Anastasia Estelle POV...
Nakita ko na nakatayo si Darius sa harapan ng swimming pool habang malalim na nag iisip kaya nilapitan ko siya at tumabi sa kanya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha." Sabi ko sa kanya. Humarap siya saakin.
"Oo eh... namimiss ko lang ang mama at papa ko." Sabi niya.
"Oh... nakita mo na parents mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo pero sa pictures lang. Di namin sila nakikita sa personal. At ngayong paparating na pulang buwan magkikita na kami." Sabi niya. Mabuti pa sila makikita na nila ang parents nila.
"Mabuti ka pa makikita mo na sila eh ako... mukhang malabo na siguro." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya saakin.
"Bakit naman malabo?"
"Dahil baby pa ako iniwan ako sa harapan ng bahay nila Tita kaya sila tita ang nagbabantay saakin. Wala akong clue kung sino ang parents ko." Sabi ko sa kanya. Napatango si Darius.
"Tutulungan ka namin. May mga picture ka ba nung baby ka pa?" Tumango ako at pumunta kami sa kwarto ko at pinakita ko sa kanya ang picture ko noon.
"Yan lang ang nag iisa kong picture noong bata pa ako." Sabi ko sa kanya inilabas niya ang phone niya at pinikturan ito at binigay uli saakin.
"Magtatanong ako kung sino ang totoo mong mga magulang." Sabi niya saakin. Napangiti ako at nagpasalamat.
"Teka lang matanong ko lang kung nasaan ang mga umampon sayo? Bakit wala kang bahay o mga kasama?"
"Ganito kasi yun.."
Prince Darius POV...
Ang nagpalaki saakin ay si Lolo Fernando nakatira kami sa isang kubo kaming dalawa lang nakatira kami sa baryo.
Si lolo Fernando ang trabaho niya ay tagatinda ng isda sa baryo namin at ako di ko pa alam noon ang tungkol sa pagiging prinsipe ko ng isang gabi.
"Apo, may sasabihin ako tungkol sa iyong pagkatao." Sabi niya napatingin ako sa kanya.
"Po? Tungkol din po ba sa totoong pamilya ko." Excited na sabi ko sa kanya. Napatango naman siya at may kinuha na box sa ilalim ng higaan.
At kinuha niya ang laman nun at may kwintas doon at binigay saakin.
"Yan ang kwintas ng inyong kaharian kaya wag mo yang iwala." Sabi niya. Kaharian?
"Ano pong kaharian? Di naman ako prinsipe." Sabi ko agad sa kanya.
"Isa kang prinsipe. Prinsipe ng hangin. Kaya mo napapagalaw ang hangin." Paliwanag niya. Napatingin ako sa bracelet at ang kulay nun ay grey at grey din na bato doon.
"Lima kayo. Prinsipe ng Apoy, Hangin, Tubig at Lupa at ang pinakamalakas ay ang Prinsesa ng Elemento kailangan mo silang mahanap. Dahil kayo ang magtutulungan upang makita ang inyong pamilya." Sabi nito.
Sinuot ko yun at tinuruan ako ni Lolo ng mga martial arts kinabukasan at sword fighting at pagpapagalaw na din ng kapangyarihan ko.
Nilalabanan ko ang mga halimaw dito sa baryo nang isang gabi pauwi nako nakita ko ang mga nakablack na lalaki at nakahood sila.
"Teka sino kayo!" Sigaw ko bigla nalang silang umatake ng malakas na hangin kaya napapikit ako at nawala sila.
Dumiretso ako papasok ng bahay ng makita si lolo na nakahiga na sa sahig.
"Lolo! Gising po!" Tawag ko pero wala na di na siya sumagot.
"LOLO!" Sigaw ko. Pagkatapos niyang malibing umalis na ako doon sa bayan. Hinahanap ko ang ibang Heirs hanggang sa mapunta ako sa isang city at nakilala ko si Gunner at naging magkaibigan kami ng tatlong taon kaming magkasama hanggang sa may nangyaring kaguluhan kaya nagkahiwalay kaming dalawa at pumunta ako sa ibang lugar at doon nga naabutan nanaman ng taon hanggang sa makita na ko na si Anastasia na naglalakad naramdaman ko kasi aura niya at sinundan ko siya at nag aalala ako na baka kalaban siya kaya tinakot ko tapos naramdaman ko na may dumating na isa pang aura at yun na nga.
End of flashback...
Anastasia POV...
Ganun pala ang nangyari...
"Ang hirap ng pinagdaanan mo noh? Pag ako magkaganun di ko kakayanin." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya.
"Sige una na ako may gagawin pa ako." Sabi niya. Tumango ako at lumabas na siya at napatingin ako sa labas.
Kinabukasan...
Nakaupo ako dito sa may puno dito sa school wala kasi sila Phoenix. Busy ang mga yun di ko alam kung saan sila busy.
"Hello." Nagulat ako dahil may nagsalita sa gilid.
Fc lang? Pero ang masasabi ko lang...
Papa!!! Ang Gwap!
"Ah eh... pwede makitabi?" Sabi niya saakin. Napatingin ako sa paligid ang daming student nga na nakaupo sa puno. Hala wala yan kanina ha.
Tumabi na siya saakin.
At nagbasa siya ng libro habang nakasandal sa puno. Pasemple ko siyang tiningnan perfect nga. Ngayon ko lang siya nakita dito.
"Transferee ako dito kaya pasensya na kung fc masyado ako." Sabi niya saakin. Napailing ako at ngumiti.
"Jaytler nga pala." Sabi niya.
"Anastasia." Sabi ko. Nagshake hands kami.
Di ko alam na mas lalo siyang lumalapit saakin simula nung nagpapakilala itong Jaytler natoh.
Mabuti wala si Phoenix dito kundi magseselos nanaman yun.
"Pwede sabay tayong kumain? Please wala kasi akong friends eh... mga plastic sila masyado." Sabi niya. Tinitilian siya ng mga babae dahil sa gwapo ito at ayaw daw niya yun di parehas saakin na di masyadong na aatrack sa gwapo.
"S-sige." Yun nalang ang sinabi ko at pumunta na kami sa canteen.
Nilibre niya ako sa simula di sana ako magpapalibre pero namilit eh.
Nang makaupo na kami kumain nako nang bigla siyang nagsalita na kinatigil ko ng pagkain.
"May boyfriend ka na ba?" Sabi niya. Muntik nakong mabulunan sa tanong niya. Di ko yun enexpect ha.
"Ha? Wa.. i mean meron. Hehehe." Sabi ko.
"Who's that lucky guy?"
"Phoenix. Yung parate kong kasama." Sabi ko sa kanya. Napatango nalang siya at ngumiti.
Nagpatuloy kami sa pagkain nang...
"Anastasia!" Napatigil ako sa pagsubo at nakaramdam ako ng takot ng marinig ang boses ni Phoenix. Napatingin ako sa kanya at napapalibutan siya ng masamang aura.
Hala misunderstanding ba naman...
Mabilis siyang nakalapit at sinamaan ng tingin si Jaytler.
"Who's that guy, Anastasia?" Masama padin siyang nakatingin rito.
Kasi naman eh...
"Uhmmm... new friend ko?"
"Ako nga pala si Jaytler. Mukhang kailangan ko nang umalis, Anastasia. Galit atah boyfriend mo." Sabi nito at lumapit kay Phoenix at parang may sinabi siya dito.
'Magiging akin si Anastasia.'
*****
LMCD