika kung kaya't inisa-isa ko na namang tiningnan. Napukaw ng atensiyon ko ang isang Angenika Reymundo. "Aguray man. Kasla isuna atuy ta daytuy itay ti suot na nga luput. Inikkat na laeng jay abbung jay ulo na. (Sandali nga. Parang siya ito dahil sa suot niyang damit. Ito ang suot niya kanina. Natanggal lang yung takip sa kanyang ulo.)" Pinindot ko iyon at hindi nga ako nagkamali. Ito ang Angenika na aking hinahanap. Kapapalit lang niya ng kanyang Profile Picture. Ang galing mo talaga Asyong. "Add friend," saad ko saka ko pinindot iyon. Pinindot ko rin ang message dahil balak ko siyang ichat. Baka kasi nagkukunwari lang siyang tulog. Angenika Reymundo Hi Ito lang ang tinype ko saka ko pinindot ang send button sa messenger. Nagulat ako nang sabihin ng messenger na delivered ng aking mensahe kaya naman napangiti ako. Online siya. Sana naman iaccept na niya ako. ANGENIKA NAPANGITI na lamang ako sa mensaheng iyon ni Asyong. Hindi kasi ako sanay sa mga ganun. Inilapag ko na ang aking cellphone sa tabi ng unan ko saka ako pumikit upang hanapin ang aking antok. Ngunit makalipas ang halos 30 minuto ay hindi pa rin ako makatulog kung kaya kinuha kong muli ang aking cellphone. Ugali kong magscroll sa f*******: kapag ganitong hindi ako makatulog. Ano pa nga ba? Ito lang naman ang tanging libangan naming mga kasambahay. Pagkabukas ko pa lamang ng wifi ng aking cellphone ay sunod-sunod na ang mensahe sa aking messenger. Nariyan nag group chat namin ng mga kamag-anak ko, mga kaibigan ko sa Pinas at maging dito sa Saudi. Binuksan ko rin ng friend request at naagaw ng aking attention ang pamilyar na mukha. "Si Asyong kaya ito?" Saad ko sbay pindot sa pangalang Ignacio Arnais. Bigla akong nakaramdam ng tuwa nang makumpirma kong si Asyong nga iyon. Paano naman kaya niya nalaman ang f*******: account ko? Nagtataka ako ngunit nang mapalingon ako sa aking kaibigan ay napakamot na lamang ako sa aking ulo. "Hoy babaita! Aramid mu manin daytuyen anya? (Hoy babae! Kagagawan mo na naman ito no?" Talak ko sabay bato sa kanya ng unan. "Ti anya manin? (Ang alin na naman?)" Halata sa boses niya ang pagkainis dahil naistorbo ang kanyang tulog. "Agin didi-ammu ka pa lang dita. Imbagam kin Asyong iti nagan ku ti f*******: ana? (Nagkukunwari ka pa diyan na hindi mo alam. Ikaw ang nagsabi kay Asyong ng pangalan ko sa f*******: ano?)" Kaagad naman siyang napabalikwas nang marinig niya iyon. "Agpaysu? Nagfriend request kinyam? (Totoo? Nagfriend request siya sa 'yo?) O my gooooosh!" Tili niya kung kaya binato ko ulit siya ng unan. "I-confirm mo na. Baka kasi icancel pa niya," kinikilig na saad niya. "So ikaw nga ang nagsabi? Malamang diba? Sino pa nga ba?" "Makajudge ka naman girl. Oo tinanong niya ako about diyan pero ang sabi ko, tanungin ka na lang niya. It is time for him na siya naman ang magmake ng move no. So ayun nga, hinanap ka niya sa f*******:. Yieeeh!" "S-so hindi ikaw ang nagsabi sa kanya?" "Pajulit-julit ka naman eh. (Paulit-ulit ka naman eh.) Sinabi ko na nga diba? Pero infairness, mukhang interesado siya sa 'yo dahil hinanap ka pa niya talaga. Doon pa lang ay gumawa na siya ng effort bes." OA naman itong kaibigan ko. "Hello! Okay ka lang? Hindi pa nga niya ako kilala ng lubos tapos interesado na siya agad?" "Kaya ka nga inadd dahil kikilalanin niyo ang isa't- isa diba? Apaka engot mo bes. Slight!" Aba at sinabihan pa akong engot. "Pero nakakaduda. Baka nga kasi may girlfriend siya doon sa Pilipinas. Nakakakonsensiya naman kung papatol ako sa kanya. Ano yun tawag ng laman? Baka yun lang yung gusto niya." "Gaga. Alam mo ikaw, kaya hindi ka nagkakajowa eh. Kaya nga kikilalanin muna diba? Saka siya na rin ang nagsabi na wala siyang jowa. Stalk mo kaya yung account niya para makita mo kung may jowa siya." "Iconfirm ko na ba?" "Ay hindi! Idelete mo," sarcastic na aniya kaya naman bumusangot ako. "Napaka-epal mo. Sursurwan nak ti kinagarampingat ah. Maamwan lang ti nagannak ku daytuy. (Tinuturuan mo akong lumandi ha. Malaman lang ng mga magulang ko 'to.)" "What? Malapit ka nang lumagpas sa numero ng kalendaryo. Pagagalitan ka pa ba sa edad na yan? At saka hindi ka naman nakakaligtang magbigay sa kanila. Through out your life sila nag nasa isip mo. Panahon na siguro para sarili mo naman ang isipin mo. May karapatan ka rin na sumaya," talak niya. Tama naman siya pero kasi hindi ako sigurado. Paano kung mahulog rin ang loob ko kay Asyong? "Be kitak man ta cellphone mu nu talaga nagfriend request kinyam. Baka muht ululbudan nak. (Tingnan ko nga iyang cellphone mo kung talagang nagfriend request siya sa 'yo. Baka naman nagsisinungaling ka lang sa akin.)" Sabi niya sabay lapit sa akin at humiga sa kama ko saka niya hinablot sa aking kamay ang aking cellphone. "Confirm!" Sigaw niya saka tumawa. "Ano? Bakit mo inaccept? Pinag-iisipan ko pa nga diba?" "Bruha ka! Kailangan pa bang pag-isipan? Wala namang masama kung tatanggapin mo yung Friend request niya," wika niya sabay irap sa akin. May point namna itong lukaret kong friend. Bahala na nga. "O my gosh! Nagmessage siya." Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Agad-agad? "Huwag mo nga akong niloloko Margaret. Bakit namna niy aako ichachat?" "Bakit hindi?" Kailangan bang tanong din dapat ang isagot sa isa pang tanong. "Ayan oh! Ang sabi niya 'hi'. Para naman maniwala ka." Nakita ko nga ang chat ni Asyong. Isang hi lang naman iyon pero parang napakahaba para sa akin. Juice colored! Sana naman hindi agad ako papatol sa kanya. Kaya ko namang pigilan ang sarili ko lalo na at pamilya ang unang priority ko pero ano kasi, mat point naman ang kaibigan ko. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko kay Margaret na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang aking cellphone. "Wala. Masaya lang ako," tanging sagot niya ngunit nakafocus pa rin siya sa screen. "O ayan ha? Ako na ang nagreply para sa 'yo. Ikaw na ang bahala," aniya sabay abot sa akin ng phone ko at saka siya lumayas sa higaan ko para lumipat sa kanya. Kinakabahan ako sa nireply ng babaeng ito. Pinindot ko ang message ni Asyong at nagulat ako sa nireply ni Margaret. "Margaret ano ba? Ana daytuy ibagbagam nga excited nak nga agkita kami ulit! Garampingat ka nga talaga.(Ano itong sinasabi mo na excited akong makita siya ulit! Kerengkeng ka talaga kahit kailan!)" Tinatawanan lang ako ng bruha. Bago ko pa balak idelete ay nakita na ni Asyong. Jusko po! "Nagreply na ba?" "Hindi. Pero nakita na niya. Pahamak ka talaga kahit kailan. Matutulog na ako," saad ko. Pagkahiga ko ay biglang tumunog ang aking Messenger. "Gosh baka siya iyan!" Ani Margaret saka tumalon sa aking kama. "Siya nga!" Pagtatapos ng Kabanata V

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD