|CHAPTER FOUR|
TANAW ko ang karagatan habang nakaupo sa isang upoan na nasa harap lang ng bahay.
Hindi pa masyadong mainit ang araw kaya napagdisisyonan kung lumabas. Hindi rin naman ako pinagbawalan ni Ashton.
Pagkatapos ng sagutan namin kanina at ang huling mga sinabi nito ay biglang naguluhan ang utak ko.
Ang sabi niya ay may rason siya. Ano naman kaya 'yon?
At ang huling sinabi niya na tungkol sa pagbubuntis. Doon nakuha ang buong atensyon ko.
Nagulat ako sa sinabi niya pero may parte saakin na....kinikilig at nakakaramdam ng excitement.
Tototohanin ba nito ang sinabi niyang bubuntisin ako?
Hindi pwede!
Sa sitwasyon namin ngayon ay hindi ako pwedeng mabuntis.
Magulo ang nangyari saamin at masakit. Hindi ko kayang basta-basta nalang bumalik sa kaniya matapos ang lahat ng ginawa niyang kataksilan.
Habang naghuhuni ang isip ko ay biglang may tumikhim sa likod ko dahilan para mapalingon ako doon.
Nakangiti si Manang Elena habang naglalakad patungo saakin at umupo sa tabi ko.
"Hindi ka ba naiinitan dito hija?" Tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi pa naman po..." Sagot ko.
Tumingin ito saakin na may tipid nang ngiti. "Pasensya na pero narinig ko kayo kanina ni Ashton." Turan nito na ikinapula ng mga pisngi ko.
Narinig niya lahat?
Nakakahiya!
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa hiya na nararamdaman.
"P-pasensya na po..." Hinging paumanhin ko.
"Naku! Okay lang. Normal lang naman talaga 'yon sa mga kagaya niyo—" Huminto ito at sumeryoso.
"Pero hija. Hindi ko man alam ang lahat ng nangyari sa inyo noon, may ideya naman ako kung ano ang nangyari kaya ka galit sa kaniya. Kung hindi mo mamasamain ang mga sasabihin ko— ramdam ko na disidido si Ashton na magkabalikan kayo ulit. Dahil hindi ka niya kukunin at dadalhin dito kung wala na siyang pakealam at nararamdaman sayo." Sambit nito kaya hindi ako halos makaimik.
"Alam mo hija. Ang sakit ay parte ng pagmamahal. Dahil hindi 'yon pagmamahal kung walang sakit na nararamdaman." Dagdag nito na ikinaangat ko ng tingin.
"Pero hindi naman po kayo masasaktang dalawa kung pipiliin niyo lang na umiwas sa mga bagay na makapagpapasakit sa inyo. Kung mas pipiliin niyo lang na magmahal at hindi magsakitan." Angal ko na ikinangiti niya lang ng tipid. Ng peke.
"Minsan kasi hija. Mas pipiliin mo nalang 'yong mas makapabubuti sa taong mahal mo, kahit masaktan man siya ng todo sa disisyong gagawin mo. Kahit masaktan man kayo pareho." Tumingin ito sa karagatan.
May kakaiba akong nararamdaman sa mga sinasabi niya.
Parang may hugot ito at pait.
Naranasan na niya kaya siguro ito?
"May mga tao talagang pinagtagpo pero hindi itinadhana. Pero sa sitwasyon niyo ni Ashton. Alam kong may nararamdaman parin siyang espesyal sayo. Huwag kang matakot subukan ulit hija. Alam kong masakit ang ginawa niya. Pero ngayon na siya na ang gumagawa ng paraan. Subukan mo ulit. Hindi masama ang magbigay ng ikalawang pagkakataon sa taong minahal mo—o mahal mo. Subukan mo lang, dahil kung hindi mo susubukan. May posibilidad na pagsisisihan mo nalang sa huli." Turan nito at muling tumingin saakin.
Habang ako ay mataman na tumitig sa kaniya.
"May tanong po ako." Sambit ko.
"Ano 'yon hija?" Aniya.
"Base po sa mga sinabi niyo. Parang malalim ang mga pinagmulan no'n. Naranasan mo na ba 'yon Manang Elena? Ang masaktan at ang magsisi sa huli?" Tanong ko sa kaniya.
Kagaya kanina, ngumiti ito ng peke at dahan-dahan na tumango.
"Oo. Naranasan ko na." Sagot niya.
"Nasaktan niya ako. Bumalik siya pero...hindi ko na siya tinanggap pa. Kahit na... mahal ko parin siya. Ilang ulit siyang nagmakaawa pero ayoko nang masaktan pa nang dahil sa kaniya. Natakot ako. Kaya mas pinili kong lumayo sa kaniya—" May tumulong luha sa mata nito.
"M-Makalipas ang ilang taon. Hindi parin nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa pagkakataong 'yon ay ako ang nagmakaawa. P-Pero wala na... kasal na siya iba." Bakas sa boses nito ang sakit.
Pinahid nito ang luha at bahagyang tumawa.
Tinitigan ko ito ng mataman.
Maganda si Manang Elena. Hindi naman gaano kita ang katandaan nito. Matangos ang ilong at ang buhok ay walang ni-isang mga puti.
"P-pasensya ka na hija." Aniya.
"O-okay lang po." Mahinang boses kong sagot.
"Ohsiya! Papasok na muna ako at maglilinis. Pumasok ka narin dahil masakit na ang init ng araw." Sambit nito tumayo.
"Mamaya nalang ulit hija." Aniya at ngumiti saakin. Pagkatapos ay umalis na ito sa harapan ko.
Habang ako ay napatingin ulit sa karagatan at napabuntong-hininga.
Hindi ko alam.
Natatakot rin ako.
Natatakot ako na baka masaktan niya ulit ako kapag binigyan ko siya ng ikalawang pagkakataon.
Kaya ko ba?
Inaamin ko. Sabihin ko man na hindi ko na siya mahal, alam ko sa sarili ko na mayroon pa.
Na hindi 'yon nawala.
Muli akong bumuntong-hininga at tumayo.
Pumasok nalang ulit ako sa bahay. Hindi ko nakita doon si Manang Elena kaya nagkibit balikat nalang ako at umakyat.
Sa palapag kung saan ang kwarto ko ay kita ko din ang isang pang kwarto.
Dalawang kwarto lang ang meron sa palapag na 'to kaya kay Ashton siguro 'yon.
Nang nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko tumigil ako sa paglalakad at tinitigang maigi ang pinto ng kwarto ni Ashton.
Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako at papasok o hindi nalang.
Pero ano naman ang gagawin ko doon kung kakatok ako at papasok?
Sa huli ay namalayan ko nalang na lumapit sa pintong 'yon at itinaas ang aking kamay para kumatok.
Kumatok ako ng dalawang beses.
Naghintay ako ng ilang segundo para buksan ako pero wala.
Kumatok ulit ako ng dalawang beses pero wala pa din.
Siguro ay wala siya sa loob.
Akmang aalis na ako nang may pumasok sa isip ko na ideya.
Kung wala siya doon ay papasok parin ako.
Kaya binuksan ko na ang pinto ng dahan-dahan. Sumilip ako at hinay-hinay na pumasok hanggang sa tuluyan na nga akong makapasok.
Sinuri ko ang kwarto at wala 'yong kakulay-kulay.
Habang sinusuri ko ang kwarto ay biglang may tumunog dahilan ng pagkagulat ko.
Nang tingnan ko kung saan 'yon galing ay mula 'yon sa maliit na lamesa katabi ng kama.
Cellphone 'yon.
Kumunot ang noo ko. Sigurado akong cellphone ni Ashton 'yon. Kaya kung nandito ang cellphone niya...nandito rin siya?
Nanlaki ang dalawang mata ko sa isiping nandito pala siya.
Pero ang cellphone ay panay parin ang tunog kaya muli akong napatingin doon.
Hinay-hinay akong naglakad patungo sa mesang 'yon.
Hanggang sa abot-abot ko na ang cellphone.
Dahan-dahan ko 'yong tinignan at gano'n nalang ang pagkagulat ko nang mabasa kung sino ang tumatawag.
"Blythe..." Mahinang boses kong turan at napakuyom ng mga kamao.
Huminto ang tawag at ilang segundo lang ay mensaheng dumating.
From: Blythe
'Where are you Ashton?! Why are you not answering my calls?'
Basa ko sa mensaheng 'yon.
So may komunikasyon pa pala silang dalawa?
Matapos ng ginawa nila saakin?!
Kung meron pa silang komunikasyon, bakit ako nandito at kasama si Ashton?
Ano 'to gaguhan?!
Anong plano niya?!
Ang saktan ulit ako?
Dahil sa galit na nararamdaman ay tumulo ang aking mga luha.
Kasabay no'n ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang paglabas doon ni Ashton.
________________