┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Maaga pa lang ay gising na si Trenz. Binigyan siya ng kape nang isa sa kanyang tauhan. Ang mga kasama niya ay tulog pa kaya naglakad-lakad muna ito upang enjoyin ang sariwang hangin na nalalanghap nito. Malayo-layo na ang nararating niya ng matigilan ito sa paglalakad. Nakatitig siya sa isang bulto na namimitas ng iba't ibang gulay sa isang taniman. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya kay Mary na busy naman sa ginagawa nito. Napatitig siya sa bilugang puwitan nito at napangiti. Hindi niya maalis ang tingin sa magandang kurba ng katawan ni Mary kahit bilogan ito dahil may kalusugan ito.
"Mukhang nag-e-enjoy ka sa magandang view na nakikita mo. Hindi naman kaya maglaway ka diyan?" Biglang naibuga ni Trenz ang kape na hinigop nito ng marinig ang boses ni Cairo.
"Gago ka! Kanina ka pa nakasunod sa akin? Saka ano ba ang sinasabi mo diyan? Nakatingin ako sa Nanang ni Mary dahil ang daming hawak na gulay. Ano ba ang meron at parang busy silang lahat. Saka suminghot ka, wala ka ba naaamoy? Hindi ba at parang ang daming nagluluto at ang bango sa paligid?" Depensa ni Trenz. Suminghot naman si Cairo, at katulad nga ng naaamoy ni Trenz ay mabango nga sa paligid.
"Yeah, I can definitely smell that. Is there some kind of special occasion we're unaware of? Maybe a birthday or something else na magaganap ngayong araw?" Sagot ni Cairo. Nagkibit balikat lang si Trenz at muling pinagmasdan si Mary.
"Gising na pala kayo mga hijo. Tamang-tama may mga agahan na duon sa bahay. Pumunta na kayo duon at ng makakain na kayo. Kaarawan ngayon ni Mary kaya buong araw ay may pagdiriwang." Nagulat sila sa tinig ng ama ni Mary kaya bigla silang napalingon. Hindi sila makapaniwala na kaarawan pala ngayon ni Mary.
"Ho? Birthday ngayon ni Mary? Bakit hindi ko ho yata alam na kaarawan niya ngayon? Bakit hindi man lang sinabi sa akin ng aking kapatid, sana ay nakapaghanda ako." Sabi ni Trenz. Tumingin pa ito kay Mary na busy sa pamimitas ng mga gulay. Now it all makes sense kung bakit ang dami nilang pinipitas na gulat. They must be getting ready to prepare a feast for her birthday celebration, which explains all the extra effort they’ve been putting into the harvest.
"Uhm, Tatang..." Si Trenz na hindi masabi kung ano ang gustong sabihin.
"Ano 'yon hijo? Bakit parang nalunok mo naman yata ang dila mo?" Natawa ng mahina si Cairo kaya siniko ito ni Trenz sa tagiliran.
"Uhm... pwede ho ba akong gumastos para sa kaarawan ni Mary? I mean... uhm... gusto ko lang ho sanang umorder ng maraming pagkain sa iisang restaurant lang. Like uhmm... magsasara ang restaurant para ang pagkain lang na oorderin ko ang aasikasuhin nila. Kung pwede lang naman ho, pero kung hindi ay wala naman itong problema sa akin." Nakatitig naman ang ama ni Mary kay Trenz na parang sinusuri nito kung bakit ganito magbigay ng effort sa kanyang anak ang lalaking kaharap niya.
"It's okay ho kung hindi pwede." Dagdag na sabi ni Trenz ng makita niya ang mapanuring tingin ng ama ni Mary.
"Sige hijo, kung iyan ang gusto mo ay hindi kita pipigilan. Gusto mo ba sabihin ko ito sa aking anak?" Natuwa si Trenz sa isinagot ng ama ni Mary. Napatingin pa ito kay Cairo dahil sa labis na katuwaan.
"Huwag na lang ho ninyo sabihin para sorpresa ko na lang ho sa kanya. Salamat ho sa pahintulot, ikinatutuwa ko ang pagpayag ninyo." Tumango lang ang ama ni Mary at nagpaalam na rin ito. Binilin pa sa kanila na hihintayin sila sa bahay upang kumain sila ng agahan.
"In love ka? Magsabi ka nga gago ka. Bakit ba kasi ayaw mo sabihin sa akin ang totoo, eh ako ang best friend mo? Sa tingin mo ba ay hindi ko nababasa ang kaluluwa mo?" Natawa lang si Trenz at umiling-iling lamang ito. Tinapik pa niya sa balikat si Cairo at saka ito nagsimulang maglakad patungo sa bahay nila Mary.
"Kapag hindi ka sumunod ay mauubusan ka ng pagkain. Pagkatapos nating kumain ay tawagan ninyo ang pinaka the best na fancy restaurant sa lugar na ito at bayaran ang buong araw nila. Sabihin mo na lahat ng special sa menu nila ay lutuin at dalhin dito. Sabihin lang nila ang presyo nila at babayaran ko agad. Siguraduhin kamo nila na ang ihahanda nila dito ay hindi tayo mapapahiya sa mga magulang ni Mary." Wika ni Trenz kaya tawa ng tawa si Cairo. Alam ni Cairo na kahit hindi umamin ang matalik niyang kaibigan ay batid nito na may pagtingin ito kay Mary.
Habang kumakain sila ng agahan ay dumating naman si Mary kasama ang ina nito. Malaki ang pagkakangiti ng dalaga ng inabutan niya na kumakain ng agahan si Trenz at si Cairo. Dumiretso naman ang ina ni Mary sa loob ng bahay matapos batiin ang grupo ni Trenz ng 'magandang umaga.' Agad namang tumayo si Trenz at kinuha ang basket na hawak ni Mary at ibinaba ito. Pagkatapos ay iginiya niya ang dalaga sa table at pina-upo sa silya.
"Kain ka muna. Ang sabi ng Tatang mo ay hindi ka pa kumakain ng agahan. Masama ang mag-skip ng breakfast. Agahan ang pinaka importanteng meal sa maghapon dahil ito ang nagbibigay sa atin ng energy upang magawa natin ang mga trabaho natin sa maghapon." Nagulat naman si Mary pero hinayaan lang niya si Trenz. Kumuha ang binata ng isang plato at ipinagsandok ng pagkain ang kaibigan ni Celestina, pagkatapos ay inilagay ito sa harapan ng dalaga at kumuha pa ito ng tubig para dito.
"Hindi mo naman kailangang gawin ito, pero salamat. Busog pa naman sana ako, pero dahil ikaw ang may bigay, sige kakainin ko na lang kahit kaunti lang makain ko." Sabi ni Mary. Tuwang-tuwa naman si Trenz at naupo ito sa tabi ng dalaga.
"Masarap talaga magluto si Tatang, nakakaganang kumain. Ang sarap!" Sabi ni Mary. Hindi naman kumikibo si Trenz, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Sobrang saya ng puso niya, at hindi niya ito maipaliwanag. Susubo na lamang sana si Trenz ng mapasulyap siya kay Mary. Nanlaki ang mga mata niya ng makita nito na halos wala ng laman ang plato nito.
"Hindi pala ako busog, baka napagod ako ng namimitas ako ng mga gulay." Sabi ni Mary sabay ngisi na litaw pa ang lahat ng mga ngipin nito. Natawa naman si Cairo. Si Trenz naman ay inilapit kay Mary ang plato niya na may laman pa na pagkain.
"Baka gutom ka pa, hindi ko na maubos ang pagkain ko." Napatingin naman ang dalaga at umiling ito. Tumango lang si Trenz at ibinalik ang plato sa harapan niya, pero biglang bawi si Mary at kinuha ang plato.
"Sige na nga! Pinipilit mo ako eh!" Tawa na ng tawa si Trenz at si Cairo, at biglang inakbayan ni Trenz ang dalaga. Pagkatapos ay iginiya niya ang katawan nito palapit sa kanya at saka niya hinalikan si Mary sa pisngi nito. Nagulat naman ang dalaga, pero mas lalong gulat na gulat si Trenz sa kanyang ginawa at agad na binitawan ang kaibigan ni Celestina.
"Uhm... oh fuuuck!" Sabi ni Trenz kaya tawa ng tawa si Cairo. Namumula naman ang mukha ni Mary at hindi rin malaman nito kung ano ang sasabihin sa kuya ni Celestina.
"Damn it!" Bulong ni Trenz. Nabigla lang siya, hindi niya 'yon sinasadya. Tulak ito ng sarili niyang damdamin kaya hindi na niya ito namalayan.
"K-kakain muna ako." Nahihiyang sabi ni Mary, hindi makatingin kay Trenz.
╰┈➤LUMIPAS pa ang mga oras. Napakaraming pagkain ang tapos ng lutuin at marami pa ang niluluto. Mukhang magiging malaking handaan ang araw na ito para kay Mary. Wala pa rin alam si Mary na batid na ni Trenz na kaarawan niya ngayon, at wala din naman siyang plano na siya ang magsabi sa kapatid ni Celestina.
Nagayakan na ang buong paligid habang sila Trenz ay nananatili sa tent nila at hinihintay lang nila ang mga pagkaing pinaluto niya. Hinihintay din niya ang mga regalo at bulaklak na pinabili niya para kay Mary.
Si Mary naman ay busy sa pag-aayos ng table, katulong niya ang kanyang mga kaibigan sa pag-aasikaso. Mayamaya lamang ay magsisimula ng magdatingan ang mga bisita na inimbitahan ng kanyang mga magulang. Sa isang sulok naman ay nakatingin lang si Trenz, tanaw mula sa kanilang tent ang mga mesa na inaayos nila Mary at Celestina.
"Hi Mary, flowers for you. Happy birthday!" Si Kenzo na may malaking ngiti sa labi.
"Wow, thank you Kenzo. Ang ganda naman nito. Hindi ka na dapat nag-abala pa. Nakakahiya naman sa'yo." Hahalik sana si Kenzo sa pisngi ni Mary, pero biglang humarang si Trenz sa pagitan ng dalawa kaya nagulat ang dalaga, lalong-lalo na si Kenzo.
"Ano ang gagawin mo? Nagbigay ka lang ng bulaklak, dapat may pa-halik?" Makikita ang inis sa mukha ni Trenz na parang gustong sakalin ang leeg ni Kenzo hanggang sa malagutan ito ng hininga. Naglapitan naman ang mga kasama ni Trenz na naninigarilyo pa at nakatingin kay Kenzo.
"Bakit, ano naman ang pakialam mo kung humalik ako? Ikaw ba ang tatay?" Inis na sabi ni Kenzo.
"Hindi ako ang tatay, pero pwede naman akong maging tatay ng mga magiging..." Hindi itinuloy ni Trenz ang sasabihin niya, nagulat siya sa lumabas sa bibig niya, maging si Mary na biglang napatingin sa kanya.
"Tatay ng magiging ano, Trenz? Bakit ayaw mong ituloy?" Makikita ang pagngangalit ng mga panga ni Kenzo dahil sa tinuran ng pinuno ng The Gray Hound, ang tinaguriang 'The silent hunter.'
"Huwag mo akong susubukan dito Kenzo at mapapahiya ka lang. Trust me bro, hindi mo gugustuhin na ako ang makalaban mo. Wala kang karapatan na tanungin ako, kung ano ang gusto kong sabihin, ako lang ang nakakaalam. For you? Umalis ka na lang at baka hindi tayo mauwi sa maganda. Kikilalanin mo ang kinakausap mo ng ganyan, huwag ako Kenzo dahil iba kapa ako ang nagalit."
"Teka lang, bakit ba kayo nagtatalo ngayong araw na 'to? Bakit ngayon pa? Hindi ba pwede na ibigay na ninyo sa akin ang araw na ito? Nakakainis kayo, alam ba ninyo 'yon?" Naiiyak na sabi ni Mary at nagmamadali itong umalis na naiiyak na. Bigla namang natahimik si Trenz at si Kenzo.
"Mary!" Sabay pa na tawag ng dalawang binata. Pero hindi na sila nilingon pa ni Mary at nagmamadali lamang itong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Napapailing naman si Trenz na tumingin kay Kenzo, pagkatapos ay tinalikuran na niya ito at bumalik sa tent nila. Hindi niya gustong masira ang araw na ito dahil kaarawan ito ni Mary, pero hindi niya hahayaan na madikitan ng labi ni Kenzo ang kahit na anong parte ng katawan ni Mary. Papatayin muna niya ang binata bago ito mangyari.
Sumapit ang hapon at marami na ang bisita. Hindi nagtanghalian si Trenz dahil alam niya na masama ang loob ni Mary at ayaw niyang dagdagan ang sama ng loob nito. Nanatili lang siya sa loob ng kanyang tent, at kahit na ang pagkain na ibinigay ni Cairo ay hindi nito ginalaw.
Hindi rin muna nagpakita kanina si Kenzo, dahil katulad ni Trenz ay nakaramdam din ito ng guilt na sa araw pa ng kaarawan ng dalaga sila nagbabangayan ng pinuno ng Gray Hound organization. Pero ngayong hapon ay marami ng bisita kaya pinuntahan ni Celestina ang kanyang kuya.
"Mamaya na lang ako pupunta." Sabi nito kay Celestina.
"Kuya, pinasama na nga ninyo ang loob ni Mary kanina, tapos hindi ka pa ngayon makikipag celebrate sa kanyang kaarawan? Gusto mo ba talagang tuluyang magtampo ang kaibigan ko?"
"Umiyak nga siya kanina. Naawa tuloy ako." Sabi naman ni Amore kaya nakaramdam ng guilt si Trenz. Humugot ito ng malalim na paghinga at tumingin sa kanyang orasang pambisig. Any moment ay parating na ang mga pagkaing ipinaluto niya maging ang lechong baka. Pati na rin ang maraming bulaklak at regalo para kay Mary.
"Hindi ko naman sinasadya ang nangyari kanina, masyado lang talagang ma-papel ang Kenzo na 'yan." Natawa ng mahina si Celestina at naupo sa tabi ng kanyang kuya.
"Gusto mo siya, hindi ba? Bakit ayaw mong sabihin sa kanya?" May panunuksong sabi ng kapatid ni Trenz. Natawa naman ang binata at umiling ito.
"Kung ano-ano 'yang sinasabi mo. Bumalik na nga kayo duon ni Amore at susunod na kami nila Cairo. Sige na Celestina, may hinihintay lang ako." Kumunot naman ang noo ni Celestina at iniisip kung sino ang hinihintay ng kuya niya. Magtatanong sana ito ng marinig nila ang tawag sa kanila ni Nosgel.
"Celestina may naghahanap sa kuya mo. Mga inorder daw niya, grabe parang fiesta yata dito ang daming pagkain at may malaking lechong baka, at may isang van pa na punong-puno ng mga bulaklak at regalo para kay Mayang! O M G! Kinikilig ako!" Sigaw ni Nosgel kaya ang lahat ay napatingin kay Trenz.
"Yan ang hinihintay ko. Tara na, regalo ko 'yan kay Mary." Wika nito, habang si Celestina ay awang ang bibig nito at hindi makapag salita. Hindi ito makapaniwala na nagawan ng kuya niya ng isang sorpresa ang kanyang kaibigan... kahit hindi naman nila sinabi dito kanina na kaarawan ngayon ni Mary.
"Seryoso ka kuya?" Hindi naman nagsalita si Trenz at naglakad lang ito patungo sa maraming tao na nagkakagulo na.
"Trenz..." Tawag ni Mary na halos maiyak na. Kinuha ni Trenz ang isang napakalaking bouquet at ibinigay ito kay Mary. Pumailanlang naman ang malamyos na musika sa buong paligid kaya natahimik ang lahat at nakatingin lang kay Mary at Trenz.
"Happy birthday, Mary. I really want to apologize if I almost ruined your special day. I have been feeling guilty about it mula pa kanina at ayoko ng nasasaktan ka. It’s just that I couldn’t stand the thought of Kenzo trying to kiss you, and I honestly don’t know why I reacted that way. But that’s how I felt in the moment, and I’m truly sorry if I hurt your feelings earlier. I hope you can forgive me. Happy birthday again, and pwede ba kitang maisayaw bago simulan ang iyong kaarawan?" Wika ni Trenz. Hindi naman makapag salita si Mary, napatingin lamang siya sa kanyang mga kaibigan. Lumapit si Celestina at kinuha nito ang malaking bouquet at ngumiti sa kanyang kaibigan. Si Trenz naman ay tumingin sa mga magulang ni Mary na animo ay nagpapaalam kung maaari ba niyang isayaw ang dalaga. Tumango ang ama at ina ni Mary kaya kinuha agad ni Trenz ang nanlalamig na kamay ng dalaga at iginiya ito sa gitna at nagsimula silang sumayaw. Iyon ang tagpong inabutan ni Kenzo. Tahimik lamang ito at inakbayan lang siya ng kanyang kakambal na si Kazmir.
"Okay lang 'yan. Sayaw lang 'yan. Huwag kang mawalan ng pag-asa." Bulong ni Kazmir sa kanyang kakambal.
"Happy birthday Mary!" Sigaw ng lahat habang nagsasayaw pa rin ang dalawa sa gitna.