Chapter 5

1014 Words
Anastasia Estelle POV... Nalulungkot ako dahil di ako muling binisita ni Dream boy sa panaginip ko. Nagpapagamot ba yun? Eh last kita namin tinamaan siya ng espada o di kaya.... di naman siguro siya namatay Aush! Tanga lang? Panaginip yun kaya imagination mo lang yun di yun totoo. Umupo ako sa kama ng maalala ko yung contract na binigay ni Phoenix agad ko yung kinuha. 3 months contract Ito ang mga susundin kung isa kang alalay ni Mr. Phoenix Ashton Veneralla. 1. Maagang gumising mga 5:00 am gising kana. 2. Wag pumasok sa kwarto ng amo maliban kung pinayagan ito. 3. Pag sa school dapat pansinin mo ang amo mo dapat maging sweet ka sa kanya pag may mga tao. 4. Pag sa bahay linisin mo ang living room, kitchen, comfort room, at swimming pool. 2 sa isang linggo. 5. Pananatiliing malinis ang sariling kwarto nito. 6. Wag lumapit sa mga lalaki maliban sa amo nito. 7. Dapat no 'buts'. 8. At pwede pang mag utos ang amo kahit wala dito sa contract. 9. Pwede niyang dadagdagan ang nakasulat rito. 10. Be his Girlfriend until 3 months. If di mo susundin ang isa sa mga contract may kapalit na kaparusahan. Signature: Phoenix Ashton Veneralla Signature: Anastasia Estelle Wilson Napanganga ako sa nakalagay dito. Grabe naman siya wala talagang puso. Ang di ko kayang gawin ay ang No. 3, 6, 10. Di ko kakayanin yun di naman sa di ko siya gusto ang problema mag a-assume ako sa huli at iiwan din niya ako. Pero gagawin dapat eh no choice. Pinirmahan ko nalang no choice ako eh. Inilagay ko nalang sa kama ang papel at dumiretso sa cr at naligo nang matapos na akong maligo pumunta ako sa closet at pagbukas ko. Nganga ako... "T-teka asan mga damit ko? Bakit puro bago ang mga ito." Agad ko ding binuksan ang ibang drawer hala bago lahat pati sapatos. May nakalagay na sticky note doon kaya kinuha ko yun at binasa. 'Bago lahat ang damit mo. Don't worry tinago ko ang mga damit mo noon. -Prince Phoenix. No choice ulit sinuot ko yun at mabuti sukat na sukat saakin. Lumabas nako at hinanap ko ang hapagkainan saan ba yun? Nang may nakita akong mga maid na naglalakad. "Uhmm.. saan po si Phoenix?" Sabi ko sa kanila. Napabow naman sila. "Nasa hapagkainan mo, young lady. Kung di po niyo alam straight lang po at mag left kayo makikita niyo na agad." Sabi nito at nagpasalamat nalang ako at sinunod ko nga. Hanggang nakita ko siya na nakaupo sa upuan at di pa ginagalaw ang kinakain. "Uhmm..." "Umupo kana at kumain." Sabi nito. Ginawa ko nalang. Habang kumakain nakatitig ako sa kanya. Bakit ang gwapo niya habang kumakain? Mukhang nainlab atah ako... di nako magsisinungaling sa sarili ko eh sa totoo na gusto ko siya. "Kumain ka na." Nagulat ako sa sinabi niya kaya kumain nalang ako. Forward... Nandito kami sa loob ng sasakyan at binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan ng mga guard at nagtitilian nanaman ang mga babae. At nung lumabas ako natahimik sila at napayuko nalang ako dahil sa isang nobody na estudyante dito ay kasama ngayon ng isang popular prince na toh. Napatingin ako sa isang lalaking nakatingin ng masama kay Phoenix. At yun ang bestfriend ko. 'I'm sorry, Bestfriend.' Nagulat ang iba maski ako dahil sa biglang paghawak nito sa kamay ko. Ah naalala ko gf niya pala ako ng 3 buwan at di ko yun pwedeng itangi dahil may kaparusahan. Lumakad na lang kami at bigla siyang nagsalita. "Act like your my girlfriend." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at tumango ako. "Good." Sabi niya at inakbayan ako. Nang makarating na kami sa room namin. 'Ang swerte naman ni Anastasia! Nabinguit agad niya si Prince Phoenix. Kaingit!' 'Oo nga. Baka ginayuma niya si Prince Phoenix.' 'Paawa effect pa.' Napayuko ako sa sinabi nila. "Hoy, wag niyo ngang mapagsabihan ang sistaret ko ng ganyan. Gusto niyong mapahiya?" Sabi ni Veronica na kinalaki ng mata ko. "Ba-bakit mo siya kinakampihan, Veronica? Diba..." "Past is past, never to discuss. Kaya don't you dare to talk to her like that! Understand?!" Napatango nalang sila. At yumuko malakas talaga si Veronica dito sa school dahil sa teacher si Tita dito di ko pala nasabi sa inyo. "Are you okey, sistaret?" Nag aalalang sabi niya. Napatango nalang ako. "If binully ka nila sabihin mo saakin baka matulungan kita." "Salamat." Sabi ko. At bumalik na siya sa room niya di naman kami magkaklase. Pumasok na si Sir at parang may hinahanap. "Wala ba si Mr. Gunner dito?" Sabi niya. Napatingin ako sa gilid ko wala siya. "Uhmm... Miss Anastasia, pwedeng pakibigay ito kay Mr. Gunner and ito ang address niya. Kailangan siyang pumunta mamaya sa office dahil may pagmemeetingan kami ngayon urgent. Please." Wala nakong magawa at kinuha ang sobre. At bumalik sa upuan ko para kunin ang bag ko. "Bakit ikaw pa sa karami raming estudyante dito?" Sabi ni Phoenix. Napataas ang dalawang balikat ko. "And Mr. Phoenix, sumama ka din saakin. Di muna ako papasok ngayon at you may now dismiss." Sabi ni sir. At napatsk nalang si Phoenix at tiningnan niya ako. "May pera ka ba?" Sabi niya. Tumango ako at aalis sana nang bigla niya akong niyakap. "Mag iingat ka ha." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Act lang ba ito o totoo? Wala na kasing mga student dito. At umalis na siya. Tsk... isipin mo nalang na akting lang niya ang mga yun wag kang mag assume. Lumabas na din ako nang napaisip ako na sana makateleport din ako kagaya ni Phoenix. Hay mukhang mahirap yun isa lamang akong mortal. Napatingin ako sa sulat. Sa **** subdivision. Mukhang alam ko toh. Inisip ko ang lugar nang sa isang iglap nandito nako sa subdivision na nakalagay sa sulat at nakita kong kalalabas lang ni Gunner sa gate. Teka ano bang nangyayari? Nagteleport ba ako? No way! Tinulungan ba ako ni Phoenix? Hindi eh nakaalis na siya bago ako nag isip sa lugar na ito. Di kaya may powers din ako. Daebak! ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD