Kabanata II

1609 Words
Kabanata II Paunawa: Ang kwentong ito ay isang kathang isip lamang ng may akda. Ang ano mang pagkakatulad ng mg pangalan, lugar, pangyayari at sitwasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Ang kwentong ito ay para sa mga Overseas Filipino Workers. Ito ang buhay nila. IGNACIO DAY OFF ko ngayon at nasa Bayan Botanical Garden ako sa Kuwait kung saan ako nagtatrabaho bilang isang caregiver. Kausap ko sa chat si Jemalyn kaya't habang naglalakad-lakad ako ay nagchachat lang ako. Ganito ako sa tuwing day off ko, mag-isa at malungkot. Kaya naman sa loob ng mahigit dalawang taon na pamamalagi ko dito ay sarili ko lang talaga ang naging kasangga ko. Mayroon din naman akong mga pinoy na kaibigan ngunit nasa malalayong lugar sila ng Kuwait, magkakaiba rin kami ng schedule kaya't sa tuwing day off ay ako na lamang mag-isa ang gumagala. Nagulat ako sa kumalabit sa akin habang nagchachat ako. Isang babae at sa likuran niya ay isa ring babae na mistulang binuhusan ng tubig na malamig dahil medyo nanginginig. "Excuse me boss. Pinoy ka ba?" Tanong ng babae saka tumitig sa aking mg mata. Agad ko namang ibinulsa ang cellphone ko at saka siya hinarap kasama ang kaibigan nia. "Oo bakit?" Tanong ko rin sa kanila saka ako tumingin sa kasama niyang humihila na sa kaniyang kamay. "Type ka kasi nitong kasama ko," walang preno niyang wika na agad ko namang ikinagulat. "Huwag kang maniwala sa kaniya," sabad naman ng babae at saka niya tinakpan ang bibig ng kasama. Namula siya ng todo at hindi makatingin ng deretso sa akin. Agad niyang hinila ang kasama niya at saka sila dali-daling lumayo sa akin. Napapangiti kong tingnan sila at saka ako napailing dahil sa tuwa. Hindi na bago sa akin ang ganitong mga pangyayari dahil maging sa Pinas ay ganito rin naman ang nangyayari. Mayroon na lang agad lalapit at kunwari ay makikipag-usap o makikipagkwentuhan. Inilabas kong muli ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Jemalyn. Madaling araw na sa Pinas kaya naman medyo hirap pa rin kami sa aming adjustment time sa tuwing nagkakausap kaming dalawa. Kaya naman pinipilit kong ayusin ang communication naming dalawa upang hindi naman kami magkasawaan. Nagring ang kaniyang messenger at agad naman niya itong sinagot. "Hello mahal. Kumusta ka ngay dita? (Kumusta ka diyan?)" Pangungumusta ko sa kaniya. "Kastuy latta, makaturturugen, mahal (Ganito pa rin, inaantok na)," sagot niya. Patay na ang kaniyang ilaw at tanging ilaw na lamang mula sa kaniyang cellphone ang nagsisilbing liwanag niya doon. "Ala ngarod, maturug kan. Kayat ka laeng nga makita (Sige na, matulog ka na. Gusto lang kitang makita.)," sabi ko at nagpaalam sa kaniya. "I love you, Asyong," sabi niya. "I love you too, Jem," ganti ko sa kaniya. Pagkatapos niyon ay pinatay ko na ang tawag at saka ako nagnpalinga-linga sa kapaligiran. Wala na ang dalawang babae. Nais ko pa man din sana silang makakwentuhan kung sakali. Mukha kasi silang mga kalog at iyon ang gusto ko sa ngayon, ang sumaya. Malapit na rin namang maggabi at matatapos na naman ang isang buong araw ng aking day off. Babalik na naman ako sa aking tinitirahan at bukas ay simula na naman ng aking trabaho. Kaya naman bago ako bumalik doon ay nagtungo muna ako sa Oncoast Salmiya Grocery upang mamili ng mga pagkaing pinoy na gagamitin kong stocks sa aking tinitirhan. Hindi ko kasi masyadong masikmura ang mga pagkain dito dahil sa sobrang anghang o kaya naman ay maraming spices na nakalagay. Kaya naman mas mabuting mamili na lang ako ng ilan sa aking mga kakainin upang sa ganon ay hindi naman ako magutom sa mga susunod na mga araw. NASA Oncoast Salmiya Grocery na ako, natutulak ng cart at naghahanap ng iba pang mga maaaring kainin at stocks. Nasa may canned goods section ako nang makita ko ang pamilyar na mukha, siya iyong kasama ng babaeng kumalabit sa akin kanina. "Tsk," napakamot ako ng aking batok dahil kanina lang ay hinahanap ko sila ngunit heto at makikita ko pala sila dito ngayon. Palapit na ako sa kinaroroonan niya nang bigla niyang masagi ang mga delata at mahulog ang ilan sa mga ito. Dali-dali akong nagtungo doon upang tulungan siya ngunit napahinto ako nang gumulong papunta sa akin ang isang delata. "Anya ngay ti kit-kitaen yu? Apay, ti kuna yu ket ning-ning nak? Anya met nga pinagkitkita yu kanyakun. Sinal-it kitdi. Salbag yu amin (Ano ba naman iyang mga tingin niyo sa akin? Bakit, ang alam ninyo ay mangmang o bobo at tanga na ako? Ano ba naman iyang mga matang iyan. Bwisit naman oh, mga animal kayo.)." Iyon ang mga sinabi niya na nakapagpahinto sa akin bukod sa delata. Bigla kong namiss ang probinsya dahil sa kaniyang mga sinabi. Ilocana rin pala siya. Mukhang magkakasundo kaming dalawa. Nakakatawa lang at pinagdiskitahan niya ang mga arabo na nakatingin sa kaniya dahil sa pagkahulog ng mga delata. Hanggang sa maagtungo siya sa kinaroroonan ng isang delatang gumulong sa direksyon ko. Bago pa niya iyon pinulot ay pinulot ko na ang delata at lumapit sa kaniya. Halata naman ang pagkagulat niya sa akin dahil doon. "Ilocano ka pala?" Tanong ko sa kaniya. Halata ang pagkabigla niya dahil sa tanong kong iyon. "O-oo, bakit?" Nauutal niyang sagot. "Ilocano ak met (Ilocano rin ako.)" Sagot ko sa kaniya. Pagkakataon ko na rin upang magpakilala at makilala siya. Kaya naman inilahad ko na ang kamay ko at saka ako nagpakilala. "Siyak gayam ni Ignacio, ngem awagan nak lattan nga Asyong. (Ako pala si Ignacio, ngunit tawagin mo na lang akong Asyong.)" Pakilala ko sa kaniya. Inabot niya naman kaagad ang kamay ko at saka siya nakipagkamay sa akin. "Anya't nagan mo? (Anong pangalan mo?)" Tanong ko sa kaniya. "A-Angen. Angenika," nauutal pa rin siyang sumagot sa akin. Napapangiti ako sapagkat nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kaniyang kaionosentehan. Bigla namang dumating ang kaniyang kaibigan at saka tila ba nangangantsaw sa kaniyang kaibigan. "Uh-oww," anito. "By the way, gusto niyo bang kumain ng pancit? Nagugutom kasi ako," alok ko sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay hindi pa talaga ako naghahapunan kaya naman eksaktong alok ko sa kanila. "K-kumain na kami," sagot ng nagngangalang Angen. "Hindi pa kami kumain. Nagsisinungaling siya," sabad ng isa. Natawa ako sa kanil dahil hindi sila parehas ng sagot. "May alam akong pansitan. Namimiss ko na rin kasi ang kumain ng pansit kaya't gusto ko kayong yayain. Maaga pa naman," saka ako tumingin sa aking relo. "Hindi kasi...," hindi natapos ni Angen ang ssabihin niya dahil sumabat ang isa. "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Yusuf at sa kaniyang anak. Sige na, tara na," sabi pa ng isa. Halatang ang bagay na iyon na tinutukoy ng isa ang ikinabbahala ni Angen kaya't medyo nagliwanag ang mukha niya nang sabihin iyon ng kaniyang kasama. "Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko. "Margaret. Ako si Margaret. At ikaw si?" "Asyong. Ignacio," sagot ko. "Okay. So, tapusin na natin ang pag-grocery at saka tayo magpansit. Nagugutom talaga ako," sabi pa ni Margaret. Natatawa na lamang ako dahil tahimik lang ang kasama niyang si Angen. Reserved pa siya, Pero siguro ay darating yung time na kapag naging close kami ay magiging madaldal din ito kagaya ng kaniyang kasama. I am just looking for friends lang naman at ilang buwan na lang ay babalik na rin ako sa Pinas. At iyon na nga ang nangyari. Pagkatapos naming magbayad ng aming mga pinamili ay iniwan na namin ang mga karton sa bagger at babalikan na lang namin mamayang bago kami umuwi. Sabay sabay na kaming nagtungo sa Bayan Botanical Garden, muli, kung saan ako nakakain ng pancit dati at para lang akong nasa probinsya nang matikman ko iyon. WELCOME TO POT SESSION Pot Session ang pangalan ng pansitan at pagpasok namin doon ay halos mga pinoy talaga ang kumakain. Nakahanap naman kami ng pwesto sa gilid at saka lumapit sa amin ang isang waitress. "Ano po ang sa inyo?" Tanong nito saka ipinakita ang menu. "Sa akin ay gusto ko ng Hot and Spicy Ramen, " sabi ko sa waitress. Kabisaado ko na kasi ang mga mayroon dito. "Sa amin po ay Lomi, tig isa," sabi naman ni Margaret. "Dagdagan mo na rin ng pineapple iced tea, dalawang litro," sabi ko pa. "Okay ma'am, sir. Okay lang po bang 15 minutes bago i-serve?" "Yes," sagot ko. Nang makaalis na ang waitress ay saka ako nagtuon ng pansin sa kanila. "Ahm, saan kayo nagtatrabaho dito?" "Sa isang bahay lang kami dati, caregiver ako ng tatay ng amo niya," si Angen ang sumagot. Nabigla ako dahil siya ang nagsalita. Napatitig ako sa ganda ng kaniyang mukha at ng kaniyang mga labi. Maputi siya at I wonder kung mahaba ang kaniyang buhok dahil nakasuot siya ng hijab, inilalagay sa buhok at mukha. "Wow. Parehas pala tayo. Ako naman ay sa Sabah Al Alem hospital, doon kasi naka-stay ang inaalagaan kong migrant mula US," sabi ko naman. "Hala, madalas kami doon ni Angen," sabad ni Margaret. "Hindi niyo ako nakikita dahil hindi naman ako madalas lumabas at malaki ang hospital na iyon," natatawa kong wika. "So, Asyong, magtatanong lang ako. Kasi itong kasama ko ay single," pag-iiba ng usapan ni Margaret. "Hoy, tumigil ka nga. Nakakahiya ka," sabi pa ni Angen. "Huwag ka nang mahiya. Dito rin naman ito pupunta," sabi pa ni Margaret. "Ano iyong tanong mo?" Tanong ko. "Single kasi si Angenika, ikaw ba ay single din? Kasi doon din naman ang punta nito diba?" Diretsahan niyang tanong. Natahimik ako. Hindi na ako single at mas lalong hindi na ako available. Pero sige, ilang buwan lang naman. "Single ako." Maging ako ay nagulat sa sagot ko. Pagtatapos ng Ikalawang Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD