|CHAPTER SIX|
KINABUKASAN ay maaga ulit akong nagising. Nasa sariling kwarto na ako natulog kagabi.
Hindi ako naligo sa banyo dahil may plano akong maligo ngayon sa dagat.
Nakapag isip-isip ako kahapon na kung wala talagang plano si Ashton na iuwi ako. Siguro ay hahayaan ko nalang muna ang sarili ko na namnamin ang isla na 'to. Gusto kong makita ang mga magagandang tanawin dito.
Hindi na ako nagbihis pa at dala ang tuwalya, bumaba ako.
Nadatnan ko pa si Manang sa kusina na nagluluto. Binati niya ako at ganon din ang ginawa ko.
"Ang aga mo naman nagising hija. Saan ka pupunta?" Tanong nito.
Nginitian ko siya. "Maliligo po ako sa dagat. Inaakit kasi ako ng sobrang asul na tubig na 'yon." Napatawa pa ako ng mahina.
Tumawa rin siya. "Oh sige mag-ingat ka. Mamaya ay gigising na din si Ashton at bababa. Tatapusin ko muna itong niluluto ko." Aniya at bumalik sa ginagawa.
Ako naman ay tumango nalang at dumiritso na patungo sa labas. Sa tapat ng bahay ako maliligo. Baka kasi tawagin ako ni Manang. Para naman madali ko nalang siyang marinig.
Naramdaman kaagad ng balat ko ang lamig ng umaga at napapikit ako para simhutin ang bango ng dagat. Muli ko itong iminulat at mahinang tumakbo patungo sa dagat.
Inilapag ko sa malaking bato na nasa buhangin lang ang towel at dahan-dahan na tumapak sa dagat.
Nang maramdaman na ng paa ko ang malamig na tubig ng dagat ay walang atubili na akong ibinabad ang buong katawan doon.
Marunong akong lumangoy dahil naturuan ako noon ni Ashton.
Tawa ako ng tawa at napapangisi sa saya na nararamdaman ko sa paglangoy. Pabalik-balik akong lumangoy. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong ganito.
Nang umahon ang aking ulo mula sa tubig dagat ay nakita ko kaagad ang matipunong katawan ni Ashton. Wala itong pang-itaas habang nanonood saakin. Nakangisi ito habang nakatitig.
Humakbang ito habang ako ay napako sa pagtingin sa kaniyang mukha at katawan.
Ngayon ko lang napagtanto na sa makalipas na dalawang taon ay mas lalo itong naging matipuno. Mas nag matured ang katawan nito. At ang kaniyang kilay ay gano'n parin kakapal. Ang mga mata niya ay itim. Napakatangos ng ilong niya at ang mapula nitong labi.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang hubad na katawan at napalunok ako ng makita ang bakat na bakat nitong abs.
Gosh! Napaka-hot parin nito.
"Nice view, isn't it?" Napabalik ako sa ulirat ng magsalita ito habang mahinang tumatawa at ngumingisi.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at pinamulahan ng pisngi.
Bahagya akong umatras ng humakbang pa ito papalapit saakin at basa na ang katawan.
"Good morning baby." Aniya na nakangisi.
Hindi ko siya sinagot at tahimik lang.
"Manang told me that you're here. Are you enjoying?" Tanong nito.
Para hindi magmukhang-bastos sa kaniya dahil maayos ang pagkakatanong niya ay tumango ako.
"Oo." Maikli kong sagot.
"Good then." Sambit nito at iginala ang tingin sa paligid.
"I bought this Island three months ago." Sambit niya ulit at ipinako na ang tingin saakin.
"I bought this for you. For us." Turan niya na nagpakabog ng dibdib ko.
Sa laki ng islang ito at sa ganda. Siguradong napakamahal nito at malaking pera ang magagastos nito.
"P-Pero ang mahal nito..." Mahinang boses kong sambit sa kaniya.
Tumawa lang ito. "Money is not a problem to me. You know, I'm already a business man. I already owned two big and well known companies. And I'm proud to say that I am now a Billionaire. So if you want to buy something, just tell me and I will buy it for you." Aniya sabay kindat saakin.
Hindi na ako nagtaka pa sa sinabi niya. Simula pa noon ay ang maging bilyonaryo na ang gusto niyang mangyari. Na makilala pa ang kanilang kompanya.
Mahalaga sa kaniya ang kanilang kompanya at mahalaga din sa kaniya ang pagkakakilanlan bilang isang mayamang tao.
"What are you thinking?" Napadaing ako sa sakit ng pitikin nito ang noo ko.
"Masakit 'yon ah!" Angil ko pero tumawa lang siya.
"Tell me what are you thinking baby. Are you thinking of me, huh?" May nakakalokong ngisi nitong sagot na ikinairap ko lang.
"Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili." Inis kong sambit.
Umakto naman itong nasaktan. "Ouch baby! I'm wounded. You should say 'Yes Ashton my baby, I'm thinking of you'" Anito na mas ikinainis ko pa kaya kaagad na nagtungo ang kamay ko sa tubig ng dagat para ipunta dito.
Napunta 'yon sa kaniyang mukha na ikinapikit nito.
Nang makamulat ay mas lalo siyang ngumisi. "My baby wants to play huh?" Aniya at ginanon din ako sa mukha kaya wala sa sariling napatakbo ako sa dagat.
"My baby also wants me to run after her!" Sigaw nito na tumatawa pa rin.
"f**k you Ashton!" Sigaw ko rin.
Mas lalo parin siyang tumawa. "I would love to do that with you baby! What position do you like huh?" Lokong tanong nito na mas ikinairap ko pa at tuluyan nalang lumangoy patungo sa malalim na parte.
Ilang segundo lang ako sa ilalim at lumusong ulit ang aking katawan.
Nang umahon na ako ay medyo hindi pa bumuka ang aking mga mata dahil sa alat ng tubig. Pero hindi kumawala saakin ang paglusong ni Ashton patungo din sa ilalim.
Inihilamos ko ang aking kamay sa mukha hanggang sa tuluyan na akong makakita ng maaliwalas.
Iginala ko ang tingin sa dagat para sana hanapin kung saan si Ashton pero wala akong makita.
Marunong itong lumangoy kaya siguro nasa ilalim na parte ito lumusong.
Hinintay ko nalang siyang umahon ulit pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi parin ito umaahon.
Nakaramdam na ako ng kaba pero siguro ay may tinitignan lang ito sa ilalim kaya naghintay pa ako ulit.
Pero nadagdagan na naman ng ilang minuto ay hindi parin ito umaahon kaya tinawag ko na ang pangalan nito.
"Ashton!" Sigaw ko pero walang Ashton.
"Ashton! Where are you? Umahon ka na!" Sigaw ko ulit pero wala parin talaga kaya abot-abot na ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Natatakot ako. Kinakabahan.
Sobra na ang nararamdaman ko at nag-aalala na. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang luhang pumatak sa mga mata ko.
Paano kung nalunod na ito? Paano kung hindi na ito makaahon?
"Ashton! Ashton!!" Sigaw ko na habang umiiyak nang biglang may humila sa paa ko at ang pag-ahon ng humihingal na Ashton sa harap ko.
"Hey baby!" Bati nito pero mas lalo lang akong napaiyak at biglang napayakap sakaniya.
"Why are you crying?" Tanong niya kaya napasuntok ako sa dibdib nito.
"P-Pinag-alala mo ako! A-akala ko...akala ko nalunod ka na!" Sigaw ko sa kaniya.
Hinagod nito ang likod ko. "I'm fine. May nakita lang ako doon sa ilalim. Kinuha ko lang. Please stop crying. I'm sorry if I make you worried. Sorry..." Alo nito saakin at hindi siya tumigil hanggang sa huminahon na ako.
Dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya at pinahid ang aking luha.
"H-Huwag mo nang ulitin 'yon..." Turan ko na ikinatango lang niya.
"May kinuha lang akong shells. These are beautiful. I planned on giving it to you. I'm sorry baby. But you know me, I know how to swim. Please don't worry next time." Sambit niya at inilahad saakin ang mga shells.
Totoo nga. Napakaganda nga ng mga ito. Iniabot ko 'yon na ikinangiti niya at inilapat ang kaniyang labi saaking noo.
"Pumasok na tayo." Aniya at iginaya ako patungo ulit sa bahay.
___________