Chapter 7

991 Words
Anastasia Estelle POV... Nandito ako ngayon sa swimming pool dito sa mansyon ni Phoenix. Ngayon ko gagawin ang general cleaning. Kinuha ko ang stick net at kinuha ko ang mga dumi sa swimming pool. Ang sarap maligo! Pero di muna maglilinis muna. Napabuntong hininga nalang ako hanggang sa makita ko si Phoenix na umupo sa may upuan dito sa gilid ng swimming pool at nag iinom pa ng juice. "Hala, ang sarap ng pwesto niya ha." Mahinang sabi ko at nagulat ako ng tumingin siya kaya napaiwas ako. At nagpatuloy sa pagkuha ng dumi ng bigla siyang nagsalita. "Ayun pa oh." Sabi niya sabay turo sa dahon sa pool. Kinuha ko naman yun. "Ayon pa oh. Tingnan mo nga ang nililinis mo." Sigaw niya kinuha ko naman. Timpi lang... easy lang.. ang sarap ilunod tung lalaking toh. Matagal nakong naiinis sa kanya. Sasabog na talaga ako isa nalang! Nang may napansin akong parang kakaiba sa tubig. Kaya inilagay ko ang net doon sa gilid at tiningnan ng maayos ang tubig. May isang magandang babae. Teka paanong may babae dito? "Teka bakit ka tumigil?" Sabi ni Phoenix. Di ko lang siya pinansin. Nakita ko ang babae na nakalahad ang mga makamay niya. "Sino ka?" Mahinang sabi ko. 'Ako ang Goddess ng tubig.' Parang nage echo ang boses niya. Teka Goddess ng tubig? Hala nagpakita saakin? "Sumama ka muna saakin." Sabi niya at tumango ako ang swerte ako atah makakita ng Goddess. "Anastasia!" Sigaw ni Phoenix at tumalon na ako sa tubig at inaabot ang kamay ng Goddess hanggang sa maabot ko yun at umiba ang lugar sa paligid namin. "Nasaan tayo?" Sabi ko sa kanya. "Nasa kaharian tayo ng Tubig. Ito ang kaharian ni Prince Gunner." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "Talaga! Ang ganda!" "Mabuti at nagustuhan mo ang lugar na ito. At alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" Sabi niya. Napataas ang isang kilay ko. "Hindi po." Sabi ko sa kanya. Napangiti siya at niyakap ako. "Ang dahilan kung bakit nandito ka ay gusto lang kitang paaalahanan na mag ingat ka. At tulungan mo ang mga heir dahil sa propesiya ikaw ang siyang magliligtas sa mundo nila." "Po?! Mortal lang po ako?!" Mahina ako walang kapangyarihan. Napangiti siya at hinarap sa kanya. "Mali ka hindi ka mahina." Hinalikan niya ako sa noo a feeling ko lumakas ako dahil sa ginawa niya. "Dahil nung pinanganak ka ikaw ang pinakamalakas at ikaw ang magliligtas sa kanila. Maintindihan mo rin yun. Magpapakita ang ibang God and Goddess sayo para ipaliwanag ang dapat mong malaman." Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanila. "At may sana wag kang magpakain sa galit mo. Kontrolin mo ito para din naman sa kinabubuti mo ang sinasabi ko sayo." Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya parang kinakain nako ng galit ko kay Phoenix. "Ayoko naman talagang magalit sa kanya pero abuso na siya eh..." "Ginagawa niya yun dahil nagseselos padin siya. Hahaha nakakakilig! Love story niyo ha!" Sabi niya sabay sundot sa gilid ko. "Eh? Akting lang niya yun." Sabi ko sa kanya. 'Hay, manhid mo teh.' "Ha?" Di ko marinig ang sinabi niya. "Aish, basta supportive ako sa inyong dalawa!" Sabi niya. Napangiti nalang ako dahil feeling teenager tong si Goddess of Water. "Oh siya, kailangan mo nang bumalik nag aalala na ang prinsipe mo." Sabi niya ay oo nga pala tinawag pala niya ako. "Paalam sa susunod nating pagkikita!" Masiglang sabi niya at nawala nalang siya. Paggising ko napaubo ako at nanlalaki ang mga mata ko dahil hinalikan este CPR pala. "Are you okey?" Sabi ni Phoenix. Tumango ako at umupo at bigla niya akong niyakap na kinalaki ng mata ko. Wala namang tao bakit naging care siya saakin. Tinulak ko siya ng mahina. "Wala namang tao bakit naging care ka saakin?" Sabi ko sa kanya. Nalungkot naman siya at lumayo siya saakin. "Magpahinga ka muna." Sabi niya at tinulungan niya akong tumayo. At hinatid niya ako sa kwarto ko bakit parang feeling ko may mali sa sinabi ko. Kinabukasan... Nandito kami sa school at tahimik padin si Phoenix simula kanina. Dapat maging sweet siya saakin ngayon baliktad atah. Di ko nalang pinansin at pumasok nalang kami sa room nakita ko kaagad si Gunner na ngumiti kaya ngumiti din ako. Umupo na kami biglang humarap si Gunner saakin at nagsalita. "Kumusta ang araw niyong dalawa?" Mahinang sabi nito. "Di ko alam. Bad mood atah." Sabi ko sabay tingin kay Phoenix na sana di nalang ako tumingin. Ang sama makatingin eh parang pinatay na kami. "Selos atah... ganyan talaga once mahal mo ang isang tao. Ayaw niyang makita na may kasama kang ibang lalaki." Sabi niya. May gusto na kaya saakin si Phoenix? Pero... hala kasali pala yun sa contract. "Wag mo muna akong kausapin. Bawal pala akong makipag usap sa mga lalaki." Nakapout kong sabi. Napangiti naman siya. Mabuti pa toh parating good mood. "Paamuhin mo ang leon okey?" Sabi niya at tumalikod uli. Napabuntong hininga nalang ako at pagtingin ko sa gilid wala na si Phoenix. Asan kaya yun? Nakaramdam ako ng kailangan kong magcr kaya lumabas muna ako. Nagmamadali ako ang layo kaya. Nang matapos na akong mag cr lumabas na ako at nakatingin sa cellphone ko baka nagtext yung leon nang may nakita akong naghahalikan sa gilid. Wow PDA masyado oh. School na school naghahalikan. Pero parang pamilyar ang lalaki. At nanlaki ang mata ko kung sino ang nakita ko at si Phoenix yun nahulog nalang bigla ang cellphone ko sa gulat. "Anastasia..." gulat din niyang sabi at tinulak ang malanding higad. "Pasensya na naistorbo ko kayo." Pinipigilan ko ang luha ko at agad pinulot ang cellphone ko at tumakbo. "Anastasia, mali ang iniisip mo!" Sigaw niya. Nasasaktan ako sa ginawa niya... tama nga ako umasa lang ako. Ang sakit umasa... nag gf lang niya ako dahil sa isang kasalanan na ginawa ko. Nang makaramdam ako ng itim na mahika at biglang may sumabog na kinatakbo ko papunta doon. ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD