NANB 6: Confirmed

1562 Words
"DALA mo ba ang pinabili ko sa 'yo, Brielle?" pabulong na tanong ni Tallulah nang makapasok ang kaibigan niya sa kaniyang silid. Pinapunta kasi niya ito roon para bilhan siya ng pregnancy test at nang ma-confirm niya kung bakit palagi siyang nasusuka at nanghihina. Tumango si Brielle. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! My God! Ako ang kinakabahan sa pinagagawa mong kagagahan. Paano kung totoong buntis ka? Paano na ang buhay mo, you're too young to be a mother, ni wala kang alam sa pag-aalaga ng bata. Paano ang pag-aaral mo?" hagas na anito. Binigay nito ang Pregnancy Test sa kaniya at agad niya iyong kinuha. Umirap siya sa kaibigan. "Don't overreact, ok? Kung buntis man ako, eh, 'di good dahil magagamit ko ang bata para pakasalan ako ni Kuya Gael. Saka, napag-aaralan naman ang pagiging ina, 'no? Sumilay ang excitement at saya sa mga ngiti niya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan siya, Brielle dahil simula noon, ito lang naman talaga ang pangarap ko. I want to be Mrs. Ramirez." Pinanliitan siya ni Brielle ng mata. Suminghap ito. "Alam mo kung hindi masama ang pakiramdam mo, binatukan na kita dahil diyan sa kahibangan mo." "Hay naku, Brielle huwag ka na lang kayang kumontra, 'di ba? Why don't you just support me dahil malapit na akong maging isang Mrs. Ramirez." Pumikit pa siya na tila ba nilalanghap na ang nalalapit niyang tagumpay. "Sige na, iwan na muna kita dahil excited na akong mabuntis ni Kuya Gael," pilyang sabi niya. Akmang babatukan siya ng kaibigan kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo. Habang nakatayo siya at nakatingin sa pregnancy test, ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya dahil sa kaba at excitement sa magiging resulta niyon. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya panagutan ni Gael dahil alam niya kung gaano siya nito kaayaw at excitement siya dahil lahat gagawin niya para panagutan nito ang baby kung ma-confirm niya iyon. Bumuga siya ng hangin bago umupo sa toilet para kumuha ng urine sample para sa test. Habang ginagawa niya iyon, pigil hininga siya. Alam niyang magiging malaking balita iyon kapag nagkataon at wala siyang pakialam dahil isa lang naman ang gusto niya, ang pakasalan ni Gael. Nanginginig pa ang kamay niya habang pinapatak ang urine sample sa pregnancy test. Napalunok siya habang naghihintay sa magiging resulta niyon. Ilang minuto pa siyang nag-abang sa guhit na nasa bagay na hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dalawang guhit sa pregnancy test. "OMG! This is real! I'm pregnant!" Ang labis na gulat na bumakas sa mukha niya, napalitan ng matinding saya at excitement dahil totoo nga na nabuntis siya ni Gael. Magkakanak na sila at wala na itong magagawa kung 'di ang pakasalan siya. Hindi mapawi ang ngiti sa labi niya. Nang makabawi si Tallulah, agad siyang lumabas ng banyo. Nadatnan niya si Brielle na nakaupo sa gilid ng kama. Nagulat ito nang yakapin niya ang kaibigan at nagtatalon siya. "I'm pregnant, Brielle. Buntis ako at si Kuya Gael ang ama! This is real, I'll be Mrs. Ramirez soon!" Humiwalay siya at excited na pinakita ang pregnancy test na may dalawang guhit. Imbis na matuwa si Brielle, hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya na tila ba hindi normal ang naging reaction niya. "Seriously, Tali masaya ka pa na buntis ka? It will ruin your dreams. Masyado ka pang bata at nag-aaral ka and yet you're happy with this pregnancy? Tali, you're such a crazy woman!" naiiling na sabi ng kaibigan niya na hindi makapaniwala sa naging reaction niya. Ngumuso siya. "Why should I not be happy, Brielle? Blessings ito para sa amin ni Kuya Gael at wala na siyang magagawa but to marry me dahil magkaka-baby na kami. Pwede naman akong mag-aral ulit after ko manganak, 'di ba? And besides, kapag mag-asawa na kami ni Kuya Gael, handa akong pagsilbihan siya habang buhay so bakit kailangan ko pang mag-aral?" katuwiran niya. Nasapo ni Brielle ang noo. Kulang na lang ay atakihin ito sa puso dahil sa mga sinabi niya. Nawawala na talaga siya sa katinuan. "You're out of your mind, Tali! Ano bang naisip mo para gawin ito? Sa tingin mo dahil buntis ka, papakasalan ka na ni Kuya Gael? O kung makuha mo siya sigurado ka bang mamahalin ka niya? O baka habang buhay na magtitiis ka sa galit niya sa 'yo." Natigilan siya. "W-wala na siyang magagawa kung 'di pakasalan ako. Hindi rin papayag si Mom and Dad na hindi niya ako panagutan lalo't buntis ako." Sa kabila niyon, may lungkot at sakit siyang naramdamang dahil sa katotohanang iyon. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! Kung may sakit lang ako sa puso, baka inatake na ako sa kagagahan mo. Alam mong hindi ka mahal ni Kuya Gael, may pangarap pa 'yong tao tapos gusto mong itali sa 'yo? Sa tingin mo kaya ka niyang panagutan kung kinamumuhian ka niya? You might ruin his life dahil sa ginagawa mo at kung mahal mo siya, hindi mo dapat 'to ginagawa." "I love him that's why I'm doing this, Brielle. Kahit na kinamumuhian niya ako, wala siyang magagawa kung 'di panagutan ang bata. Hindi naman pwedeng tumakbo siya sa pananagutan niya." "Pananagutan niya?" Bumuntong-hininga si Brielle. "Alam mo, Tali you're my best friend at alam mong sinusuportahan kita sa maraming bagay pero this time, I can't support you. Hindi ito tama at sa huli, ikaw lang din ang masasaktan dahil sa kahibangan mo." Bakas ang pagkadismaya kay Brielle. Kumibit-balikat pa ito bago naglakad palabas ng silid. Ngumuso siya habang nakatingin sa palayong kaibigan. "Kahit ano'ng sabihin ninyo, hindi ako makikinig. I love Kuya Gael so much at dapat kaming makasal dahil nabuntis niya ako. Baka inggit lang 'yang si Brielle dahil ako ang nabuntis ni Kuya Gael." Ngumiti na lang siya at muling tiningnan ang hawak na pregnancy test. "Excited na akong maging Mrs. Ramirez." — "W-WHAT? T-totoo ba ang sinabi mo, Anak?" hindi makapaniwalang tanong ni Caroline matapos aminin ni Tallulah ang tungkol sa pagbubuntis niya. "Hindi ito magandang biro, Tali," ani naman ni Gilberto habang nakaupo ito sa sala katabi ang kaniyang ina. Nakayuko lang siya at kinakabahan sa pwedeng maging reaction ng kaniyang mga magulang. Tumango siya. "I took pregnancy test, Mom, Dad at positive ako," malumanay niyang pagtatapat. "Oh my God, Tali! Ano 'tong pinasok mo?" nababahalang ani Caroline. Bumaling ito sa asawa. "Hon, what should we do now? Nabuntis ni Gael ang anak mo at hindi naman pwedeng hindi niya panagutan ang anak natin. Ayaw kong maging disgrasyada siya. Malaking kahihiyan ito sa pamilya natin." Napabuga ng hangin si Gilberto. Tumayo ito sa pagkakaupo at napamaywang. "Hindi ka ba nag-iisip, Tallulah? Hindi mo man lang inisip ang pwede mangyari sa ginawa mo, ang kahihiyan na pwedeng idulot nito sa pamilya natin. Paano ka ngayon? Ang pag-aaral mo? Ang pangarap ni Gael? Damn! Ano'ng mangyayari sa inyo ngayon? Masyado ka pang bata, marami pa kaming pangarap para sa iyo." Bakas ang disappointment sa boses nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nag-angat siya ng tingin sa kaniyang ama. "Gusto ko pong pakasalan ako ni Kuya Gael, Dad. P-pwede naman po akong mag-aral after kong manganak at pwede naman pong ipagpatuloy ni Kuya Gael ang pangarap niya habang mag-asawa kami. I will support him." Napasinghap si Gilberto. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tallulah? Sa tingin mo ang pag-aasawa ganoon lang kadali na you can still do what you want? Once you get married, maraming magbabago at sa tingin mo magagawa mo pang mag-aral habang abala ka sa anak mo? Si Gael, matutuloy ba niya ang pangarap niya kung ang pamilya niya ang kailangan niyang isipin? Hindi biro ang pag-aasawa na parang nagbabahay-bahayan ka lang. Tallulah naman, mag-isip ka bago ka gumawa ng mga desisyon mo sa buhay." "Hon, huwag mo nang pagalitan ang anak mo. Nangyari na iyon at wala na tayong magagawa kung 'di tanggapin ang lahat. Nandiyan na 'yan, eh," sabi ni Caroline. "Please, Dad convince Kuya Gael to marry me. Hindi pwedeng talikuran niya ang responsibilidad niya sa anak namin. Kailangan niya akong pakasalan sa ayaw at sa gusto niya." "Kasal? Wala ka na bang ibang gusto bukod sa makasal kay Gael, huh? Paano kung hindi siya pumayag?" "Then do everything, Dad para pumayag siya dahil kailangan niya akong pakasalan." "Tallulah, you're crazy! Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa iyo habang lumalaki ka. Marahil kasalanan ko rin dahil sa inuna ko ang negosyo kaysa ang subaybayan ka sa paglaki mo. This is not what I'm expected from you, Tallulah dahil ikaw lang ang nag-iisang anak ko." "Hon, please don't blame yourself. Wala na tayong magagawa and besides tama ang anak mo, dapat siyang panagutan ni Gael. Kung no'ng una hindi tayo pumayag sa gusto ng anak mo, pero this time, iba na ang sitwasyon, buntis na si Tali," sabat ni Caroline. Marahan nitong hinawakan sa kamay ang asawa. Umiling si Gilberto. "Hindi ko rin naman gustong maging disgrasyada ka, kaya pipilitin ko si Gael na panagutan ka," pagpayag nito sa huli. "Talaga, Dad?" Hindi na niya naitago ang saya at excitement. Nilapitan niya ang kaniyang ama at mahigpit itong niyakap. "Thank you, Dad!" Hindi na siya makapaghintay pa na maging ganap na Mrs. Ramirez. Excited na rin siyang ipaalam kay Gael ang tungkol sa baby nila. 'Hindi na kita pakakawalan, Kuya Gael,' bulong ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD