NANB 8: Pagpayag

2017 Words

DAHAN-DAHAN binukas ni Tallulah ang mga mata niya pero agad niyang nasapo ang kaniyang ulo dahil sa pagkirot niyon. Naramdaman din niya ang pagkahilo at bigat ng katawan niya. "M-Mom," tawag niya sa kaniyang ina. Inaninag niya ang paligid at halos puti ang nakita niya. Kinabahan siya. Nasa langit na ba siya? "M-Mom, D-Dad? K-Kuya Gael?" muli niyang tawag. Mayamaya'y mas luminaw na ang paningin niya at napagtanto niyang nasa silid siya at nakahiga sa hospital bed. "T-Tali, anak!" narinig niyang boses ni Caroline. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. Bumaling siya sa kaniyang ina at tumambad ito sa kaniya habang nasa likod nito si Gilberto. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya tinuloy nang maramdaman niya ang hilo at sakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD