Chapter 3

1116 Words
Anastasia Estelle POV... Nandito nanaman ako sa harapan ng palasyo dito yun naganap yung patayang naganap at yung lalaking dream boy ko na iniligtas ako. Asan na kaya yun? Naglalakad ako ng biglang pumula nanaman ang langit nako ito nanaman! May nakita akong babae mukhang maid at may dala siyang sanggol. Kaya sinundan ko siya saan niya dadalhin ang bata? *Growl* Napatingin ako sa likod ko hala mga lobo! Ito yung umatake saakin nung nasa park ako. Tumakbo padin ako at sinundan yung babae hanggang sa may wand siyang dala at parang may binigkas at may parang portal na lumabas at doon pumasok siya at pumasok na din ako hanggang makarating kami sa... Napamulat ako hala panaginip nanaman? Ano bayan? Napaupo ako nang mapansin ko ang hinihigaan ko teka. Don't get me wrong nasa mansyon padin ako ni Phoenix? Kinurot ko ang braso ko at nakaramdam ako ng sakit. "Hala naloko na!" Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang oras ng cellphone ko. At 5:24am na... "Waaaaaa!! Patay na! Tatawagin ako nila Tita 5:30!" Anong gagawin ko? Wala akong powers para mag teleport. "Phoenix!!! Asan ka!" Sigaw ko at biglang bumukas ang pintuan ng cr at lumabas siya na naka half n***d. My God! Ang yumm... My God! Papatayin ako ni Tita pag wala ako! Agad ako napalapit sa kanya. "Phoenix! Help me! Teleport mo ako sa kwarto ko! Please!! Payag nako maging alipin mo ng 3 buwan! Please lang!" Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya saakin. "Bigyan mo ko ng tatlong rason kung bakit gusto mong umuwi agad?" "What?! Kailangan pa nun? Okey si Tita papagalitan ako pag wala ako sa kwarto, walang maghahanda ng almusal na ako ang luluto at gagawa nanaman si Veronica ng kwento na lumalandi ako." Sabi ko sa kanya. "Okey. Deal na yung kanina. Heto ang kontrata." Kinuha ko agad at napapikit ako at nasa kwarto na ako. "ANO BA! LALABAS KA BA JAN!"  Sigaw ni Tita. Hala lagot! Napatingin ako sa gilid ko nandito pala si Phoenix at nakabihis na siya ng uniform. Lumapit siya sa pintuan nanlaki ang mata ko ng buksan niya yun. Nagulat si Tita at si Veronica nang makita si Phoenix napatampal nalang ako sa noo. "Please, look at my eyes. Wag niyo nang abusuhin ang babaeng ito at maging maganda ang pakikitungo niyo sa kanya. Naintindihan niyo? And by the way from now on she's mine." Sabi nito kina Tita. Napatingin naman ako sa kanila hala na hipnotize? Galing! Teka ano daw? "Masusunod kamahalan." At tumingin sila saakin na kinalunok ko. "Anastasia, maligo ka na magluluto ako ng almusal dalian mo ha para sabay tayong kakain. Nakakahiya naman sa boyfriend mo na ganyan ang itsura mo." Nanlaki ang mata ko! "Di ko siya boyfrie.." "Wag mo nang ideny siya na mismo ang nagsabi ng sa kanya ka daw. Yiiii!" Hala tumili pa. "Sige babye! Hintayin ka namin sa baba." Sabi ni Tita at sinama si Phoenix doon. Nanlaki padin ang mata ko. "Tama ba yung narinig ko?" Napaupo ako sa higaan ko habang di makapaniwala sa nakita ko. Forward... "Una na kami! Ikaw na bahala sa Anastasia namin ha!" Sabi ni Tita at nagpaalam na sila. "Did they just wave and say goodbye to me?" Lutang kong sabi at tumingin kay Phoenix at tumalikod na. "T-teka lang! Ano bang ginawa mo kina Tita?" Tanong ko sa kanya. "Binago ko ang ugali nila." Sabi niya at aalis sana gamit ang teleportation ng napigilan ko siya nagulat naman siya sa ginawa ko. "T-teka paano mo yun nagawa?" Sabi niya. "Eh? Ang ano?" Problema nito? "Pinigilan mo ko sa pagte teleport ko?" Napaisip ako sa tanong niya. Pinigilan ko ba talaga? "Di ko alam eh teka saan ka pupunta? Iiwan mo ko?" Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako habang nakataas ang isang kilay nito. "Anong sa palagay mo? Sasabay ka saakin?" Akala ko... aish palusot lang pala yun niya. Nag assume naman ako na kami talaga. "Si-sige.. umalis ka na. Magkita malang tayo sa school." Nakangiting pilit ko. Sana di niya mabasa ang iniisip ko. "Wag mong isipin na girlfriend kita. Aasa ka lang. Di kita type." Tumalikod siya at nawala bigla. Nasaktan ako sa sinabi niya tama naman siya di ko siya gusto kaya... wag mag assume. Kinuha ko ang gamit ko. At naglakad papuntang school nang makarating nako doon nakita ko kaagad ang nagiisang bestfriend ko. "Good morning! Mabuti pumasok ka na." Sabi ko sa kanya at niyakap siya. "Grabe miss mo agad ako?" Sabi nito saakin. Tumango ako at inakbayan niya ako ganito kaming mag bestfriend akala nalang ng iba na magsyota kami nito. Naglalakad kami ng biglang dumating ang kotse ni Phoenix at bumaba siya as usual may mga babaeng nagtitili. "Sino siya? Transferee?" Sabi niya. Tumango ako. Naalala ko ang ginawa niya kanina. "Tara na." Sabi ko at tatalikod sana kami ng biglang may humawak sa kamay ko kaya napahiwalay kami ni Sage. "Bakit inaakbayan ka niya, Mine." Sabi nito na kinakunot ng noo ko at ni Sage. "Sino ka ba? At bakit Mine tawag mo sa kanya? Kilala mo ba siya Anastasia?" Sabi agad ni Sage. 'Sabihin mong oo at sabihin mong syota kita. Diba may nagawa kang kasalanan saakin kaya gawin mo ang sinabi ko.' Napalunok ako sa sinabi niya sa isipan ko. "O-oo... kilala ko siya at si-sinagot ko siya kahapon." Sabi ko kay Sage na kinagulat niya. Napatingin ako sa kanya. Mukhang di makapaniwala sa sinabi ko. "Mu-mukhang di ako updated ha... may syota ka na pala... pasensya na kailangan ko nang umalis." Sabi niya at umalis na. Nalungkot ako sa ginawa ko kay Sage. "Let's go." Sabi naman ni Phoenix at sinunod ko nalang siya. Ipapaliwanag ko rin sayo, Sage. Di pa ngayon. Nakarating na kami sa classroom at umupo nako sa upuan ko at magkaklase pala kami ng lalaking ito. Ibang section si Sage kaya di ko siya makikita dito. Tinext ko si Sage. To: Sage I'm sorry, ipapaliwanag ko sayo ang lahat pagdating ng tamang panahon. At dumating na ang teacher namin. Nakayuko ako ng biglang may pumasok na lalaki at tumayo si Phoenix. "May bago kayong classmates, mind to intoduce yourself, boys?" Sabi ng guro namin. Nakaramdam ako ng malakas na aura. "I'm Gunner Jax. Nice to meet you guys." Sabi nung isang lalaki na siya ang isa sa mga naramdaman kong malakas din katulad sila ni Phoenix. At nakatingin siya saakin di ko alam kung bakit. "I'm Phoenix Ashton. And don't you dare to touch my property at si Anastasia yun, She's mine only." Malamig na sabi niya na kinalaki ng mata ko. Nasisiraan na siya. At nakatingin din siya kay Jax ng masama. Hala anong nangyayari? **** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD