6:| It's been years |

1423 Words
6:| It's been years | - Tyrone's POV - "WHERE on earth are you, dude?!" tanong ko sa kabilang linya. Kausap ko si Ashton  dahil nawawala daw sya sabi ng kanyang coach. Sinabihan ako ni coach na sabihan na lang si Ashton na susunod sa kanila sa court. I heard there's a visitor coming. "Chill. Nasa----What the f**k?!" Nagulat ako sa biglaang sigaw nya. "H-Hey! A-Ano----~Toot!~Toot!~" Mas nagulat ako dahil pinutol nya ang linya! Ha! What a dumbass kid! Inis kong inilagay ang phone sa bulsa ng hoodie at sinimulang maglakad. 'Shitstickers! Bahala sya sa buhay nya!  Sasabihin ko na lang kay coach na namatay na si Ashton at hindi makakapunta sa practice nila ngayon. Tch! One thing, late na rin ako sa practice sa billiards.' "Oh, Tyrone? Nasan na si Mr. Kilmer!" "Dead," sabi ko kay Coach. Syempre, tumawa sya habang naglalakad kami papuntang court nila. Teka, bakit sa kabilang court to? Kahit hindi na ako tennis player, alam ko kung saan sila maglalaro. Pero bakit sa kabilang court sila papunta? Nagsalubong ang kilay ko. I felt the surge of electricity down to my spines. I don't know why  bakit ako kinakabahan. Siguro nga, pagkatapos ng dalawang taon, naiisip ko pa rin sya at fresh na fresh pa rin ang mga alaala ko dito sa tennis court. "Bakit nandito ka pa, Tyrone? Wala ba kayong practice sa billiards ngayon?" biglang tanong ni coach at tumigil. Nasa harap na kami ng pintuan ng court. Natigilan ako sa pag-iisip. Oo nga. f**k, ba't nandito pa ako? "Uhmm, I-I just wanted to tell you na mukhang male-late si Ashton ngayon. Err...he seems somewhat b-busy." "Hmm...talaga? Tsk, tsk, tsk. Sinabihan ko na yun kahapon na dapat maghanda sya ngayon. Ang tigas talaga ng ulo ng batang yun! I want him to have a duel with the most outstanding player of MNHS." 'Sila yung mga visitors?' "Kole, I'm going...coach," pumihit ako para umalis na sana pero nagsalita uli si coach. Mas lalo akong kinabahan. "Didn't you heard the news, Tyrone?" "She's back. Hindi ako magtataka pa kung siya ang tinutukoy na pinakamagaling na player...sa MNHS," patuloy niya pa na nakapagpakabog sa dibdib ko. f**k, kung totoo ngang bumalik na sya bakit sa MNHS? Bakit sya lumipat ng paaralan? Nakatalikod pa rin ako habang inilagay ang kamay sa bulsa.  "W-Who?" Kahit alam ko na ang sagot. Binalewala nya ang tanong ko. "This is a perfect timing. Since wala si Ashton...what if kayo na lang ang maglalaban?" Nakatulala pa rin ako sa kawalan. Gusto kong sumama kay coach para kunpirmahin na totoo nga bang nagbalik na siya. Pero natatakot ako... "If you want to know who is the 'player', then come with us." Halos kaming dalawa na lang pala ang nasa labas at pumasok na ang iba. Napabuntong-hininga ako at humarap. "May practi----" Napailing na lang ako dahil lahat sila ay nasa loob na pala pati ang matandang coach na kausap ko kanina. Ginulo ko ang aking buhok at pumasok na rin. f**k, bahala na. But, Yeah. Hell yeah. Nakita kong halos babae lahat ang players ng MNHS. Dinumog agad sila ng mga lalaking players ng STEC at agad-agad nagpakilala. "T-Teka...D-Diba sya yung kumanta sa video? Yung nag-viral?" May narinig akong bumulong at itinuro pa ang babae. I dunno what he's talking about. I don't do surfing in social media. FOR ME, that's a waste baggage and lame. Si Pipes lang ang adik jan sa aming mag-barkada. "OKAY, listen. Everyone. WE will be having a duel. This is our way to welcome you, MNHS, in our school. The corresponding coach will be the one to pick which of the players in his team," sigaw ni coach pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay. That's the hint! f**k. Bat pumasok pa ako dito? Hindi nila  napansin na ako ang tinignan ni coach kasi naka-hoodie pa rin ako. Mukhang may napili na ang kabilang team. Sa amin na lang. Marami ang gustong lumaban, siguro para magpasikat? Abala sila sa pagpapa-cute kay coach para sila ang piliin nito. But, I have the guts that he is staring at me. Well, sinabihan nya na ako kanina lang sa labas na maglalaban kami. "I've decided," sigaw ni coach na nakapag-tahimik sa iba. Sumenyas din ang kabilang team na ready na sila. "FOR MNHS, raise your hand please and you may go now in your court," patuloy ni coach. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa unti-unting pagtaas ng  kamay ng isang babae. Hindi ko sya nakita dahil maraming nakaharang sa paningin ko. Tinitigan na sya ng lahat ng nandito except me. I can't. Why the f**k Tyrone?! Nakatalikod sya sakin at nakahawak na sa tennis racket. Matangkad, maputi, fit body, at straight black hair. Inaayos nya ang kanyang wrist band habang naglalakad. Unti-unti syang pumwesto at agad nagtama ang paningin namin. 'This can't be happening...' Nanlaki ang mata ko! Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan. Na-estatwa ako at hindi makagalaw habang tinitignan syang wala man lang expression sa mukha. Nakatitig lang sya sakin na para bang wala akong kwentang bagay o tao. s**t, this is unexpected! 'After 2 damn years...HINDI mo man lang ba ako babatiin at kamustahin...A-Aiken?' "Tyrone!" "Tyrone!" Nagkatitigan pa rin kami hanggang sa sya na ang unang bumitiw. Nakuha lang ang atensyon ko dahil sa sigaw ng aking pangalan. Tinignan ko kung sino. Si matandang coach. "Hah? Si Tyrone, coach? Wala naman siya dito." "Eh billiard player na yun, coach! Hindi pwede yan!" "Nandito si Tyrone?! San?" Mukhang hindi nila alam na nandito ako at kasama nila. Nagsitabihan silang lahat nang magsimula akong maglakad papunta kay coach. Tinanggal ko ang hoodie ko at napa- "O" naman ang bibig nang lahat, maski sa kabilang team na puro babae. Tumitili sila at kinikilig sakin. Nakakaasar! Hinubad ko ang jacket at inilagay sa bench. Mas lalong nagtilian ang mga babae. Tch! "Are you sure about this, coach? Baka maging bias to?" tanong ko kay coach. Nginisihan nya lang ako. "Tyrone, SALO!" sigaw ni Christian havang  i-nitsa ang racket at dalawang wrist band. Swabe ko itong nasalo at isinuot ang bands habang nagsimulang maglakad. 'Tignan natin kung matatalo mo na ako ngayon...Aiken. Noon pa man ay desperada ka nang matalo ako. I hope things might not change after the time.' Nagtitigan kami habang hinintay ang pito ng referee. I felt the surge of excitement dahil ngayon lang uli ako nakapag-laro ng tennis. Pero habang nakatingin sya sakin na para bang hindi nya  ako kilala or let's say rather, isa akong bagay/tao na walang kwenta sa paningin nya. Napawi lahat ng excitement ko. ~Prit!~ Siya ang unang tumira at malakas ang isang iyon kaya hindi ko agad nasalo. 1 puntos ang kanyang nakuha. Ngumisi lang ako. Mukhang gusto nya akong matalo. Okay, baby...let's slow it down! Tumira na naman sya na halos kasing lakas ng kanina pero hindi ko na ito pinalampas at ibinalik sa kanya. Tumtakbo kami ng pabalik-balik at mag-iisang minuto na ay wala pa ring naka-puntos. Mukhang desidido talaga syang matalo ako ngayon. Haha! That's my sweethart! "GO TYROOOONE! GWAPO MO!" Isa sa mga ka-team nila Aiken ang sumigaw ng pangalan ko. Hindi ko sya pinansin at nag-focus lang sa paglalaro. Tsk, ba't alam nila ang pangalan ko? Well, I can't deny the fact that I am handsome and popular. Ngumiti ako kay Aiken nang pagkalaki! Minsan ko lang ito nagagawa kaya halos malundusay sa kilig ang mga babae sa bench. "Kyaaaah! Kita mo yun? Ngumiti sya sakin! Omg! Kahiya! Narinig kaya nya ako?!" Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha ni Aiken kaya mas lalo pa akong ngumiti. Pagkatapos ay ibinalik ko sa kanya ang bola nang napakalakas kaya natulala lang syang nakahawak sa racket. "1 point," sigaw ng referee sabay turo sakin ng flag. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit bumalik din agad sa 'bored face' ang kanyang expression. Alternate lang ang scoring naming dalawa. Pagkatapos nyang makapuntos ay ako naman. Matagal ang naging labanan namin. If I know, wala nang natirang lakas ang kanyang katawan. Bawat tira ay binubuhos nya ang kanyang lakas kaya madali syang napagod. Nakikita ko iyun sa bawat pag-angat ng kanyang dibdib habang humihingal sya. 'Err...What the f**k, Tyrone? D-Dibdib? Really?' Seriously, pagod na sya. Tinignan ko ang score board. 6-6. Race to 7 ang laban kaya kung sino ang mauunang makakuha ng 7 ang syang panalo. Ako ang magse-serve ng bola ngayon. Isang MALAKAS na tira ko lang sa kanya ay panalo na ako. "Anong makukuha ko pag nanalo ako?" Tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang bola malapit sa net. Hindi siya sumagot. "Ahh, alam ko na. Ililibre mo ako sa starbucks!" sinagot ko na lang ang aking tanong. Hinihingal pa rin syang nakahawak ng mahigpit sa kanyang racket. Nginisihan nya lang ako at, "Yan ay kung papayagan kitang manalo,"cold nyang sabi sa akin. Holy s**t! Bakit pakiramdam ko ibang Aiken etong kausap ko? No, hindi lang pakiramdam. She absolutely change. I can feel it. Nagbago na sya at hindi ko alam kung bakit. Sumeryoso ako. "How are you? It's been years."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD