Chapter 10

1160 Words
Nakatingin ako kay Darius habang si Phoenix naman ang sama makatingin. Nandito kami ngayon sa mansyon at tinitingnan namin si Darius na kumakain. Gutom atah? "Uhmm... mukhang isang buwan kang walang kain... may bahay ka ba dito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya saakin. "Hmm... wala akong bahay dito at totoo isang buwan na akong walang kain. Busy kasi ako sa pagpatay sa mga halimaw sa may East Island. Di ko napansin isang buwan na pala akong walang kain. Hehehe." Sabi niya. Napanganga ako isang buwan?! "Paano? Paano ka nabuhay kung wala ka namang kinain?" Gulat na sabi ko sa kanya. "Ganito kasi yun... ang mga royals ay puro immortal." Sabi niya. Napatango nalang ako. Napayuko ako ibig sabihin once na dumating na ang edad ko sa 65 kunot na ang mukha ko pero sila batang bata padin? Waaaa no way! "Teka lang... kanina mo pa ako tinitingnan ng ganyan! Sino ka ba?" Sabi niya sabay turo kay Phoenix. Malamig lang siyang tiningnan ni Phoenix. Nagsalita nalang ako takot ko lang maabo ang mansyong ito. "Siya si Phoenix Ashton ang Prinsipe ng apoy. Kagaya mo isang heir." Sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at tiningnan si Phoenix. "Ikaw! Wow di ako makapaniwala nasa harapan na kita!" Sabi nito at nagtwinkle twinkle ang mga mata nito. Napataas ang isang kilay nito. "Ang cool mo talaga! Ikaw ang pinaka seryoso sa mga heir at malakas ka rin kaya pala may apoy kanina sa buhok ko ginawa mo pala yun! Remembrance yun!" Napanganga ako. Ngayon lang ako nakakita ng tao na masaya dahil nasunog ang buhok nito. Unbelievable! "Ikaw anong powers mo, Miss Anastasia?" "Ha? Wala... tao lamang ako." Sabi ko sa kanya. Napataas ang isang kilay niya. "Ha? Eh diba sabi mo kanina... ah i see... pero hindi eh parang hindi ka naman tao dahil sa may kakaiba... aish baka imagination ko lang yun. Nevermind wag mo nalang pansinin." Sabi nito at kumain ulit. Napaisip ako may power ba talaga ako? Nung nagteleport ako ng di sinasadya at yung nagpalabas ako ng tubig. Ano yun? "Dito ka muna titira sa may guest room ka muna." Sabi ni Phoenix. Napangiti naman siya. "Salamat! Bro!" Sabi nito at di lang siya sumagot. School... "Wow ganda ng pinapasukan niyong school." Sabi ni Darius. Ay oo nga pala pinapasok ni Phoenix si Darius dito para di mainip daw sa mansyon. "Anastasia!" Napatingin ako kay Gunner. Napangiti ako at lumapit siya saamin ng napahinto siya kay Darius at tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang Air Prince?" Seryosong sabi ni Gunner. "So ikaw din ang Water Prince." Seryoso din na sabi ni Darius. Hala ano meron. Lumapit silang dalawa at nagtitigan padin ng... "I miss you, BROTHER!!" Sigaw nila na muntik ko nang kinatumba. Hala kilala nila ang isat isa?! "Magkakilala kayo?" Gulat kong sabi. Ngumiti sila at tumango. "Magkasama kami ng tatlong taon at naging magbestfriend kami." Paliwanag ni Gunner. Napatango nalang ako grabe ha. Marami pa pala akong hindi alam. Forward.. Nagleleksyon ang guro namin habang ako nakatingin sa labas. Tatlong buwan na pala ang nakalipas simula nung nagkakilala kami ni Phoenix di ko naisip na ang dali ng panahon. Nang may bigla akong nakaramdam ng panganib di ko alam kung totoo ba yun napatingin ako kina Phoenix mukhang naramdaman din nila yun. Kasi napahawak ito sa kamay ko ng mahigpit. Siya ang humahawak ha di ako. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya saakin. "May nararamdaman ako." Nakatingin siya sa labas. "Malakas ang kalaban. Parang naramdaman ko na ito noon." Sabi ni Darius. Kinabahan naman ako at tumingin ako kay Phoenix. "Don't worry walang masasaktan at di ko hahayaan na saktan ka nila. Patayin muna nila ako bago mangyari yun. Poprotektahan kita kahit anong mangyari." Sabi nito na kinatibok ng mabilis ng puso ko. Bakit mo ba napapatibok ng mabilis ang puso ko? Di ko alam kung kasali ba ito sa mga akting o hindi. "Mag iingat kayo." Sabi ko sa kanila. Tumango sila at biglang sumabog sa may gate banda. "Wag kayong magpanik!" Sabi ko at lumabas na silang tatlo. "Magtago kayo." Sabi ko at napatingin ako sa labas. Papunta nga dito ang kalaban... baka ako ang sadya nila? Lumabas ako at nakita ko ang pagpapanik ng mga students. 'Ang prinsesa.' Napatingin ako sa halimaw nakatingin siya saakin. Napalunok ako. Teka boses ba yun ng halimaw? Prinsesa? Tumakbo ako at nakita ko nga na saakin siya sumusunod. Nakita ko sa baba sina Phoenix naglalaban. Iniisip ko na magteleport sa malaking bahagi ng school na ito sana gumana.. emergency lang. Napamulat ako at nandito nga ako sa soccer field. Papunta na dito ang halimaw. 'Nasaan ka, Anastasia?!' Rinig ko ang boses ni Phoenix. Ginamit niya ang telephaty niya. 'Nandito ako sa soccer field. Mukhang ako ang habol nila hindi kayo. Papunta siya dito ngayon.' 'Sh*t! Guys sa Soccer Field. Kaya pala di tayo pinapansin ng halimaw na yun!' At bigla nalang nasa harapan na nila ako at niyakap ako ni Phoenix. "Paano ka napunta dito?" Sabi ni Darius. Teka anong sasabihin ko? "Uhmmm... tumakbo ako papunta dito... ayan na siya!" Turo ko agad sa halimaw. Ang talim ng tingin saakin. Huminto siya at tiningnan kami. "Dito ka lang sa likod namin." Sabi nila. Tumango lang ako. 'Oh, nandito pala ang tatlong prinsipe kulang nga lang isa. Papatayin ko kayo para masaakin ang kapangyarihan niyo!' Sigaw ng halimaw. Mukhang di nila naririnig ang sinasabi ng halimaw. "Bakit lang siya nakatayo?" Tanong ni Gunner. "Mukhang may sinasabi siya at di natin yun maintindihan kung ano." Sabi ni Darius. 'Di mo kami mapapatay dahil sa malalakas sila at mali ka atah hindi ako ang prinsesa.' Sabi ko sa utak ko. 'HINDI! HINDI PA AKO NAGKAKAMALI!' Sigaw niya at ayun nagpabuga ng apoy ang halimaw. Napatago ako sa likod nila. "Sumugod na tayo!" Sigaw ni Gunner. Tumango naman sila at sumugod na. Hanggang sa matalo na nila ang halimaw at napatingin ako sa halimaw na nahihirapan na. 'Wag niyo kong patayin.' Napatingin ako sa kanya. Kawawa naman siya.. agad akong lumapit sa halimaw. "Tumigil na kayo." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Bakit? Kalaban yan. Tumabi ka jan." Sabi ni Phoenix. 'May mga anak pa ako... please spare my life.' Napatingin ako sa kanya. Hinawakan ko siya sana mapagaling ko ang sugat niya. "Umalis ka na habang pinipigilan ko pa sila." Sabi ko sa kanya. "Salamat, princess... ikaw ang ang master simula ngayong araw ikaw na rin ang master ng mga anak ko dahil sa niligtas mo ako. Salamat po." Napalaki ang mata ko akala ko yung makatalo lang sa kanya kasali pala yung magligtas? Tumango nalang ako at nawala na siya. Napatayo ako at tumingin sa kanila. "Bakit mo pinatakas?" Sabi ni Phoenix. "Kawawa siya eh... ano pala na klaseng halimaw yun?" "Isa yung Giant." Sabi ni Darius. Napatango nalang ako. "Kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Phoenix. Tumango sila at hinawakan ang kamay ko at nagteleport na kami. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD