Chapter 12

1035 Words
Pauwi kami bahay at kanina ko pa nararamdaman na iba ang mood ni Phoenix. Ano kaya ang sinabi ni Jaytler sa kanya? "Phoenix... may problema ba?" Sabi ko sa kanya. Bigla siyang tumingin saakin at hinawakan ang dalawang braso ko. "Kailan mo pa nakilala ang lalaking yun?" Galit na sabi niya na kinalaki ng mga mata ko. "Nu-nung isang araw lang... bakit may ginawa ba siya sayo?" Sabi ko sa kanya. "Lumayo ka sa lalaking yun. Diba sabi ko na wag kang lumapit sa mga lalaki!" Sigaw ulit niya. At mas hinigpitan ang pagkapit sa balikat ko. "Nasasaktan ako, Phoenix!" Maiyak iyak na sabi ko. Bigla nalang pinaghiwalay kami nina Gunner at Dairus. Umiiyak nako bigla akong niyakap ni Gunner. Parang kuya ko na rin itong lalaking toh. "Bakit ka ba naging ganyan, Phoenix! Sinasaktan mo na si Anastasia." Sigaw ni Gunner. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw at galit na galit siya ngayon. Napatulala naman si Phoenix at napatingin sa kamay niya. At tumalikod na siya at pumunta sa kwarto niya. "Shh... pasensyahin mo na siya." Sabi ni Darius. "Mainit masyado ang ulo ng lalaking yun. Wag kang mag alala magiging maayos ang lahat." Tumango nalang ako. Pumunta nalang ako sa parke dito sa subdivision at napayuko ako. Iniisip ko kung ano ang sinabi ng Jaytler na yun kay Phoenix. Pasensya lang ang kailangan para magkaayos kayo. Tama yun nga ang kailangan. Umuwi ako ng mansyon at di ko siya makita sa paligid hanggang sa makita ko si Darius na umiinom ng tubig mukhang galing training siya. "Nasaan si Phoenix?" Tanong ko sa kanya. "Bakit mo naman yun hinahanap? Diba sinigawan ka nun?" Sabi nito. "Di naman niya yun sinasadya noh. Kaya ko nga siya kakausapin para magkaayos na kami." Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang ito at pinat ako sa ulo. "Di ko alam kung nasaan ang lalaking yun. Pasensya na." Sabi nito. Napatango nalang ako at nagpaalam naglakad uli ako eh sa ang laki ng bahay kaya di ko agad siya mahanap. Asan na kaya yun? Nang makita ko si Gunner na nasa pool nagsiswimming. "Uhm... Gunner." Tawag ko napahinto naman siya at hinarap ako at tumingin saakin at ngumiti. "Anong kailangan mo, Anasatasia." Sabi nito saakin at umahon sa swimming pool. Ang mga mata ko biglang napatingin sa abs niya. Ohh lala! Joke! "Grabe baka magalit si Phoenix yan kung mainlove ka na saakin o sa abs ko siguro." Sabi nito. Namula naman ako sa sinabi niya. Nakakahiya ka talaga Anastasia! "Hi-hindi noh!" Namayuko nako sa hiya. "Ano bang gusto mong itanong?" "Ay oo nga pala... nakita mo ba si Phoenix?" Tanong ko. Naalala ko pala na galit pala si Gunner kay Phoenix. "Ah yung manhid na lalaking yun? Lumabas pumunta sa mall may binili siguro." Sabi nito. Napatango nalang ako. "Sige susundan ko nalang siya." Sabi ko at tumango siya tumalikod nako nang bigla siyang nagsalita. "Nakalimutan ko may abs din si Phoenix kaya doon ka sa bf mong seloso." Sabi nito. Nanlaki ang mata ko. "Gunner!" Sabi ko at tumakbo ang pula ng mukha ko. Papunta nako sa mall hinahanap ko kung nasaan ang lalaking yun. Kahit wala akong kasalanan kailangan nating amuhin ang leon na yun. Bigla akong napatingin sa National Bookstore hala andun siya papasukin ko sana siya nang mapansin kong may kasama siya sa loob at nagtatawanan pa sila. Napaatras ako at lumabo ang mga mata ko dahil sa mga tubig na mapupuno na. Iniisip ko na bakit siya nakikipaglandian sa mga babae? May gf siya oh?! Nang makita kong lumabas sila kaya sinundan ko sila hanggang pumunta sila sa restau at ngayon ko lang nakita si Phoenix na tumatawa sa harapan ng isang babae. Masakit isipin na hindi ikaw ang nasa harapan niya na nagpapatawa sa kanya. May karapatan ba akong sigawan siya dahil may kadate siyang iba? Napansin kong tumayo sila at tumayo na din ako papunta sila sa ticket sa sine. Napahinto na ako pati ba naman sa sine susundan ko sila eh sa naubos na pera ko hindi ako nakadala wala pa akong kain kaninang umaga dahil sa paghahanap sa kanya. "Sweety, kakain ka nanaman?" Sabi ni Phoenix sa kasama niyang babae. Tumango lang ito na parang bata at hinawakan niya sa braso si Phoenix. "Oo... bili tayo ng popcorn." Sabi nito. "Hay... pasalamat ka mahal kita." Napatulala ako sa sinabi ni Phoenix. Napatayo ako at nagbagsakan na ang mga luha ko. Bakit pinapahirapan namin ang sarili namin? Umalis nako sa pwesto ko. Hanggang sa makalabas nako sa mall na umiiyak padin di ko masyadong makita kung saan ako naglalakad nang biglang may bumangga saakin at nakita ko si Jaytler. "Anastasia? Are you okey?" Sabi niya. Umiling ako hanggang biglang umikot ang paningin ko at mabuti naramdaman kong nasalo ako ni Jaytler. At doon nako nawalan ng malay. Gunner POV... Nag aalala ako kay Anastasia, feeling ko may mangyayaring masama sa kanya at 10:30 na ng gabi. Sana magkasama sila ni Phoenix. Napatingin ako sa pinto at may pumasok. Nakita ko si Phoenix na may kasamang babae at sino naman tong kasama niya? "Nasaan si Anastasia?" Napatingin ako kay Darius na kapapasok lang niya. "Huh? Bakit naman ako ang tinanong mo? Kayo lang naman ang magkasama. At wala akong pake sa kanya kung saan siya pupunta magsama sila ng lalaking yun...." Sabi naman ni Phoenix. Bigla ko nalang siyang sinuntok sa mukha. "Girlfriend mo siya diba? Bakit mo siya ginaganyan?! Diba mahal mo siya o pinaglaruan mo lang siya." Sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at tiningnan ako. "Alam mo kaninang umaga pa naghahanap si Anastasia sayo. Sigurado ako na wala pa yung kain kanina at wala siyang pera nung pumunta siya sa mall... alam mo ba yun?! Ang tanong ngayon... asan siya!" Galit na sabi Darius. Nagulat naman siya. "Kaya pala... mukhang siya ang naramdaman ko kanina na sumusunod saatin, Kuya." Sabi nung babaeng kasama ni Phoenix. Bigla nalang umalis si Phoenix at humarap saamin ang babaeng dinala niya. "Ah.. ako nga pala ang kapatid ni Kuya Phoenix. Ako nga pala si Sweety Dawn. Nice to meet you. At don't worry hahanapin natin si Ate Anastasia.. she's a special girl for kuya." Sabi ng kasama nito. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD