BUMUNTONG-HININGA si Tallulah matapos niyang ayusin ang mga gamit sa silid kung saan siya mananatili habang nandoon sa mansyon ng mga Lopez. Nasa business meeting kasi ang ina ni Gael at nakiusap itong doon muna siya habang hindi ito umuuwi. Gusto niyang tumanggi dahil hindi siya sanay na malayo kay Callum pero wala na rin siyang nagawa dahil alam din niyang kailangan siya ni Gael. Ngumuso siya at sumimangot. Kanina pa siyang nagtataka sa kakaibang kilos ni Gael sa kaniya. Hindi kasi niya narinig na sinigawan siya nito sa buong araw at hinayaan nitong tulungan niya ito sa tuwing may kailangan ang binata. "Hindi kaya nadapa si Kuya Gael at bumagsak ang ulo kaya bumait siya?" nagtataka niyang tanong. "He was strange today." Kapagkuwa'y bumuga na lang siya ng hangin dahil wala naman siyang