|CHAPTER THREE|
"MAGBIHIS ka na." Utos nito saakin matapos ang mainit naming p********k.
Matapos niyang sabihin 'yon ay nagbihis ito at umalis ng banyo na iniwan ako doon.
Ni-hindi man lang ako binuhat papuntang kama kagaya ng ginagawa niya noon.
Napatulo nalang ang munting butil ng luha mula sa aking mata.
Pagod akong napasalampak sa tiles.
Pinahid ko ang aking luha at tumayo nalang para makapagbihis.
Lumabas ako ng banyo matapos makapagbihis at huminga muna ng malalim bago lumabas sa pinto ng kwarto.
May nakita akong hagdanan kaya kaagad ko 'yong tinungo para bumaba.
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Manang Elena.
"Good morning po..." Bati ko sa kaniya na may kasamang tipid na ngiti.
Ngumiti naman siya saakin ng malapad. "Magandang umaga din hija. Pumunta ka na doon at kakain na kayo ni Ashton." Aniya na tinanguan ko lang.
Tinalikuran na ako nito at naglakad paalis habang ako naman ay nagtungo sa malaking lamesa kung saan nakaupo na sa Ashton doon.
Tinitigan ako nito ng maigi. Nag-iwas ako ng tingin at umupo dalawang bangko ang gap mula sa kaniya.
"Sit beside me." Utos nito na ikinaangat ko ng tingin.
"Hindi na..." Sagot ko at bumaling sa plato ko at nagsimulang kumuha ng mga pagkain.
"I said sit beside me Astherielle." Matigas ang boses nito at may pagbabanta na naman dahilan ng pagka-inis ko.
"Bakit ba palagi mo nalang akong inuutusan? Tapos nagagalit ka kapag hindi ako sumusunod sayo. Ano ba ang tingin mo sa'kin? Utusan?" May bahid na inis sa boses ko.
"Are we going to fight again?" Tanong nito na nakatitig parin saakin.
"Talagang mag-aaway na naman tayo kapag magkasama tayo. Kaya ibalik mo na ako sa bahay ko at lumayo ka saakin." Sagot ko sa kaniya na nagtatapang-tapangan.
"I will never let you run again Astherielle." Aniya.
"Bakit? Hinabol mo ba ako no'ng tumakbo ako palayo sayo dahil sa kagaguhang ginawa mo sa'kin?" Panghahamong tanong ko sa kaniya na ikinatigil nito.
Hindi siya umimik kaya umayos ako sa pagkaka-upo at nagsimula nalang kumain.
Habang kumakain ako ay ramdam ko ang patingin-tingin niya saakin at naririnig ko rin ang pag bubuntong-hininga niya.
Nang hindi ko na makayanan ang ginagawa niya ay binalingan ko ito. "I want to go home Ashton. Iuwi mo na ako." Turan ko sa kaniya.
"I will not let you go home Astherielle. Not until you will accept my apology." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.
"Eh hindi ka nga nagso-sorry eh! Paano kita patatawarin?!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil sa inis.
"Then I'm sorry." Sagot nito na ikinatawa ko ng mapakla.
"Your sorry is not even sincere Ashton. Kaya paano ko tatanggapin ang apology mo?" Sagot at tanong ko.
"You will accept my sorry Astherielle." Anito na mas kinainis ko pa talaga.
Ewan ko ba at ganito ang labis na nararamdaman kong pagkainis sa kaniya.
Dahil siguro galit ako sakaniya?
Na masakit ang ginawa niya saakin noon?
"Sa sinabi mong 'yan Ashton nagpapahiwatig ka na inuutusan na naman akong patawarin ka. Bakit? Sino ka ba sa akala mo para patawarin ko kaagad matapos ng ginawa mo noon?" Matapang kong sambit sa kaniya.
"Well, I am Ashton Clark Santiago. Your boyfriend and I know you love me so you will accept my sorry." May pagmamalaki sa boses nito.
Napaawang naman ako sa sinabi niya.
Really? Boyfriend?
At love?
"You're not my boyfriend Ashton. Our relationship was ended two years ago." Turan ko sa kaniya pero ang loko ay ngumiti lang.
"You never said that we are already over Astherielle. Yes, you ran away but we never broke up." Pagmamayabang na naman ang nasa mukha nito na ikinaismid ko lang.
"You cheated on me. Tumakbo ako pero hindi ka humabol at nag explain saakin. Kaya noon pa lang hiwalay na tayo. Wala nang ikaw at ako Ashton. Matagal na."
"But you still love me." Aniya na ikinatigil ko.
Mahal ko pa ba?
Tumawa ito ng mahina."I know you still love me baby."
"Bwiset ka! H-hindi na kita mahal!" Sigaw ko pero tumawa parin ang loko.
"You can deny it baby. But your body can't deny. You still love my touches and my kisses." Anito.
"L-lahat nang 'yon ay wala lang! Libog lang 'yon! W-we are both adults. We need it. Pinagbigyan lang natin Ang mga sarili. Wala lang 'yon saakin." Sagot ko sa nanginginig na boses.
Tumalim ang tingin niya saakin na nagpapahiwatig ng pagka-inis at pagka disgusto sa sinabi ko.
"Libog? Really? Kahit noong tayo pa libog lang din 'yon? Wala lang sayo?" Madilim na ang mukha niya.
Hindi ako makaimik at napatigil.
Hindi ko naman talaga sinasadya ang mga sinabi ko.
Siguro dala lang 'yon ng pagka-inis at galit ko sa kaniya.
Pero nang maalala ko na naman ang nadatnan ko noon na kasama niya ang kaniyang kasiping.
Nag-init na naman ang aking ulo.
"Oo! Libog lang din! Ikaw din naman 'diba? Hindi ka pa nga nakuntento saakin noon kaya humanap ka ng ibang makakasiping! Bakit? Hindi ka makuntento sa isang putahi?!" Sigaw ko at napatayo na.
"Palibhasa kasi kayong mga lalake kapag nagsawa na iiwanan na kaming mga babae! Eh kami nga itong nananahimik tapos kayo 'tong dadating sa buhay namin para manggulo! Manliligaw tapos ipaparamdam saamin na mahal kami tapos kapag sinagot ang saya-saya. Pero kapag nagsawa na iiwanan nalang! Putangina!" Patuloy kong sigaw at hinihingal pagkatapos.
Ilang segundo lang ay huminga ito ng malalim. Pagkatapos ay marahas na bumuntong-hininga.
"I know you hate me so much Astherielle. But I have my reasons kung bakit kita hindi hinabol pagkatapos ng nangyari. I will make it up to you—" Huminto ito.
"And you, Astherielle Zanniah Monterial. I will not let you go again this time. I will not let you run away again from me." Aniya at tumayo. Naglakad papalapit saakin at pinantayan ang aking tingin.
"I will do everything so that you will fall in love with me again. Because you are my property. And believe me when I say if making you pregnant is the only way para hindi ka na tumakbo pa papalayo saakin. I will do it Astherielle. Trust me." Seryoso nitong sambit at umalis sa aking harapan.
________