Chapter 9

960 Words
Anastasia POV... "Bakit ka ba nagtatanong ng mga ganyang bagay?" Sabi ko sa kanya at itinulak ko siya. "Sige gagawin ko ang nasa kontrata, kahit na parang nagpapatanga ako sa mga nakasulat doon. Gagawin ko yun." Sabi ko at umalis na doon. Pagkarating ko sa kwarto ko bigla nalang tumulo ang luha ko. "Ano ka ba? Bakit ka tumulo." Sabi ko sabay punas ng luha ko. Nasasaktan ako eh... ayokong magmahal kung alam kong masasaktan lamang ako sa huli. Nababasa ko yun sa mga ebook at napapanood sa mga movies mabuti pa nga sila matapos masaktan magkakatuluyan ako kailan kaya ako makahanap ng lalaki na bagay talaga saakin. Forward... nakarating na kami sa school at tahimik lamg si Phoenix sa tabi ko at binuksan na ng guard niya ang pintuan at una siyang lumabas at may mga babae ngang nagtitilian parang wala nang bukas. Nang makalabas ako agad kong hinawakan ang kamay niya na kinagulat niya. At feeling ko hinawakan din niya ang kamay ko. Napakunot ang noo ko dahil ayun nagco comment nanaman ang mga bubuyog. 'Grabe ang landi, hinawakan ang kamay ni Prince Phoenix.' 'Sila na ba talaga?' 'Taken na si Prince!' Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng biglang lumabas si Sage sa gilid at tiningnan lamang ako parang may gusto siyang sasabihin. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad nang makarating na kami sa room kahit nakaupo kami magkahawak padin ang mga kamay namin. At sumandal ako sa braso niya. Ayos na saakin kung masaktan ako sa huli basta ngayon titiisin ko ang 6 na buwan niyang kontrata. Ayon kay Gunner babalik din sila sa kanilang mundo pagkatapos ng 6 na buwan. "Hello guys!" Sabi ni Gunner di ko siya pinansin at pumikit ako habang nakasandal sa balikat ni Phoenix. "Oh, anong meron? Nagkaaminan na ba? Ha?" Pangungulit ni Gunner saamin. "Shut up, she's sleeping." Sabi ni Phoenix. "Oookkeey, natutulog ang future wife ni Phoenix." Sabi nito at umupo na sa gilid ko. "Class dismiss." Sabi ng teacher namin. "Magc cr muna ako." Sabi ko kay Phoenix. Tumango lang siya at lumabas din ako habang naglalakad sa hallway may biglang humigit saakin at tinakpan ang bibig ko. "Ako toh, Anastasia." Napatingin ako sa kanya. Si Sage pala ang bestfriend ko. "Bakit?" Sabi ko sa kanya. "Tama ba yung nakita ko kanina? Kayo na ba talaga? Akala ko...." tumango nalang ako. "Mahal namin ang isat isa kaya kami na." Sabi ko sa kanya. Napayuko siya. "Bilang kaibigan mo once saktan ka niya sumbong mo agad saakin. Okey?" Sabi niya saakin. Napangiti nalang ako at tumango. Boung araw naging sweet ako sa kanya at pati siya pero alam ko na peke lahat yun. Walang katotohanan sa akin totoo di ko alam ang sa kanya. Naglalakad ako dito sa mall si Phoenix naman ay nasa mansyon eh sa busy daw siya. No choice kaya ako ang namamasyal ngayon bibili ako ng makakain namin sa bahay ako na ang nagrepresinta na walang kaalam alam si Phoenix na ako ang pumunta ng mall. Habang naglalakad may naramdaman akong kakaiba bigla nalang lumakas ang hangin napahawak ako sa buhok ko. Teka lang paano nagkahangin sa loob ng mall? Wala namang electicfan na malaki o aircon na parang baguio kalakas ang hangin. Nang may nasilayan akong lalaki na nakatayo at nakatingin saakin. Lumapit ako sa kanya nang nawala siya ng parang bula. Sino kaya yun? Pauwi na ko pero nakasunod padin siya saakin kaya napahinto ako sa isang parke at tumingin sa kanya. "Alam ko na sinusundan mo parin ako. Sino ka ba?" Sigaw ko. Nakaramdam ko ang malakas na hangin at nakita ko ang isang lalaking nakatayo mismo sa harapan ko hanggang sa mawala na ang hangin at nakita ko ang gwapong lalaking toh. "Sino ka rin ba? Isa ka bang White Wizard o isa kang Black Wizard?" Hala pinagsasabi nito? "Ha? Di kita maintindihan? Tao lamang ako." Sabi ko sa kanya. Palapit siya ng palapit saakin hanggang sa makorner niya ako. Kinakabahan ako anong gagawin niya saakin. I need Phoenix! "Isang tanong isang sagot... ano ka ba sa dalawa? Isa ka bang Black Wizard o White Wizard?" Sabi niya. "W-white Wizard po." Sabi ko nalang sa kanya. Kahit di ako wizard naglie nalang ako. "Really?" Palapit ng palapit ang mukha niya. "P-phoenix..." mahinang sabi ko at naiiyak nako. Napapikit ako habang tinatawag si Phoenix sa utak ko. Bigla nalang nakarinig ako ng suntok at may yumakap saakin. "Are you alright? Anastasia? Shh.. stop crying, baby." Sabi niya at yakap yakap padin ako. "Phoenix." Masayang sabi kong sabi habang yakap yakap niya ako. "Oh, at sino ka naman? Kalaban ka rin ba?" Sabi nito. Tiningnan ng masama ni Phoenix ang lalaki. "How dare you na paiyakin si Anastasia?" Galit na sabi nito. "Bakit? Anong gagawin mo? Di mo ko kaya?" Nakangiting sabi nito. Makikita mo sa mukha ni Phoenix ang pagkainis. Nakita ko na biglang nag apoy ang buhok nung misteryosong lalaki. "T-teka! Ang buhok ko! Nasusunog!" Sabi nung lalaki. Natanong ko sa sarili ko sino ba talaga tong lalaking ito? Agad niyang pinatay ang apoy sa buhok niya at sinamaan niya ng tingin si Phoenix bigla nalang siyang nag teary eyes. Hala umiiyak siya? Napakunot ang noo ni Phoenix. "Sinira mo buhok ko. Huhuhu." Umiyak nga. At ayun napaupo sa sahig at nagpadabogdabog. Nganga lang ako sa ginawa niya. Humiwalay ako ng yakap kay Phoenix at lumapit sa lalaki. "Uhmm... sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya sa pag iyak at tumayo ng matuwid at tumikhim ito nagsalita. "Ako nga pala si Prince Darius, ako ang prinsipe ng Hangin. Kinagagalak kitang makilala, Miss Anastasia." Nanlaki ang mata ko nasa harapan ko ngayon ang prinsipe ng Hangin?! Kulang nalang ng dalawa ang Earth at ang Elemental. Kailan kaya sila makikita? ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD