NANB 32: Mood

1586 Words

"I MISS you, Anak!" Nakangiting sabi ni Tallulah habang kausap niya sa cellphone sa pamamagitan ng video call ang anak niyang si Callum habang nasa terrace siya ng mansyon. Wala pang isang araw na nalalayo ito pero labis na niyang nami-miss ang bata. Hindi kasi siya sanay na malayo ito sa kaniya. "Mama kailan po kayo uuwi? Sabi po ni Tito Kendric, hindi pa raw po kayo uuwi bukas," malungkot na sabi ni Callum. Ngumiti siya na may bahid ng lungkot. "I'm sorry, Anak pero hindi pa makakauwi si Mama bukas dahil sa trabaho pero hayaan mo, kapag nakauwi ako, babawi ako, ok ba 'yon? Kakain tayo sa labas with Kendric," aniya para kahit pa paano'y i-comfort ang anak. Ngumiti si Callum. "Talaga po, Mama? Tatandaan ko po ang sinabi ninyo," masayang sabi nito. Hindi niya maiwasang hindi malungkot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD