NANB 7: Pananagutan

1522 Words
"BAKIT niyo ho ako pinatawag, Tito?" basag ni Gael sa katahimikan sa pagitan nilang lahat habang nakaupo sila sa sofa sa sala. Ni isa walang gustong umimik habang labis na kinakabahan si Tallulah sa mangyayari. Tumikhim si Gilberto at hindi magawang tumingin kay Gael dahil kilala nito ang binata at ang buhay nitong puno ng pangarap at ayaw sana nitong sirain iyon. "H-hijo, I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa 'yo but we need to discuss an important matters," simula nito. Ngumiti si Gilberto sa binata. "Gael, matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat ng pangarap mo sa buhay at ang kabutihan mo." Saglit itong natigilan. "And I always support you whatever you wants to do." Nag-angat siya ng tingin kay Gael at kita niyang naguguluhan ito sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tahimik lang sila ng kaniyang ina. Nag-aalangang ngumiti ang binata. "S-salamat po, Tito pero bakit ho sinasabi ninyo sa akin ito?" Bahagyang umiwas si Gilberto ng tingin at bumaling sa kaniyang anak pero agad din siyang tumingin sa kaharap. "And...kilala mo rin ang anak kong si Tallulah, she's spoiled but she's willing to learn. Maraming nagsasabi na she's smart pero minsan, may pagka-childish siya pero alam ko pagdating ng panahon, she will be a better person lalo't kung ikaw ang mapapangasawa niya." Ang kaguluhan sa mukha ni Gael, mas tumindi iyon. Halatang kinabahan ito sa sinabi ng kaniyang ama. "A-ano pong ibig ninyong sabihin?" Alangan pa itong ngumiti habang magkasalikop ang mga kamay nito. Alam niyang kinakabahan din ang kaniyang ama na sabihin kay Gael ang totoo dahil alam nitong hindi naman siya mahal ng binata pero dahil wala nang itong magagawa kaya kailangan nitong sabihin iyon. "Gael, alam kong may pagkakamaling nagawa si Tallulah at mga desisyong hindi niya dapat ginawa but it's not just about her, may responsibilidad ka rin dahil...d-dahil buntis si Tallulah." Yumuko ito. Halos namutla ang labi ni Gael sa narinig. Napaawang ang bibig nito at hindi nakaimik dahil sa labis na gulat sa narinig. "You heard it right, Gael nagbunga ang gabing iyon na nagsiping kayo ni Tali and you should take the responsibility dahil anak mo ito," segunda ni Caroline. "K-Kuya Gael, I'm sorry pero hindi ko naman inakalang—" "I-I don't wanna hear your explaination, Tallulah!" putol ni Gael sa sasabihin niya. Napailing ito. Kapagkuwa'y mapakla itong ngumiti. "Tito I'm sorry pero hindi ako naniniwala dahil alam ko ang kayang gawin ng anak ninyo para makuha ako. She can desperately do anything just to be my wife pero hindi ho iyon mangyayari. I'm sorry po!" Bumuntong-hininga si Gilberto. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Gael pero nagsasabi ng totoo si Tali." Kinuha nito ang pregnancy test na nasa sofa, sa likod nito at iniabot iyon sa binata. "What's this?" tanong ni Gael. "Here's the proof that she's pregnant at ikaw ang ama," sagot ni Gilberto. Dahan-dahan kinuha ni Gael ang bagay na iyon at pinakatitigan. Mas lalong namutla ang mga labi nito at hindi naitago ang labis na pagkagulat. Napaawang ang bibig nito habang hindi magawang alisin ang tingin sa hawak nito na nagkumpirma ng katotohanan. "Maging kami, hindi rin agad kami naniwala pero dahil sa pregnancy test, napatunayan naming totoo ang lahat at wala na tayong magagawa dahil nandiyan na iyan. She got pregnant and you're the father kaya kailangan mong panagutan ang anak namin, Gael," sabi ni Caroline. Nanatili siyang tahimik at nag-aabang lang sasabihin ni Gael. Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng puso niya, lalo na nang tingnan siya nito na bakas doon ang galit. "Gael, no'ng malaman namin na may nangyari sa inyo ng anak ko, hindi kita pinilit na panagutan at pakasalanan si Tali dahil alam naming pagkakamali lang iyon, but this time, makikiusap kami sa 'yo na panagutan mo si Tali, ang responsibilidad mo sa magiging anak ninyo. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, pero wala na tayong magagawa. Naniniwala rin naman ako na matututunan mo ring mamahalin si Tali dahil ang totoo, hindi naman siya mahirap mahalin, eh. Buksan mo lang ang puso mo para sa kaniya." Simpleng ngumiti si Gilberto para bigyan ng kahit konting comfort ang binata. Hindi mapakali ang mga mata ni Gael dahil sa kaguluhan sa isip nito. "K-kasal?" Nag-angat ito ng tingin sa kaniyang ama. "T-Tito, kilala niyo ho ako, marami akong pangarap sa buhay na gusto kong maabot. I'm not ready to get married to anyone dahil marami pa akong gustong gawin. Graduating pa lang ho ako sa college and I don't want to ruin my dreams dahil lang kailangan kong magpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. I-I can still take my responsibility to our baby na hindi kami kinakasal. I can support her," katuwiran nito. Pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya sa mga narinig mula sa binata. Pinararamdam lang nito sa kaniya na hindi talaga siya nito kayang mahalin dahil sa kinamumuhian siya ng binata. "A-alam ko 'yon, Gael at naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero kung sa financial support lang ang kailangan ni Tallulah, hindi kami lalapit sa iyo dahil kaya namin lahat pero hindi lang 'yon ang kailangan ng anak namin. Ayaw naming maging disgrasyada siya at lumaking walang ama ang apo namin. You can still pursue your dreams kahit kasal na kayo ni Tallulah, I can support you," giit naman ni Gilberto. "K-Kuya Gael, tama si Dad, pwede mo pa rin naman ituloy ang pangarap mo, eh—" "At ano'ng alam mo sa pangarap, sa pangarap ko, Tallulah? Sige nga, ano'ng pangarap mo sa buhay? Ang mapanagasawa ako? Ang maging Mrs. Ramirez? Damn that dreams of yours, Tallulah! Stop talking na akala mo'y madali lang para sa akin ang ginawa mo. Well, hindi na ako magtataka dahil hindi mo nga naman kailangan mag-aral para umasenso dahil nasa iyo na ang lahat pero iba ako sa 'yo, Tallulah. Mahirap lang ako at kailangan kong mangarap para sa sarili ko na gusto mong sirain. Kung sa 'yo gusto mo ito, ako hindi!" Tumayo ito sa pagkakaupo at bumaling sa ama niya. "I'm sorry, Tito pero hindi ko ho kayang ikulong at itali ang sarili ko sa babaeng hindi ko mahal." Tumalikod na ito at naglakad palabas ng bahay. Napabuntong-hininga na lang ang mag-asawa at wala nang nagawa. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya dahil sa matinding sakit na nararamdaman niya. Mabilis siyang tumayo at sinundan si Gael. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Kuya Gael! Kuya Gael!" Naabutan niya ito sa garden ng bahay. Hinawakan niya ito sa braso para pigilan itong umalis. "Pag-usapan natin ito, Kuya Gael magkaka-baby na tayo at dapat nandito ka sa tabi ko dahil kailangan ka namin ni baby," pagmamakaawa niya. Marahas nitong inalis ang pagkakahawak niya at hinarap siya. "Kailangan ng baby o kailangan mo? Alam mo, Tallulah sinusubukan kitang intindihin sa kabila ng mga ginawa mo pero ito, hindi ko na kaya pang tiisin lahat. Kung sa tingin no dahil buntis ka, makukuha mo ako, nagkakamali ka dahil hindi ko itatali ang sarili ko sa babaeng kagaya mo. You don't deserve a man like me, Tallulah tandaan mo 'yan. I deserve better than you." Kulang na lang ay duruin siya ng binata. Kaya niyang tiisin lahat ng masasakit na salitang ibinabato nito sa kaniya. Wala na siyang pakialam sa kahihiyang matatanggap niya. Tila ba hindi na siya nauubusan pa ng luha. "Kuya Gael! H-Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin na para bang ni katiting na pagmamahal wala ka para sa akin. I always there for you, ginawa ko lahat ng paraan para lang mapansin mo ako at matapunan man lang ng konting atensyon mula sa iyo. Binigay ko lahat maging ang p********e ko bakit hindi pa rin sapat para mahalin mo ako?" Hindi na niya napigilang mabasag ang boses niya. Imbis na awa ang bumakas sa mukha ni Gael, mas tumalim ang tingin nito sa kaniya. Lumapit pa ito at marahas na hinawakan ang braso niya. "Alam mo kung bakit hindi kita kayang mahalin? Na kahit ibigay mo ang lahat hindi kita mamahalin? Dahil sa pagiging desperada mo na makuha ang pagmamahal ko. Oo, ginawa mo lahat pero masyado mong sinubrahan hanggang sa mairita at mainis ako sa ginagawa mo sa akin. Alam mo kung ano'ng tingin ko sa iyo ngayon, isa kang mababang babae na kahit kailan hindi ko mamahalin!" Marahas siyang binitawa nito at tumalikod na sa kaniya. Naiwan siyang halos lumabo na ang paningin dahil sa labis na luha sa mga mata niya. Nasapo niya ang kaniyang dibdid na pakiramdam niya'y sumisikip dahil sa pag-iyak. Hindi na niya napigilang mapahagulhol. Napaupo siya sa damuhan. Sumigaw na rin siya dahil hindi na niya kinaya ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y isa siyang babaeng walang dangal dahil sa mga sinabi ni Gael sa kaniya. Wala nang sasakit pa sa pagtingin nito sa kaniya bilang mababang babae. "A-anak!" narinig niyang sabi ni Caroline. Mabilis siya nitong dinaluhan habang patuloy lang siya sa pag-iyak. Naramdaman niya ang pag-ikot ng paligid at ang pagsikip ng didbib niya. Lumalim ang paghinga niya hanggang sa nawalan siya ng malay at bumagsak sa bisig ng kaniyang ina. "A-anak! Gumising ka! Tali!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD