BUMUNTONG-HININGA si Tallulah nang makaakyat siya sa second floor ng mansyon. Bumuga pa siya ng hangin bago kumatok sa silid ni Gael. "Sir, si Tali po ito," pakilala niya. Wala siyang natanggap na response mula sa binata kaya nagpasiya na siyang buksan ang pinto at pumasok doon. Nadatnan niya itong nakatayo at kinakapa ang paligid. May kukunin ata ito pero hindi naman nito alam kung nasaan na itong bahagi ng silid. "Sir, kailangan niyo po ng tulong?" lakas-loob niyang tanong. "Did I asked your help?" masungit nitong sagot. Napakamot siya sa noo. Minsan, naiinis na rin talaga siya sa kasungitan ni Gael. Gusto niya itong sipain para mabagok ang ulo at maging mabait sa kaniya. Ngumuso siya. Imbis na mainis, natawa siya nang pumihit ito at humarap sa pader ng silid. Pinigilan niyang mapa