|CHAPTER SEVEN|
NANG matapos kaming dalawa sa pagbibihis ni Ashton ay tinawag na kami ni Manang para kumain na ng agahan.
"Come on. Let's go downstairs." Aniya ng makalabas kami ng kwarto.
Inihapit ako nito sa bewang na ikinatingin ko doon.
Ewan ko pero gusto ko ang ginagawa niya.
Parang dahan-dahan ko nalang na tinatanggap na walang kawala na talaga ako sa mga bisig ni Ashton.
Hindi naman masama ang bigyan ulit ng pagkakataon ang samahan namin ni Ashton 'diba?
"What are you thinking again?" Napaangat ako ng tingin sa tanong nito.
Ngumiti lang ako. "Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos nating kumain? No shouting and no fighting this time." Sambit ko na ikinatigil niya.
Tumango-tango siya. "Ofcourse! Sure. No problem." Aniya na ikinangiti ko nalang ulit.
"Let's go?" Tanong niya na ikinatango ko at sabay na nga kaming pumunta sa hapag-kainan.
Agad naming nakita si Manang na hinahanda ang mga plato. Nang maramdaman niya ang presensya naming dalawa ay napalingon ito sa gawi namin.
Bumaba ang tingin nito sa kamay ni Ashton na nasa bewang ko. Bigla itong ngumiti saamin.
"Kumain na kayong dalawa." Turan nito.
"Join us Manang." Sambit naman ni Ashton na ikinailing kaagad ni manang.
"Naku! Huwag na. Kumain ako kanina at hindi ako gutom. Kayo nalang muna at para makapag moment kayo." Aniya at tumingin saakin na nakangisi.
Bigla akong namula sa sinabi nito. Napansin niya sigurong medyong okay na kami ni Ashton.
Nasanay siguro itong palagi nalang kaming dalawa ni Ashton nag-aaway at nagsisigawan.
"Aalis muna ako at may gagawin lang." Paalam nito na ikinatango nalang naming dalawa ni Ashton.
Nang makaalis si Manang ay gumalaw na ang katabi ko at hinila ang isang upoan.
"Sit here baby." Anito na sinunod ko naman agad.
Hinila naman nito ang katabi kong upoan at umupo narin.
"Let's eat." Aniya at kinuha ang sandok para lagyan ang pinggan ko.
"Ang dami niyan Ashton..." Saway ko nang madami ang inilagay nitong kanin.
"Nah! Eat it so you have energy later." Aniya at tumingin saakin.
"I'll show you the beautiful views here." Dagdag nito.
Umaliwalas ang mukha ko at nakaramdam ng excitement. "Talaga?!" Tanong ko. Hindi naitago sa boses ko ang saya.
Para akong bata sa inasta ko.
"Yes my baby." Natatawang sagot nito at pinagpatuloy ulit ang paglagay ng mga ulam sa pinggan ko.
Nang matapos siya ay ang pinggan naman nito ang nilagyan.
Habang kumakain kami ay bigla itong nagsalita. "You said we will talk later after we eat. Let's talk in the garden." Aniya at ngumiti.
"I'm sure you will love to see the garden." Turan nito ulit.
"Saan ba nakalagay ang garden?" Tanong ko.
"Nasa likod lang." Sagot nito na ikinagulat ko.
Mayroon pala itong garden sa likod? Hindi ko alam!
"Gulat ka. Hindi mo pa ba 'yon napuntahan?" Tanong nito na ikinailing ko kaagad.
"I didn't know na may garden pala ito sa likod! I'm excited to see it later!" I exclaimed.
He just laughed and nodded. "We will go to the garden later." Sambit niya at kumain ulit.
Ilang minuto lang ang nagugol namin sa pagkain at natapos din kami.
Niligpit ko ang mga pinggan at nag insista naman siyang siya nalang ang maghuhugas ng mga plato.
Ganon nga ang ginawa naming dalawa at nang matapos kami ay hinawakan ako nito sa kamay.
"You know what? I'm a bit nervous. I'm curious kung anong pag-uusapan natin." Nakanguso nitong sambit na ikinatawa ko.
I pinched his nose. "Let's go to that beautiful garden." Sambit ko nalang at dumiritso na nga kami sa paglakad patungo sa nasabing hardin.
Nang makarating kami ay nanlaki kaagad ang aking mga mata at napaawang ang labi.
Napakaganda nga nitong Hardin.
Iba't-iba ang mga kulay ng mga bulaklak. At karamihan sa mga tanim ay halatang mahal.
Maganda ang pagkaka disenyo at may mga paru-paro pang nagliliparan na mas lalong nagpaganda dahil sa iba't-iba rin nitong mga kulay.
"Wow..." Tanging nasambit ko nalang.
"Did you like it?" Tanong nito mula saaking likod.
Napatango at nakangiting bumaling sa kaniya. "Ang ganda!" Sambit ko na ikinangiti rin nito.
"I'm glad." Aniya at tinuro ang malapad na upuan.
Pati upuan ay napakaganda din ng pagkakadisenyo. Nagmistulang rainbow ang kulay nito.
"Let's sit in there then we'll talk." Aniya at iginaya ako doon.
"Sit." Utos nito na agad kong ginawa.
"So...? Ano pag-uusapan natin?" Tanong niya at binalingan ako.
Tipid ako napangiti. "Ahm...a-about us?" 'Di siguradong sagot ko.
"What about us?" Kunot-noong tanong niya.
Huminga ako ng malalim atsaka binalingan ulit siya.
"I...I just realized. Since you won't let me go home—" Napabuntong-hininga ako.
"I-I mean, you told me you that you have your reasons kaya hindi mo ako hinabol noon. I w-want to know it Ashton. Explain it to me and tell me your reasons." Nag aalinlangan kong turan.
Hindi siya sumagot ng ilang segundo at napabuntong-hininga nalang din.
"I understand— You deserve to know my reasons." Aniya at matamang tumitig saakin.
"Remember what you saw two years ago? Me and Blythe..." Panimula niya.
Nang banggitin niya 'yon ay napatahimik ako. Kumirot bigla ang dibdib ko ng maalala na naman ang senaryong 'yon.
"Nothing happened between us Astherielle." Aniya na ipinagtaka ko.
"B-But you two are n-naked and... I saw her r-riding you—" Pinutol ako nito.
"That was all a setup!" Sigaw niya.
"I didn't introduce you to my parents because...because I-I'm bound to marry Blythe that time." Panimula niya ulit. Hindi ako umimik.
Kaya pala hindi ako nito pinakilala?
"My parents know nothing about you and our relationship. But Blythe....alam niya. She got mad. And...she threatened me that she will tell it to my parents. And I got scared! Because I know my parents, they will do everything to ruin you if they will know. And... They told me that they will not give me the company if I will not marry Blythe." Huminto siya saglit.
"I also got scared of what they've said. Because I promised to myself and to you that I will do everything and I will give you everything you want. And Blythe...she made a deal with me. She said that she will not tell my parents about you if I will go with her. We got drunk. And after that... I felt dizzy. I lost my conscious and then I just knew that I'm in a room with her. Naked. Nakapatong na siya saakin. At biglang nagbukas ang pinto ng kwarto at bumungad ka doon. But trust me, nothing happened between us! You ran away. Hahabulin na sana kita ng pinagbantaan ulit ako ni Blythe. Hindi ko siya pinakinggan pero biglang tumunog ang phone ko. My dad is calling. Informing me that mom is in a hospital. I got worried. I don't know what to do. Kung hahabulin ba kita o pupuntahan ko si Mom. But I just realized. I hurt you and Blythe will not stop. So I-I l-let you r-run..." May tumulong luha sa mata nito.
"Pinuntahan ko si Mom. After two days she woke up. And still, they want me to marry Blythe. I said no. They got mad at me. They forced me to marry Blythe but I said no again. They said they will not give me the company. It's fine though. After a year I build my own company with my own money. No help from my mother. I promised again that I will find you but my parents, they apologized to me and they give the company to me. And now I'm handling two successful companies. And after two years, I decided to find you again and now you're here with me. You're mad but it's okay. I will do everything to earn your forgiveness." Aniya at lumuhod na nagpagulat saakin.
"I'm sorry my baby. I'm sorry my Astherielle. Please forgive me. I will do everything! I'll make it up to you. Let's start over again my baby." Turan nito at muling tumulo ang luha sa mata nito habang nakaluhod sa harapan ko at hinihingi ang aking kapatawaran.
_________________