Chapter 6

1030 Words
Anastasia Estelle POV... Tulala padin ako inisip ko na papasok ako sa loob ng bahay ni Gunner pero wala eh. Siguro di ako yun baka tinulungan ako ni Phoenix. Tama yun nga. "Anastasia?" Napatingin ako sa tumawag saakin si Gunner pala. "Gunner." "Bakit ka nandito?" Tanong niya. Inilahad ko sa kanya ang sulat. "Ah, nakalimutan ko. Salamat. Naabala pa kita." Sabi nito. Umiling ako. "Halika pasok ka muna. Magtea muna tayo." Sabi nito tumango nalang ako at pumasok na kami. Nakaupo ako ngayon dito sa sala niya. Ang ganda ng bahay niya. "Ikaw lang ba mag isa dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango. "Yeah, i'm living with my own. Lahat ng heir ganito ang nangyari kami lang ang bumuhay ng sarili namin at hahanapin namin ang lahat ng heir bago mag pula ang buwan kung mabigo kami sasakupin ng kasamaan ang mundo namin at ang mundong ito." Nanlaki ang mata ko sa narinig sa kanya. Sasakupin? Ayokong mangyari yun nakakatakot yun. Nakaramdam ako ng malungkot na aura. "Bakit?" "They killed my adopted parents." Sabi nito. "I'm sorry yo hear that. Ano bang nangyari noon?" "Ganito kasi yun." Gunner Jax POV... Flashback... Dinala nila ako sa mundo ng mga mortal at yun ang mundong earth. Binigay nila ako sa mag asawang walang anak. Maayos nila akong pinalaki, pinakain, pinaliguan at pinag aral. Tinuruan nila ako ng magandang ugali at di dapat maghinanakit sa ibang tao. Di ko nila inisip na iba sila saakin, di nila inisip na isa akong immortal. Hanggang sa isang araw nung 3rd year high school ako habang pauwi na ako galing school may naramdaman akong kakaiba kaya tumakbo ako papuntang bahay ng marinig ko ang malakas na pagsabog at ang pintuan namin sira na. Agad akong pumasok then nakita ko sila mama at papa na nakahiga na sa sahig. "Mama, Papa... sinong may gawa sa inyo nito?" Sabi ko sa kanila. "M-mga black magician... hinahanap ka nila kaya umalis ka dito anak. Lumayo ka dito baka babalik sila." Sabi ni Papa. Tumutulo padin ang mga luha ko. "Mahal ka namin ng papa mo. At tungkol sa totoong magulang mo nandun lahat sa box sa ilalim ng higaan namin ang lahat ng impormasyon tungkol sa magulang mo. Diba natutunan mo nang gamitin ang iyong kapangyarihan? Gamitin mo yun laban sa mga kaaway na papatay sayo."sabi ni mama. Tumango ako at niyakap sila. Hinawakan nila ang mukha ko hanggang sa binawian sila ng buhay. Nang maramdaman kong may dumating. "Nandito ka lang pala." Tumayo ako at hinarap sila. At walang buhay ko silang tiningnan. "Papatayin ka namin!" Nagpalabas ako ng tubig sa kamay ko at kinulong sila lahat doon hanggang sa maubusan sila ng hangin at ginawa ko yung acid kaya ayun nasunog sila. "Papatayin ko ang lahat ng mga kalaban. Mama papa aalagaan ko po sarili ko." Sabi ko sa kanila at doon ako na mismo ang gumasto lahat sa libing nila at lumipat ako ng tirahan at napunta ako dito sa **** subdivision. End of flashback... "Mga 3 taon ako dito hanggang sa maramdaman ko ang aura ng Fire Prince kaya pumasok ako sa school niyo." "Ah, kaya pala. Ang hirap naman ng lagay niyo ng mga heir. Mga ilan nalang ang hahanapin niyo para makompleto kayo?" Sabi ko sa kanya. "Mga tatlo nalang. Prince of Air/Wind, Prince of Earth, and Princess of Elements." Sabi nito. "Oh? May prinsesa pala? Malakas siguro siya dahil elements eh." Tumango siya. "Malakas nga siya. Ikaw saan ka nakatira ngayon?" Sabi niya. "Uhmm... kina Phoenix na ngayon, secret lang natin toh ha. Ginawa niya akong alalay." Sabi ko. "Oh, kaya pala. Pero ang dali mong nakuha ang trust ni Prince Phoenix ha. Mahirap kunin ang trust nun yan ang nabalitaan ko." Sabi nito. Napatango nalang ako. "Ikaw? Madali ka rin bang magtiwala?" Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. "Oo... pero once na sinira mo yun di na yun kailanman mababalik." Sabi niya. "Ganun.." "Mukhang mapasarap ang kwentuhan natin." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa relo ko. "Hala oo nga pala! May meeting kayo. Lagot ako!" Sabi niya. Napangiti siya at hinawakan ako sa kamay na kinagulat ko hanggang makaabot kami sa may cr niya at ang laki! "Anong ginagawa natin dito?" "Tatalon tayo jan. Okey?" Nanlaki ang mata ko. Nasisiraan na ba ng ulo tong prinsipeng ito? "H-ha?" "May tiwala ka saakin diba." Tumango nalang ako. Naalala ko na prince of water pala tong kasama ko. "Pag bilang ko ng tatlo tatalon tayo. Kumapit ka saakin ha wag kang bibitaw." Napatango nalang ako nang bigla niya akong binuhat na pang bridal style. "1, 2, 3!" Tumalon na siya kaya napapikit ako at nakaramdam ako na lumapag na kami at nanlaki ang mata ko dahil nasa magandang mansyon kami. Kanino toh? Nakita ko ang masamang tingin ni Phoenix. Anong problema nanaman nitong lalaking toh? Naalala kong binuhat pala ako. "P-pwede mo na akong ibaba... Gunner." Sabi ko napangiti naman siya at lumakad. Hala i smell something fishy. "Put her down." Sabi nito. Napalunok naman ako at parang ayaw kong tingnan ang mga mata nito. "Owww... selos ka naman. Pero pahiram muna sa kanya." Sabi nito na kinagulat ko at napatingin ako sa kanya at kinindatan lang ako. "Oh, ang cute mo talaga." Sabi nito sabay hawak sa ilong ko na kinapula ng mukha ko. Naamoy ko na may nasusunog. "Oi oi! Selos ka naman di ka naman mabiro!" Sabi ni Gunner sabay baba saakin. Nasunog pala ang inaapakan ni Gunner kaya pala. Napatingin ako kay Phoenix. Naguhuluhan nako sa kanya kung totoo o acting lang ba niya ang ginagawa niya saakin. "Don't touch my girl." Sabi ni Phoenix sabay yakap saakin na kinabilis ng t***k ng puso ko. 'Wag ganito... aasa ako kung ganito ang trato mo saakin. Please.' Pagmamakaawa ko sa isipan ko. "Hahaha hindi na. May pinapatunayan lang ako at totoo pala ang hinala ko." Sabi niya at umupo sa upuan doon. "Na ano?" Malamig na sabi nito. "Nothing." Nakangiting sabi nito. Tiningnan ko si Phoenix. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkaselos o sadyang nasa imahinasyon ko lang yun. Ano ba talaga? Naguguluhan na ako. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD