PASADO alas-syete na nang gabi pero hindi pa rin dumarating si Gael. Kanina pang naghihintay si Tallulah sa binata dahil umaasa siyang pagbibigyan siya nito kahit hindi ito sumagot sa pakiusap niya. Wala kasi ang kaniyang ama at ang ina naman niya, tinawagan niya ito na huwag na muna umuwi dahil sinabi niyang pupunta roon si Gael pero mukhang mali siya ng akala dahil wala pa ito. "Yaya Dang, sa tingin mo po darating pa si Kuya Gael?" malungkot niyang tanong sa katulong nila na malapit sa kaniya dahil ito na rin halos ang nag-alaga sa kaniya simula nang ipanganak siya. Hindi rin dito lingid ang tungkol sa labis niyang pagmamahal kay Gael. Lumapit sa kaniya ang matandang babae at umupo sa tabi nito at marahang hinimas ang balikat niya. "Ano sa tingin mo, Tali?" Ngumiti ito. "Hindi sa gusto