"SIR, I already prepared your clothes," ani Tallulah habang nakaupo lang si Gael sa sofa, sa loob ng silid nito. Matapos nang nangyari kanina, hindi na rin ito umimik na tila nagpipigil lang sa sarili nito. Nahihiya siyang tumungo. "Sir, gusto niyo po bang samahan ko na kayo sa banyo?" lakas-loob niyang tanong dahil alam niya ang kalagayan ng binata. Mahihirapan ito at baka madulas pa ito sa loob ng bathroom. Mabuti kung nandoon siya para mabantayan ito. Gulat na bumaling ito sa kaniya. Kumunot ang noo ni Gael. "What? Are you crazy?" Suminghap ito. "You don't need help me, kaya ko ang sarili ko," kapagkuwa'y seryoso nitong sabi. Umiwas ulit ito ng tingin sa kaniya. "Hindi pa ba dumarating si Mommy?" tanong pa nito. "Hindi pa po, Sir sabi po ni Ate Mary baka mamayang gabi pa raw ang uwi n