3:| That guy named Ashton |

2311 Words
-Kylie's POV'-   Pagkatapos lumabas ni Aiken sa kotse ko ay walang umanong naglakad sya pabalik sa building namin.    Hindi man lang nag-thank you. Oh well, ano pa nga ba? Mukhang nagbago na sya.    "You're welcome!" pahabol kong sigaw sa kanya at pumasok sa kotse ko para pumunta sa Grandmall. May ipinabili kasi sakin si Ma'am Igar so I've no choice but to go there.    + + +   Pumunta ako sa department store at binili ang kinakailangan bilhin for the decoration of our new room. It's kinda frustrating kasi ang dami ko na ngang binili, ang dami pang tao!   Myghad! Nastre-stress beauty ko nito eh. Nakapila na ako ngayon and believe me, ang haba ng linya, tsaka meron pa akong klase after nito for heaven's sake no! Oh wait, hindi pa rin pala ako kumakain!    Nakanguso kong tinitigan ang mga taong nakapila sa harapan ko. I am the last person in the line when suddenly I heard some voices at the back of me.    They sound like boys. I smirked, are they handsome? I hope they are, para naman hindi na ako magugutom.    Napasapo ako sa noo. Really, Kylie? Narinig ko silang nag-iingay sa likod ko.    "Dude, that's gay!"   "Tch, this is for my little sister."   "Ah, kaya pala sa dami nang pwedeng bilhin para sa mga bata ay yung manika pa ang napili mo?"    "Tch!"   Nagtawanan silang lahat. Bahagya din akong natawa dahil sa ka-kyutan nila. Mukhang inaasar nila ang kanilang kaibigan dahil sa pagbili nito ng manika for his little sister.    Aww, that's so sweet of him!   Nakinig lang ako sa asaran nila at hindi ko namalayang ako na pala ang susunod kaya inihanda ko ang mga pinamili ko pero habang ginagawa ko yun ay dinig ko pa rin ang pinag-uusapan ng mga lalake sa likod ko.    "Oh? Sinong magbabayad nito?"   "Tinatanong pa ba yan? Syempre, ikaw! Ikaw ang bibili eh kaya ikaw din ang magbabayad!"   "Aw! That's no fun, dude! Let's play a game. Paper, rock, scissors tayo! Kung sino ang matalo, sya ang magbabayad ng pinamili natin! Game?"   "Game!" malakas na sagot nung isa.    "Tch, this is nonsense," walang ganang sagot din nung isa.    "Don't be kj, Tyrone! Laro-laro lang to no! Baka malibre pa nga yung binili mong 'manika' para sa kapatid mo pag nanalo ka. O, baka naman takot kang mabayaran lahat ng 'to kaya ayaw mong sumali?" nanghahamon nitong sabi sa nagngangalang Tyrone.   Hmmm, so Tyrone pala ang name nung lalaking bumili ng manika for his little sister. Such a cutie and hot name.   "Next please," dinig kong sabi ng cashier girl. Isa isa nyang in-encode ang mga binili ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong masilip ang mga lalake sa likod ko.    Pero agad kong ibinalik ang mukha at napatingin na lang sa cashier sa kanyang ginagawa. My cheeks felt hot because of what I've seen. Damn it, they were all hot and greek-god looking.    Tatlo silang lahat. Mapuputi, makikinis, matatangkad, at mukhang may ibang lahi. Yung isa, ang pinakamatangkad, ay half-chinese. Yung dalawa naman ay mukhang half-korean at half-American.    'Wait, bakit mukhang familiar sakin yung koreanong? Saan ko nga ba sya nakita?'   May nagsalita na naman, "Whatever. Ako ang scorer since dalawa lang ang pwede sa larong iyan.First 5 wins only," sagot nya. I think sya yung sinabihang Tyrone.   Nagsimula silang maglaro na parang bata. Ibinalik ko ang tingin sa kanila Nanatili ang tingin ko dito and fortunately, hindi nila ako napansin dahil busy sila sa kanilang ginagawa.    "Paper, rock, scissors!"   "Paper, rock, scissors!"   "Paper, rock, scissors!"   I smirked when I saw who wins,  "Ang daya mo naman, Ashton!" sigaw nung half-American sa kaharap matapos nyang matalo . Natigilan ako at bahagyang napanganga pagkarinig ko sa pangalang 'Ashton'.   'A-Ashton? Yung lalaking mukhang Koreano ba?   'No, he can't be. Madaming Ashton na pangalan sa buong mundo, Kylie. Baka nagkataon lang. Chill, relax.   "Pano ba yan? Tch, you just fell in your own trip, Pipes, lol," sabat ni Tyrone. Gusto kong matawa nang marinig kung paano niya binigkas ang pangalan ng lalaki. It sounds like a british accent.    Naputol ang pag-iisip ko dahil sa laki nang tawa ng lalaking. I think he was Ashton.   "Shitsureaang kamalasan! Dumapo kay haring Solomon the Pipes! Oh, bayaran mo na lahat ng to ah? Total, mayaman ka naman!" at saka parang mongoloid na tumawa ulit! Napatitig lalo ako sa kaya dahil mukha talaga syang pamilyar sa paningin ko!   'Shitsureaang? Bakit pamilyar na naman sakin ang salitang yan?’   Tinignan ko ang cashier girl pero hindi pa sya tapos kaya binalik ko ang paningin sa kanila. Ngunit kamalas-malasang pagtingin ko pabalik ay nakatingin na sakin ang tinawag na Ashton! Yung lalaking malakas tumawa at Koreanong pamilyar sakin.    Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. 'Dang it! 'Dang it! Dang it!' What's happening to you, erp? Nanlaki ang mata ko at nagsimulang manginig ang mga tuhod ko dahil sa paraan ng pagtitig nya na para bang may kasalanan akong nagawa. This is insane.    Idiot! What the f**k are you looking at, eh? It was only 10 seconds of staring at him but it felt like one decade.    "Hoy, Kilmer!" biglang sigaw ni wala-akong-pake-kung-sino sa kanya. Iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanya dahil hindi ko kinaya ang titig nya.   Hindi ko kinaya ang malalim na titig nya! Even thought I didn't yet confirm that Ashton and the Ashton I know was him, his stare was really breathtaking.    "Kilmer! What are you staring at?" narinig ko na namang sigaw ng isa sa nga kaibigan niya. Wait, did I hear it right? Kilmer? Him? Damn. I'm doomed.   Nasapo ko na lang ang noo ko at dahan-dahang lumingon sa likod. I look at him one last time at bahagya pa syang tinuro.   'You? You are Ashton Greg Kilmer? Yung lalaking naka-chat ko gamit ang pangalan ni Aiken?' So much for this day, I couldn't bare it anymore.    -Tyrone's POV'-   I am currently looking at the girl in front of me. Mukha syang tanga kakatitig sa kaibigan kong si Ashton.    It's not new.    As always, pinagtitinginan na naman kami ng mga tao especially girls like her. Kahit ako, aaminin kong ganyan talaga ang appeal naming tatlo sa mga babae lalo na kay Ashton. Let's say we have the charm and charisma na mapapanganga ka talaga sa harapan namin.    Kanina pa sya tinatawag ng cashier girl dahil tapos na nyang ma encode lahat ng pinamili nya but she doesn't answer because she is indeed busy staring at my friend.    'Amp, mukhang may tama to kay Ashton kaya nilapitan ko na.  "Hey Miss, mind if we have the counter now? You're already done." gentleman kong sabi sa kanya.    "H-Ha?" natutuliro niyang sabi.   "Hey Miss, mind if we have the counter---"   "A-Ah yuh! Yes. S-Sorry. I'm sorry! S-Sorry talaga!" nauutal niyang sabi at minadaling kunin ang kanyang wallet at humugot ng 1k bill.    "I received 1k bill, ma'am. Here's your cha---"   "N-No. Keep the c-change," hinablot nya kaagad ang kanyang paper bag na nilagyan ng kanyang pinamili at kumaripas ng takbo palabas. Malapit pa nyang mabundol ang isa sa mga crew dahil sa pagmamadali.    Nagkatinginan pa kami saglit at bahagya syang ngumiti at nag peace sign sakin. She's a student from MNHS based of her uniform.    Weird. Lahat ba ng estudyante sa MNHS kagaya niya? So weird.    Hindi ko na lang yun pinansin. Mukhang wala ding pakialam ang dalawa kong kasama.    Pagkatapos mabayaran ni Pipes ang bills namin ay dumiretso na kami sa parking lot.   "Hoy! Kanina pa kayo ah! Dalian nyo na jan! Baka ma-late tayo sa next subject natin! Si Ma'am Fenk pa naman yun! Shhkkk," sigaw ni Ashton habang tinatahak ang daan papunta sa kotse ko. Kasalukuyan kaming nasa parking lot, yung kotse ko lang ang dala ko kasi wala pang kotse yung dalawang ugok. I was the only one who has a drivers license.   "Gago. Eh kung tulungan nyo kaya ako dito?!" impit ni Pipes dahil sya ang nagbuhat sa lahat ng pinamili namin. Sya kasi ang natalo sa laro kanina.   "Ulol! Magdusa ka! Ikaw ang natalo eh! Ikaw naghamon, ikaw lang din naman ang talo!" asar pa ni Ashton kay Pipes at tumawa ng sobrang lakas. Tinignan ako ni Pipes na para bang sinasabi nyang "Wtf dude? Help 'em with that idiot s**t!"   I just gave him a shrugged and grins at him.  I play with my car keys and whistles while hearing my bestfriend's trip and fuss. Maswerte dahil kami lang ang tao dito sa parking lot kaya walang maririndi sa ingay nila.    "Fuckshit! Pag ako makaganti sa inyo! Daig nyo pa ang nauulol na aso! Mark my words! Mark my words! Mas grabe pa ang aabutin nyo kaysa pagiging alalay ko ngayon!"    "Ugok, ang tanong, eh, magagawa mo ba kaming gantihan? Yung nilaro natin kanina, ang dali lang! Tsk, tapos. Hays, wala ka, Pipes the Solomon! Ang sabihin mo ugok ka! Parati kang talo! Don't me, dude! Don't me!" Umasta pa si Ashton'ng may nakaharang na pader sa kanilang dalawa ni Pipes at winagayway ang kamay. Mukha syang timang sa ginagawa nya kaya natawa naman ako.    Natawa ako sa kanyang ginagawa. A bunch of immature kiddos.    "f**k you!" sabay dirty finger ni Pipes kay Ashton. Nagkatinginan pa kaming dalawa tapos tumingin ulit kay Pipes na nakakaawa ang itsura then tingin ulit sa isa't-isa at sabay tumawa ng sobrang lakas.    Naputol ang pagtawa ko nang narinig ang daing ni Ashton. "A-Arayy!" daing niya habang nakahawak sa kanyang binti pero natatawa pa rin. Bigla kasi syang binato ng bola ng basketball ni Pipes na napakalakas!   Natawa na lang ako dahil iyun lang pala at binuksan ang compartment ng kotse para tulungan si Pipes  na ilagay ang pinamili.    Mas malakas pa ang tawa nya nung makitang natamaan si Ashton sa binti ngunit agad ding yung napawi nung sumigaw si Ashton na para bang nahihirapan sya sa sakit. Oh c'mon, I didn't Ashton's coward just like this.   "Aray! Aray! s**t! s**t! Wooh! Wooh! Aray!" mura niya pa. Bading to eh!'   "Tsk. Anyare sa'yo?" tanong ni Pipes kay Ashton na hawak-hawak ang binti nya.    "Ewan ko!" sigaw nya pa sa kanya. What's happening to him? That was just a ball.   "Oh, e-eh bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang sabi pa ni Pipes at mukhang guilty sa ginawa sa kaibigan.   "S-Sinong---S-Sinong h-hindi sisigaw sa sakit! Aray naman!"    "Dude, A-Are you o-okay?!" nag-aalalang tanong ko na. Akala ko nagbibiro lang sya nung una pero sa nakikita ko ngayon ay wala na itong bahid na asar.    "A-Aah! H-Hooo! Joke lang," parang ipinipilit nyang magmukhang okay samin. Napabuntung-hininga sya at pilit tumayo ng matuwid. Ika-ika naman syang naglakad papalayo samin at dinukot ang kanyang phone, may tinatawagan.    "Sa tingin mo okay lang sya?" bulong sakin ni Pipes habang nakatingin sa ginagawa ni Ashton. Hindi namin naririnig ang pinag-uusapan nila dahil may kalayuan sya.    "I don't think so," salubong ang kilay na sagot ko. Iba ang kutob ko ngayon, may kung anong nagsabi sakin na may tinatagong sikreto si Ashton samin. If I'll calculate, malakas nga ang pagkabato ni Pipes ng bola pero kahit na sino naman siguro ay hindi ganon ang magiging reaction. Pwera na lang kung may in-iinda sya pag matamaan ang kanyang binti.    "Guys? Mauna na lang kayo," sabi ni Ashton nang bumalik siya sa'min. Hindi ko sya sinagot at nakatingin lang ako sa kanyang binti. "Bakit? Teka nga, dude. Bakit ganon yung reaction mo? Okay ka lang?" tanong ni Pipes. Mukhang nagbago ang ihip ng hangin ngayon at sumeryoso sila.   "The f**k? Anong mga mukha 'yan? I'm okay! It's just muscle pain I got from the training. Don't worry about me. I'm okay. Mauuna na lang kayo sa school kasi may gagawin pa pala ako. Paparating na rin naman sundo ko," mahaba nyang paliwanag. Hindi pa rin ako sumasagot at nakatingin lang sa kanyang binti na namumula.    "Hoy Tyrone! Okay na nga ako! Anong tingin tingin mo jan sa binti ko?! Tch! Kung naghahanap ka ng balahibo sa binti ko ay wala kang makikita! Porselana kaya tong kutis ko at nagmumukhang manequin tong binti ko! Inggit ka?" pang-aasar nya sakin. Mukhang okay na nga sya dahil nang-aasar na. Napabuntung-hininga naman ako.    "You sure you're okay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.    "Okay na nga ako! Ano ba! Parang yun lang," natatawa niya pang dagdag sa'min.   "Kol! Male-late na tayo. He's okay now, rone. Kala ko pa naman na-ano ka na. May pasigaw sigaw ka pa eh! Bading!" sabat pa ni Pipes at inaasar si Ashton pero halatang pinapahupa niya lang ang mabigat na atmosphere.   "Kesa naman sayo," dagdag  ni Ashton.   "Ano?" hamon ni Pipes.   "Bukod sa pagiging ugok at palaging talo. Hilaw!"   "Kesa naman sa iba dyan," dagdag ni Pipes.   "Ano?" hamon ko nang makitang nakangisi silang dalawa sa'kin.    "Plastic," bulong ni Pipes kay Ashton. Dumagdag pa si Ashton at napa-thumbs up pa, "And Made in China." Tumatango pa si Ashton habang nakahawak sa kanyang baba. Pareho silang nakatingin sakin. Syempre, hindi ako manhid para hindi makaramdam na ako ang tinutukoy nila. Natawa na lang ako at umiling.    "What?" bulong ko.   "Aish! Hindi man lang napikon! Tara na nga! Oh, Ashton? Okay ka na, ah?" birit pa ni Pipes na tumingin sa kanyang relo. Tinapik ko sa balikat si Ashton bilang senyales ng paalam.   "Male-late na kami. Ingat, dude," at sumakay na kami ni Pipes sa aking kotse. I beep twice and Ashton answered us a smile with a thumbs up.   + + +    "Good afternoon, class."    Napatayo kaming lahat bilang bigay galang kay Ma'am Aranas. Siya ang ESP teacher namin ngayong taon.    'Wtf?? All pink?? Kaya pala Ma'am Fenk ang bansag sa kanya ni Ashton!'   Lahat ng kanyang gamit, damit, sandals, nail polish at kung ano pang makikita mo sa kanya ay kulay pink! Nakakasilaw at ang sakit sa mata para sakin. Kung ang nai-imagine nyo ay bente or trenta pa lang ang edad nya ay nagkakamali kayo! Mid-40's na sya at matanda na!    'Pinaglihi siguro to sa pink. Ma'am Aranas is too old but she can slay as f**k!'   "Hoy, anong oras na?" bulong sakin ni Pipes pagkatapos umupo.    Bumalik ako sa ulirat.    Tinignan ko ang relo ko at napabuntung-hininga. Nawala sa isipan kong hindi pala sumabay samin si Ashton. Tch!   'Where are you, Ashton?'    "1:15 PM," sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at itinext si Ashton para tanungin kong nasan na sya, si Pipes naman ay nakatingin lang sakin at napabuntung-hininga na lang. Alam kong nag-aalaala din sya gaya ko. I didn't know what happened but this is the first time Ashton leaves the class without notifying us. He's running for perfect attendance. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD