Chapter 4

999 Words
Phoenix Ashton POV... Nakatingin ako ngayon kay Anastasia, napapansin ko na ang tahimik niya... may gusto ba siya sa lalaking kasama niya kanina? Bakit simula nun umiba ang aura niya. At mukhang ang panahon din naging madilim at mukhang kikidlat. Uulan siguro mamaya. Balik tayo sa kanya kanina din naiinis ako dahil tiningnan siya nitong bagong transfer na lalaki na si Gunner daw. Pero di ko talaga maisip na sabihin yung kanina na she's mine. Ano ba tong iniisip ko? "Okey, Class dismiss." Sabi ng guro namin at tumayo na agad si Anastasia at biglang may humarang sa kanya at yung si Gunner yun. May binigay si Gunner na papel kay Anastasia na kinakunot ng noo ko. At agad na silang lumabas na di man lang ako pinansin. "Teka alalay ko siya diba dapat kasama ko siya. Asan na yun!" Hinanap ko siya nawala na siya. Teka asan na yun? Anastasia Estelle POV... Nandito kami ngayon ni Gunner sa rooftop sabi kasi niya sa sulat na magkita kami sa rooftop. "Mukhang seloso ang boyfriend mo ha." Sabi nito. "Di ko siya boyfriend." Agad kong sabi eh yan ang totoo eh. "Oh... MU nalang. Kilala mo ba ang lalaking yun?" Sabi nito. Napatingin ako sa kanya. "He's not a mortal." "Katulad mo." Sabi ko na kinagulat niya. "I know di siya mortal at ikaw din. Isa siyang prinsipe sa ibang mundo kahit mahirap paniwalaan. Ikaw don't tell me..." "Yup! I'm a royal too. Ako nga pala si Prince Gunner. Nice meeting you, Mortal." Sabi niya. Mabuti pa siya mabait kaysa nung isa di makain ang ugali. "Alam mo, matagal ko nang hinahanap ang ibang kasamahan kong heir. At first ang Fire Prince pa ang unang nakita ko at alam ko na alam niya din na magkapareho kami." "Teka lang sa dami ng mortal ako ang nilalapitan niyo at sinasabihan ng sekreto ng pagkatao niyo. Di niyo ba inisip na baka ipagkalat ko?" Napangiti siya. "I know na di mo yun magagawa. Bakit gagawin mo ba?" Umiling ako. "Di naman pala at naramdaman kong di ka kalaban at may mabuti kang puso." Sabi niya. Napatingin ako sa cellphone ko may tumawag saakin na isang alien. "Excuse lang." Tumango naman siya. "Asan ka?" Sabi niya. "Anong pake mo?" Sabi ko. Marami tong kasalanan saakin. "Sasabihin mo o ano." Napalunok ako sa sinabi niya. Eh di ko talaga siya makayanan labanan. "Nasa rooftop po." Malungkot na sabi ko at binaba ko na at tumingin kay Gunner na nakangiti padin. "Uhmm... ginagawa ba niya ang mga sinasabi niya? Gaya ng pagpatay?" Sabi ko sa kanya. "Oo, once si Prince Phoenix na ang nagsabi gagawin niya talaga yun... kaya don't mess with him." Nanlaki ang mga mata ko grabe bakit napunta ako sa sitwasyong ito? Isa lang naman akong normal na dalaga na naninirahan sa lungsod. "Pero kung sayo mukhang malabo na ipapatay ka. Baka siya pa nga ang sasalo sa mga aatake sayo eh." Sabi nito. Napataas ang isang kilay ko. "Huh?! Tingnan mo." Sabi niya nagpalabas siya ng tubig sa kamay niya at naging spikes yun. At itinapon niya saakin. Nang biglang may lumabas sa harapan ko at sinira niya ang mga water spikes na papunta saakin at pinagitnaan niya ako. "Ano bang ginagawa mo?! Bakit mo siya inaatake!" Sigaw niya at nagpalabas na siya ng apoy sa kamay. Napatingin ako kay Gunner tama nga siya. Kaya nitong saluhin ang lahat para maligtas ako. "See? Kaya wag kang mag aalala. Safe ka sa kanya." Sabi niya sabay tapik sa braso ni Phoenix at mukhang naguguluhan na ito sa nangyari. "Phoenix, ingat lang sa pag gamit ng apoy at wag mainit ang ulo may pinatunayan lang si Miss Anastasia. Wag kang mag alala di ko siya kukunin sayo. Tutulungan pa kita para sa kanya sa feeling ko importante na din siya sa buhay ko di ko alam kung bakit." Sabi niya sabay ngiti. At lumakas na at umalis sa rooftop kaya heto kaming dalawa ang akward ngayon. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "And where are you going?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko may sasabibin ba siya na ipapatay na niya ako ngayon? "B-bakit? Ma-may trabaho pa ako sa restau." Kinakabahang sabi ko. Tumingin siya saakin at para nanaman akong kakainin ng mga mata niya. Kaya napaiwas ako. "I heard boss mo yung lalaking umakbay sayo kanina?" Sabi nito saakin at may parang galit ang nasa mukha niya once matatopic si Sage ano bang ginawa ng bestfriend ko na kinagalit niya? Teka nakalimutan ko si Sage kailangan ko pa palang magpaliwanag sa bestfriend ko. "Oo." Sabi ko nalang. "Di ka na papasok at di ka na uuwi sa bahay mo dahil saakin ka na titira nasa mansyon na ang mga gamit mo kaya no need to go in your house." Sabi niya tsaka lumakad. Napanganga ako sa sinabi niya means alipin na nga niya ako?! Paano sila Tita? Baka walang magluluto sa kanila at aish! Malaki na sila kaya kaya na nilang mabuhay na wala ako. Mamimiss ko sila kahit ganun ang trato nila saakin. Naging pamilya ko kaya ang mga yun. "Ano lalakad ka nalang jan o susunod ka saakin?" Sabi niya. No other choice at sinundan ko siya hanggang makarating kami sa Mansyon. "Ang ganda!" May swimming pool pa! Sinundan ko siya dahil ituturo niya saakin ang kwarto ko. At pagbukas niya ng pintuan. "Wow, ito yung favorite color ko sky blue at pink! Ang cute!" Sabi ko at dumiretso sa Queen Size bed at tumalon talon doon. "Heto ang contrata natin at pirmahan mo. Kukunin ko yan bukas kaya magpahinga ka na ngayon." Sabi niya at umalis na ng kwarto ko. Ang lamig niya talagang makikitungo sa mga nakapalibot sa kanya. Gusto ko siyang baguhin ang ugali niya pero paano? Nag isip ako pero wala eh hahanap nalang ako ng paraan. Magpahinga nalang muna ako kaya nilagay ko ang paper sa mesa at humiga na kahit 1:30pm palang eh sa gusto ko matulog eh. Kaya good night! ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD