TAHIMIK na nakaupo si Gael sa sofa ng silid niya. Kanina pa siyang tahimik dahil sa maraming bagay na gumugulo sa kaniya. Kahit pilit niyang itaboy ang nangyari sa kanila ni Tallulah sa bathroom, hindi ito mawala sa isip niya. Maraming alaala nang nakaraan ang nagbalik at muling nagpabuhay ng galit at poot sa puso niya. May bagong damdamin na hindi niya alam kung saan nagmula. "Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin, Sir Gael?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hiro na alam niyang nasa harap niya ngayon. Sa loob ng ilang araw na bumalik siya sa Pilipinas, sinubukan niyang kabisaduhin ang lugar na kinaroroonan niya para magawa niyang makapa ang bawat hakbang niya. Sa pitong taon na pagkawala ng kaniyang paningin, natutunan niya kung paano iakma ang sarili sa kinaroroonan niya dahil