5:|Dazzling hot|

1064 Words
5:|Dazzling hot| - Kylie's POV' - "Ready na ba lahat?" tanong ni Coach sa amin. We all said "Yes!" in unison except Earhart. Looks like bad mood ang isang to. Kinalabit ko siya, "Huy, anyare sayo?" Tinignan nya lang ako at nagpasimaunang naglakad papasok sa school bus. "Anong nangyari dun?" bulong ng isa sa mga ka-teamate ko. They already held their bags and ready to hop in the bus. I just crossed my elbows while looking at Earhart. 'Bakit ganon na lang ang reaksyon nya nung sinabi ni Coach na sa STEC kami magpa-practice ng tennis? Bakit mukhang biyernes santo ang mukha nya? Diba dapat maging masaya sya dahil pupunta kami sa dati nyang paaralan?' I gasped. Oh shet! Nakalimutan ko palang sa STEC nag-aaral si Ashton! Paano na lang kaya pag nagkita sila ni Earhart don tas official na magpapakilala? Pano kung...Arrghh! Stupid! Stupid! Minadali kong kunin ang bag ko at pumasok sa bus. "W-Wait! A-A-Ahhh, pwede bang i-cancel na lang yung practice n-ngayon? I...I have a stomachache! Hehehe, pwede bukas na lang?" Klak! Tumunog ang lock ng pintuan pagkatapos kong sabihin iyun. Nakatingin ang lahat sa akin at base sa mga mukha nila ay masasabi kong ang tanga ng ginawa ko kanina. Umiling naman ang iba at bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Hayss, what a fool move Kylie! Ikaw nga tong excited na excited kahapon pagkatapos i-announce ni Sir kasi makikita mo na si Ashton tapos ngayon. Ano? Ano, ha Kylie? Stomachache? Really? Nakanguso akong naglakad at tumabi kay Earhart na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana habang nakikinig ng music. 'Patay. Pano na to? Sana lang talaga hindi sila magkikita kundi lagot na.' My phone beeped twice. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking jacket at muntik nang mapasigaw. Ashton: Hey, wazzup? Ashton: I heard you're one of the varsity of tennis. I bite my lips. Tinignan ko si Earhart na ganon pa rin ang postura bago mag-text ng reply. Earhart: Yep. Why? Ashton: Same. Nalaglag ang panga ko. Bat ang malas ko naman yata ngayong araw? Earhart: If you're planning to meet me. HINDI PWEDE. Panget ako! /typing.../ "Aishhh, I can't send this," I mumbled. "Hey, did you asked me? Come again?" "Ahhhh, hindi ikaw. May ka-text lang ako--Earhart!" I shouted her name, unconsciously. Napatingin naman sa gawi namin yung iba. Nagtaas ng kilay si Earhart at tinignan ang hawak kong phone. "Who?" she asked while looking at the screen. Agad ko naman itong tinago sa bulsa ko. "A-Aheheheh, w-wala wala. Friend ko lang." Mabuti na lang at hindi sya chismosa kagaya ko at bumalik sa pakikinig ng music. That was too close! Idiot, Kylie. Bakit ba kasi chi-nachat mo pa ang lalaking to? . . . "Welcome to Science and Technology Educational Center or also known as STEC," sabi ni Coach habang nakatingin sa malaking gate ng school. We will be staying here for two weeks. Magpa-practice kami ng tennis at dito din kami matutulog. We are very lucky kasi pinahiram kami ng mga rooms sa kanilang dorms. "Wow. Ang laki!" "Public ba to? Bakit mukhang private school?" "Excited na ako! Yieeee, maraming hotties at gwapo dito. Mabubusog na naman mata ko. Diba, Taylor?" "Umayos ka nga jan. Nandito tayo para mag-practice. Hindi lumande!" "Hindi pa rin nagbago...Same old school." Tinignan ko ang nagsalita sa likod. Nakita kong nakangiti si Earhart habang nakatingin sa kabuuan ng paaralan. This is the first time I saw her smile naturally. Pero...bat parang may mali? Nakangiti nga siya...ngunit may bahid naman itong lungkot. I wonder what's her thoughts. Dito siya nag-aaral noon. I'm pretty sure marami siyang alaala dito. "Okay! Let's go now team! Wag masyadong hyper. Nandito tayo para mag-practice ng tennis. Maliwanag?" pumapalakpak na sabi ni coach at lahat naman sila ay naghiyawan. Kinuha ko na ang mga bags ko at agad natigilan. ~Kru!~ Kru!~ Letse! Why? Bakit? Bakit ang malas ko ngayon? Napahawak ako sa tyan at ininda ang sakit. Kanina lang sinabi kong may stomachache ako. I lied. But it turns out nagkakatotoo ang kasinungalingan ko. "H-Hey. Teka lang, coach! Nasan ba C.R. dito?" "Aba malay ko. Mukha ba akong janitor?" "What a load of----Argh! Nevermind." "Ms. Montgomery! San ka pupunta?" Hindi ko na sya pinatapos pa at nagmadaling humanap ng C.R. Wala akong pakialam sa mga nakasalubong kong estudyante na nakatingin sakin na para bang nandidiri. Ganito kasi yan, umuutot ako habang nakahawak sa pwet. Gets mo? Yung feeling na malapit ka nang ma tatae pero pinipigilan mo lang? Ayown! Siguro nga karma ko na eto. "Hey, miss. San ba C.R. dito?" tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Diring-diri nya akong tinignan at napatakip sa bibig. "S-S-Sorry...di ko alam," at agad kumaripas ng takbo. Nagtanong-tanong pa ako sa iba ngunit katulad lang na rekasyon ang nakasalimuha ko. Ganon ba talaga ako kabaho? Aishh, kulang na kulang na lang talaga bibigay na ang dumi ko. Waaaaah! No, no! That would've be lame and embarassing? f**k! "s**t. C.R. please magpakita ka na sakin! CR...CR...CR...CR..," bulong ko habang magmamadaling tumatakbo na nakahawak pa rin sa pwet. Parang nagslow mo ang mundo ko pagkakita ko sa sign na "Blah blah blah CR". Basta may nakalagay na C.R.! Mabilis pa sa kuneho ang paglakad ko papunta doon at binuksan ang pintuan ng isang cubicle. Doon ko inilabas ang lahat ng kailangang ilabas. Wooh! Yes! Finally, nakadumi na rin ako! Ngiti-ngiti akong lumabas galing sa cubicle at isinara ang pintuan. "What the f**k?!" I almost fell out when I saw a naked body of a boy in front of me. No, I passed out. Literally. - Earhart's POV - "W-Wala na bang mas g-gagaling pa?" I hissed. Padabog kong inilagay ang tennis racket sa bench pagkatapos ng laban. Of course, I win. Wala pang nakakatalo sakin kahit isa sa mga ka-team ko. "Ugh! Matatalo rin kita, Earhart! Just----err prepare! Mark my words!" inis na sigaw ni Taylor sakin habang umiinom ako ng gatorade. I just rolled my eyes. Never! "Magaling! Magaling! Earhart! Good job! Sinasabi ko na nga bang magaling ka talaga! Alam kong hindi lang yun ang makakaya mo," pumapalakpak na puri ni coach sakin. I just smirked and continue to drink the gatorade while looking at the group of boys who invade our court. 'S-STECIANS?!' Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko habang tinatanaw ang varsity team ng STEC. Mga lalaki lahat. OKAY, I admit. Lahat sila ay sizzling hot at mga fafa. Matatangkad, mapuputi, gwapo, at rich kids. Yes, dito ako nag-aaral noon pero konti lang ang nakikita kong ganyan ka gwapo or let's say rather wala akong napapansin na katulad nilang mga gwapo at dead-gorgeous. 'I just hope na walang nakakakilala sakin dito...at sana hindi rin siya sumali sa tennis kahit alam kong malaki ang posilidad na kasali talaga siya.' But, Yeah, hell yeah. It seems like luck wasn't my side right now because I saw him, looking dazzling hot as always, Tyrone Gray Yu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD