┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Si Trenz ang nagmaneho ng sasakyan. Katabi niya si Cairo na naninigarilyo sa bahagyang nakabukas na bintana ng sasakyan. Si Trenz naman ay tahimik lamang na panaka-nakang tumitingin sa rear-view mirror.
"Okay ka lang bro?" tanong ni Cairo. Mabilis na sumulyap si Trenz sa kanyang best friend at isang ngiti at tango lang ang isinagot nito.
"I know you well, Trenz." Mahinang sabi ni Cairo kaya bahagyang natawa si Trenz.
"Whatever thoughts are swirling in your mind, you've misunderstood kaya alisin mo 'yan sa isipan mo sira ulo ka. My concern only extends as far as my sister. And beyond that? There's nothing more bro. Masyado kang maraming alam kahit wala naman," mahinang sagot ni Trenz. Natawa naman ng mahina si Cairo na tila ba hindi nito pinapaniwalaan ang sinasabi ng kanyang pinuno.
"Sure! Sinabi mo eh! But may I ask about something that has been weighing on my mind since we left Manila? I mean, kanina ko pa talaga ito gustong itanong sayo kaya gusto kong bigyan mo ako ng magandang sagot sa magiging katanungan ko. Why have you taken the wheel when you rarely do so kapag kami ang kasama mo? Typically, we've always been the ones behind the wheel for you. What has prompted this change? Tell me para naman at least alam ko." Napatingin lang si Trenz sa kanyang kaibigan, pagkatapos ay bigla niyang ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada kaya ang lahat ng tauhan nila na nakasunod lang sa likuran nila ay pumarada rin sa gilid ng kalsada.
"Fine! Hayan na! Ikaw na ang magmaneho para wala ka ng maraming tanong pa." Inis na ani ni Trenz, sabay labas ng sasakyan at lumipat sa kabilang pintuan ng kanyang sasakyan, at pinagbuksan pa ng pintuan si Cairo na malakas namang tumatawa.
"Ang pikon mo talaga, bro!" ani ni Cairo habang lumalabas ng sasakyan. Nagtataka naman si Celestina at ang mga kasama nitong kaibigan.
"Kuya, ano ba ang nangyayari?" Nagkibit balikat lang si Trenz kaya hindi na rin kumibo pa si Celestina. Si Mary naman ay napapatingin sa binata na panay ang sulyap sa kanya.
While Cairo maneuvered the car, Trenz found himself repeatedly glancing at the mirror attached to the sun visor, captivated by Mary's animated conversation with Celestina and Amore and her laughter filling the air kaya simpleng napapangiti ang binata.
Ang mabagsik na pinuno ng Gray Hound Organization ay nagagawang ngumiti sa presensya ng dalaga. Kahit ang kanyang mga tauhan ay napapansin ang pagbabago ng mood nito sa tuwing kasama si Mary.
"Iba talaga!" mahinang ani ni Cairo. Inis namang napangisi ng pagak si Trenz at tumingin sa gilid ng bintana at pinagmasdan ang magandang tanawin na nadadaanan nila. Marahil ay sa sobrang pagod na rin ay nakaidlip si Trenz at yugyog sa balikat na lamang nito ang gumigising sa kanyang mahimbing na tulog.
Gulat na gulat pa ito ng pagdilat ng kanyang mga mata ay nasa Pangasinan na sila. Isang bukid ang lugar na pinuntahan nila, may mga taniman ng mais at gulay na binabantayan ng mga magulang ni Mary. Madilim na rin ang gabi at tanging ang malaking bilog na buwan na lamang ang nagbibigay tanglaw sa kadiliman ng gabi.
"Naku ineng nandito na pala kayo. Aba'y ang dami naman pala ninyo at hindi namin ito napaghandaan," ani ng ina ni Mary na sumalubong sa kanila.
"Mayaaaangg!" Malakas na tawag ni Nosgel ng makita nito na dumating na ang kanyang kaibigan. Tuwang-tuwa naman si Mary na niyakap si Nosgel dahil matagal-tagal din naman silang hindi nagkita. Mayang kasi ang tawag kay Mary sa kanilang probinsya.
Matapos ang ilang kamustahan ay iginiya na sila papasok sa loob ng munting kubol ng mga magulang ni Mary. Magiliw silang tinanggap ng mga ito at nagmamadali din magluto ng panghapunan ang mga magulang ng dalaga.
"Pagpasensyahan na ninyo ang aming munting tahanan. Kami ng aking may-bahay ay nasorpresa sa inyong pagdating at hindi namin alam kung saan namin kayo patutulugin," ani ng ama ni Mary.
"May mga tent po kami na nasa car. Lagi naming dala ang mga tent kapag may lakad kami ng mga kaibigan ko, lalo na kapag nagma-mountain hiking kami. Iyon na lang ho ang i-set namin sa bakuran ninyo upang duon kami matulog. May inflatable bed na rin ho 'yon kasama at bobombahan na lang namin ng hangin." Magalang na sagot ni Cairo. Tahimik naman si Trenz na tila ba nag-iisip pero hindi naman ito nakikisalo sa usapan ng mga taong kaharap niya.
"Ganuon ba hijo? Sa akin ay walang problema, kaya lang ay baka ubusin kayo ng lamok kung diyan kayo sa labas matutulog. Pagpasensyahan na ninyo at hindi naman kasi kayo kakasya dito sa loob," ani ng ama ni Mary.
"Tatang, Nanang, ito nga pala si Celestina at si Amore, ang matagal ko ng sinasabi sa inyo na tumulong po sa akin sa France. Sila ang nakasama ko duon at sila na rin ang tumulong sa akin upang makabalik ako ng Pilipinas. Naipakilala ko na po sila sa inyo dati sa isang video call namin ni Nosgel," ani ni Mary. Nagulat naman si Celestina at si Amore ng niyakap sila ng mga magulang ng kanilang kaibigan.
"Ito naman ang kinukuwento ko sa inyo na si Nosgel, ang kaibigan ko mula pa pagkabata. Nosgel, ito si Celstina at ito naman si Amore," wika ni Mary habang ipinapakilala niya ang dalawa niyang kaibigan kay Nosgel. "And I am Trev Aldous Pellegrini. It's truly a pleasure to meet such a captivating woman like yourself." Napatingin naman silang lahat sa pag-singit ni Trev sa usapan nila. Si Trev ang isa sa pinaka-magaling at babaerong assassin ni Trenz. Isang batok sa likod ng ulo ni Trev ang dumapo dito mula kay Cairo kaya ang lakas ng kanilang tawanan. Hindi naman kumibo si Nosgel at simple lamang itong napapangiti na animo ay kinikilig dahil ang isang Trev Aldous Pellegrini ay tunay na gwapo at makisig. Kita sa pangangatawan nito at sa suot nito ang karangyaan sa buhay.
"Huwag kang magpapaniwala sa isang 'yan, numero unong bolero 'yan," ani ni Luke kaya natawa si Trev at isang suntok ang dumapo sa braso ni Luke. "Coming from you, sira ulo ka," inis na sagot naman ni Trev.
"Tama na ang pagbibiruan mga hijo at baka magkapikunan pa kayo," pakli naman ng ama ni Mary.
Tinulungan nila Cairo ang ama ni Mary na ayusin ang mahabang lamesa upang duon ihain ang pagkaing niluluto ng ina ng dalaga. Si Mary naman ay ang kanyang mga kaibigan ay isinasalin sa sa mga lalagyanan ang mga pagkaing uwi nila upang pandagdag sa pagkaing pagsasaluhan nila ngayong hapunan. Nag-utos din si Trenz sa kanyang mga tauhan na bumili pa ng ilang pagkain at alak na pagsasaluhan nila mamaya.
Lumipas pa ang kulang isang oras at naluto na rin ng mga pagkaing niluto ng ina ni Mary. Dumating na rin ang mga tauhan ni Trenz at inilatag sa mahabang lamesa ang mga pagkaing pinamili at ang mga disposable plates na pinabili rin niya at utensils. Sa nakikita kasi nila ay hindi kakasya ang plato na meron sila kaya nagpabili na lamang ito. Dala din ng mga ito ang alak na pinabili ni Trenz na inilagay nila sa isang cooler na hiniram nila kanina at pinuno ng yelo.
"Anak, nandyan nga pala si Kenzo sa hacienda niya kasama ang kanyang kakambal na si Kazmir. Naku kapag nalaman ng isang 'yon na nandito ka baka magmadali 'yon sa pagtungo dito," ani ng ama ni Mary. Dahil sa narinig ni Trenz ay tumayo ito sa pagkakaupo at nakipag-palit ng upuan kay Luke. Nagulat naman si Mary at napatingin kay Trenz na katabi na niya. Natatawa naman ang mga kaibigan ng binata dahil sa ginawa nito.
Naging masaya ang hapunan nila, napuno ng tawanan at iba't ibang kwento mula sa mga magulang ni Mary tungkol sa kabataan ng dalaga. Napapangiti naman si Trenz dahil sa kanyang mga naririnig at magsasalita na lang sana ito ng may marinig silang tinig mula sa likuran nila.
"Mary, nandito ka pala! Sana sinabi mo sa akin para..." Hindi na nasundan pa ni Kenzo ang kanyang sasabihin ng humarap sa kanya si Trenz. Kunot ang noo nito at salubong ang kilay na nakatitig kay Kenzo. Umayos naman ng pagkakatayo si Kenzo at nakipaglaban ng titigan kay Trenz.
"I must say, Mister Trenz Jones, your presence here caught me by surprise. What brings you to this place? Surely, you're not simply here for dinner. Do you find yourself short on funds for buying your own food?" sarkastikong ani ni Kenzo. Napangisi naman ng pagak si Trenz at saka iniyakap ang isang braso nito sa baywang ni Mary na ikinagulat ng dalaga. Hindi agad ito nakahuma lalo na ng bahagya siyang hinapit ni Trenz kaya dumausdos ang puwitan niya sa mahabang silya at nagdikit ang kanilang katawan.
"Is that your property over yonder, ha Kenzo? Hmn... You're aware that I could effortlessly purchase it with the flick of my finger, aren't you? So, who do you suppose might be lacking in funds for a meal, you or me?" sagot ni Trenz kaya tumaas ang kilay ni Kenzo sa tinuran ng pinuno ng Gray Hound. Tahimik naman ang lahat at walang nagsasalita o nakikisali sa usapan ng dalawa. Hindi sumasagot si Kenzo, taas noo pa rin itong nakatingin kay Trenz at panaka-nakang napapasulyap sa kamay ni Trenz na nakayapos sa baywang ni Mary.
"Gusto yata ng isang Kenzo na masampolan," ani ni Cairo na may nakasubong toothpick sa bibig. Hindi naman siya pinansin ni Kenzo at tumingin lamang ito kay Mary at saka pa lang ito nagsalita muli.
"Mary, hindi mo ba ako sasalubungin?" simpleng ani ni Kenzo sabay smirk kay Trenz. Bigla namang tumayo ang dalaga at humakbang sa mahabang silya. Pagkatapos ay yumakap ito kay Kenzo kaya ang laki ng pagkakangisi ni Kenzo habang nakatitig ito kay Trenz.
"Namiss kita Kenzo, kamusta ka na? Pasensya ka na kung hindi kita natatawagan ha, kasi naman marami akong ginagawa," ani ng dalaga habang magkayakap sila ng binata. Kita naman sa mukha ni Trenz ang matinding inis habang ang ngisi ni Kenzo ay may halong pang-aasar.
Galit na tumayo si Trenz at naglakad papalayo sa kanila. Sumunod naman agad sa kanya ang kanyang mga kaibigan at mga tauhan upang samahan ang kanilang pinuno. Huminto ang binata sa isang malaking puno na hindi na tanaw ang kumpulan ng mga taong kumakain sa table, lalo na ang pagmumukha ng kinaiinisan niyang si Kenzo.
"Fùcking Kenzo!" galit na ani ni Trenz habang si Cairo at ang ilang kaibigan nito ay tumatawa at napapa-iling.
Dumating naman sina Alice at Gerchelle na kasama si Ellijah. Dala nila ang kanilang mga big bike at dumiretso na agad sila sa kinaroroonan nila Trenz matapos sabihin ni Celestina kung nasaan ang mga ito.
"Hello there! Mukhang ang sarap dito ah!" ani ni Gerchelle at dumampot agad ito ng isang beer na nasa cooler.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Andyan pala ang kambal, nakita namin na kausap ni Mary duon sa harapan ng bahay nila," ani ni Ellijah. Hindi naman kumibo si Trenz at inutusan lang nito ang kanyang mga tauhan na i-set na ang massive camping tents nila. Mabilis namang tumalima ang mga tauhan nito. Nag-set naman sila Luke ng bonfire upang magkaroon sila ng liwanag sa madilim na gabi. Tahimik lang si Trenz na nagsindi ng sigarilyo at naupo sa isang malaking ugat ng puno.
"Ano ba ang nangyayari at mukha kang inagawan ng kendi?" tanong ni Ellijah. Humugot ng malalim na buntong hininga si Trenz at inalok ng sigarilyo ang kanyang kaibigan na si Ellijah.
"I have accomplished my mission. As I promised, the person I dealt with won't trouble you or our organization again. If you require anything else, just say the word, and I'll handle it seamlessly, leaving no trace behind." Paunang wika ni Ellijah ukol sa misyon na ibinigay sa kanya ni Trenz.
"Excellent news! For now, feel free to unwind and enjoy your weekends. I don't have any tasks lined up for you just yet." Sagot ni Trenz at napatango lamang si Ellijah at sinindihan na nito ang sigarilyong ibinigay sa kanya ng kanyang pinuno. Si Trenz naman ay tila ba inaaninag kung mula sa kinauupuan nila ay matatanaw niya ang kinaroroonan nila Mary, ngunit natatakpan ito ng maraming puno kaya hindi nila nakikita kung ano ang nangyayari sa mga taong iniwanan nila.
Mayamaya ay tumayo si Trenz. Ibinato niya ang kanyang sigarilyo na may sindi sa bonfire at nagsimulang maglakad papalayo sa kanyang mga kaibigan. Tumayo naman si Ellijah na mabilis na sumusunod kay Trenz, at tinanong nito kung saan ito pupunta.
"May papatayin lang akong linta na mahilig dumikit kung saan-saan." Galit na sagot ni Trenz kaya malakas na humalakhak si Ellijah at si Cairo na nakasunod lang sa kanya.