4: |His past's and heart necklace |

1712 Words
4: |His past's and heart necklace | - Ashton's POV' - Prit! "Break! Ano ba naman yan! Ang lamya lamya niyong maglaro! Lalo ka na, Mr. Kilmer! What is happening to you?!" sigaw ni coach pagkatapos magtawag ng break sa pagpa-practice namin ng tennis. Pinahiran ko ang aking pawis sa noo habang mahigpit na nakahawak sa tennis racket. Napapikit ako sa inis. Hingal na hingal na pumunta si John sakin, kalaro ko kanina. "Hey, you okay?" Tinanguan ko lang siya at naglakad papunta sa bench. Inis kong kinuha ang towel na nakasampay dito at inilagay ito sa ulo ko. Hingal na hingal pa rin ako hanggang ngayon, dinagdagan pa ang binti kong namamanhid na siguro sa sobrang sakit. 'Peste! Peste! Peste! Bakit bumalik pa kasi ito?' I knew it. I know what the hell is happening to me. Palagi na lang sumasakit ang binti ko simula nung sa parking lot pa lang. Hindi na ako bumalik pa sa klase nun at umuwi na lang sa bahay. I want to tell my parents about this s**t because I'm afraid that it will happen again. Yes, I have a disorder before and it feels like a helluva nightmare. I don't wanna feel that pain. No, not again. But my parents's wasn't here. As always. "Gatorade?" May nagsalita sa gilid ko at naglahad ng gatorade sakin. Tinignan ko ang babaeng maganda at maputi at sobra ang ngiti sakin. I don't know her. Maybe, one of my fans? Nilibot ko ang aking paningin sa court at may ilan-ilang tao sa loob. May nanood din kasi dito sa court pag meron kaming practice. And also, I can't deny the fact that I am handsome and hot, kaya sikat ako dito sa STEC. "T-Thanks." Nahihiya kong sabi at ininom ito. Hindi naman sya umimik at natulala sakin dahil tinanggap ko ito sa kanya. Tinawag kami ni coach kaya tumayo na ako at naglakad papunta roon. "Kyaaaaaaaah! Kita mo yun? Kita mo yun, Xiyina? Tinanggap nya yung Gatorade ko!" "Waaaaaaah! Buti ka pa napansin nya! Ayieeeeeut!" "b***h, I can do whatever I want. Someday, he will be mine!" 'Sorry, I'm taken.' "Oh, okay ka na ba?" tanong ulit ni John. 'Amp, isa na lang talaga. Mapagkamalan na kitang bading at may gusto sakin.' "Yeah, wala yun! Ako pa?" hambog kong sabi. "Tsk! O siya, ano ulit yun coach?" baling nya kay coach. Napabuntung-hininga naman si coach. "Okay lang ba sa inyong may mag-share ng court satin? Under construction pa kasi ang sa kanila kaya wala silang mapag-practican ngayon." Nagkatinginan kaming lahat ng team. "Who are them?" I asked. "They are from MNHS." Sagot ni Coach. Umugong naman ang kantyawan at lahat sila ay nakatingin sakin. 'Oh f**k. What the hell are you looking at?' Tinignan ko sila nang may pagtataka. "Asus! Okay na okay yan kay Ashton, Coach! Malay natin, baka kasali siya sa varsity ng tennis." "Diba, Ashton?" sabi pa nung isa at malakas na tumawa. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila at sinenyasan si coach na tapusin ang kanyang sasabihin. Salubong ang kilay ko habang nagkakamot sa batok dahil hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi nila. 'Sinong 'siya' naman ang tinutukoy nila?' "Okay lang ba talaga sa inyo? The principal approved this request because MNHS is our sister school." Patuloy ni coach. Yep, MNHS is our sister school. That means pag may programs and events sa school namin o di kaya'y sa school din nila, we are always invited. Yun nga lang, para sa ibang tao ay palaging nagk-kumpetisyon ang dalawang paaralan when it comes to academic excellence, sports, and quiz balls. "Oh e, yun naman pala Coach! The principal approved it so why bother asking our permission? Tsk!" masungit na sabi nang isa sa mga ka-team ko. "Oh well. Baka kasi hindi----" "Nu nu nu nu nu, coach. It iz okie for us. Super duper okie. Maraming----" Jake intentionally cutted his speech para iminuwestra ang kanyang kamay sa iba naming ka-team na para bang alam na alam na ang susunod nyang sasabihin. Napangisi naman ako. "Girls!" "Ice cream!" "Booty!" "Sweat bodies!" Malakas kaming nagtawanan habang si Coach naman ay naiwang nakanganga at umiiling. Hindi ko sya masisi. My team mates are naughty at alam kong pabor na pabor din sa kanila ito dahil marami silang makikitang babae. Balita ko halos babae ang varsity ng MNHS sa tennis. "Sige sige. I'll report to the admin na okay na okay sa inyo. Any questions?" Pahabol ni coach. I raised my arm, again. Coach pointed his pen at me. "When? Kailan sila magsisimula?" tanong ko. "Seems like you're too excited, huh?" makahulugang tanong nang isa. Hindi ko siya kinibo at bumaling kay coach. "Tomorrow, morning. Whole day. Same schedule with us." . . . Pagkalabas ko sa school ay dumiretso na ako sa parking lot. Pumasok ako sa kotse ko at doon nagkulong, iniinda ang kanina pang sumasakit kong binti. Napahampas ako sa manubela dahil sa inis. Narinig kong umingay eto. Wala akong pake, isa pa tinted naman ang sasakyan ko. This s**t is driving me crazy, not just physically but emotionally. It triggered my past and the nightmares that I don't want to pull up. Napag-desiyonan kong tawagan si Tyrone at Pipes para sabihin sa kanila eto at makipagkita. Yeah, they don't know about my past and this shitty pain of my leg. Nangyari eto 2 years ago at hindi pa kami masyadong close at that time. Ganon na lang ang dismaya ko nang nakapatay ang phone ni Pipes. I dialed Tyrone's number pero nakatatlong ring na ako ay wala pa rin. "f*****g s**t! Answer the damn phone, Tyrone!" sigaw ko sa loob ng sasakyan. Kung saan kailangan na kailangan ko kayo ay hindi nyo pa sasagutin ang telepono! Nangingiligid na ang luha ko sa sobrang sakit ng binti ko. "Hello, Ash?" biglang sagot ni Tyrone. Napaayos ako ng upo. "Tyrone..." napapapaos kong sabi. May narinig akong mga ingay sa background, batid kong nasa bilyaran sya ngayon. He's practicing at the moment for the intramurals, katulad ko sa tennis. "Hey, Ash. Why did you call? Are you okay?" "Obviously not. That's why you need to go f*****g here and help me. 'Am gonna tell you my s**t right now! A-Aaaahhh! P-Please.." "What?! H-Hey! O-Okay, o-okay. I'll go there asap. W-Where are you?" "P-Parking f*****g lot." "H-Hang in there, Ash! ....San ka pupunta? ....But we're not yet done, Tyrone!" Narinig kong may kinakausap si Tyrone sa kabilang linya...at mukhang nagtatalo sila! Napapikit na lang akong sumandal sa upuan. Bakit kaya pag nakapikit tayo ay wala tayong makita? " ...You can't go there unless the game is done! You have to finish this game para makuha ang ID mo at ma-iswipe ito sa panel paalis!....SHIT! I forgot! ....Ash? You there? I'm s-sorry-----" Pinutol ko na ang linya at binato ang phone. I immediately start the car and runs it at 72 kph. f**k that goddamn road rules. - Third Person's POV' - Walang pake si Ashton sa mga sasakyang malapit nyang masagasaan sa daan. Mabilis nya itong pinatakbo na para bang kasali siya sa isang karera sa ilalim ng buwan. Nagsimula nang dumilim ang kalangitan at lumilitaw ang liwanag ng buwan sa gabi. Napahampas siya sa manubela nang nadatnan nya ang traffic. Dahil sa galit at pagkainip ay imunwestra nya ito paliko ngunit hindi nya namalayan na may paparating na isang sasakyan... Biglang nag-flash sa kanyang isipan ang mga nagyari noon sa kanyang buhay. Bloods everywhere. White flash. Screams. Kung saan malapit na syang mamatay dahil sa car accident. Sa kabutihang palad, nabuhay sya ngunit dumating naman ang kanyang sakit na pilit syang kinakain araw-araw noon at gayong bumalik ito ngayon, para na naman syang unti-unting pinapatay. Sa pangalawang pagkakataon, binuhay na naman sya ng panginoon. Mabuti na lang at nagawa nyang prumeno. Napasigaw sya sa hapdi ng kanyang binti dahil doon sap ag-preno. Nakita nyang lumabas ang isang ginang sa kanyang sasakyan. Ang inaakala nya'y magagalit ito sa kanya ngunit nagulat sya nang may bahid itong pag-aalala. Kumatok ito sa kanyang bintana habang sya naman ay hingal na hingal pa rin na nakahawak sa kanyang manubela. "Iho! Okay ka lang ba?" ani pagkatapos nyang buksan. Hindi sya kaagad nakasagot. "Mabuti naman at hindi ka nasugatan! Jusko dolor! Bakit ba kasi ang bilis bilis mong magmaneho gayong gabi na sa daan!" Marami pa syang sinasabi kay Ashton. Napapikit na lang si Ashton at tumingala para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. 'How...? Pano nya nagawang mag-alala sa taong malapit na syang patayin? Hindi nya ako kilala. Malapit ko siyang mapatay pero heto sya at daig pa ang mommy ko sa pag-aalala. Naalala ko ang mommy ko. Mabuti pa etong ginang na ngayon ko lang nakita, nag-aalala sakin. Tapos sya? Hindi man nya ako kinamusta dahil sa pagkakalulong sa business nila ni Daddy. Hindi man nila inalam ang nagyayari sakin ngayon. Hindi man nila nalaman na bumalik ang sakit ng kanilang anak.' "Iho? Okay ka lang? Gusto mo sumabay ka na lang samin ng anak ko?" 'Ang swerte ng anak nya...' Sinasabi ni Ashton sa isipan habang nakatingin sa ginang. Napabuntong-hininga na lang sya at lumabas ng sasakyan. Pinasalamatan nya ang ginang at sinabing hindi na at baka mas lalo silang maabala. Nagpaumanhin din sya sa ginang. Ika-ika syang naglakad para i-check ang kanyang sasakyan kung may sira ba. Nagpasalamat sya sa lahat ng santo dahil mukhang hindi nagalusan ang kanyang sasakyan. Habang pabalik sa loob ng kanyang sasakyan ay hindi namalayan ni Ashton ang kanyang hugis pusong kuwintas na nahulog sa kanyang bulsa. He beep once bilang senyales na umalis at magpaalam sa ginang na nasa labas pa rin. Natapakan nang ginang ang kuwintas galing sa binata at kinuha ito sa lupa. Agad siyang bumalik sa loob ng kanilang sasakyan at nakita ang naiinip na nyang anak na naka-hoodie. Nagtama ang kanilang paningin sa salamin at agad naman itong nag-iwas ng paningin. Malungkot itong nakatingin sa liwanag ng buwan. "Okay lang ako, ma. Kamusta naman yung lalaki kanina?" tanong ng kanyang anak. "Maayos din naman sya. Oh, sya nga pala. Naiwan nya kanina." Nagtaka si Earhart dahil sa iniabot ng kanyang mama na hugis pusong kuwintas. "Kunin mo. Pag nagkita kayo ay ibigay mo na lang sa kanya. Isa pa, that's a symbol of your name." Ngumiti ang ginang sa kanyang anak nang kunin ito ang kuwintas at tinignan iyon sa likod ng liwanag ng buwan, sa gilid ng bintana kung saan nakaupo si Earhart. "Hindi ko sya nakita." Usal ni Earhart habang nakatingin pa rin sa kuwintas. "Nakita mo. Kahit tinted ang sasakyan ay alam kong kitang kita mo sya. Baka sya ang hindi nakakakita sayo." Sabi ng ginang at nagsimulang iminaobra ang sasakyan paalis sa lugar. Nakita nyang natigilan ang kanyang anak at inayos ang kanyang hoodie jacket. Ngumiti sya ulit nang inilagay ni Earhart ang kuwintas sa bulsa ng kanyang jacket. Ngunit napawi ito nang biglang bumulong ang kanyang anak. "Sana...katulad din ako ng lalaki kanina na nakakalabas pagsapit ng gabi." bulong ni Earhart habang nakasandal sa bintana at unti-unting pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD