NANB 15: Wedding Dress

1840 Words

MAS MALIWANAG pa sa sikat nang araw ang ngiting sumilay kay Tallulah nang magising siya kinaumagahan. Napuno ng galak at ligaya ang kaniyang puso dahil sa pag-alaga at pag-aalalang pinadama sa kaniya ni Gael nang nagdaang gabi. Natulog siyang may saya at ngiti sa labi dahil alam niyang nasa tabi lang niya ito. Iyon na yata ang pinakamasayang araw niya. Ngunit bahagya siyang nalungkot at nadismaya nang malamang wala na mansyon ang binata dahil maaga raw itong umalis. "Nagising kaming wala na siya pero mukhang siya ang nagluto ng lugaw na nasa dining kasi hindi naman ako nagluto kanina, eh," hinuha ni Dang habang nasa sala siya. Kumunot ang noo niya. "Lugaw? So, you mean Kuya Gael cooked for me?" hindi makapaniwalang tanong niya dahil malabo pa sa sabaw ng pusit ang ipagluto siya nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD